Quantcast
Channel: (Kolum) – Pinoy Weekly
Viewing all 532 articles
Browse latest View live

In Juan’s Land

$
0
0

in juan’s land
being a nationalist is a mortal sin.
you might be abandoned in a shrubby lot
or in some pungent dumpsites
feasting on your butchered corpse
with exposed brain and entrails
troops of murmuring flies
and crawling hungry ants.
you might be lost forevermore
when cemented in a drum
left to rot and decompose
in the ocean’s grave-like mouth.

always remember in juan’s land
never tell the truth.
just believe the economy’s good
though porridge and salt
often fill-up the belly
of so many unfortunates
though daily multiplying
the scavengers of trash bins
to eat anything and survive the day
though many parade in tattered clothes
and seem lost in poverty’s harsh jungle
or the grassy parks their waiting bed
or sacrificing to be enslaved
in some cruel foreign lands.
just always think life is sweet
in every rising of the sun
in juan’s land.
make it a habit to raise your hands
praise to high heaven the demigods
as they always say
glorious is life
in the land of juan.

in juan’s land
never reveal to the masses
the mystery and hocus pocus
of the plunderers of public fund.
never let out from your throat
injustices and greediness
of the bastardly ruling class.
your tongue might be slashed
teeth sawed-off
eyes gouged-out
lips screwed and bashed.

in juan’s land
never, never emphatize
with the liberating aspirations
of the toiling workers and peasants.
never unite with the exploited class
being continuously enslaved
by the rotten, loony system.
never be one
with their reverberating protests
against society’s pests.
you’ll be branded
a subversive and terrorist
a grave threat to the security
of the jelly-like republic.

in juan’s land
brutal are the state’s centurions.
so don’t be hardheaded
when picked-up and arrested
and fortunate enough
to be incarcerated
nameless desaparecido you’re not
you’ll be tortured by the fascists
and the forces of evil
forcing you to admit you’re a rebel
against the sanctity of the state.
your face will be shoved into
the toilet bowl full of vowels.
you’ll be made to lie down nude
on a block of thick ice
you’ll be forced to drink more and more
yellowish liquid germs-full
till your belly bulges and rebels
then the devil will stomp on it
till you admit the fabricated charges.
eloctrocuted sometimes are your balls
or inserted into the penis hole
a newly-lighted matchstick
or tied tightly on its soft head
the string of a broken guitar.

oh, god of abraham
lascivious are the state’s centurions.
if you’re a lady inside
a stinking detention cell
they’ll fondle your vagina and breast.
they’ll rape you repeatedly.
after the bastard gasped for breath
and done with his uncontrollable lust
he would even insert
and leave inside your genital
any empty bottle he so desired.

it’s really common in juan’s land
to torture and repress
the lovers of justice and righteousness
and deny them the democratic processes.
only the men of the exploiters
scheming lords and greedy rulers
even the clowns and magicians
in the palace of mammonism
are, yes, always blessed
while bleeding dry the people’s blood
and masticating their flesh and limbs
by always masquerading as nationalists
on the stage of brazen lies
continuously hoodwinking the people
through empty promises
of an illusionary good life
and sweet-scented future for all
in juan’s barren land.
yes, very usual in the land of juan
those traitors to the national welfare
and interests of the common man
those thieves in towns and cities
are the ones feasting on the table
of detestable power and privileges
and arrogantly proclaiming still
they ardently love this wretched land.

in juan’s land
that’s the order of things
love of country is a mortal sin
much more to speak the truth.
but it will not prevail forevermore
in the land of juan.
glaring is the blazing fire in the east
and rising from the darkness
of the past and gloomy night
the long-oppressed slaves
to finally liberate themselves!


No More Will I Pay You A Visit

$
0
0

(In memory of a departed comrade)

 

no more will i pay you a visit
on your last moments of heroic struggle
against the world of grief
i know now or tomorrow
or on a day in this rainy month of july
you’ll suddenly leave
the defiant bloody struggle
you’ve embraced against
the exploitative ruling class
no more will i pay you a visit
though i still wish to see
your stares full of sacred aspirations
those two emerald eyes
glittering with flaming
and undying love of country
those lips always expressing
the rebellious sentiments of an oppressed race.

no more will i pay you a visit
now that your breath is being sucked up
by the tender wind kissing your haggard face
a face full of determination
to carry-on the struggle
for the freedom and glory
of the masses and beloved land
which you so fervently desired
during so many nights of vigil
for sure, i know,
you’ll not shed a tear on your impending death
but you’ll consider it your great honor
that you’ve poured your sweat and blood
on the yellowish grass
and the land made barren
by the forces of darkness
of abusive power and injustices
i know the tender or whirling wind
will always be humming
the lyrics and melodies of your legendary life
so gladly dedicated to your beloved land.

no more will i pay you a visit
now that the fireflies are gone
now that the rolling clouds
are embracing the breast of darkness
enough for me to be with you
in our intertwining memories
enough for me to be with you
in crimson gumamela flowers
in crawling cadena de amor vines
on hills and mountain slopes of hope
and in crying amarillos
jumbled cogon and wild grass
along the savannah of love
though your body will soon be buried
in a waiting lonely grave
unmarked even by a wooden cross
nameless and no epitaph on gravestone
our eyes would still meet
our blood would still mix
our veins would still be conjoined
in every heart of the dispossessed
in every tear and sob of the enslaved
whether in cities or fields of grief.

our rumbling voices still would sing
the fragrant lyrics of freedom
for our incarcerated and suffering
beloved la tierra pobreza!

Tayo si Mary Jane

$
0
0

Literal na binibilang natin ang oras bago bawian ng buhay ng gobyerno ng Indonesia si Mary Jane Veloso sa kasong drug trafficking. Hanggang sa ngayon, hindi pa rin nakikinig si Pang. Joko Widodo ng Indonesia sa panawagan hindi lamang ng kaanak ni Mary Jane at mga mamamayang Pilipino kundi ng mga mamamayan ng Indonesia at international community.

Habang nasa vigil kami kasama ng iba’t iba sektor sa tapat ng Indonesian Embassy sa Makati kagabi, pilit na pinapaalis ang mga tagasuporta ni Mary Jane. Hinahanapan kami ng permit sa araw na walang opisina. At bigla-bigla, dumating ang sandamakmak na pulis na humigit-kumulang 50 na may dalang shield at ihaharap sa mga mamamayang tanging dala ay kandila, panalangin, at panawagan sa mga gobyerno ng Indonesia at Pilipinas na huwag ng ituloy ang hatol kay Mary Jane.

Napakalapit sa akin ng isyu ng mga migrante tulad ni Mary Jane, isang ina, kapatid at anak. Ang tatay ko ay isang seaman, ang nanay ko ay isang dating domestic helper sa Hong Kong, ang mga pinsan ko ay nasa Dubai, may mga tiyo at tiya akong nasa Canada, Hong Kong, Saudi Arabia, at Singapore at ilang malalapit na kaibigang naghahanapbuhay sa ibang bansa.

Si Mary Jane ay anak ng isang manggagawang-bukid o sakada sa Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng angkan ni Pang. Noynoy Aquino. Kalunus-lunos ang kalagayan ng mga sakada ng Luisita na nagtitiis sa barya-baryang pasahod habang nagpapasasa ang mga Conjuangco-Aquino sa yamang nililikha ng mga tulad ng tatay ni Mary Jane.

Dahil na rin sa sobrang kahirapan sa kanayunan, napilitang makipagsapalaran si Mary Jane sa Dubai bilang domestic worker ngunit bumalik makaraan ng ilang buwan dahil pinagtangkaan siyang gahasain. Muling nagbaka sakali si Mary Jane sa Malaysia. Ngunit ‘di niya alam na siya’y lolokohin ng isang kaibigan.

Si Cristina Sergio, kinakasama ng kinakapatid ni Mary Jane, ang nagrekrut at nagpakilala sa isang lalaking Aprikano sa Malaysia kay Mary Jane at inutusang dalhin ang maletang may lamang heroin. Hindi alam ni Mary Jane na may lamang droga ang bagaheng ipinadala sa kanya dahil nakatago ito sa lining ng maleta. Ang sabi sa kanya, magbabakasyon lang daw sa Indonesia tsaka babalik sa Malaysia para muling maghanap ng trabaho. Ngunit paglapag ng Indonesia, nahuli, nilitis, at nahatulan ng kamatayan si Mary Jane noong 2010, taon kung kailan nailuklok sa puwesto si Aquino. Ito’y isang trahedya hindi lamang sa pamilya ni Mary Jane ang kanyang sinapit, kundi maging sa mga mamamayang Pilipino.

Iniisip ko habang nasa vigil ako na kahit kaninong migrante ay maaaring mangyari ang nangyari kay Mary Jane. Naluluha na ko habang nagbibigay ng mensahe ng pagsuporta sa pamilya ni Mary Jane.

Hindi natin maaaring sabihing, “Ang tanga naman niya. Bakit ‘di muna niya tiningnan ang laman ng maleta? Bakit ‘di muna niya sinigurado na ligal ang pagpasok niya sa Malaysia at Indonesia?” Mga kababayan at kaibigan, hindi kasalanan ni Mary Jane at ng iba pang migrante na wala silang mahanap na disenteng trabaho at nakabubuhay na sahod sa loob ng bansa. Hindi kasalanan ni Mary Jane na maging mahirap. Hindi kasalanan ni Mary Jane na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral.

Ang babata pa ng dalawang anak na lalaki ni Mary Jane. Hindi ko maisip kung anong uri ng kalungkutan ang nararamdaman nila. Mahirap na ngang umalis ang iyong magulang para magtrabaho sa ibang bansa, paano pa kaya na malaman mo na papatayin ang iyong ina dahil sa kasalanang ‘di naman niya ginawa?

Sa patuloy na pagtutulak ng rehimeng Aquino sa programang K-12 at labor-export policy, lalo lamang palalalain ng gobyerno ang kalagayan ng mga manggagawa at migranteng Pilipino. Ang tugon ni Aquino sa kawalang ng hanapbuhay sa Pilipinas? Mag-abroad at magpakaalipin sa mga dayuhan! Ang galing, ano? Lalong dadami ang mga mangingibang bayan sa murang edad pagkatapos ng senior high school dahil walang trabaho kayang likhain ang pamahalaan sa loob ng bansa. Hindi na natuto sa kaso ni Flor Contemplacion na nahatulan rin kamatayan sa Singapore noong 1995. At 20 taon ang nakalipas, mayroong Mary Jane Veloso na isang biktima ng human trafficking at krisis ng lipunang Pilipino.

Kumilos tayo habang may oras pang nalalabi sa buhay ng ating kababayan. Huwag nating hayaan na isa na naming inosenteng buhay ang kitilin dahil lamang sa kapabayaan ng isang pamahalaang wala ng ginawa kundi magpapogi sa mga amo nitong dayuhan habang unti-unting pinapatay ang kanyang mga mamamayan. Sama-sama nating ipanawagan kay Pang. Joko Widodo na huwag ng ituloy ang pagpatay kay Mary Jane, dinggin muli ang kanyang kaso at sa maksimum, bigyan ng clemency at pardon at pauwiin sa kanyang pamilya.

Not The Month Of Flowers Is May

$
0
0

(For Labor Day and the continuing struggle of the working class)

NOT THE MONTH OF FLOWERS IS MAY

not the month of flowers is may
or the procession of flirting queens
it’s not also the month of lavish fiestas
in honor of numerous venerated saints
instead it’s the blood shedding
of the likes of crisanto evangelista
of the marxist labor party
it’s the revolt of the bert olalias and crispin beltrans
of the fiery may 1 movement
yes, it’s the unfurling of red flags
by the exploited working class
it’s the rumbling of thousands of feet
on the heaving street of mendiola
it’s the reverberations in the air
of the liberating message
of the “internationale”
it’s the month the anger of clenched fists
would be dynamites loudly exploding
and the feverish wind would carry on its wings
the collective hatred of so many fathers
the lamentations of so many mothers
and the cries of twisted intestines
could the lord of sorrows hear
the grief of an oppressed race?

yes, may is not the month of flowers
it’s the decades of may of falling tears
sprinkling the yellowish grass
so the stunted growth of fervent hopes
may finally grow and bloom
it’s the month of continuing struggle
against the exploitative class
and cohorts of injustices
it’s the month of strengthening the united front
for the coming dark nights of vigil
it’s the tight linking of arms
of the oppressed-downtrodden class
till they trek the mountain trails
and whisper to the hissing bullets
the laments of seething brains
and transform into piercing arrows
the class dignity of a race
and aim and shoot them deep
to the hearts of greedy demigods
who always embrace the vault of wealth
and see nothing but the glitter of gold
never hearing the pulsating bleeding hearts
of the long-oppressed wretched class.

yes, not the month of flowers is may
it’s our climbing up
the bloody mountain trails
and “we have nothing to lose but our chains!”


(Para sa Araw ng Paggawa at patuloy na pakikibaka ng uring manggagawa)

MAYO’Y DI BUWAN NG MGA BULAKLAK

di buwan ng mga bulaklak ang mayo
o prusisyon ng malanding reyna elena
di rin ito panahon ng marangyang pista
para sa kung sinu-sinong santo’t santa
buwan ito ng pagtitigis ng dugo
ng mga crisanto evangelista
ng partido obrerong marxista
paghihimagsik ito ng mga bert olalia’t crispin beltran
ng maalab na kilusang mayo uno
oo, pagbaha ito ng pulang mga bandila
ng inaaliping uring manggagawa
ito’y pagdagundong ng libu-libong mga paa
sa umaalong kalsada ng mendiola
ito’y pag-ilanlang sa hangin
ng sumisingasing na “internationale”
ito’y buwang dinamitang sasambulat
himagsik ng nakatikom na mga kamao
ilululan sa nilalagnat na hangin
natipong ngitngit ng mga ama
umalagwang hagulhol ng mga ina
daing ng napilipit na mga bituka
ngunit marinig kaya ng mga panginoon ng dusa
dalamhati ng lahi ng uring dinusta?

oo, mayo’y di buwan ng mga bulaklak
deka-dekada nang pagdidilig ito ng luha
sa matimyas na hangaring manariwa
binansot-naluoy na mga pag-asa
ito’y buwan ng di matapos na pakikibaka
laban sa uring mapagsamantala
at mga basalyos ng inhustisya
ito’y pagpapatibay ng nagkakaisang hanay
para sa pusikit na gabi ng paglalamay
ito’y pagkakawit-bisig
ng uring busabos at dayukdok
hanggang tahakin ang bundok
at isumbong sa mga punglo
tagulaylay ng utak na kumukulo
dignidad ng uri’y gagawing palaso
itutudla sa balighong puso
ng mga diyus-diyosang walang niyayakap
kundi bundat na baul ng pilak
walang nakikita kundi alindog ng ginto
at ni ayaw dinggin ang tibok ng puso
ng uring dinusta’t nilamon ang laman
nilagok ang dugo’t nginasab ang tiyan.

oo, di nga buwan
ng mga bulaklak ang mayo
ito’y pagsalunga sa madugong kalbaryo
at sa ati’y “wala nang mawawala kundi tanikala!”

(my original version in filipino)

‘Let us not let them down again’| Monique Wilson on Nanay Celia Veloso

$
0
0
Monique with Nanay Celia in Cilacap, Indonesia. Photo courtesy of the author.

Monique with Nanay Celia in Cilacap, Indonesia. Photo courtesy of the author.

(Yesterday, May 1, the day the Veloso family arrived back in Manila after a successful worldwide campaign to secure a stay of execution of Mary Jane Veloso, Mary Jane’s mother, Celia and the Veloso family became a subject of a vicious social media “hate” campaign to discredit them and the Filipino migrants’ organization Migrante International. Celia, in a press conference at the Migrante office in Quezon City in the morning, criticized the Aquino administration for its five-year, foot-dragging on Mary Jane’s case. The family, then, graced the huge rally in Mendiola commemorating Labor Day, and once again spoke about the injustices done to Mary Jane and her family by embassy and government officials. Renowned theater artist and activist Monique Wilson was in Indonesia when the Veloso family, some of their supporters and members of their legal team arrived in Jakarta to make last-ditch legal and political efforts to save Mary Jane from the firing squad. Monique accompanied the family and the support team until Mary Jane’s successful stay of execution. Here is an article she wrote about it, in response to the hate campaign against the Velosos. -Ed.)

I was with Nanay Celia, Mary Jane Veloso’s mother, when I spent three days with the family in Cilacap, Indonesia, in the the days leading up to and right after, the scheduled execution that got suspended.

I am in utter shock, disbelief and disgust at the lack of compassion, comprehension of facts, and empathy of some people who are hitting the Veloso family for having the courage to speak the truth, and for holding our government accountable for their criminal neglect and abandonment of Mary Jane — when it is their right to do all these after everything their family has suffered. They have a right to their rage and to their pain, and a right to expose all the obstructions to justice caused by our government that kept Mary Jane languishing in jail for five years and where she continues to sit. Five years that Nanay will never get back with her “bunso“, and five years young Macmac and little Darren will never get back with their Mama.

I urge netizens not just to know the full story first (and the story does not merely begin in the hour leading up to her suspended execution), but to look at the entire CONTEXT of the case, to more importantly, to also IMAGINE if this happened to you and to your loved one. Would your pain not make you rage too? Would you not be shouting even louder than Nanay Celia for what you felt were your privileges?

I met Nanay Celia for the first time last Monday when I arrived to be with my close friends at Migrante. She cried for almost thirty minutes in my arms, this amazing woman whom I did not know but who could have been my own mother, and whose pain I could touch but whose depths of sorrow and suffering I could really only imagine. I have never been inside all the stories she shared with me for the next three days: The extreme poverty, one hardship after the other, the blatant class discrimination the family experienced their whole lives, and leading up to the hands of government officials who mishandled the case. From being patronized, being given the run around, being ignored, being blamed, and where their own Philippine lawyer, Atty Edre Olalia was being kept from them — and much of this I myself witnessed in Cilacap — the way they were treated by government and embassy officials — like the family had no agency over their decision making, how they were talked down on as if they had no value, how they were always being made to feel grateful for the food, for the hotel, for the van — when in fact, this is all owed to them and much more.

Temporary reprieve, temporary respite. Fight not yet over. The Veloso family with Connie Bragas-Regalado of Migrante International, Atty.Edre Olalia of the National Union of Peoples' Lawyers, Ini Iwenk of Indonesian migrant group ATKI and other Indonesian colleagues and Monique Wilson of One Billion Rising and Gabriela. Taken in Yogjakarta, Indonesia. Photo courtesy: <b>Save the Life of Mary Jane Veloso</b> FB page

Temporary reprieve, temporary respite. Fight not yet over. The Veloso family with Connie Bragas-Regalado of Migrante International, Atty.Edre Olalia of the National Union of Peoples’ Lawyers, Ini Iwenk of Indonesian migrant group ATKI and other Indonesian colleagues and Monique Wilson of One Billion Rising and Gabriela. Taken in Yogjakarta, Indonesia. Photo courtesy: Save the Life of Mary Jane Veloso FB page

The way they were treated, condescendingly and with little or no value, truly and honestly because they are poor. (The deplorable patronizing ways of the Department of Foreign Affairs people and embassy officials towards them which I witnessed there is another long story which I will share shortly). I have never seen any other family go through what I witnessed the Veloso family go through in the three days I was with them. The intense roller-coaster ride of every conceivable emotion, over and over again. And the grace and humility and love and gratitude in which they went through all that with moved me to tears the whole time, and deepened my respect for the family who behaved with so much DIGNITY despite their ordeal and their unimaginable pain.

They are real people, and simply with aspirations for their daughter, for their children and grandchildren, to live some life of dignity and respect and value. Everything we, those of us who were born with privilege, take for granted everyday because we know they are our right. Because we have always lived with them and never had to fight or struggle to gain them.

Nanay Celia and the Veloso family deserve our support. They have been through hell and back. Let us not be part of their continued suffering by casting judgments and aspersions on their experience and pain, of which we have no right to speak. Let us not let our petty bourgeois upbringing, from our perches of privilege, lead us to do even more classist, discriminatory attacks, the likes of which they have already been experiencing all their lives.

Let us not be the ones to let them down again.

The article was originally posted in Monique Wilson’s Facebook account.

#FiringSquadforCeliaVeloso: New low for PH journalism

$
0
0

komentaryoI almost do not want to type the words #FiringSquadforCeliaVeloso. It brings for me an avalanche of shame and anger—shame for my countrymen, who have seemingly lost all sense of decency, and anger at, well, almost everything that brought Mary Jane Veloso to the brink of death and moved sympathizers around the world to act up until the last-minute reprieve, early morning of April 29.

Three days after, Philippine Daily Inquirer comes out with a report that “the tide has shifted”–from overwhelming support for Mary Jane and her family, to that of disdain and outright violent calls for their execution. All  simply because the Velosos dared to criticize President Aquino—a right of every citizen, more so of those who have been highly aggrieved.

It is “public opinion” that is difficult to swallow: #BitayinNaYan sounds something like only a soulless person would say, and I refuse to believe that that many Filipinos have traded their souls for access to the internet and the opportunity to trend on Twitter. So I took a peek at the timelines of some of these “netizens” to try to get to know how these people think, as their apparent barbarism confused me.

The first “netizen” that PDI quoted was a certain Stewart Sotto, who supposedly used the hashtags #ItuloyAngBitay and #IsamaSiNanay.  This is the whole of his Facebook post:

"Stewart Sotto"

So he’s an obvious anti-communist—that was conveniently omitted in the Inquirer report. I then took to Twitter to randomly search for netizens advocating #FiringSquadforCeliaVeloso and stumbled upon @JMiguelO, who has for his profile a photo of a guy’s naked chest and no further information. With a total of 10.7K tweets, he sure does have a lot of time on his hands, spewing vitriol like this:

JMiguel

Interestingly, he also often takes to attacking what the media calls “militant groups,” with no other basis than the anti-communist line.

JMiguel2

Also using the hashtag #ItuloyAngBitay is @lehmargaretjoy1. She created her account on April 16, and of the 31 tweets that she has sent, almost half bashes the Veloso family. Her cover photo is that of a Japanese cartoon, and no other information is available.

Dream Pearl

Aside from anti-communist posts, another thing these “netizens” have in common–if you scroll down their timelines far enough–is an enormous amount of anti-Binay posts. Most likely, these are the same “yellow trolls” most active in vilifying the vice-president online (thus making sure he poses no threat, politically, to the president).

This is not to say that everyone who bashed Celia Veloso was a troll—I did see real persons posting, expressing close to the same sentiment, using the hashtag #Ingrata. But it does seem highly plausible that the most vicious attacks on the Veloso family was a move instigated by trolls, also known as “government shills” in social media.

According to a research paper entitled Practical Steps for Dealing with Government Shills in Social Media by Hadrian Mâr Élijah Bar Israël of the Libertarian Center for Peace and Justice, “The United States and other governments are now using advanced propaganda campaigns, aided by years of psychological studies to train shills to troll the Internet and actively change our national (and international) narrative….these are ‘seemingly random antagonizers who always end up diverting the conversation in an online chat room or article comment section away from the issue at hand, and towards a much different agenda.’”

Israël lists several ways to identify government shills. First, “Their profiles rarely have photos of themselves on their profiles or much personal information.” Second, “They use foul, offensive and often racist language without needing to. In part to overcompensate for their lack of knowledge or interest in the specific subject, and in part to stigmatise those weaker persons who are scared to be called names online.” (In the case of Celia Veloso, the victim is so marginalized she doesn’t even have her own social media account to defend herself.)

That the online demonization of Celia Veloso is a desperate and calculated move by government shills mobilized by the Aquino government’s communications team (the former head of which you have suddenly appearing out of the blue and being quoted by PDI), seems to me the only logical explanation to the seemingly abrupt shift in public sentiment–unless we are ready to accept that we are, indeed, a nation of heartless schizophrenics.

But the question begs to be asked–will such an online smear campaign succeed without the participation of big media outfits? I think not. Fact is, things that go “viral” on social media are only legitimized once picked up by the “reputable” mainstream media.

And this is where Philippine journalism–at least the one that splashed the hashtag #FiringSquadForCeliaVeloso all over its front page–utterly failed us. If there is one thing taught in journalism school that I agree with wholeheartedly, it is that the media has an obligation to lead and responsibly shape public opinion. Instead, for breakfast, it made us digest as legitimate news and views the kind of irresponsible and insensitive trash talk usually only found in troll havens, or the comments section of online news articles.

One could have chalked it up to a merely sensationalist bent– after all, this is the same newspaper that “killed” Mary Jane in their April 29 headline, a major blunder that will go down infamously in journalism history. But then came another headline, Militants use Velosos in labor protest rallies. The story itself is faultless, a fair account of the Labor Day protests and the Veloso family’s participation. The story itself served to amplify the lack of basis and maliciousness of how the headline was written. This is, I think, a new low for the newspaper, the obvious making not so much of its reporters, but those in its highest echelons.

With disregard for the most obvious facts of the Veloso case (a conviction based on government neglect), and in violation of even the most formalist standards of journalism (which says you do not put in the headline what is not in your story), the Philippine Daily Inquirer allowed itself to drown in the very muck of “public opinion.” At worst, it allowed itself to be “used” (employing their own term) by government spinners. At best, it was remiss in its basic duty to enlighten the public, instead pandering to the vulgar and the uninformed.

The thing that saddens me most about what has transpired online since I first joyfully typed the hashtag #MaryJaneLives, is the disunity that it has sown among the same people who just a few days ago exhibited an inspiring show of unity. For a few, brief elatory moments, we Filipinos were on top of the world. We saved from imminent death our kababayan Mary Jane, who symbolizes the deepest exploitation of our most commonly-held dreams. We made 200,000 individuals from more than a hundred countries rally to our cause. We caught the attention of celebrities like Angelina Jolie and Axl Rose. Indonesians interceded and cried in front of their own president, for us. Through everyone’s effort—yes, including President Aquino’s, when it was obvious that he needed to step it up—we made a foreign government listen and act.

What was the first thing Aquino did the next day? Instead of taking the chance to unite the nation over a rare collective victory, instead of thanking everyone around the world who helped save Mary Jane (and his sagging popularity, following the Mamasapano tragedy), he was ungrateful. Instead of begging the Veloso family for forgiveness over their years of neglect that led to such a close call, the government unleashed an army of trolls, and otherwise did everything in its power to make it seem that the people were willing to shoot in the head victims who have just been through the wringer, in defense of a president who acted only at the very last minute. Imagine that.

To be fair, not all media outfits played Aquino’s blatantly cruel game. In fact, I think only PDI did, for reasons I will not pretend to know. It gives me a sense of relief that other big media outfits seem to be pressing on with reports on the developments of the case. Lest anyone forget, Mary Jane is still on death row—so are 87 other Overseas Filipino Workers. The duty of every journalist is to uncover and report all facts truthfully, to dispel the lack of information that allowed an innocent woman to languish in jail for five years, as well as the disinformation that has further brought her family unnecessary pain, and which may yet lead Mary Jane to the firing squad.

The real people who have called Celia Veloso “ingrate” say that they are apparently miffed and baffled over her statement that Aquino owes their family (“maniningil kami”). To journalists, this makes some sense. Even the most cursory study of Mary Jane’s case–the details of which were brought to light only by their “handlers,” Migrante and National Union of People’s Lawyers, mind you–reveals the extent of neglect that the Veloso family has suffered. And yet this information seemingly has not reached the larger public that the mainstream media is supposed to serve.

Is that the fault of migrant groups, the lawyers, or the Veloso family? Or is that the fault of the government–which covered up for its own negligence, which ordered the Velosos not to speak about the case, and which even maligned the family and Mary Jane herself? And what of the media–how has it treated the information it has received from both sides? Did it verify? Did it discredit the information it certainly knew not to be true? Did it surface the most relevant facts? Did it help enlighten, or did it contribute to the obfuscation of the truth, the sensationalism of lies, leading to where we are now?

The only good news is there is no new low after #FiringSquadForCeliaVeloso. There couldn’t and shouldn’t be. All those who claim to be sincere in helping Mary Jane must now work to bring her back home. For the media, this means at least bringing decency back to the headlines.

Mary Jane

$
0
0

“Literature can train, and exercise, our ability to weep for those who are not us or ours.

“Who would we be if we could not sympathize with those who are not us or ours? Who would we be if we could not forget ourselves, at least some of the time? Who would we be if we could not learn? Forgive? Become something other than we are?”
– Susan Sontag

*    *    *

May kakaiba – sabihin na nating kagila-gilalas o kamangha-mangha—na nangyari noong isang linggo sa gitna ng kampanya para matigil ang pagpa-firing squad, kung hindi man tuluyang mapalaya si Mary Jane Veloso.

Unang beses kong makabasa ng tula bilang komento sa balitang ni-post sa FB account ng GMA News. Isang OFW na nasa Riyadh, Saudi Arabia ang gumawa ng rap song para kay Mary Jane.

*    *    *

“Ano ang isang ina?
Mayamang hapag ng
gutom na sanggol
Kumot sa gabing maginaw
Matamis na uyayi
Tubig
sa naghahapding sugat.”
Ina, Ma. Lorena Barros

*    *    *

Bumaha ng tula. May iba’t ibang persona at lunan. Nahipo ng sitwasyon ni Mary Jane ang puso ng maraming Pinoy. Ilang pamilya ba ang may kadugong OFW?

*    *    *

Sa tulang Inay, hanggang sa kabilang buhay ni Lee Harvey David, anak ni Mary Jane ang ipinalagay na nagsasalita. Pansinin ang paglalarawang ito na totoong-totoo sa milyon-milyong anak ng mga OFW:

“Inay, gumising ako sa malamig na banig,
Dumilat, sumilip, ngunit walang natatap ni katiting mong tinig.
Tumungo sa kusina pero ni anino mo’y hindi ko nakita.
Inay, nasaan ka ba? Tayo’y kumain na.”

*    *    *

Hindi ko alam kung anak ng isang OFW si David. Gayunman, naikuwento niya ang inosenteng pait ng karanasan ng isang batang ni hindi matagpuan ni anino ng kanyang inang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Higit pa rito, naibulalas sa tula ni David ang lalong mapait na kalagayan ng isang anak ng OFW na nakulong sa ibang bansa. Mababasa ito sa ikatlong saknong:

“Inay, mula sa bintana tinatanaw ko ang ‘yong pagdating.
Upang maibulalas sa ‘yo lahat ng aking kinikimkim.
Tinutukso, ako raw ay anak ng isang salarin.
Masakit. Mahirap. Hindi ko matanggap kanilang mga pasaring.”

*    *    *

Inilarawan naman sa tulang Ulat Ulap ni Luchie Maranan ang lungkot na lumambong sa papawirin—nagbabadya ng kamatayan ng isang inosente.

“Kahit di man umulan ngayon, / Kulimlim ang lumatag / Na mga balita,” paglalarawan niya. At, “Di man umulan ngayong araw, / Kay bigat ng ulap, / Na nais bumagsak / Sa mundong inagawan ng mga pangarap.”

*    *    *

Muli, anak ni Mary Jane ang ipinalagay na nagsasalita sa tulang Ermat ni Erwin Escalante. Tumatak sa isip ng bata ang insidenteng tinutukso siyang mangmang at forever nang magiging mas mahirap pa sa daga.

Tulad ng Ina ni Barros, ipinakita ng tula ni Escalante na ang ating mga ina ang siya nating kanlungan. Umiyak ang bata at tumakbo sa kanyang inang nagpatahan sa kanya; niyakap siya nang mahigpit at pinunasan ang kanyang mga luha at uhog. Ibinili pa siya ng lobo.

Pero ang tuwa at pag-asang simbolikong nailipat sa natanggap na lobo ay nawalang parang bula. Sabi sa tula:

“nabura rin at nadamay
ang kinabit mong lobo
sa aking hintuturo,
nang umalis ka
at pumunta sa malayo.”

Ang tali ng lobong nagsilbing paalala na nasa tabi lang ng bata ang ina ay nakalas. “Hinubad ito ng ka’sungit na hangin. / Nabura ito sa himpapawid.”

*    *    *

Ang inaasahang kapanatagan ng singsing na nabuo sa tali ng lobo ay naging singsing na pangkasal naman sa tulang Kasal ni Valentine Dula. Paghahambing niya:

“Tulad ng ibang babae
sa ‘sang wedding proposal,
nagulat si Mary Jane
nang sa airport ‘to gawin
nang sa airport isinuot
sa kanyang daliri
singsing na heroin
halaga’y $500,000
may bigat na 2.6 kilos.”

*    *    *

Nahirapan akong magsulat ng tula tungkol kay Mary Jane. Noong nakaraang Lunes, magbabasa ako dapat ng tula sa vigil sa tapat ng St. Peter Parish sa Commonwealth.

Ang isusulat ko sanang tula ay cataloguing ng mga datos tungkol sa mekanismo ng firing squad—pwedeng tumayo, lumuhod, o umupo ang babariling bilanggo; iisa lang sa kabataang babaril (naglalaro sa 20 ang mga edad nila para raw hindi dumaplis ang bala) ang may bala; itututok sa puso ang mga baril; kapag buhay pa ang binaril, lalapitan ito at saka babarilin sa ulo.

Ayaw tanggapin ng utak ko ang brutal na mekanismong ito ng death penalty sa Indonesia.

*    *    *

May katulad ko ring nahirapang magsulat ng tula para kay Mary Jane. Sa kanyang tulang Kagabi Habang Sinusulat Ko Ang Tulang Ito, inamin ni Bayani Banzuela ang kanyang kahinaan. Aniya:

“Pero di ko maumpisahan di mabuo sa isip ko ang mga tulang
Aangkop sa ganitong pagkakataon.

Ang resulta’y isang mababaw na tula.
Uulit akong muli huhugot ng mga linya.
Magbubuo ng mga berso.
Tila huling sandali ang bawat pitik ng oras.”

Nakakagulat ang naabot na pagpihit ng tula ni Banzuela. Naisalarawan niya ang ligalig ng isang malapit nang bitayin.

*    *    *

Ang ligalig na ito ay hindi nagdadala ng takot. Kundi ng pagpitlag kahit hanggang sa huling sandali.

Ang larawan ng isang ina – si Mary Jane – sa mga tula ay naitawid na rin sa kanyang inang si Nanay Celia.

Hindi na nakuntento ang mga bayarang media sa panloloko sa mga tao tulad ng headline na “Aquino Saves The Day” ng Manila Bulletin (sa katotohanan ay sumuko na ang gobyerno sa paglaban para kay Mary Jane gabi pa lang bago ang iskedyul ng execution). Inilabas pa ng Philippine Daily Inquirer ang “Netizens: #Firing squad for Celia Veloso” bilang bahagi ng pagyurak sa pagkatao ni Nanay Celia.

*    *    *

Inulat ni Rommel Rodriguez sa kanyang tulang Kay Nanay Celia ang pakiramdam ng masang api na nagmartsa sa Mendiola:

“Hindi na kami magtataka sakaling
sa iyo ipukol ang sisi at bala
na marapat sanang dumuro
sa mga pabayang opisyal

ng bayan nating sawi.

Hindi pa man gumagaling tuluyan
ang sugat na likha ng hirap at dusa.
Sa iyo naman ngayon nakatutok
ang mga pang-aalisputa.”

Kalakip nito ang panata. “Nandito kami nakikiisa, / kahit hindi mo pa kami kilala. // Sapagkat ang tulad mong / may layon na isiwalat ang katotohanan / ang siya naming pinaghahawakan.”

King of Trolls

$
0
0

Sa Facebook at online sa pangkalahatan, marami nang nasulat at nasabi tungkol sa kampanya ng gobyernong Aquino na siraan ang pamilya ni Mary Jane Veloso, na ang ginamit na tuntungan ay ang pagtuligsa, at hindi pagpapasalamat, ng pamilya sa gobyerno. May ilan lang akong gustong idiin at sana’y idagdag:

(1) Ang paninira sa pamilya Veloso ay operasyon ng makinarya sa propaganda ng Malakanyang kasabwat ang midya ng malalaking kapitalista. Mas malamang, may malaking kinalaman dito sina Ricky Carandang, Manuel L. Quezon III, Jim Paredes at Leah Navarro. Pinakilos ang mga may tunay na account sa social media at pinakilos ang mga ineempleyo para magtayo ng maraming gawa-gawang account. Kung wala silang masyadong imik sa social media para iligtas ang buhay ni Mary Jane, naging hyper-aktibo sila sa paninira sa kanyang pamilya pagkatapos siyang mailigtas sa bingit ng kamatayan. Nakahanda naman ang midya ng malalaking kapitalista, tampok ang Philippine Daily Inquirer, para itambol sa pamamagitan ng pagbabalita ang masasahol na mensahe ng paninira sa pamilya Veloso, at sa gayo’y palaganapin pa ito.

(2) Marami nang nasulat tungkol sa pagpapabaya, sa kulang na kulang at halos-huling tugon ng gobyernong Aquino sa nabinbing pagbitay kay Mary Jane Veloso. Ang gusto kong idagdag: Kung susubaybayan ang mga aksyon at pahayag ng gobyernong Aquino bago nabinbin ang pagbitay, masasabing ang tindig talaga nito ay hindi ang iligtas si Mary Jane, kundi ang hayaan siyang mabitay para magsilbing babala sa mga Pilipino para huwag umanong maloko o magamit ng mga human at drug traffickers. Ganito ang paulit-ulit na mensahe ng Department of Labor and Employment at Department of Foreign Affairs bago ang takdang pagbitay. Pakitang-tao na lang ang ginawang pag-apela ng gobyerno, at kahit ang mga protesta ay hindi sinuportahan bagkus tinambakan ng kapulisan. Napwersa na lang talaga si Aquino na umaksyon dahil lumakas ang protesta at nagbanta ang malawak at malakas na pagkondena.

(3) Interes ng gobyernong Aquino sa kampanya ng paninira na pagtakpan ang pagpapabaya nito kay Mary Jane. Natatakot ito na matransporma ang nagkakaisang tinig para sa pagliligtas kay Mary Jane patungo sa pagkondena sa kapabayaan nito sa kanyang kaso. Gusto rin nitong hadlangan ang paglabas ng mga datos na nagpapakita ng kawalang-puso nito kaugnay ng kaso. Halimbawa ang hindi pagsasabi sa pamilya na ibininbin na ang pagbitay kay Mary Jane noong nabinbin na ito; hinayaan silang makinig sa mga putok ng baril at isiping napatay na si Mary Jane kahit ligtas na pala ito. Patunay rin ito ng tindig ng gobyerno na magbigay ng babala sa mga Pilipino. Pwede namang kinilala na lang ang mga sinabi ni Nanay Celia Veloso na kauna-unawang pahayag ng isang ina, nagpaliwanag ng mga ginawa, at nagpatuloy sa panawagang palayain na si Mary Jane. Sa halip, isang higanteng kampanya ng paninira ang pinawalan nito – patunay na makasarili at hindi mabuti ang layunin nito.

(4) Ang problema, pinapahina rin ng gobyernong Aquino sa ganitong paninira ang mismong laban para sa tuluyang pagliligtas kay Mary Jane mula sa parusang kamatayan at para sa pagpapalaya sa kanya. Sa ganito, nagtutugma ang interes ng gobyernong Aquino at ng sindikato ng droga. Tandaan: Interes ng naturang sindikato na protektahan si Maria Kristina “Tintin” Sergio, ang rekruter ni Mary Jane at ng iba pa, at mas malamang na tauhan talaga nito. Si Sergio na ang susunod na usapin at sa pagpapahina sa pagkakaisa ng sambayanan para kay Mary Jane, mas madali para sa sindikato at sa mga kapit nito sa gobyerno na palayain si Sergio, at posibleng sa kapinsalaan ni Mary Jane. Ang naturang sindikato kaya ang nasa likod ng napakalupit na tinungo ng kampanya ng paninira, na may bahaging nananawagan ng pagbabalik kay Mary Jane sa death penalty at firing squad para sa nanay niya?

(5) Maraming nakakagalit sa kampanya ng paninira sa pamilya Veloso. Tinumbok na nina Prop. Sarah Raymundo at Gerry Lanuza ang isa: ang pag-insulto sa mga maralitang naninindigan. May isa pa para sa akin: Kakatwa na ginagamit ngayon ang salitang “brainwashing” para ilarawan ang ginagawa umano ng mga militanteng grupo sa pamilya Veloso. Pero totoo, arogante ang rehimeng Aquino, nag-aakalang kayang-kaya nitong linlangin ang mga Pilipino. Parang multo ang arogansyang ito na tumatahi sa maraming bagay: Sa pekeng pag-abolish sa PDAF bago ang Million People March. Sa galit ni Aquino sa dapat na presscon matapos ang Yolanda: “You did not die, right?” Sa pagtuligsa niya sa Simbahang Katoliko para sapawan ang pagtuligsa ni Pope Francis sa korupsyon sa pamahalaan niya. Sa kagustuhan niyang manalo ng Nobel Peace Prize na humantong sa pagdanak ng dugo sa Mamasapano.

04 Mayo 2015


Binhi ng Isang Aklat

$
0
0

Magandang gabi po. Nang mapatay ng militar si Recca Noelle Monte noong Setyembre 2014, mabilis na bumuhos ang mga sulatin, mahaba at maikli, tungkol sa kanya. Naging araw-araw ang Throwback Thursday at naglabasan ang mga larawan kasama siya. Walang abi-abiso sa taba o payat, kinis o gaspang, kintab o tuyot ng mukha, laki o liit ng buhok ng mga kasama niya sa larawan. Sabihin pa, marami sa mga sulatin at larawang ito ang nakita at nabasa sa Facebook.

Para sa huling parangal ni Recca sa Church of the Risen Lord, tinipon ang mga sulatin at larawang ito ng matatalik na kaibigan at kasama niya at inilathala sa isang booklet. Kaunti lang ang kopyang inilimbag, dahil para lang talaga iyun sa pamilya Monte at malalapit na kasama’t kaibigan. Mahaba ang titulo ng booklet – Recca, karugtong ang lahat ng pangalan niya sa pakikibaka.

Ang booklet na ito ang binhi ng librong inilulunsad natin ngayon. Dahil sa pagluluksa at pangungulila, may mga kaibigan at kasamang paulit-ulit na binasa ang booklet. Napansin nila na iba’t ibang bahagi ng buhay at pakikibaka ni Recca ang pinaksa ng mga sulatin, at bihira ang puntong naulit. Samantala, nagtuluy-tuloy pa ang pagbuhos ng mga sulatin tungkol kay Recca at ang mga larawan niya.

Pabalat ng librong "Recca: From Diliman to the Cordilleras"

Pabalat ng librong “Recca: From Diliman to the Cordilleras”

Hanggang sa may nagkaroon ng ideyang palawigin ang booklet at gawin itong isang buo at “tunay” na libro. “Dapat lang!” ang sabi ng mga kaibigan at kasama ni Recca. Mahigit isang dekada siyang miyembro ng New People’s Army o NPA, bukod pa sa ilang taong naging aktibista. Noong namatay siya, isa na siyang lider ng Partido Komunista ng Pilipinas, ng isa sa mga panrehiyong organo nito. Hindi kalabisang sabihing kasama siya sa “the best and the brightest” ng aming henerasyon – at “the warmest” din, patunay ang napakaraming nagmamahal sa kanya.

Ang huwaran ng mga kasama at kaibigan niyang nakaisip na gawin itong libro ay ang Edjop: The Unusual Journey of Edgar Jopson na isinulat ni Benjamin Pimentel, Jr. Ang tinutukoy ay iyung orihinal na bersyon na nalathala noong 1989, hindi iyung UG, An Underground Tale: The Journey of Edgar Jopson and the First Quarter Storm Generation na binagong bersyon ng nauna at inilathala noong 2006. Sa huli kasi, ginamit ang buhay at pakikibaka ni Edjop laban sa NPA at PKP, na kinakasapian at pinapamunuan ni Edjop noong napatay siya ng militar.

Anu’t anuman, mahalaga sa aming henerasyon ng mga kabataang aktibista noong ikalawang hati ng dekada ’90 at maagang bahagi ng mga taong 2000 ang librong Edjop. Buhay na kwento kasi ito ng puspusang pakikibaka ni Edjop sa panahong iyun ng batas militar – una sa kilusang paggawa, sa Metro Manila, at pagkatapos ay sa Mindanao. Mababasa sa libro kung paano siya tumindig sa gitna ng mga tunggalian, sa sarili at sa loob ng Kilusan. Itinatangi ng marami sa amin ang mga bahagi ng libro na naglalarawan ng pamumuno niya, kung paano siya bilang kadre ng PKP. Sabi sa libro, halimbawa, parang barkada lang ang mga namumuno sa Mindanao noong bago siya dumating, pero naging pormal ang mga pulong nang siya na ang kalihim.

Ngayon gabi, masayang-masaya tayo na narito na ang ating libro. Palakpakan natin ang napakagandang librong Recca: From Diliman to the Cordilleras! Para sa pagkuha niya sa proyektong ito, palakpakan natin ang larawan ng makabayang guro at editor ng libro, si Prop. Judy M. Taguiwalo! Para sa napakahusay niyang pagbubuo, paglalatag at pagdidisenyo ng mga sulatin at larawan, palakpakan natin si Karl Fredrick M. Castro! Para sa mahusay at mabilis na paglalathala sa libro, palakpakan natin ang Southern Voices! Para sa kanilang mahuhusay na ambag, palakpakan natin ang napakaraming kontribyutor sa librong ito!

Nagagalak man tayo ngayon sa paglulunsad ng aklat, lagi’t lagi nating inihahabol na may mga kaakibat na panawagan ang librong ito. Isigaw natin ang mga panawagang ito. Katarungan para sa mga martir ng Lacub, Abra! Palayain si Kennedy Bangibang, bilanggong pulitikal! Syempre pa: Mabuhay ang pambansa-demokratikong rebolusyon!

Nagagalak po tayo ngayong gabi na ang booklet na binhi ng librong ito ay sumibol na at naging isang magandang aklat. Hangad natin na ang librong ito, ang Recca: From Diliman to the Cordilleras, ay maihasik sa maraming bahagi ng bansa at maging binhi rin – ng maraming malayang kamalayan, ng maraming malayang bisig, lahat para sa isang malayang bayan!

08 Mayo 2015

* Talumpating hindi nabasa, dahil nahiya, sa paglulunsad ng Recca: From Diliman to the Cordilleras noong 22 Abril 2015 sa Quezon Hall, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

Madaling-Araw Sa Puso ng La Tierra Pobreza

$
0
0

sa loob ng ilang dantaon
parang hayop kang nagdusa
ikaw, indio, ng aking la tierra pobreza
dinurog, giniling ang iyong mga buto
hanggang maging abong ipinatangay sa hangin
isinabog sa kagubatan at kabukiran
ng puting mga panginoon ng dusa’t inhustisya.
nagniningning na mga templo ang itinayo
ng iyong mang-aalipin
para pangalagaan ang iyong kaluluwa
para panatilihin ang iyong pagdurusa
karapatan nilang walanghabas kang latiguhin
karapatan mong manangis at mamatay.
walang katapusang gutom
walang hanggang tanikala
nililok nila sa iyong katawan
sa luntiang kumot ng kasukalan
parang dambuhalang ahas na gumagapang
palapit sa dinusta mong kabuuan
lilingkisin ka ng kamatayan.
sa iyong leeg isinabit nila
bakal na bola ng karalitaan
asawa mo’y pinagsamantalahan
sinakmal, sinaid di masukat mong yaman.
parang tunog ng mga tambol sa karimlan
hinagpis ng mga kaluluwang nilapastangan
parang lumalagaslas na agos ng ilog
luha’t dugo ng mga biktima ng kalupitan.
oo, mula sa banyagang dalampasigan
naglakbay sila tungo sa iyong inang bayan
sandata’y krus at espadang itinarak
sa puso mo’t isipan
para la tierra pobreza mo’y pagharian..
ginawang kalabaw ang iyong mga anak
sa mga lupaing kanilang kinamkam.
ginawang turnilyo’t martilyo
bisig ng iyong mga supling
sa mga pabrika nilang gilingan ng laman
habang ipinangangaral sa sangkalupaan
mahabagin ang diyos sa kanyang nilalang
ngunit lagi kang nananangis, indio
pinaiilanlang sa hangin melodiya ng panambitan
hanggang sa harap ng naglalagablab na apoy
nagsayaw ka nang nagsayaw, indio
hanggang kumulo ang iyong dugo
hanggang sumilakbo ang iyong puso…
sinindihan mo mga mitsa ng paghihimagsik
ginilitan ng leeg dating mga panginoon
ngunit nahalinhan ng bagong diyus-diyosang
umaalipin sa iyo hanggang ngayon
kasabuwat pa’y mga kalahi mong mandarambong!

oo, indio, ng aking la tierra pobreza
daan-daang taon kang inalipin
at inaalipin hanggang ngayon
ng mga panginoon ng dusa’t pagsasamantala
ngunit sa lagablab ng apoy
ng sigang sinindihan
ng mga aninong kalansay na ngayon
patuloy na magsasayaw at maglalamay
sa karimlan ng gabi
sa burol at kagubatan
mga supling mong magigiting
itititik ng kanilang mga dugo
sa naninilaw na damuhan ng pag-asa
laya mong labis na sinisinta…
masdan mo ang pagputok ng umaga
samyuin ang halimuyak ng ligaya
tutuyuin ng amihan sa mukha mo
luha ng dalamhati ng lahi
kapag tuluyang nag-apoy
naglagablab, nag-alipato
naghihimagsik na mga talahib
sa mga burol at sabana…
magdiwang ka, indio
umindak kang buong sigla
madaling-araw ay daratal na
sa puso ng ating la tierra pobreza!

facebooktwittermail
Share

Panawagan sa kabataan sa Araw ng Kalayaan

$
0
0

Kalakhan sa atin, wala pang muwang o hindi pa buhay noong panahon ng mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas. Hindi na natin nadatnan ang mga sundalong Amerikano na nakahimpil sa Clark Air Base at Subic Bay Naval Complex. Hindi na natin masaksihan kung paano malagay sa panganib ang ating bansa sa mga giyerang agresyon ng Estados Unidos sa Vietnam at Korea. Napabalita pang may itinatagong armas nukleyar ang Amerika sa ating bansa noon.

Ngunit naabutan natin ang Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) para papasaukin ang mga pwersang Amerikano at muling magbase sa bansa ang kanilang militar. Naabutan natin ang panghihimasok ng mga Tsino sa Kapuluan ng Kalayaan (Spratly Islands) at Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal). Naabutan natin kung paano mag-iringan ang Amerika at Tsina para kontrolin ang South China Sea o West Philippine Sea at pagpasok ng kanilang mga malalaking barkong pandigma sa ating karagatan.

Tahasan din ang ipinapakitang pananakop ng Tsina sa mga isla ng Kalayaan sa pagtatayo nila ng mga pasilidad sa mga isla. Hindi na rin makapangisda ang mga Pilipinong mamamalakaya sa ating karagatan dahil sa pananakot ng mga Tsino.

At huwag kalilimutan ang pagkasira ng ating pambansang yaman sa Tubbataha sa Palawan noong 2013 dahil sa pagsadsad ng USS Guardian na puminsala sa halos 4,000 kilometro kuwadrado ng bahura. Nariyan rin ang pagtatapon ng nakalalasong kemikal sa ating mga dagat at paglabag sa karapatan ng mamamayan tuwing isinasagawa ang taunang Balikatan military exercises.

Sa oras na nalalagay sa panganib ang ating pambansang kasarinlan dahil sa pagpasok ng mga dayuhan, tungkulin natin bilang mamamayan ang tumindig at ipagtanggol ang bayan mula sa pananakop at pagyurak sa ating kalayaan at soberanya.

Pinalayas ng sama-samang pagkilos ng mamamayan noong maagang bahagi ng dekada ’90 ang pananatili ng mga base militar ng Amerika sa ating bansa at patuloy nating tinututulan ang VFA at EDCA. Hindi tayo papayag na gawing himpilan ng kanilang armas at pwersa upang maglunsad ng digmaan sa Asya-Pasipiko. Hindi rin tayo papagitla sa ginagawang agresyon ng Tsina sa ating teritoryo. Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino at di kailanman para sa sinumang dayuhan.

Tinatawag muli ng panahon ang kabataan at mamamayang may pagmamahal at malasakit sa Inang Bayan. Ipagtanggol ang kanyang yaman at kalikasan, ang kanyang kalayaan at kasarinlan mula sa dayuhang pandarambong at pagkawasak.

Mahalaga ang papel ng kabataan sa ating panawagan at paglaban. Hindi naging hadlang ang murang edad sa pambansang pagpapalaya tulad ng ating mga bayaning sina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto na pawang nasa kanilang mga kabataan nang maglunsad ng rebolusyon laban sa mga Espanyol.

Kaya’t marapat tayong sumama at kumilos ngayong ika-12 ng Hunyo sa mga embahada ng Tsina sa Makati at Estados Unidos sa Maynila. Ipakita ang ating pagkakaisa sa paglaban sa mapanghimasok na mga dayuhan at igiit ang ating kasarilan.

Tumindig sa darating na Araw ng Kalayaan. Sumama sa malawak na hanay ng mga Pilipinong lipos ng diwang makabayan at igiit ang pambansang soberanya at integridad na teritoryal. Walang ibang magtatanggol sa ating bayan kundi ang kanyang mga mamamayan.

facebooktwittermail
Share

Luha ang Tanging Nakamit

$
0
0

Syempre, lehitimong karapatan ng mga mang-aawit at personalidad sa social media na sina Jim Paredes at Leah Navarro na maglunsad ng rali laban sa pagtakbong pangulo sa eleksyong 2016 ni Bise-Presidente Jejomar Binay. Hindi ako maka-Binay, pero maraming magandang tanong ang maiisip kaugnay ng raling #StopBinay na pinamunuan nila noong Hunyo a-10 sa Makati City.

Una, bakit ang panawagan ay huwag tumakbo si Binay o pigilan si Binay na tumakbo? Alam naman nating lahat na napakaraming kasong hinukay at binuhay ng mga alyado ni Pang. Noynoy Aquino laban sa kanya. Bakit hindi “Ikulong!” ang panawagan? Dahil ba hindi ito magagawa o gagawin ng matataas na opisyal sa gobyerno? Kung ganoon, anong sinasabi nito tungkol sa paghahari umano ng “Daang Matuwid” na tiyak na pinapaniwalaan nina Paredes at Navarro? Kung totoong matuwid ang daan, kailangan pa bang magrali laban sa kurakot?

Ikalawa, malinaw na motibasyon ng protesta ang takot sa mismong pagtakbong pangulo ni Binay  ibang bagay pa kung mananalo siya. Tiyak na layunin nitong magdagdag sa paninira kay Binay para mabawasan ang mga tagasuporta at botante niya. Sa madaling sabi, kakambal ng protesta ang palagay na malakas pa rin si Binay  sa kabila ng kaliwat kanang paninira sa kanya ng mga alyado ni Aquino. Mulat kaya ang mga organisador sa ganitong implikasyon? O naunahan na sila ng galit at grabeng pagmaliit sa pagsusuri ng botanteng Pinoy?

Ikatlo, bakit hindi na lang rali ng pagsuporta sa kandidatura ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas? Malamang, gustong palabasin nina Paredes at Navarro na nilahukan ang protesta ng mga sumusuporta sa ibang presidentiable, pero sinong maloloko nila? Sa puntong ito, ang tanong ay: Bakit sila naduwag na ilabas ang kanilang totoong panawagan? Baka makasuhan ng maagang pangangampanya? Ayaw pa naman nila iyan, silang nagpapanggap na kontra sa tradisyunal na pulitika. At dahil protesta itong dikit sa pulitiko, ang tanong: magkano?

Ikaapat, rali talaga laban sa kandidatura ni Binay? Hindi ba makakahintay ng kampanya sa eleksyon iyan? Wala bang mas kagyat na isyung dapat ralihan? Naganap ang protesta habang iniraratsada ng Kongreso ang paggahasa sa Konstitusyong 1987 at pagpayag sa 100 porsyentong pag-aari ng mga dayuhan sa mga lupa at negosyo. Habang inaangkin ng China ang mga teritoryo ng Pilipinas. Habang naghahanap ng katarungan ang mga manggagawa ng nasunog na pabrika ng Kentex. Habang ibabalik sa pagkapulis ang command ng Mamasapano na si Alan Purisima.

Ikalima, 1,000 katao talaga? Batay sa mga larawan at kuha sa telebisyon, parang hindi naman. Wala bang pulis para magbigay ng mas maliit na bilang? Bakit kaya wala? Nagrali rin ba ang mga trolls at fake accounts na pinakilos nila sa kampanya nilang online na #ingrata laban kay Celia Veloso, nanay ni Mary Jane Veloso? Eh iyung mga kasabwat nila sa Philippine Daily Inquirer sa pagpopopularisa ng hashtag? Ang lakas ng loob nilang mangwestyon ng bilang ng mga rali ng ibang grupo, noong sila na ang nag-organisa, bakit parang malaking palpak?

Sa dulo, narinig ang sigaw ng protestang pinamunuan nina Paredes at Navarro: sigaw ng desperasyon  ng pulitikong tulo-laway sa pagkapangulo pero malabong manalo. At ng mga mang-aawit na dating kumikita mula sa talento, kumita mula sa pagsipsip kay Aquino, pero nangangamba ngayong mawalan ng sweldo.

12 Hunyo 2015

facebooktwittermail
Share

Di Na Kita Dadalawing Muli

$
0
0

Hindi namin naging ugali, at sinisikap naming iwasan, noon at hanggang ngayon, na dalawin ang sinumang may sakit na malapit na kasama’t kaibigan lalo na’t nakaratay sa ospital. Ayaw naming makita silang labis na pinahihirapan ng karamdaman. Nais naming manatili sa aming alaala ang dati nilang malusog na kabuuan, masiglang nakikipag-usap, bigay-todong humahalakhak, at walang patumanggang nagtutungayaw o nagmumura. Kung dalawin man namin sila, dahil hindi na maiwasan, iyon ay minsan na minsan lamang.

Kaugnay nito, muli naming ipinapaskel ang hamak naming piyesa bilang alay sa kanilang makukulay na mga alaala.

DI NA KITA DADALAWING MULI

di na kita dadalawing muli sa iyong huling mga sandali
ng magiting na paghihimagsik sa daigdig ng dalamhati
alam kong mamaya o bukas
o isang araw ngayong maulang buwan ng hunyo
bigla mong lilisanin niyakap na larangan
ng madugong pakikilaban sa uring naghahari-harian.
di na kita dadalawing muli
kahit nais ko pang masilayan
titig na inuusbungan ng sagradong mga lunggati
matang dalawang esmeraldang
nagniningning sa makabayang mithi
at kibot ng labing laging isinisigaw himagsik ng lahi.

di na kita dadalawing muli
ngayong hininga mo’y hinihigop ng humahalik na amihan
sa humpak na mukhang pinatigas ng di isinukong paninindigan
para sa laya’t ligaya ng bayan
at ng masang pinag-ukulan ng buhay
sa maraming gabi ng paglalamay.
alam kong di mo iluluha ang kamatayan
manapa’y labis mong ikararangal
na pawis at dugo ng iyong katawan
lubusang naidilig sa nanilaw na damuhan
ng lupaing binaog-tinigang
ng mga kampon ng kadiliman
ng mga taliba ng kasakiman
ng mga sugapa sa kapangyarihan
ng uring diyus-diyosan sa lipunan.
aawitin pa ngang lagi ng habagat man o amihan
lirika’t melodiya ng magiting na buhay
upang la tierra pobreza’y ganap magbanyuhay.

di na kita muling dadalawin
ngayong alitaptap ni ayaw kumindat sa pananagimpan
ngayong balumbon ng ulap
yakap-yakap dibdib ng karimlan.
sapat nang makaniig kita
sa naglilingkisang mga alaala
sa pulang bulaklak ng mga gumamela
sa nagsalabat na mga cadena de amor
sa mga burol at dalisdis ng pag-asa
sa lumuluhang amarillo’t makahiya
sa masukal na kugon at damong ligaw
sa sabana ng pagsinta.
katawan mo ma’y ganap nang humimlay
sa naghihintay na ulilang hukay
kahit walang panandang krus
ni matingkad na pangalan
at mga titik ng kagitingan…
magtatagpo pa rin ang ating mga titig
magsasanib pa rin ang ating mga ugat
sa bawat puso ng mga sawimpalad
sa bawat luha’t hikbi ng mga alipin
sa bukid at lungsod ng pighati
at aawitin ng madagundong nating tinig
lirika ng mahalimuyak na paglaya
ng ibinartolinang la tierra pobreza
sa kuta ng mga panginoon ng dusa!


(My English version)

NO MORE WILL I PAY YOU A VISIT

no more will i pay you a visit
on your last moments of heroic struggle
against the world of grief.
i know now or tomorrow
or on a day in this rainy month of june
you’ll suddenly leave the defiant bloody struggle
you’ve embraced against the exploitative ruling class.
no more will i pay you a visit
though i still wish to see
your stares full of sacred aspirations
those two emerald eyes
glittering with flaming undying love of country
those lips always expressing
the rebellious sentiments of an oppressed race.

no more will i pay you a visit
now that your breath is being sucked up
by the tender wind kissing your haggard face
a face full of determination to carry-on the struggle
for the freedom and glory
of the masses and beloved land
which you so fervently desired
during so many nights of vigil.
for sure, i know, you’ll not shed a tear
on your impending death
but you’ll consider it your great honor
that you’ve poured your sweat and blood
on the yellowish grass
and the land made barren by the forces of darkness
of abusive power and injustices.
i know the tender or whirling wind
will always be humming
the lyrics and melodies of your legendary life
so gladly dedicated to your beloved land.

no more will i pay you a visit
now that the fireflies are gone
now that the rolling clouds
are embracing the breast of darkness.
enough for me to be with you
in our intertwining memories
enough for me to be with you
in crimson gumamela flowers
in crawling cadena de amor vines
on hills and mountain slopes of hope
and in crying amarillos
jumbled cogon and wild grass
along the savannah of love.
though your body will soon be buried
in a waiting lonely grave
unmarked even by a wooden cross
nameless and no epitaph on gravestone…
our eyes would still meet
our blood would still mix
our veins would still be conjoined
in every heart of the dispossessed
in every tear and sob of the enslaved
whether in fields or cities of grief.
our rumbling voices would still sing
the fragrant lyrics of freedom
for our incarcerated and suffering la tierra pobreza!

facebooktwittermail
Share

Pakinggan Ninyo Kami, Espiritu Nami’y Nagsasalita

$
0
0

pakinggan ninyo kami
espiritu nami’y nagsasalita…
di ng doble-karang mga pangungusap
ng salamangkerong mga pulitiko
o ng ganid sa tubong kapitalistang hunyango
at iba pang kampon ng uring dorobo
silang lumalaklak sa aming pawis at dugo
ngumangasab sa aming bituka’t laman
manapa, mga salita nami’y hitik
sa nakasusukang reyalidad
ng lipunang bulok at dapat paghimagsikan.

pakinggan ninyo kami
at magimbal sana kayo…
nakakadena pa rin
kahabag-habag naming bayan
ginagahasa ng mga amo ninyong dayuhan
at iilang kabalat na naghahari-harian
lagi ninyong inilalampaso sa kalbaryo
ng dalita’t dusa’t inhustisya
lagi ninyong ibinabayubay sa krus
ng dilim at pangamba’t kawalang-pag-asa
lugami naming la tierra pobreza.

pakinggan ninyo kami
espirito nami’y nagsasalita…
kayong mga diyus-diyosang
namumuwalan ang bibig
at bundat ang tiyan
sa yaman at grasyang inyong kinamkam.
pakinggan ninyo kami
kaming “walang bahay, walang lupa, walang-wala”
noon pa ma’y sabi nga ng isang makata
para kaming mga dagang naglulungga
sa ilalim ng mga tulay
gumagapang sa balikat ng mga estero
palikwad-likwad sa sanga-sangang eskinita
sa maalingasaw na bituka’t katawan ng kalunsuran
para rin kaming mga asong nakahimlay
sa mga parke, bangketa’t
gilid-gilid ng mga dalampasigan
nag-aabang ng tira-tirang pagkain
at nagbubungkal ng mga basurahan
para magkalaman lamang kumukulong tiyan.

pakinggan ninyo kami
espirito nami’y nagsasalita…
kaming umaamot ng kalinga’t habag
sa mga bituin sa kalawakan
sa mga alitaptap sa karimlan
at mukha ng buwang malamlam.
nakaluhod kami at nagdarasal
sa mga makina’t grasa’t granahe
ng mapang-aliping pabrika sa kalunsuran
nananambitan kami
sa mabubulas na mga palayan at tubuhan
ng mga asyenda’t bukirin sa kanayunan
at lagi’t laging sumasanib aming pawis at luha
sa hamog ng damuhang nananambitan
dahil yakap-yakap ng kalungkutan
ng habagat man o amihan.
kailan mapapawi ang dilim
sa dibdib ng bayan naming
alipin ng lagim at sagimsim?

pakinggan ninyo kami
espirito nami’y nagsasalita…
mga utak nami’y kumukulo
sumisilakbo ang aming dugo
naghihimagsik ang aming puso
di man lamang maaninag
ng mga mata namin ang pagsuyo
di man lamang namin marinig
mga bulong ng pag-asa
habang araw-araw
kami’y inyong sinasamantala
dignidad namin ay dinudusta
kinabukasan nami’y ibinabartolina
at walang pakundangang ibinibenta.

pakinggan ninyo kami
espirito nami’y nagsasalita…
at magimbal sana kayo
nagdarasal na kami ng sariling rosaryo
kaming mga alipin at binubusabos ninyo
di na litanya ng pagmamakaawa
kundi mga butil na ng pagbabanta
naghahabulang mga salita
sa aming nanginginig na bunganga.
pakinggan ninyo kami
espirito nami’y nagsasalita…
ayaw na naming awitin
kundiman ng pagkabigo
o tulain tagulaylay ng pagsuyo
dadagundong na sa mga bibig namin
mga nota ng magiting na pakikibaka
para sa pinakasisintang la tierra pobreza
at di na mga kuwerdas ng gitara
kakalbitin ng mga daliring
sumawa’t namanhid na sa paghaharana
at sapagkat kami’y namumulat na
at di nahirating humimbing na lamang
sa pusikit na karimlan ng gabi
nanlilisik na kami ngayon
sa mga eksenang mapanlinlang
ng pelikulang lagi’t laging ipinipiring
sa telon ng aming mga matang
matagal nang inulila ng luningning.
magimbal na sana kayo…
sagitsit ng kidlat
tungayaw ng kulog
daluyong ng galit
singasing ng punglo
dudurog sa inyong mukhang
nangapal sa sampal ng pilak at ginto
nagngingitngit na’t nagwawala
gatilyo ng paglaya!

facebooktwittermail
Share

Amazing Grade

$
0
0

Isang paglalantad o pagsisiwalat. Iyan ang panukala kong pangunahing pagbasa sa viral, kontrobersyal, at probokatibong Facebook status ni Prop. Gerardo Lanuza na kumukwestyon sa ugnayan ng pagkakaroon ng maraming gradong 1.0 at ng pagiging matalino sa hanay ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas o UP. Inilalantad o isinisiwalat niya ang isang reyalidad tungkol sa mga tinatawag na “iskolar ng bayan” na nakakakuha ng matataas na grado mula sa kanyang obserbasyon. Hindi maiaalis sa isang propesor, na nag-aral at nagtuturo ng Sosyolohiya at Edukasyon, lalo na’t aktibista rin, ang gumawa ng ganitong mga obserbasyon: matatandaan, kahit malayo, ang mga pagsisiwalat ng mga sosyologo sa mababang katayuan sa sistemang pang-unibersidad sa Pransya ng mga intelektwal na Pranses na bantog sa mga kampus sa Estados Unidos.

Matagal nang obserbasyon ng mga estudyante at guro ng UP at iba pang unibersidad ang mga sinabi ni Lanuza kung paano makakakuha ng mataas na grado. Siguro’y tumampok lang ang sinabi niya dahil ginawa niyang publiko ang naturang mga obserbasyon sa isang Facebook post, sa isang panahong umaani ng papuri si Bb. Tiffany Grace Uy, gradweyt ng UP na nakakuha ng pinakamataas na grado pagkatapos ng World War 2. Para sa sinumang pamilyar sa mga progresibong pagsusuri sa sistemang pang-edukasyon, madaling matukoy na ang tinatamaan ng tuligsa ni Lanuza ay ang mga istandard sa paggagrado, na dapat lang kwestyunin at pana-panahong kinukwestyon, kung talagang nagpapalabas at nakakasukat sa talino ng mga estudyante. Hindi mga estudyante, lalo na’t isang estudyante, o mga propesor ang tinutuligsa ni Lanuza.

Syempre, pinalabas agad ni Prop. Sylvia Estrada-Claudio, propesor ng Women and Development Studies sa UP, lider ng Akbayan at kontra-aktibista, sa kanyang Facebook status na pinapatungkulan ni Lanuza si Bb. Uy. Ang gusto niya, kabigin ang mga tagahanga ni Bb. Uy sa kanyang panig at laban kay Lanuza. Pinalabas din niya na ang tinutuligsa ni Lanuza ay ang paggagrado ng mga kapwa-propesor sa UP. Ang gusto niya, kabigin ang naturang mga propesor sa kanyang panig at laban kay Lanuza. Malinaw na talagang kinalimutan na, at ayaw man lang ipaalala, ni Claudio ang anumang gunita sa mga progresibo, at may feminista rin, na kritika sa sistemang pang-edukasyon, partikular sa mga istandard sa paggagrado. Na para bang 100 porsyentong kumbinsido ang mga propesor sa mga istandard na ito  palagay na malamang ay tatanggihan nila.

Anu’t anuman, interesante ang maraming negatibong reaksyong natanggap ni Lanuza sa kanyang Facebook post. Isang dahilan, tiyak, ang kanyang mapangutyang porma. Madalas kalakasan at minsa’y kahinaan iyan sa mga Facebook status ni Lanuza: laging kongkreto sa tao, lalo na’t sa mga indibidwal, ang pagtuligsa sa mga istrukturang pang-edukasyon, pang-ekonomiya o panlipunan. Isa pa ang pagtatawid niya ng kritika sa sistema ng paggagrado patungo sa usapin, na madalas ihapag ng mga aktibista, ng uring panlipunan na pinaglilingkuran ng mga estudyanteng may mataas na grado. Pero marami nang nagsabi niyan at hindi umani ng katulad na reaksyon. Kaya maituturo rin ang katayuang panlipunan — at masasabi kayang pam-Facebook? — ni Lanuza, na isang propesor at tinitingnan ng marami na kumakatawan sa progresibong pagsusuri.

Pero malinaw na ang humatak ng matinding negatibong reaksyon ay ang malakas na upak ni Lanuza sa isang ilusyong mahalaga sa sistemang pang-edukasyon sa bansa  ang ilusyong katumbas ng mataas na grado ang pagiging matalino. Mahalagang masuri ang mga kaugnay ng naturang ilusyon  ang kulturang nagbibigay-halaga sa talino sa sistemang pang-edukasyon at sa mga nakapagtapos ng pag-aaral at, mas mahalaga, sa sistemang pang-ekonomiya na mahigpit na nag-uugnay ng taas ng grado at napag-aralan sa taas ng posibleng ranggo sa trabaho at kita. Dahil itinuturing na Numero Uno sa bansa at “world-class” ang UP at pandaigdig ang mga pangarap at pamumuhunan ng maraming estudyante ng UP pagdating sa trabaho, mas malaki ang halagang nakataya, kumbaga, sa pagtatanggol sa isang sentral na ilusyon maging ng edukasyong UP.

Maaaring dalhin ang kritika ni Lanuza sa sistema ng paggagrado sa “pagpapahusay” sa sistemang pang-edukasyon ngayon. Pero bahagi rin ito ng pagkwestyon sa labis-labis na pagpapahalagang ibinibigay sa “katalinuhan” sa edukasyon sa naturang sistema. Bahagi ang pagpapahalagang ito ng isang sistemang pang-ekonomiya na nakikinabang sa ilusyong para umangat sa buhay ay kailangan ng mataas na sweldo at magandang trabahong pampropesyunal. Hindi naibibigay ng sistemang ito ang batayang pangangailangan ng lahat para mapaunlad ang iba’t ibang talino ng tao  mula pagsulat ng tula at pagkanta hanggang isports at pagkakarpintero, at marami pang iba. Hindi ito sistema kung saan “ang malayang pag-unlad ng isa ay batayan ng malayang pag-unlad ng lahat,” kasama ang malayang pag-unlad ng lahat ng kakayahan ng bawat isa.

27 Hunyo 2015

facebooktwittermail
Share

Ayoko Na!

$
0
0

ayoko nang marinig
ritmo ng melodiya ng mga salita
sa parirala’t mahabang talata
ayoko nang marinig kalantog ng yero
pinukpok hinubog ng mga latero
inihulmang bubong sa lumang sasakyang
pupugak-pugak na sa mabatong daan.
ayoko na, ayoko nang marinig
kadensa ng martsa ng mga lirika
sa tinahing piring ng mga taludtod
sa mga saknong na uugud-ugod
pusong binalsamo ay di na titibok
sa himas at hagod ng pantig na bansot
utak mawawakwak sa mensaheng bubot
bamban ng tainga ay baka madurog
sa nakabibinging daing at himutok
ng pusong lumangoy sa dagat ng lungkot
walang inaawit kundi tagulaylay
at nakababaliw na paghihiwalay
walang tinutula kundi panagimpan
ilusyon ng diwang alipin ng buwan.

sa mukha ng papel
nais kong makita’y dahak ng kataga
at madugong bisig sa mga talata
metaporang buhay sa mga adhika
ng masang kahalik maputik na lupa
lirikang maapoy sa utak ng madla
tayutay ng bala sesura ng bomba
sa bawat saknong ng pakikibaka.
nais kong marinig
sa himnong tinipa sa dibdib ng masa
sagitsit ng punglo sa gabing malalim
tagupak ng lintik sa pisngi ng dilim
atungal ng kulog sa burol na baog
bombang pinasabog sa dibdib ng lungsod
lagunlong ng hiyaw ng diwang marangal
laging kaulayaw ng bayang minahal.

oo, ayokong makita
de kuwadrong larawan ng mga pagsinta
o paghahalikang di ko rin madama
ako’y nabulag na sa mga milagrong
iyong ipininta sa telon ng mata
nakahandusay sa silid ng isip.
mga imaheng dulot ay himagsik
mga aliping katalik ng lagim
sa bartolina ng mga bituin.
kailan mababago itong lahat-lahat?
brasong buto’t balat
pisnging nangulubot
likod na nahukot
katawang natuyot
habang nagpipista mga panginoon
sa mesang sagana sa laman at dugo
ng mga utusang tiya’y kumukulo.
silang mga diyos sa palasyong ginto
nguso’y nanghahaba sa sarap ng alak
at litsong nginasab dilag na nginabngab
kailan lilimusan katiting na habag
masang sambayanang siyang pinagmulan
ng yamang kinamkam?
kailan tatapunan ng kaning nagtutong
o natirang mumo
batang pumintog ang tiyan
sa hanging naglunoy sa kanyang katawan?

ayoko na
ayoko nang maulinig
elehiyang malungkot
odang nagdarasal
epikong matamlay
bingaw na kataga
pilay na talata
bulol na taludtod
saknong na kulubot
at mga katagang hindi dumudura
walang pagbabanta sa sakim na mukha
ng diyos ng sama.
sa ngayo’y nais ko
nais kong tunghayan sa lukot na papel
letrang nag-aapoy sa lupang naluoy
tutupok sa moog ng uring bagulbol
nais ko’y talatang matalim
lalaslas sa dibdib ng dusa’t sagimsim.

ayoko na, oo, ayoko na
sa mga katagang di dumaramba
di gumigising sa diwa ng masa
sana’y may dagundong ng along malakas
may alimpuyo ng bagyong marahas
upang galyos ng pambubusabos
hustisyang baluktot ganap na madurog.
bayaang manlisik ang init ng araw
bayaang humiyaw ang sanlaksang titik
ulan mang naipon sa pisngi ng langit
gawing palasong ang taglay ay ngitngit
o mga punlo kayang bubutas-lalagos
sa pusong maitim ng mga balakyot
bibiyak sa bungo ng mga nagtraydor
sa ngayon at bukas ng bansang binitay
ng diyus-diyosa’t mga panginoon.
lagablab ng titik
singasing ng lintik
siyang papatay naman
sa mga limatik!

facebooktwittermail
Share

Goodbye Panot

$
0
0

Paumanhin sa mga panot at napapanot. Iyan kasi ang bagong bansag sa superpaputok na Goodbye Philippines nang salubungin natin ang 2015.

*    *    *

Kabisado ng mga nagtinda ng paputok ang gusto ng taumbayan: mabura sa balat ng lupa si Noynoy. Kung hindi man sindihan ang puwet.

*    *    *

“Kung susuriin mo, ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawang ito,
Lalo na kung panot at pandak —
Ang pandak na si Gloria Arroyo
At ang panot na si Noynoy Aquino?

Pare-parehong pahirap sa mga Pilipino.

Ang Pandak at ang Panot, Anthony Osorio

*    *    *

“Pati sa battle rap nakarating ang anino ni Noynoy. Sabi nga ni BLKD kay 2Khelle:  Basta’t puti at may pera, dinudiyos mo? / Pareho kayo ni Noynoy dahil Kano ang boss mo.”

*    *    *

Sino pa nga ba ang boss ni Noynoy? Ang taumbayan ba? Ang mga magsasaka ba tulad ng mga minasaker sa Hacienda Luisita? Ang mga manggagawa at empleyado bang hindi makaungos-ungos ang sahod at suweldo dahil sa kontraktuwalisasyon? Ang kabataan ba na pinapaupo sa sahig sa mga state college at university para mapilitang mag-enrol sa private school? (wag sanang masadlak sa prosti-tuition) Ang mga mahirap bang halos linggo-linggo ay ginigiba ang mga bahay?

*    *    *

Huling SONA (State of the Nation Address) na niya ito. Kaya binasa ko ang kanyang kauna-unahang SONA. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo, sabi niya. Aba, ewan lang. Naging congressman, senador (tumakbong senador dahil hindi na siya pwede pa uling tumakbo bilang congressman), ewan, kung hindi niya pinangarap ang maupo sa Malakanyang. Isang buwan bago pumanaw ang nanay, nagdeklarang tatakbo bilang pangulo.

*    *    *

“Aminin mong interes ng uri ang hatak
Uunahin ang angkan kaysa laksang naghihirap.
Kaya SONA mo’y harapang kasinungalingan:
Hindi man pumitada sa daan ang iyong wang-wang
Hindi rin naman narinig ang tinig ng katarungan
At dahil diyan, walang-wala ka Noynoy, sa tuwid na daan.”

Tuwid na Daan (sa ikatlong SONA ni Pnoy), Joey Baquiran

*    *    *

Sa unang SONA ni Noynoy unang sumikat ang wangwang, tuwid na landas, at (ang award-winning pang) Kung walang corrupt, walang mahirap.

*    *    *

At maging mga tula ay nakamasid at kritikal, hindi lamang sa kanyang mga programa, kundi maging sa mga boladas niya sa SONA. Sabi nga ni Nonilon V. Queano sa kanyang tulang Ulat at Protesta sa SONA (Para kay Pangulong Noynoy):

(Bawat taon ng buhay ko’y nagmamartsa’t sumubaybay
Sa SONA mo, O pangulo.
Ngunit minsa’y walang maalalang nagpahayag ng totoo.)

*    *    *

Hindi nag-noynoying ang mga makata mula umpisa. Ni hindi pinatawad ang honeymoon period ni Noynoy. Sinalamin ng mga tula kung paanong naging pikon si Noynoy sa kanyang mga kritiko. Sabi nga ni John Iremil Teodoro sa kanyang tulang Pagmumuni-muni ni PNoy Tungkol sa Kaniyang Ika-isandaang Araw sa Malakanyang Habang Nagbabakasyon sa Hacienda Luisita:

“Heto ako, anak nina Cory at Ninoy,
Kuya ni Kris, maraming-marami ang bumoto,
Matatas mag-Tagalog-based Filipino,
Binatang hasyendero na allergic sa wangwang,
At paboritong tuta ng mga Amerikano.
Sana tumahimik na sila
Para makatulog naman ako nang mahimbing
Dito sa Hacienda Luisita.
Ayokong lalong makalbo.”

*    *    *

Ngayong huling SONA na ni Noynoy, masa-summarize ang kanyang buong panunungkulan bilang pangulo sa tulang Hindi Dapat Maging Pipi sa PPP (Tula ng Krusada Kontra PPP ng Gobyernong Aquino) ni Fernando Laroga Hicap:

“O Benigno Simeon Aquino III, isa kang malaking trahedya sa bayan ni Juan”

Kaya mag-throwback Thursday tayo sa unang taon ni Noynoy sa Malakanyang — sa tulang Ang Daan Patungo sa Pagbabago ayon kay Noynoy Aquino ni Alexander Martin Remollino — na para bang talumpati ng pangulo sa kanyang unang SONA kapag nahubaran na ng retorika:

“Ako, si Noynoy Aquino,
na lubusang nakatitiyak
na ang mandatong nakuha ko sa huling eleksiyon
ay patunay
na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago,
ay nagdedeklara ngayon
na ito ang daang tatahakin natin
tungo sa pagbabago:

Boom tarat tarat
Boom tarat tarat
Sasara ang bulaklak
Bubuka ang bulaklak
Dadaan ang reyna
Ang saya-saya
Boom-tiyaya
Boom-tiyaya
Boom-yeye
Tiyaya
Tiyaya
Tiyaya-boom
Yeye-boom
Yeye-boom
Spageting pataas, pataas nang pataas
Spageting pababa, pababa nang pababa
Spageting pataas, pababa at pataas
Spageting pababa, pataas at pababa
The quick brown fox jumped
Over the lazy dog
In the stream
Over the lazy dog
In the stream
The quick brown fox
Jumped
Monkey, monkey, Anabel
How many the monkey
Did you see?
Tararat
Tararat
Boom boom boom

Ito, mga minamahal kong kababayan
ang daang tatahakin natin
tungo sa pagbabago.

Maraming salamat po.”

facebooktwittermail
Share

Pitao Mindanao

$
0
0

Umuulan ng parangal kay Leoncio “Ka Parago” Pitao, lider ng New People’s Army sa Mindanao, na napatay noong Hunyo 28. Kaya naman napaisip siya kung ilang beses na siyang nakapunta sa Mindanao. Isang beses lang, saglit lang, at halos walang kinalaman sa malakas na pakikibaka, na mayroong ligal at mayroong armado, ng mga mamamayan sa isla. Wala siyang direktang karanasan sa Mindanao. Ang mayroon lang siya ay mga kwento ng mga nakasama niya dati sa aktibismo na nagpasyang kumilos sa hanay ng mga magsasaka at Lumad doon.

At napakarami nilang kwento, na lagi nilang ibinabahagi nang puno ng rubdob ng damdamin ng mga rebolusyonaryo. Tungkol sa malawak na kalupaan na mapagkanlong sa NPA at mapanganib sa “kaaway,” sa militar. Tungkol sa mga lugar sa kagubatan na hindi pa sa kasaysayan natutuntungan ng militar pero kasing-pamilyar ng tahanan para sa mga NPA. Tungkol sa grabeng karalitaan ng mga magsasaka at Lumad: kapag kumakain ka raw ng biskwit, ang mga butil na nahuhulog ay agad pupulutin ng mga bata at isusubo sa kanilang bibig.

Tungkol sa mataas na diwang palaban ng NPA sa lugar. Sa husay nila sa paglulunsad ng taktikal na mga opensibang waring batay lang sa kanilang kapasyahan. Sa paghiling ng masa na lusubin ang mga dayuhang kompanya ng pagmimina. Sa pananabik, bukod sa iba pang emosyon, nila sa mga operasyon ng kaaway dahil tiyak na makakakuha ng mga armas at bala. Sa lalong pagdami at paglakas nila noong itinodo ng militar ang pag-atake sa kanila, dahil direkta nila itong sinagupa. Sa husay ng masa sa pagsuporta sa NPA kahit sa panahon ng labanan.

Tungkol sa kung anu-ano, pero lalo’t higit sa alab at optimismo ng mga kasama. Sa kanilang malayong tanaw sa pagbibigay ng edukasyon sa masa. Sa kanilang malawak na pag-iisip sa pagbibigay-bigat sa pulitikal kumpara sa personal. Sa kanilang sigasig at sakripisyo, sa kabila ng sakit at katandaan ng ilan. Sa kanilang mga isip na bukas sa mga bagong bagay at demokratikong estilo sa masa at kasama. Sa pagpuna sa mga yunit na hindi nakakapagdulot ng pagbuti ng kabuhayan ng masa. Sa mahusay na pagkokombina ng mga nakakabata at nakakatanda.

May kumpirmasyon ang lahat ng kwentong ito: ang paglakas ng pakikibaka ng mga mamamayan ng Mindanao, kapwa sa pahayag ng militar at ng pamunuan ng NPA mismo. Sa kanilang parangal kay Pitao, pinuri nina Benito at Wilma Tiamzon, mga konsultant ng National Democratic Front, ang “di-matitinag na rebolusyonaryong determinasyon at kapangahasang sumulong ng hukbo at kilusan sa Timog Mindanao. Ang rehiyon ang trumangko sa pagsulong ng armadong pakikibaka sa buong bansa sa nakaraang mahigit 10 taon.”

Maging sa personal na antas, may mga kumpirmasyon. Iyung isa niyang dating kasama sa aktibismo na nagpasyang pumakat sa Mindanao, tipong malungkutin at may pinagdaanan pang depresyon noon. Pero ano’t puno ng saya, sigla, pag-ibig at aliwalas, natatawa na lang sa dating pagkatao ngayon? Iyun namang isa, dating maligalig sa personal, maangas sa pakikibaka, at maluho sa buhay. Pero ano’t magaan, kalmado at mas prinsipyado na ngayon kapag nakakausap, masayang nagkukwento ng maya’t mayang pagkain ng kamote?

Pulang pugay: Likhang sining sa pader sa tabi ng kalsada sa Davao Sining. <b>Kilab Multimedia</b>

Pulang pugay: Likhang sining sa pader sa tabi ng kalsada sa Davao Sining. Kilab Multimedia

Sa kabila ng lahat, may mga kwento rin ng pagpapakumbaba. Madalas daw silang matanong kung ano ang bukod-tangi sa pakikibaka sa Mindanao, kung bakit ito lumakas at tuluy-tuloy na lumalakas. Ang sabi raw ng isang kasama, “Wala namang bago. Ipinatupad lang natin ang mga gabay, tagubilin at atas ng pamunuan.” Ang mga kasama’t kaibigan niya galing Mindanao, mapanghikayat sa lahat ng makausap: “Punta kang Mindanao, kailangan ka doon.” May isa pang nasabihan: “Dapat maranasan mong mamuno ng larangan. Masaya.”

Ito ang isang konteksto ng pagpatay ng militar kay Pitao: ang paglakas ng pakikibaka sa Mindanao. Kaya matagal na siyang gustong patayin pero hindi mapatay, mahalaga sa kanila pero madulas. Kaya mismong anak niyang si Rebelyn ay pinagmalupitan at pinatay. Kaya kahit maysakit at nagpapagaling ay hindi siya tinantanan, siyang tumanggi, ayon sa kanyang mga kasamahan, sa alok na mag-medical leave ng NPA. Kaya napatay man siya’y hindi todong makapagdiwang ang militar, dahil alam nilang kaya silang ilang ulit na balikan.

Isang beses lang siyang nakapuntang Mindanao. Pero dahil sa napakaraming kwento mula rito tungkol sa paglakas ng pakikibaka sa kabila ng mga kahirapan at panunupil, napakalapit nito sa puso niya at mga kasama niya. At iyun ang unang hakbang patungo sa naantala pero tiyak niyang, nilang, pagpunta.

09 Hulyo 2015

facebooktwittermail
Share

Magpapatuloy ang ‘di tapos na rebolusyon

$
0
0

parago-featured

Hindi matatapos ang armadong paglaban ng mga mamamayan sa pagkawala ni Ka Parago.

Laman ng balita ang pagpatay ng militar kay Leoncio Pitao na kilala bilang Ka Parago ng 1st Pulang Bagani Command ng New People’s Army (NPA). Mula sa naunang mga balita, napag-alaman ng publiko na napaslang siya ng mga elemento ng 10th Infantry Division ng Armed Force of the Philippines (AFP) sa isang engkuwentro sa Barangay Panalum sa distrito ng Paquibato, Lungsod ng Davao. Nagbunyi ang militar at pamahalaan  sa tagumpay ng kanilang Task Force Minion upang hulihin o inyutralisa si Parago at para pahinain ang puwersa ng NPA sa Davao Region.

Maagap na naglabas ng paghayag ang Southern Mindanao Regional Party Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP). Nilinaw nito na pinaslang si Parago at ang medic na si Vanessa “Ka Kyle” Limpag habang ginagamot ang una sa sakit na diabetes, hepatitis at hyperthyroidism.

Ayon pa sa pahayag na inilabas ng CPP, labag sa Rules of Engagement ng Geneva Conventions at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) ang pagpatay sa ‘di armado at walang labang may sakit at medical personnel.

Maituturing na karuwagan ang ginawang ito ng AFP. Ipinagmamalaki nila ang kanilang nagawa na nakamit nila sa paraang labag sa batas ng digma. Sa pagkakapaslang kay Parago, pinag-aagawan naman ngayon ng mga heneral ng AFP ang P5.6 Milyong pabuya ng gobyerno sa pagpatay kina Ka Parago at Ka Kyle.

Sa pagkawala ni Ka Parago, hihina na raw ang NPA sa Davao Region, ayon sa AFP. Ilang ulit na nilang sinasambit ito. Ilang taon na nilang niloloko ang kanilang mga sarili.

Sa kasaysayan ng CPP-NPA, hindi humina ang rebolusyon sa pagkahuli o pagkawala ng mga lider nito. Noong nahuli ng pasistang rehimen ni Marcos si Jose Maria Sison, ibayong lumakas ang paglaban sa Martial Law ng mga mamamayan sa kanayunan. Hindi humina ang puwersa ng CPP-NPA kahit ibalita nilang patay na si Gregorio “Ka Roger” Rosal noong 2011. Hindi rin humina ang rebolusyon sa pagkahuli nina Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon, mga aktibong peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), nitong 2014 sa Cebu.

Napabulaanan din ang sinabi ng AFP na may leadership vacuum diumano ang CPP-NPA at nalalapit na pagkadurog ng mga puwersang rebolusyonaryo nang mahuli ang mag-asawang Tiamzon.

“We have a deep bench of trained and effective cadres to replace the Tiamzons,” ayon kay Luis Jalandoni, tagapangulo ng negotiating panel ng NDFP. Ayon pa kay Jalandoni, lalong lumalakas at lumalawak ang mga baseng masa ng CPP-NPA sa buong kapuluan. Umaabot sa 10,000 ang armadong lakas ng NPA na mahigit doble sa sinasabi ng AFP na 4,000.

Ang pagdagsa ng pagsuporta at pagpupugay ng mga mamamayan ng Davao at iba pang probinsiya sa Mindanao kay Ka Parago ay patunay na may malawak na suporta ng mga mamamayan ang rebolusyonaryong kilusan. Binaha ng kulay pula ang mga lansangan ng Davao sa libing ni Ka Parago nitong nakaraang Biyernes. Umabot sa higit 10,000 ang mga nagmartsa para ipakita ang kanilang paghanga sa isang lider na kanilang tinatawag na “Tatay.”

Karamihan sa mga samama sa huling pagbibigay-pugay kay Ka Parago ang mga magsasaka at katutubo na pumunta pa sa Lunsod ng Davao mula sa malalayong lugar at kabundukan ng Mindanao. Hindi maikakaila na malawak at malalim na ang nagawa ng CPP-NPA sa pagmumulat at pag-oorganisa ng masang anakpawis sa kanayunan.

Hindi gagap ng gobyerno at AFP kung bakit nagpapatuloy ang rebolusyon sa kabila ng kanilang pasistang counter-insurgency programs tulad ng Oplan Bayanihan ng rehimeng Aquino. Hindi nila alam ang dahilan ng mga mamamayan kung bakit patuloy na dumarami ang pulang mandirigma ng NPA at lalong lumalawak ang suporta ng masa sa hukbo ng mga mamamayan.

Makaisang panig na tinigil ng gobyerno ng Pilipinas (GPH) ang usapang pangkapayapaan sa NDF. Patuloy na paglabag at ‘di pagkilala ng rehimeng Aquino sa mga kasunduan tulad ng The Hague Joint Declaration, Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (Jasig) at Carhrihl na nilagdaan sa pagitan ng mga naunang administrayon ng GPH at NDF. Hindi maihapag sa negotiating table ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (Caser) na uugat sa dahilan ng armadong tunggalian.

Hangga’t hindi nalulutas ang matinding kahirapan at paglabag sa mga batayang karapatan ng mga mamamayan, hindi titigil ang kanilang rebolusyon. Sisigabo ang suporta ng masa para sa kanilang hukbo na handang lumaban sa mga dambuhalang dayuhang negosyo at lokal na nananamantala. Patuloy na dadami ang mga pulang bagani tulad ni Ka Parago na mamumuno sa mga mamamayan para sa tunay na kalayaan at demokrasya.

Nangingig na sa takot ang nasa Malacañang.

facebooktwittermail
Share

Editoryal | Tama na, tapusin na

$
0
0
max santiago

Dibuho ni Max Santiago para sa Bayan

Huling State of the Nation Address na ng rehimeng Aquino. Nakatanaw na ang rehimen lampas 2016 para ipagpatuloy ang ‘tuwid na daan’ nito.

Pero hindi ang sambayanan. ‘Tama na! Tapusin na!’ ang umaaligawngaw na panawagan ng sambayanang nagdurusa sa higit limang taon nang panunungkulan ni Pangulong Aquino.

At habang tumatakbo ang araw, lalo pang naglilitawan ang mga krimen nito sa bayan — anomalya, korupsiyon, paglabag sa karapatang pantao, kahirapan, kapabayaan, pandarambong, pagpapakatuta, malaganap na kontraktuwalisasyon at mababang sahod, pribatisasyon ng mga serbisyong panlipunan, mataas na presyo ng mga bilihin, paglala ng labor export policy. Kulang pa ang buong content ng Pinoy Weekly para mailahad ang lahat ng kasalanan nito.

Ito ang rason kung bakit umiigting ang panawagan ng iba’t ibang sektor ng lipunan na patalsikin si Aquino, sa halip na manahimik at maghintay na lamang sa nalalapit na eleksiyon.

Sa kapalpakan at kainutilan, si Aquino na mismo ang nagsisindi ng malawakang protesta sa SONA mula Luzon hanggang Mindanao. Siya na rin itong nagpapalaki ng bitak sa hanay ng mga naghaharing- uri, upang ang dating mga kapanalig tulad ni Binay ay lantaran nang sumuwag sa kanya.

Kaya anuman ang gawin ni Aquino, bubulwak at bubulwak ang mga protesta sa panahon ng SONA para idiin ang pagpapatalsik sa kanya.

Walang talab ang mga dinoktor na surveys at ratings. Maging ang panggigipit ng rehimen — tulad ng pagtatangka ng mga ahente at galamay ng militar kamakailan na takutin, sindakin, bantaan, arestuhin at patungan ng gawa-gawang kaso ang mga lider at kasapi ng mga progresibong organisasyon – ay hindi pipigil sa masa ng sambayanan para pababain si Aquino sa puwesto.

Gayunman, magsimula na ring mangamba ang sinumang nagnanais makoronahan ni Aquino na tumakbong pangulo sa eleksiyong 2016 at magdadala ng “tuwid na daan.”Aanihin at aanihin niya ang ang galit ng sambayanan sa rehimen at ang bigwas ng kampanyang talsik laban kay Aquino. Magigising na lamang ang kandidatong ito sa katotohanan na hindi korona ang hawak niya kundi bombang sasabog sa mukha niya.

At si Aquino? Anuman ang mangyari hindi siya makaliligtas sa sambayanang sumisigaw ng hustisya. ‘Manong maranasan naman niyang humawak sa malamig na bakal ng rehas sa kulungan.

Viewing all 532 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>