Quantcast
Channel: (Kolum) – Pinoy Weekly
Viewing all 532 articles
Browse latest View live

Matino Ba Ang Tri-Media?

$
0
0

Kalimitan, nakakaalibadbad at nakasusuka nang manood ng lokal na mga programa sa telebisyon.  Nakasasawa na ang santambak na mga kahangalan at kabalbalan.  Hindi na kailangang banggitin pa ang mga programang iyon; buksan na lamang ang lokal na mga estasyon at mapatutunayan ang tawag ni McLuhan na isang “idiot box” ang telebisyon.  Nariyan ang mga drama ng iyakan at sigawan na inaagusan ng balun-balong luha ng kapighatian; nariyan ang mga telenobela ng malalapot na paglalambingan at nanggigitatang pag-iibigan kasama na ang dayuhang mga dramang pinamamayanihan ng de kahong mga paksang pobreng lalaki at mayamang babae o maralitang dalaga at mayamang binata; nariyan ang mga pantasiya’t kababalaghan na namumutiktik sa mga drakula at aswang; nariyan din ang walang humpay na sayawan at awitan at kung anu-anong palarong ginagago ang mga kalahok na naglalaway sa premyong pera bunga ng malupit na karalitaan.  Kung wala marahil ang mga programa sa balita (puwera ang mga estasyon ng gobyerno na batbat ng propaganda’t kasinungalingan), maaari nang pagdurug-durugin at itapon sa basurahan, gaya ng naghambalang na mga babasahing komersiyal, ang bawat telebisyon sa buong bansa.

Malabong anino ang reyalidad sa nabanggit na mga palabas.  Malinaw na lantarang inilalayo sa katotohanan ang sambayanan at isinasalaksak sa kanilang kaisipan ang iba’t ibang ilusyon upang patuloy silang maaliw at makalimutan ang nagdudumilat na mga dahilan ng kanilang karalitaan, kaapihan at kabusabusan.  Sa layuning hindi mamulat, magalit at maghimagsik ang sambayanan laban sa uring mapagsamantala,  pilit na itatago ng ilang makapangyarihan, maimpluwensiya’t mayamang mga diyus-diyosan sa tri-media (radyo, telebisyon at babasahin) ang naghuhumindig na mga katotohanang magpapalaya sa mga mamamayan sa kamulalaan at, di nga kasi, maaari ding magwasak sa nakasusulukasok na pambansang kalagayan.

Sino nga ba ang kumukontrol sa tri-media?

Ilang mayamang pamilya lamang, kasama na ang tuso’t negosyanteng mga pulitiko — maliban marahil sa tagapaglathala ng PINOY WEEKLY — ang batbat ng impluwensiya’t kapangyarihan at nagmamay-ari ng pangunahing mga publikasyon at mga estasyon ng radyo’t telebisyon.  Natural, upang mapangalagaan ang mapandambong nilang mga interes — lalo na ang imperyo ng kanilang nagkalat na mga negosyo — pakikialaman at pakikialaman nila’t didiktahan ang kanilang mga publikasyon at estasyon at, higit pang masama, walang habas nilang pilit na inililigaw ang damdaming-bayan o opinyon publiko, binabaluktot  nila’t  pinaglalaruan ang katotohanan upang manatiling gago’t bulag ang sambayanan.

Ipahihintulot kaya ng isang asendero, kung gayon, na ilathala sa kanyang magasin o ibalita sa kanyang peryodiko kung paano siya nangamkam ng mga lupain o kung paano niya sinasalaula ang batas sa reporma sa lupa?  Maglalathala kaya siya ng mga kuwento o nobela, drama o tula, tungkol sa kasuwapangan at kawalanghiyaan ng mga propiyetaryo o katusuhan ng mga asendero, at kung paano nila patuloy na pinagsasamantalahan, inaalipin at binubusabos ang kanilang mga magsasaka?

Ipalalabas kaya ng ganid na kapitalista sa estasyon ng kanyang telebisyon kung paano niya kinakatas sa kanyang pabrika’t korporasyon ang pawis at dugo ng kanyang mga trabahador upang magkamal lamang siya ng limpak-limpak na tubo?  Papayagan kaya niyang ibandila sa mga programa sa kanyang estasyon na mag-organisa ang mga manggagawa, magsipagtayo ng unyon, ipaglaban ang kanilang lehitimong mga karapatan at magwelga kung nagbibingi-bingihan sa kanilang mga karaingan ang salanggapang na kapitalista?

Ipahihintulot kaya ng bastardong pulitiko na ibalita sa estasyon ng radyong kontrolado niya kung paano siya nandaya sa eleksiyon, kung paano siya namili ng boto, kung magkano ang kinulimbat niya sa pondo ng bayan, kung magkano din ang tinanggap niya mula sa sindikato ng ilegal na sugal at droga, at kung sinu-sino din ang kanyang ipinapatay lalo na ang mga kalaban niya sa pulitika, bukod sa mahihigpit niyang kritiko?

Sabagay, hindi na dapat ipagtaka, sa prinsipyo ng mga diyus-diyosan at basalyos ng masusugid na tagapagtanggol ng bulok na status quo, makatuwiran nga lamang na baluktutin nila ang lahat mapangalagaan lamang ang kanilang impluwensiya, pribilehiyo’t kapangyarihan.  Batay sa kanilang pagmamaniobra at makasariling interpretasyon ng mga bagay-bagay, ang totoo’y puwedeng maging kasinungalingan o puwedeng maging kabulaanan ang lantay na katotohanan.

Alin nga ba ang totoo pa sa mga babasahin at sa mga programa sa radyo’t telebisyon?

Sinalakay pa nga ang tri-media ng isa pang matinding ilusyon — ang naghambalang ngayon na iba’t ibang sektang panrelihiyon. Sa telebisyon na lamang, may misa kung Linggo sa iba’t ibang estasyon.  Malaking oras ang nilalamon ng iba’t ibang grupong relihiyoso na patuloy na  nagsisiraan, nagpapaligsahan, nagpapagalingan at nang-aakit ng posibleng mga miyembro.  May pakulo ang El Shaddai, may karnabal ang JIL (Jesus Is Lord), may sarsuwela ang INC (Iglesia ni Cristo), may pasiklab ang Dating Daan.  Bukod pa ang mga nabanggit sa naghambalang na mga pastor at ministro na nagdudumakdak sa mga estasyon sa radyo man o telebisyon na para bang mga henyo sa Bibliya at tanging may karapatang mangalandakan kung ano ang tamang interpretasyon ng sinasabing “banal na mga salita” ng itinuturing nilang Diyos.  Lumilitaw tuloy na sa sinasabi nilang kalangitan — saanman iyon — may kani-kanila na silang esklusibong subdibisyon para sa nananampalataya nilang mga kampon.

Sa kasalukuyan tuloy, waring isang damong sumibol sa disyerto ang magkaroon sa tri-media ng mga babasahin at programa sa radyo’t telebisyon na matapat na tagapaglarawan ng reyalidad o tagapagbandila kaya ng mapagmulat at mapagpalayang katotohanan.  Kung mayroon man, pasaglit-saglit lamang ang buhay nito at, kalimitan, agad na naghihingalo.  Natural, wawasakin at dudurugin ng uring naghahari-harian sa lipunan at namumunini sa tiwaling establisimiyento ang anumang daluyan ng matino, makatotohanan, mapagmulat at mapagpalayang mga kaisipan.  Wala na nga yatang puwang ang katinuan sa Republika ng mga Ilusyon.


Statement | On the first UN Day to End Impunity for Crimes against Journalists

$
0
0

1016481_10152505309949779_5617294221866694223_nToday, November 2, we observe the first United Nations Day to End Impunity for Crimes Against Journalists, with sorrow and rage.

That the UN has to declare such a day, just as IFEX in 2011 declared November 23, the date the 2009 Ampatuan massacre happened, the International Day to End Impunity, says much of how freedom of the press and of expression, and those who not only wish, but whose duty it is, to exercise these freedoms have come under increasing attack.

Thus far this year, the International Federation of Journalists has recorded close to 100 media killings worldwide.

Ironically, the assaults have increasingly come not only from parties traditionally seen as hostile to a free press — autocratic and corrupt governments, terrorist organizations, crime groups — but also from those that justify repression as part of their professed intention to protect basic rights and freedoms, particularly governments engaged in the so-called “war on terror.”

These two days — November 2 and 23 — strike a deep chord within the community of independent journalists in the Philippines, who have lost 171 of their number since 1986 as government apathy and even hostility continue to feed the impunity with which assaults on the press are committed.

It has not helped that President Benigno Aquino III has not only broken all his promises of justice and good governance, presenting lame excuses for taking back his vow to enact the Freedom of Information Law and even bungling the number of media victims — 32 — of the single deadliest attack on the press in history but, worse, time and again making the media a whipping boy for fulfilling its duties of informing the people of what his administration is doing or not doing for them.

Indeed, under Mr. Aquino’s watch, 33 of our colleagues have lost their lives, one of the worst records of any sitting president. Yet, instead of ordering an end to the killings, he has again and again offered what amounts to a justification for the murders, hinting without providing any evidence that the victims were either not killed for their work or were engaged in less than ethical undertakings.

From this day until the 23rd, and way beyond that, the National Union of Journalists of the Philippines, together with other media organizations and freedom of expression advocates, will remind Benigno Aquino III of how badly he has failed to fulfill his pledge to protect our rights and freedoms and, because of this, how his hands are stained with the blood of our fallen colleagues.

Rowena Paraan
Chairperson
National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)

Go, girl!

$
0
0

Ilang beses kong naisip na magsulat ng kolum. Ilang beses din akong atras abante. Kaya ko ba talagang mag-level up sa mga seryosong kolumnista ng Pinoy Weekly, ‘te?

Minsan ay nagsubok na rin ako; nagsulat nang magdamag, tinulugan ang sinulat nang ilan pang gabi, kinis dito, kinis doon, at kung iskultor lang ako, perfect na sana, pero sa isang maling click, na-delete!

Halos mawalan ako ng ulirat. Natulala, naiyak, na-depress. Para akong si Sisa na naghahanap ng Brother o Underwood. Isinusumpa kita, kahit Mac ka pa. Pero ‘wey, nawalan rin talaga ako ng gana.

Minsang nahimasmasan, naisip ko si Mao. Sabi ni Mao lahat ng bagay may positibo at negatibo. Ibig sabihin, kung walang panalo, walang talo. Kung walang talo, walang panalo. Kontradiksiyon. Dialectics. Ba’t nga naman ako susuko, ‘te?

Pero, if truth be told, hindi ako mapakali. Paano kung lumabas ang kolum ko na matalino o bobo, malalim o mababaw, may halaga o basura, o para sa mga kaibigan kong matataas ang kamulatan, kaliwa o kanan? Ay, di na yata talaga ako makakapagsulat, ‘te.

Kaya lang naisip ko rin, di ba materialists are fearless? Magpakatotoo lang ako, okey na. Kahit umulan pa ang mga puna.

Kaya, go girl!

Una ko tuloy napagdiskitahan itong si Pemberton. Pero ,’te, nang makita ko na ang larawan ni Pemberton sa TV, ang una ko ba namang nasabi, sino ang mas guwapo, si Smith o si Pemberton?

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Para bang ang kasalanan ay nahuhugasan ng kaguwapuhan. Liban sa krimen ang ginawa nila — si Smith sa panggagahasa kay Nicole at si Pemberton sa pagpatay kay Jennifer na transgender– e, ano naman kung mala-Kristo ang mukha nila.

Kawawa lalo ang mga pangit, ‘te. Para bang sila lang ang may karapatang maging masama o kriminal. At kung maganda o guwapo, santo o di makabasag pinggan?

Ingat na nga tayo sa appearances, ‘te. Ilang beses na tayong natanso. Mula sa mga dayuhang mananakop na ang dala ay krus, tsokolate, o sake, hanggang sa mga pinuno ng bansa na kung hindi dahil sa spin doctors di lalabas na mga pogi. “Bagong Lipunan,” “Tuloy ang Laban!”, “Philippines 2000,” “Ahon Pilipinas,” “Strong Republic,” “Tuwid na Daan.” Di ba ang gandang pakinggan, pero ganun pa rin, bagsak pa rin ang mundo natin, di ba ‘te?

Kaya siguro marami ang taas-kamao. Di kasi nagbabago ang kalagayan. Marami na ring tumanda sa pakikibaka. Pero isa lang ang masasabi ko sa mga bagong sibol, ‘te. Seize the day, seize the hour (sorry, hindi po ako ang orig nito kundi si Mao.) As in, palargahin ang mga paa sa pag-oorganisa at hindi lang ang mga daliri sa mga cellphone o kompiyuter.

Sabi nga ni Ted Failon, ‘ya know what am sayin? Di ba, te?

Sustansiya

$
0
0

“One should put food in the context of the culture.”
– Doreen Fernandez

*        *         *

Iisa lang ang naiisip ko kapag nababanggit ang pangalan ni Doreen Fernandez (isinilang noong October 28, 1934): PAGKAIN! Tandang-tanda ko pa ang hitsura niya noong mga panahong nagsasalita siya sa TV tungkol sa pagkaing Pinoy.

*        *         *

Noong 2002 ko lang nalaman, sa mga talumpati para sa kanyang luksang parangal, na naging bahagi pala siya ng kilusan. Op kors, tunay na makabayan ang may pananalig sa pagkaing Pinoy (para bang may simpatiya rin sa agenda na national industrialization) at hindi kailanman naging traydor sa kanyang mga kasama (#mayhugot).

*        *         *

“Isang prutas, hitik sa bigkas—
baklas.”
Pagbabalat, Vijae Alquisola

*        *         *

Nagkamit ng unang gantimpala sa Palanca ngayong taon ang koleksyon ng mga tula ni Vijae (Paglasa sa Pansamantala) na tungkol sa kaluguran at pagpaparangal sa pagkaing Pinoy (siyempre, nang may Doreen Fernandez levels).

Nagsilbing national president ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP)—ang oldest and broadest intercollegiate alliance of student publications sa bansa.

Shout-out sa mga rehiyon ng CEGP sa buong Luzon sa katatapos lang na Lunduyan, 15th Luzon-wide Student Press Convention. Sa Lunduyan ngayong taon binigyang-parangal ang mga progresibong akda (journalistic at literary) ng guilders sa 10th Gawad Eman Lacaba.

*        *         *

“Even Doreen’s articles on food bore the stamp of her patriotism. She often wrote about food consumed by the common tao —the worker, the peasant, the fisherman. She introduced her readers to their tastes and, in so doing, introduced them to values and ways of life of the ordinary Pinoy.”
Doreen, The Revolutionary, Teddy Casiño

*        *         *

Kasama pala si Doreen sa mga naghanda ng menu para sa 25th anniversary celebration ng National Democratic Front noong 1998.

*        *         *

Maaalala ang tulang “Ang Pagsasamantala Ayon sa Pagkain ng Choc-nut” ng political detainee na si Randy Vegas (naging miyembro rin siya ng CEGP!).

Para sa tulad kong mahilig lumantak ng Choc Nut, kahanga-hanga ang tulang ginawang lunsaran ang pagkain ng minatamis na ito para ilarawan at labanan ang pagsasamantala sa lipunan.

*        *         *

Alalahanin din ang tagisan ng espasol at nilupak sa sikat na sanaysay ni Gelacio Guillermo.

Hindi ito tungkol sa lasa ng mga pagkaing Pinoy na espasol at nilupak, kundi sa estetika at politika ng pagtula, at ng politika ng mga makata. Sabi nga ni Chong Gelas, “Sundan natin ang mga bagong pakikipagsapalaran ng mga gumagawa ng lupak (at nagsusulong ng agraryong rebolusyon), kumakain ng pinawa (at sumusumpa sa Pulang bandila), at nanghuhuli ng isdang-bato (at pinatutuloy ang mga kasama sa kanilang mga dampa).”

*        *         *

Pansinin naman itong tula ni Axel Pinpin tungkol sa “text ng na-missing ang Tatay after Yolanda (Haiyan)”:

Hinayaan

kala mi Dad
uuwi u.
darating pa ba u?
wala ming pangsaing.
ang hinatid na bigas d2 s min
di makain,
walang ulam,
kahit daing
na kami nang daing.

*        *         *

Ipinakita sa tula ang tunay na kalagayan ng mga biktima ng Yolanda na matapos hambalusin ng storm surge ay pinaghahambalos pa ng kalupitan at kasakiman ng rehimeng Aquino (“dapa na nga ay lalo pang pinadadapa,” ika nga).

Hindi ba’t batay sa 102-page report ng Independent Commission on Audit noong Setyembre, natuklasang milyon-milyong pisong halaga ng cash assistance at pagkain ang hindi ibinigay sa mga biktima? Milyon-milyon piso rin na dapat ay para sa mga biktima ang ginastos sa logistics at iba pang operasyon diumano ng gobyerno.

*        *         *

May nagtangkang magsalin ng tula ni Axel, ngunit sa tingin ko ay napakahirap nitong i-deliver sa ibang wika, lalong-lalo na ang koplang “walang ulam, kahit daing.”

Tatambling ang sinumang maghahanap ng salitang sasapol sa juxtaposition ng meaning ng daing (“biniyak, inasinan, at pinatuyong isda”) at daing (“hinaing ng api”). Balitaan n’yo ako kung may magtatagumpay.

*        *         *

Patunay lamang ang mga ito na nakalalaslas ng leeg ng mga makatang naniniwala sa mahika ng imperialist globalization ang mga tula at makatang progresibo.

Sabi nga ni Pete Lacaba sa kanyang tulang “Sining ng Pagtula” (wala nang iba pa!):

Malinamnam ang milagrosa,
pero masustansiya
ang bigas na pula.

Open letter to Justice Secretary Leila de Lima

$
0
0

Less than two years remain of the Benigno S. Aquino presidency, and you have been with the Department of Justice for over four years.LIHAM icon

When you were appointed as Justice Secretary, from being Chair of the Commission on Human Rights, we entertained a glimmer of hope that human rights cases would move forward, despite the immense systematic and structural hurdles in the country’s justice system. With the passing of time, however, we and the human rights violations victims and their families, saw our hopes diminished. Instead, we now come to feel extreme disappointment, if not righteous indignation, over the slow progress of many human rights cases.

In the case of the two missing UP students, Sherlyn Cadapan and Karen Empeno, we now feel a deep sense of dread over the possibility that Ret. Maj. Gen. Jovito Palparan Jr. will not be made accountable. Various groups and individuals, both here and abroad, opposed Palparan’s transfer to the Army Headquarters in Fort Bonifacio, yet the public prosecutors assigned by your office were clearly instructed not to support the motion of the private prosecutors to transfer Palparan to a regular jail facility. Without the support from the DOJ prosecutors, the Court denied the said motion last Monday, October 20.

We are appalled and indignant that the DOJ has assumed the role of protecting Palparan, by refusing to support the just demand of the mothers of Sherlyn and Karen. This clearly illustrates the prejudice of the Aquino administration on a very important issue of justice – that of the ensuring that no special treatment be accorded, especially for those accused of heinous crimes against the People of the Philippines. With this move, the prosecution of Gen. Palparan is definitely in jeopardy.

We likewise lament the slow progress in other human rights cases, despite the task force formed by the Aquino administration through Administrative Order 35. Among the cases are:

a) The extrajudicial killing of Fr. Fausto Tentorio, Datu Jimmy Liguyon, and town councilor Fernando Baldomero;

b) The massacres of botanist Prof. Leonard Co and his companions Sofronio Cortez and Julius Borromeo, and of anti-mining activist Juvy Capion and sons Jordan and John Mark;

c) Civil case of the United Church of Christ in the Philippines vs human rights violations of former Pres. Gloria Macapagal Arroyo;

d) The killings of Bishop Alberto Ramento of the Iglesia Filipino Independiente and Catholic priest Rev. Cecilio Lucero; and

e) Torture and civil cases of health workers known as Morong 43.

Under President Aquino, the human rights situation remains worrisome, to say the least.  Political killings go on as the President himself implements his own version of a counter-insurgency program, the Oplan Bayanihan, that engenders the continuing human rights violations and impunity and is no better than his predecessor’s Oplan Bantay Laya.

We are thus constrained to write to you to express our collective frustration and indignation over this dismal state of human rights. We write for the countless victims who have not achieved justice much less attention from the current government.

Through you, Madam Secretary, we call on the Aquino government – urgently and decisively, while there is still enough time – to address the issues we have raised in this open letter and in previous dialogues officials of the Department of Justice.

Signed by members of End Impunity Alliance

Concepcion Empeno, Erlinda Cadapan, Glenda Co,Orly Marcellana, Fr. Peter Geremia, PIME, Dr. Merry Mia Clamor, NCCP Sec. Gen. Rev. Fr. Rex RB. Reyes, Jr., UCCP Sec. Gen. Bp. Reuel Norman O. Marigza, Satur Ocampo, Liza Maza, Bayan chair Dr. Carol Araullo, Karapatan chair Marie Hilao Enriquez, Dr. Bienvenido Lumbera, Maria Isabel Lopez, Bibeth Orteza, Atty. Evalyn Ursua, Prof. Danilo Arao,Prof. Rolando Tolentino, Pete Lacaba,Ricky Lee, Raye V. Baquirin,Karapatan Sec. Gen. Cristina Palabay, Dr. Romeo F. Quijano, SIBAT Dep. Dir. Shen R. Maglinte, Rev. Jerome Baris, Prof. Leonilo Doloricon, Gabriela Krista Dalena, Sari Dalena, Prof. Carl Marc Ramota, Bp. Elorde M. Sambat, Bp. Hamuel G. Tequis, Bp. Emergencio D. Padillo, Bp. Joel Tendero, Bp. Jaime R. Moriles, Bp. Jezer E. Bertoldo, Bp. Melzar D. Labuntog, Catherine Abon, Maria Finesa Cosico

 

Walang Alitaptap Sa Punong Acacia

$
0
0

matagal nang wala akong nakikita
ni isang alitaptap
sa punong acacia
walang umiindak
sa natuyong sanga
walang kumikindat
sa dahong nalanta
walang nagniningning
tulad ng bituin
lalo’t nakapiring
sa mata ng buwan
itim na ulap
ng dusa’t panimdim
at lupit ng kamay
ng pang-aalipin.

tinangay ba sila
ng hanging amihan
sa burol ng dilim
at ngayon ay tanglaw
sa mithiing banal
ng mga aninong
laging naglalamay
sa pananagimpan
habang hinahabi
sa pisngi ng gabi
madugong lirika ng paghihimagsik
melodiyang umiindak sa pag-ibig
sa laya’t ligaya
ng ibinartolinang
la tierra pobreza
sa yungib ng inhustisya
ng uring mapagsamantala?

wala ni isang alitaptap
sa punong acacia
ngayong puso ko’y
sakmal ng dalita’t dusa
ngayong sa utak ko’y
naglilingkisan
sumisingasing na mga eksena
ng mga dekada ng pakikibaka
ngayong sa tainga ko’y
umaalunignig
tagulaylay ng dasal-hinaing
ng mga nilikhang
nilamon ng sakim
silang kabataang
sa gubat nalibing
silang mga inang
luha ang kapiling
silang mga amang
buto ay giniling
ng imbing makina
sa mga pabrika
dugo ay kinatas
ng lupang di kanya
pataba sa tubo
pandilig sa palay
habang nagsasayaw
sa bulwagan ng karangyaan
at naglulublob
sa balon ng kapangyarihan
silang iilang diyus-diyosan
sa maalingasaw
na lipunan.

walang alitaptap
sa punong acacia
saan sila naglipana
ngayong kumakapal
ang lambong ng dilim
sa luhaang mukha
ng bayang alipin
ng mga gahaman
ngayong binubulag
ng huwad na mesiyas
masang sambayanang
lagi nang dayukdok
at lalamunan
ay titiguk-tigok?

kumpul-kumpol
sanang dumatal
sa punong acacia
laksang alitaptap
at sana’y ilulan
sa nagbukang pakpak
di lamang luningning
papawi sa dilim
kundi lagablab
ng dila ng apoy
upang gawing uling
tupukin-pulbusin
katawan ng mang-aalipin
at uring napakasakim!

Hindi Sapat

$
0
0

Kulang Jonna
ang patak ng luha
para sa inyong hinagpis.

Para sa inyong mga nawalan ng mahal sa buhay;
para sa inyong ang mga ari-arian ay nilamon ng karagatan;
para sa inyong napundi ang pag-asa’t lakas;
para sa inyong kinalimutan ng nagha-hari-hariang
nakahimlay nang mahimbing sa gintong tirahan.

Hindi ninyo kasalanan
kung kayo’y mag-alsa’t
dumaluyong sa lansangan;
tulad nang pagdaluyong
ng unos sa mga larangan.

Ang mundo’y inyong katuwang –
sa pag-ahon,
sa pagbalikwas,
sa inyong galit sa mga nagpabaya.

Kayong nakaligtas at nanatiling may pag-asa para sa bayan;
kayong libu-libong muling nagtayo ng mga tahanan;
kayong naghimagsik, tumindig at lumaban
dahil tumimo sa inyo ang kainutilan ng iilan.

Dahil inyong napagtanto
na ang hinagpis
at patak ng luha
ay kulang.

09 Nobyembre 2014
New York, USA

Para Kay Rajima Jamal

$
0
0

Dahil sa sunud-sunod na mga balita tungkol sa nakahahabag at nakasusulak ng dugong mga karanasan ng mga OFW o migranteng Pilipinong mga manggagawa — mulang pang-aabusong seksuwal, pambubugbog, pagtratong parang mga hayop hanggang sa kung anu-ano pang mga kalupitan mula sa kamay ng kanilang mga amo sa bansang napilitang puntahan dahil sa kawalan ng oportunidad sa sariling bayan — biglang sumalakay sa aming gunita si Rajima Jamal, 19, isang taga-Mindanaw na namasukang kasambahay noon sa United Arab Emirates. Minabuti naming ilathala rito ang isa naming piyesang handog sa kanyang alaala. Binasa ito ni Yuri Cipriano, bise-presidente ng Migrante-United Arab Emirates, noong Abril 16, 2010 sa kanilang pangkalahatang asamblea sa Samaya Hotel, Deira, Dubai.

RAJIMA JAMAL, 19

kalansay na nakatingala sa langit
ang punong kabalyero
wala ang naglalagablab na mga bulaklak
berde pa iyon noong enero
pero ngayo’y tinakasan ng mga dahon
hinipan at itinaboy sa naninilaw na damuhan
ng nilalagnat na marso at abril
di na makikita ni rajima jamal
muling paghihilamos ng dugo
ng punong kabalyero
di na maririnig musika ng dasal
sa bawat takipsilim
sa lupang binaog ng pambubusabos
di na malalasap lamukot ng durian
at tamis-asim ng pinya’t dalandan.

tatlong buwan nang nasa morge
sa ospital ng saif-obaidullah
sa ras al-khaimah
ang bangkay ni rajima jamal
labingsiyam na taong gulang
nang lagutan ng buhay
matapos alilain ni mohammad sala sultan
labis na napinsala ang ulo
namuo ang dugo sa nabasag na bungo
di malaman kung binambo ng amo
o ilang ulit na iniuntog sa semento
dahil tumangging maging kabayo.

tatlong buwan nang nasa morge
sa ospital ng saif-obaidullah
sa ras al-khaimah
ang bangkay ni rajima
di maiuwi sa mindanaw
maiyakap man lamang
sa kalansay ng punong kabalyero
mabenditahan man lamang
ng sampagita’t ilang-ilang
maalayan man lamang
ng galyetas at biskotso
bago ihatid sa huling hantungan
sa gubat ng amarillo’t cadena de amor
ng makahiya, kugon at damong-ligaw.

nakahimlay pa rin sa morge si rajima
mahimbing namang natutulog
buratserong konsul na pilipino
katalik sa pangarap birhen ng antipolo
sa palasyo naman ng mga indio
ngiting-aso ang unano
nilalaro sa isip pagkapit-tuko sa puwesto
sino ba si rajima jamal?
alila lamang mula sa mindanaw
di naman anak ng dugong bughaw
o apo man lamang ng “mararangal” sa gobyerno
bakit pasasakitin ang bumbunan
di man maiuwi ang kanyang bangkay?
bumulwak sana ang habag sa puso ng emir
ni sheik saqr bin mohammad al-qassimi
baka siya na lamang ang pag-asa
upang makauwi sa wakas si rajima
sa la tierra pobreza.

ilan na ba ang rajima jamal
na ikinalat na parang layak
ng buhawi ng dalita’t inhustisya
nandayuhan saanmang sulok ng planeta
makatakas lamang sa bartolina
ng mga pangarap sa tierra pobreza?
nagdurugo tuloy ang utak ko
tuwing lumalangoy sa mga ugat nito
lahat ng rajima jamal sa mundo
nag-aalimpuyo tuloy sirit ng dugo
tulad ng agasang walang humpay
at mamatay si elham mahdi shuee
ang dose anyos na dalagitang yemeni
na sapilitang ipinakasal kahit bubot pa
ang katawan at puri
tatlong araw lamang, tatlong araw lamang
makaraan marahas na pulot-gata
sumabog ang kanyang bahay-bata
inulila ng hininga sa ospital ng hajja
mapalad si elham mahdi shuee
kaysa banyagang mga rajima jamal
di na kailangang iuwi pa sa yemen
parang yelo niyang bangkay.

kailan naman iuuwi
ang embalsamadong mga rajima
sa la tierra pobreza?
————————————————————-

RAJIMA JAMAL, 19
(my English version)

skeletal now is the firetree
staring at the sky
the flaming flowers no more
green was it last january
but gone are the leaves now
blown by the feverish
march and april and scattered
on the parched earth
by the sun’s burning breath
rajima would no longer see
the crimson blooming
of the firetree
rajima would no longer hear
the melodious muslim prayers
when dusk kisses the air
in the land made fallow
by the exploitative class
rajima would no longer taste
the ecstacy of durian
the sweet-sour scent
of pineapple and kumquat.

dismal for three months now
in the morgue
of saif obaidullah hospital
at ras al-khaimah
the cadaver of rajima
only nineteen years old
when death grabbed her
after mohammad sala sultan
cruelly enslaved her
her head repeatedly
slammed upon the wall
her skull cracked
her brain bled
when she refused to be
her master’s horse.

somber for three months now
the remains of rajima
in the morgue
of saif obaidullah hospital
at ras al-khaimah
could not be brought home
to her beloved mindanao
for her lifeless body
to just embrace
the skeleton of the firetree
for her to be showered
with ilang-ilang petals
and sampaguita leis
for her to be gifted
in her bucolic wake
some biscuits and toast bread
before her earthen body
departs to nowhere
amidst the elegy
of the cadena de amor
cogon and wild grass,.

abandoned still is rajima
in the dampness of the morgue
while snoring in his sleep
the fucking filipino consul
dreaming, cohabiting maybe
with the said miraculous
well-known virgin de buenviaje
inside the palace of the indios
grinning like a horse
the inutile, egoistic ruler
toying in his scheming mind
how to stay in power forevermore
who is rajima jamal?
only a domestic helper from mindanao
neither a member of a royal family
nor a kin of “honorable” men
in the abominable bureaucracy
why bother to crack your skull
if her body could not be returned
to her beloved homeland?
may pity spring from the emir’s heart
sheik saqr bin mohammad al-qassimi
maybe he’s the only hope
so rajima could go home at last
to her dear la tierra pobreza.

how many are the rajima jamals
strewn like debris by the hurricane
of injustice and penury
who decided to migrate
to whatever foreign land
to escape from the bastion
of grief and hopeless dreams
in their barren homeland?
bleeding is my brain
everytime the world’s rajima jamals
swim in its veins
boiling is its squirting blood
like when elham mahdi shuee
the twelve year-old yemeni gal
was forced to marry at once
her ovary burst and later died
after three days of truculent honeymoon
fortunate was elham mahdi shuee
unlike the migrant rajima jamal
in yemen already elham’s remains.

when will the embalmed rajima
be brought home at last
to our la tierra pobreza?


Para kay P

$
0
0

Noong araw na iyon, katatapos lang ng pakikipag-pulong ko kasama ang isang mataas na administrador ng PUP. Hindi ko nga alam kung paano ko natapos ang pagpupulong na yun. Akalain mo ba naman na ipinipilit ng administrador na ito na walang mahirap sa PUP, na kulang lang sila sa diskarte, at ang problema’y madali lang silang panghinaan ng loob?

Kung ikaw kaya ang nasa pagpupulong na iyon, paano mo kaya ibabahagi ang karanasan mong makipamuhay sa mga pinakamahihirap na lumad?

Sa klase ang diretso ko pagkatapos ng pagpupulong. Habang nagtatalakay ako, nakatanggap ako ng isang text mula sa kaibigan. “Alam mo na ba ang nangyari kay Perper?” Kinutuban na ako dahil lagi naman na sa mapait na katotohanan ng pagkamatay ng isang kasama ang kinahihinatnan ng mga text na ganun.

Lumabas agad ako ng klase kasi patulo na ‘yung luha ko. Naisip kong ibahagi sa kanila ang buhay mo para magsilbi nilang inspirasyon. Kaso, unang araw pa lang ng klase, handa na kaya akong talakayin ang dahilan ng pagkamatay mo?

Ano kayang naaalala ng mga tao tungkol sa iyo? Mahalaga pa kaya yun sa iyo?

Bagamat hindi naman tayo laging magkasama, mahahaba ang mga pana-panahong pagkikita natin tuwing gagampanan natin ang gawain sa National Executive Council (NEC) ng Kasama sa UP. At sa mga panahong iyon lumalabas ang pagiging matingkad ng tipo ng iyong pamumuno at personalidad.

Perper.

Perper.

Sa dami ng kailangan nating asikasuhin sa bawat araw na pinapatakbo natin ang mga Kongreso ng Kasama sa UP, ikaw na nga ata yung pinaka-kalmado sa lahat. Ang paalala mo sa NEC ay dapat balikan lagi kung ano ang mga layunin ng ating pagtitipon at mula doon ay isa-isahin natin, sa pagkakasunod-sunod sa prayoridad, ang mga gawain na dapat matapos.

Kung sa talakayan naman ng mga isyung dapat kaharapin ng mga konseho ng UP, simple ka lang din magpaliwanag. Pero malinaw at matalas. Sabi nga nila, mas kinakikitaan ang tao ng malalim na pag-unawa kung kaya niya itong maipaliwanag sa pinaka-simpleng paraan.

Umaapaw din ang iyong karisma–kahit pa nga sa labas ng UP.

Nasamahan kasi kitang magtalakay noon sa Ateneo de Davao bilang tagapagsalita ng Kabataan Party-list sa Southern Mindanao Region. Sabi ko noon sa iyo, “Ang galing mong makibagay, mula public hanggang private.” Hindi ko matandaan kung paanong eksakto mo akong sinagot noon. Pero tiyak ko, kapareho lang ‘yun ng lagi nating sinasabi sa isa’t isa tuwing nagbabahagi ukol sa kalagayan ng ating mga gawain–hindi naman tayo makakapili, iyon ang pangangailangan. At sabay na tatawa pagkatapos.

Kaya nga, hindi naman na din ako nagtaka kung pinili mong makipamuhay sa mga Lumad at tulungan sila doon, sa pangunahin, na bigyan ng edukasyon. Kaya heto, gusto ko nga pa lang sabihin sa iyo, “Ang galing mong mamuno, mula eskuwelehan hanggang komunidad, mula kalunsuran hanggang kanayunan.”

Pero huwag mong isasagot na “hindi naman tayo nakakapili ng gawain, iyon ang pangangailangan.” Dahil ang totoo, sa araw-araw na meron ka, malay mong pinili na ialay ang iyong galing, lakas at talino para sa minamahal na mga api’t pinagsasamantalahan.

Meron ka naman talagang choice na hindi gawin yan lalo pa’t sa UP ka nag-aral. Maraming oportunidad para sa mga katulad mong mahusay na lider-estudyante. At kung nanaisin mo lang, malayo ang mararating ng iyong charisma’t iba pang kakayahan. Pero gaya ng tunay na iskolar ng bayan, na habambuhay namin hahangaan at pagpupugayan, pinili mong paglingkuran ang sambayanan- buhay man ay ialay.

Noong huling dalaw ko sa Davao, nagmamadali kang umalis. Basta alam kong malayo ang pupuntahan mo dahil madami kang bitbit. May dala ka nung projector at laptop dahil magtatalakay ka sa isang komunidad. At kung kukuhanan ng larawan ang pagkakataong iyon, makikita nila ang nakita ko- ngiting-ngiti ka’t sabik na sabik na makarating sa kanila.

Alam kong sa huling 11 buwan ng buhay mo dun, na kapiling mo ang mga Lumad at ang mga kababayan nating pinakamahihirap, labis ang iyong saya.

At sa huli, hindi ko talaga puwedeng hindi masabi sa iba kung paaanong ikaw ang naalala ko tuwing tinatalakay ang pagiging mountain eagle ni Lenin, “modest and simple yet strong and full of reason; no whining over defeat but no boasting in victory; true to the movement’s principle; possessing enormous faith in the creative power of the masses; and a committed leader of the revolution.”

Ito na nga ang pinakamataas na pagpupugay na pwede naming i-alay sa taong katulad mo–ipagpapatuloy namin ang rebolusyon ng pagpapalaya na labis mong minahal.

Paalam at pagpupugay sa iyo, kasama.

#AyokoMagmahal at iba pang hugot sa Buwan ng Pagmamahal

$
0
0

Pebrero na naman. Buwan na naman ng pagmamahalan ng tuition, wika nga ng mga grupo ng kabataan. Kabi-kabila na naman ang mga konsultasyon kuno ng mga administrador ng malalaking paaralan sa bansa.

Nasa ikatlong trending topic ang #AyokoMagmahal ngayong gabi sa Twitter sa buong Pilipinas. Ngayon kasi ang bisperas ng konsultasyon sa nakaambang lima hanggang walong porsiyentong pagtaas ng matrikula sa Univeristy of Santo Tomas (UST) sa Maynila at maraming mag-aaral nito ang aktibong nagpapahayag ng pagtutol sa isa na naming pagtataas ng bayarin sa nasabing pamantasan.

Sa pagbabasa ng ilang tweets, ang daming hugot ng mga Thomasian sa isa na naming pagtaas ng matrikula sa UST. Hindi naman siguro magiging trending ang #AyokoMagmahal na pinasimulan ng mga organisasyon sa UST na tutol sa tution increase kung hindi sila apektado nito.

Sa katunayan, halos taun-taon na kung magtaas ng tuition, hindi lamang ang UST, kundi marami sa malalaking pribadong pamantasan sa buong bansa. Noong Hunyo 2014, umabot ng 287 na private higher educational institutions (PHEI) ang pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) na magtaas ng TOSF mula sa 345 na nagsumite ng proposal for increase. Karamihan dito ay mayor at malalaking PHEIs sa mga urban center ng Pilipinas.

Sa isang consultative forum sa Kamara nitong nakaraang Pebrero 16, sinabi ni Cong. Mariano Piamonte Jr. na maliit na bahagi lang ng mahigit 2,500 na PHEI sa bansa ang 287 na paaralang nagtaas ng bayarin. Tinawag pa niyang “isolated cases” ang mga tuition hike na ito.

Ngunit tingnan natin kung ilang mag-aaral ang apektado. Sabihin nating may 5,000 hanggang 20,000 ang populasyon ng mga ito dahil malalaking paaralan kadalasan ang nagtataas ng bayarin kada taon. Sabihin nating 10,000 ang average na populasyon ng isang malaking unibersidad sa Pilipinas. Kung 200 ang nagtaas ng bayarin, aabot sa dalawang milyong estudyante ang apektado. Milyong pamilya sa buong kapuluan ang pahihirapan ng pagtaas ng bayarin sa mga paaralan. Hindi kataka-takang maliit ang bilang ng mga Pilipinong nakakatapos ng kolehiyo at dumarami ang out-of-school youth o pinili na lamang maghanapbuhay dahil ‘di na kayang matustusan ang pag-aaral.

Oo, kailangan nga naman talagang maningil ng mga pribadong paaralan para magpatuloy. Ngunit ang paniningil nang sobra-sobra at pagkamahal-mahal na bayarin at pagkakitaan ang mga estudyante at magulang ay isang inhustisya.

Maliban sa tuition, nariyan rin ang other school fees (OSF). Talamak ito sa maraming pamantasan, maging sa state universities and colleges (SUC). Pinakasikat sa mga OSF na ito ang iba’t ibang porma ng development fee. Nagkakahalaga ng mula sa P100 hanggang P2,000 ang mga development fee na ito na ginagamit diumano para sa pagpapagawa ng mga bagong pasilidad at iba pang kagamitan sa pag-aaral na hindi naman responsabilidad na bayaran ng mag-aaral kung hindi naman niya ito magagamit agad. May ilang paaralan rin na mas mataas pa sa matrikula ang OSF na kanilang binabayaran.

Nariyan ang mga OSF na Energy Fee, Aircon Fee, Power Plant Development Fee, Sports Development Fee, Athletic Fee, PE Fee, Charity Fee, Donation Fee, Spiritual Fee (Hindi ko talaga maintidihan kung bakit may ganito sa ilang Katolikong paaralan. Ito ba ay porma ng indulgecia plenaria? Ewan ko ba.), at kung anu-ano pang bayarin na nais singilin sa mga estudyante na hindi naman na dapat sinisingil.

Halos taun-taon na lang ay walang pakundangang nagtataas ng tuition and other school fee (TOSF) ang mga paaralan na hindi naman maayos na nakonsulta sa mga mag-aaral at magulang.

Ang CHED Memorandum Order No. 3, series of 2012 (CMO 3) na nagtatakda ng kondukta ng mga konsultasyon sa TOSF increase ay hindi tunay na sinusunod ng mga paaralan batay sa mga kasong naitala ng Rise for Education Alliance kasama ng National Union of Students of the Philippines at College Editors Guild of the Philippines. Inamin na rin mismo ng mga opisyal ng CHED sa consultative forum sa Kamara nitong nakaraang Pebrero 16 na wala silang sapat na kakayahan at makinarya upang i-monitor ang mga konsultasyon. Nagagawa ring paikutin ng mga administrador ng paaralan ang CMO 3 upang maisakatuparan ang pagtaas ng TOSF sa mga kolehiyo at pamantasan sa bansa.

Kadalasan rin, kung magpapahayag ng pagtutol ang mga estudyante ay natutuloy pa rin ang pagtaas. Maraming kaso rin ng mga bogus consultation ang naitala ng mga organisasyon ng kabataan sa pamamagitan ng Tuition Monitor na hindi naman talaga konsultasyon kundi anunsyo na lamang ng pagtaas. Walang magawa ang ilang mag-aaral at magulang dahil patuloy naman ang pag-apruba ng CHED sa mga ito. May ilang piniling lumaban ngunit nakaamba ang represyon sa mga estudyanteng aktibong tumututol.

Nagsampa rin ang mga mag-aaral ng reklamo sa CHED laban sa mga paglabag ng mga administrador ng paaralan sa CMO 3, ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring aksyon ang CHED. Kinasuhan na rin ng mga mag-aaral ang mga opisyal ng CHED sa Office of the Ombudsman dahil sa kawalang aksyon at kainutilan ng CHED sa pagkontrol sa mga bayarin sa mga kolehiyo at unibersidad.

Ang lahat ng ito rin ang dulot ng patuloy na deregulasyon sa edukasyon na nakabatay sa Education Act of 1982 na nagbibigay laya sa mga paaralang magtaas ng mga bayarin. Patuloy rin ang pagtutulak ng pamahalaang Aquino sa komersiyalisasyon ng edukasyon. Ang pagtutulak na maging self-reliant ang mga SUC sa pondo sa pamamagitan ng socialized tuition system, pagpapaupa sa lupain ng SUC sa malalaking negosyo, paniningil ng OSF at iba pang porma ng income generating projects.

Hangga’t nananatili ang mga polisiya ng deregulasyon at komersiyalisasyon sa sektor ng edukasyon, magpapatuloy ang mga pagtaas ng bayarin sa paaralan at patuloy na inilalayo ang kabataan sa edukasyon na dapat ay isang karapatang kanyang tinatamasa.

Marami pa kong hugot dito sa isyu na ‘to. Pero puputulin ko muna dito.

Nailibing Na Si Tita Cory

$
0
0

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

dating presidente ng republika
dating asendera ng hacienda luisita
asawa ni ninoy na may monumento sa ayala
dahil lumaban sa diktadura
hanggang patayin ng mga pasista.

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

ina diumano ng demokrasya
tagapagtanggol ng hustisya
ina rin ng artistang si cristeta
at amiga ng mga madyungera
sa mansiyon ng saya’t ligaya.

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

sa ospital noon pa man
umalingawngaw mga dasal
pumailanlang mga misa
tinutukan ng kamera
mayayaman at elitista
sa mga simbahan at kapilya
dumagundong kabi-kabilang nobena
ng mga banal at santo santita
“diyos naming mahabagin,
buhay ng aming tita’y pahabain.”

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

matapos bumaha ng mga bulaklak
sa katedral ng maynila
matapos ulanin ng papuri, ng paghanga’t pagdakila
ng kung sinu-sinong nalawitan niya ng grasya
sa mabulaklak niyang paglalakbay sa lupa
mga alaala’y madamdamin ngang sinariwa
at nangalaglag mga talulot ng luha
sumabog sa maamo’t mabangong mukha
ng mga babaing kutis porselana
at may tapalodong sutla rin yata
mulang puklo hanggang balakang
mulang dibdib hanggang baywang
may mga daliring hubog-kandila
na mahihiyang isawsaw sa suka
o ilamas sa maputik na lupa
“o, diyos na mahabagin
kaluluwa ng aming tita’y kalingain.”

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

di nga nahiyang sumilip sa kanyang bangkay
sa mamahaling kabaong sa katedral
maging doble-karang mga nilalang
na pawang mukhang banal
habang gumigiling ang kamera
sa mukha nila’t katawan
tumitig din at nakiramay
maging mga sagad-buto ang kawalanghiyaan
laban sa pambansang kapakanan
nakamaskarang nakidalamhati
sa pamilyang namatayan
“o, diyos na maawain
kaluluwa ng aming tita’y pagpalain.”

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

sa kahabaan ng lansangan
hanggang sa huling hantungan
inihatid siya ng tanaw
ng nagtiis sa ulanan at arawan
na masang sambayanan
silang noo’y dumagsa sa edsa
para suportahan ang mga bida
silang iniwan ang mga labada
silang tumakas sa pabrika
silang hindi pumasada
silang mangingisda’t magsasaka
silang estudyante’t intelektuwal
na nakialam sa lipuna’t pulitika
silang alipin ng burukrasya
na pawang nagsakripisyo sa edsa
wakasan lamang ang diktadura.

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

hanggang ngayo’y sinusuob siya
ng insenso at kamanyang
ng papuri at paghanga’t pagdakila
siyang mahinhin at relihiyosa
na laging lumulunok noon ng ostiya
siyang matulungin at mapagkumbaba
siyang mapagpatawad at mapagkalinga
siyang batbat ng kabanalan bawat salita
sabi tuloy ng mga hunyango
pambansang bayani siya
sabi ng mga ipokrito’t ipokrita
karapatdapat na santa siya
pero sabi ng makatang sumulat ng “gera”
paano mga magsasakang minasaker sa mendiola?
paano mga napatay sa hacienda luisita?
paano rin mga magsasaka
sa hacienda san antonio sa isabela?
paano mga isneg sa dumalneg?
paano mga taga-lupao sa nueva ecija?
paano mga katutubo sa marag at paco valley?
paano rin ang ora pro nobis ni lino brocka?
paano, higit sa lahat
ang bilyun-bilyong dolyar na pambansang utang
na maaari sanang di na bayaran
nang itatag niya rebolusyonaryong pamahalaan?
“o, diyos na mahabagin
kaluluwa ng aming tita’y patawarin.”

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

mula noon hanggang ngayon
sa kabila ng ibinandilang diwa ng edsa
nakatunganga’t dayukdok ang masa
nilulunod sa ilusyon ng pag-asa
ng iilang hari-harian sa ekonomiya’t pulitika
tuloy ang laban.. tuloy ang laban…
sigaw maging ng mapagkunwaring mga elitista
at tagapagtaguyod ng burges na demokrasya
tuloy ang laban hanggang makalaya ang masa
sa kabusabusan at inhustisya
tuloy ang laban hanggang mapairal
lantay na hustisya sosyal
tuloy ang laban hanggang maghari
lipunang makatao, makabayan
maunlad, progresibo at tunay na demokratiko.

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

“o, diyos na mahabagin
kami naman ang iyong pagpalain…”
sa bawat madulang eksena
kaming masa’y laging mga ekstra
walang mukha ni pangalan
mga anino sa karimlan
at basura ng mga bida
pagkatapos ng pelikula
sila ang laging pinagpapala
kaming masa ang laging kaawaawa
“o, diyos ni abraham
talaga bang mapapalad ang maralita
at kukumutan sila ng grasya’t kaluwalhatian
sa paraiso mo sa kalangitan?
at di bale nang magpasasa sa lupa
mayayaman mong nilikha
kahit pawis at dugo at laman
ng masang sambayanan
kanilang pinagpipistahan
sa mesa ng grasya’t kapangyarihan?”

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

tuloy pa rin ang laban… tuloy…
dahil kaming masang sambayanan
araw-araw na dinarahas
inililibing sa inhustisya’t kaalipinan
sa gutom at karalitaan
sa dusa’t kapighatian
habang magarbong nagsasayaw
mga diyus-diyosan sa lipunan
at masigabong kumakalembang
kampana ng bawat simbahan!

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.


 

Tita Cory Has Already Been Entombed

(in memoriam of tita cory and edsa 1)

tita cory has already been entombed
in the cemetery of the blessed.

former president of the republic
former landowner of hacienda luisita
wife of ninoy with his monument in ayala
because he fought the dictatorship
and was murdered later by the fascist state.

tita cory has already been entombed
in the cemetery of the blessed.

alleged mother of democracy
acclaimed defender of justice
mother also of the chattering cristeta
and amiga of mahjong maniacs
in the arlegui mansion
of merriment and joy.

tita cory has already been entombed
in the cemetery of the blessed.

in the hospital then
masses were daily held
in various chapels and churches
while the camera focused on
the rich and the famous
the saintly double-faced mammals
recited their novenas
“please god the merciful
“prolong the life of our tita.”

tita cory has already been entombed
in the cemetery of the blessed.

after she was showered
with expensive imported flowers
inside the grand manila cathedral
after being rained with praises
and adulations by those
she had shared her blessings
during her rosy journey on earth
her memories were solemnly refreshed
and petals of tears fell
slowly dropped on the lovely faces
of ladies with very smooth skin
like rare porcelain
also with silk underwears
from the sexy waist
down to the sacred mound
from the bulging breasts
down to the tight belly
with candle-shaped fingers
forbidden to even dip in sauce
or to mash the wet-sticky soil
“oh, god the merciful
“please take care of our tita’s soul.”

tita cory has already been entombed
in the cemetery of the blessed.

shameful they were not
the hypocrites in government
to peep at her cadaver
and polished bronze coffin
all looking piously
amidst the glaring lights
of so many cameras
even the national welfare’s traitors
and notorious plunderers of public fund
remorseful they were not
to gaze at her serene saintly face
they even deceptively expressed
their masqueraded symphaties
to the grieving landlord family
“oh, god the merciful
“please bless our tita’s soul.”

tita cory has already been entombed
in the cemetery of the blessed.

along the long stretch of road
to her final resting place
she was sent off by the stares
of throngs of ordinary people
who didn’t mind the falling rain
or the sun’s irritating rays
they who massed then at edsa
to support their audacious leaders
against the dictatorial regime
they who abandoned their laundries
they who deserted their factories
they who did not drive their jeepneys
they the fishermen and farmers
they the students and intellectuals
who were so worried and concerned
about politics and society
they who were slaves of the bureaucracy
they who all offered everything at edsa
to end the despicable
reign of terror and fear.

tita cory has already been entombed
in the cemetery of the blessed.

up to now she’s being idolized
offered with incense and perfumes
showered with praises and admirations
she who was so religious
always taking then her communion
she who was so helpful and humble
she who was so forgiving and loving
she whose words were holiness full
that’s why the chameleons
keep on saying
she’s a national heroine
the stooges keep on drumbeating
she deserves to be a saint
but the poet who wrote “gera”
keeps on asking:
what about those farmers
massacred in mendiola?
what about those murdered
in hacienda luisita?
what about the peasants
in hacienda san antonio in isabela?
what about the isneg in dumalneg?
what about those in lupao in nueva ecija?
what about the natives of marag and paco valley?
what about the “ora pro nobis” of lino brocka?
what about above all else
the billions of dollars foreign debts
which could possibly be absconded
when she established then
a revolutionary government?
“oh, god the merciful
“please forgive our tita’s soul.”

tita cory has already been entombed
in the cemetery of the blessed.

from then on till now
despite the enshrined spirit of edsa
still suffering and wretched are the masses
bombarded with illusionary hopes
by a few demigods and mafia bosses
of patronage politics
and foreign-dominated economics
struggle we must… fight!
even the deceiving elitists
and defenders of bourgeois democracy
keep on shouting back
continue the struggle… fight!
till the emancipation of the masses
from bondage and injustice
continue the fight
till vigorously unshackled
from the manacles of servitude
till violently cut-off
from the tentacles of exploitation
so genuine social justice reigns
continue the struggle
so a nationalistic, progressive
and democratic society prevails.

tita cory has already been entombed
in the cemetery of the blessed.

“oh, god the merciful
“we are the ones you should
“help and bless now…”
in every dramatic scene
we, the masses, are the peons
faceless and nameless
and mere shadows in the dark
mere trash in the eyes of leading men
after every scripted film showing
blessed always are they
but, we, the masses are nothing
“oh, god of abraham
“is it really true
“blessed are the poor
“for they will inherit
“the kingdom of heaven?”
to hell are the rich on earth
who enjoy your abundant blessings
to hell are the plunderers and exploiters
gluttunously feasting on the blood
and flesh of the wretched masses.

tita cory has already been entombed
in the cemetery of the blessed.

let the struggle go on… fight!
yes, fight, because we the miserable masses
are always being repressed and exploited
tortured and most of the time buried
in the desolate and cruel graveyard
of injustices and servitude
of hunger and grief
of sorrow and despair
while dancing joyfully
society’s demigods and rulers
and tolling raucously
the big bronze bells
of money-filled churches!

tita cory has already been entombed
in the cemetery of the blessed.

LETTER | We demand truth and accountability in the Mamasapano incident

$
0
0
Youth Act Now-Manila holds a Unity Walk for Truth and Accountability over the Mamasapano carnage from Kilometer Zero in Rizal Park going to Ermita Church. <b>Kathy Yamzon/Contribution</b>

Youth Act Now-Manila holds a Unity Walk for Truth and Accountability over the Mamasapano carnage from Kilometer Zero in Rizal Park going to Ermita Church. Kathy Yamzon/Contribution

LIHAM icon

Forty-four members of the PNP Special Action Force (SAF), 18 Moro rebels and six civilians are dead. The Mindanao peace process is teetering on the brink with a possible escalation of the armed conflict. Our nation mourns while outrage spreads, as the highest government officials try to cover up events leading to the carnage.

Nearly a month after the January 25 Mamasapano clash, the following details of the top-secret SAF operation are emerging:

  • President Benigno Simeon Aquino III, Commander-in-Chief, assigned General Alan Purisima to oversee the entire operation despite the Philippine National Police chief’s suspension on corruption charges;
  • President Aquino’s decision closed off Operation Exodus to all but himself and a few chosen men, violating the chain of command and all notions of responsible oversight.
  • The early morning raid was done without proper coordination with the Armed Forces of the Philippines (AFP) as well as the GRP-MILF ceasefire committee, which would have helped prevent the loss of so many lives on all sides.
  • The operation involved the US Federal Bureau of Investigation (FBI) and the Zamboanga-based US Joint Special Operations Task Force (JSOTF) in various capacities and stages.
  • In light of these fatal errors, the President and his men appear to be frantically covering up their roles as well as that of the US government. This is unacceptable.

    The government owes the dead, their bereaved families and the entire nation a thorough and independent investigation.  Aside from the operational failures of Oplan Exodus, the investigation should look into the following:

    1.    The role and accountabilities of the President and everyone else down the line and why entire chains of command were bypassed in the high-value, high-risk operation;

    2.    How the government factored in or failed to consider the consequences to the GPH-MILF peace process;

    3.    The role of the US government in the conduct of the hunt for Marwan and Usman and, in particular,  in Oplan Exodus;

    4.    The accountabilities of the Philippine government, MILF, BIFF and other groups with respect to possible violations of the peace agreements and International Humanitarian Law.

    Justice cannot be achieved in a process shrouded by half-truths and outright lies. Peace itself is threatened by the absence of truth and accountability. Thus do we demand truth and seek accountability — most especially from the highest official of the land — in order for justice to be served and genuine peace to be achieved. 

    This February 25, exactly one month after the Mamasapano incident, and on the anniversary of EDSA 1, we call on everyone to join us in an interfaith prayer and symbolic human chain, to be held from 3-6 p.m., starting at the Camp Crame EDSA Gate stretching all the way to the EDSA Shrine in Ortigas Ave.

    Let us join hands for truth, accountability, justice and genuine peace.

     

    Signatories:

    Sister Mary John Mananzan, OSB

    Atty. Vicente Joyas
    Integrated Bar of the Philippines

    Bishop Arturo Asi
    United Church of Christ of the Philippines

    Bishop Elmer Bolocon
    Ecumenical Bishops Forum

    Fr. Rex Reyes
    National Council of Churches of the Philippines

    Fr. Ben Alforque, MSC

    Prof. Judy M. Taguiwalo, PhD
    Pagbabago! Movement for Change

    Engr. Jun Lozada

    Col. George Rabusa (Ret.)

    Bibeth Orteza

    Monique Wilson

    Atty. Harry Roque
    Concerned Citizens Movement

    Carol P. Araullo
    Bagong Alyansang Makabayan

    Joel Lamangan
    Concerned Artists of the Philippines

    Atty. Edre Olalia
    National Union of People’s Lawyers

    Sr. Patricia Fox, NDS

    Sr. Lynn Leuterio, ICM

    Fr. Jesus Dumaual, MSC

    Rev. Mariesol Villalon
    United Methodist Church

    Tonyo Cruz
    tonyocruz.com

    Peachy Bretaña

    Mae P. Paner

    Maria Isabel Lopez

    Dante LA. Jimenez
    Volunteers Against Crime and Corruption

    Mico Pangalanan
    Youth ACT Now!

    Menchu Sarmiento
    Writers vs. Impunity

    Dr. Ramon Paterno

    Socorro Reyes
    BABALA

    Murphy Red
    Kapederasyon

    Pera ang Nagsasalita

    $
    0
    0

    Nabasa ko ang pahayag ng Akbayan para sa ika-29 na anibersaryo ng pag-aalsang Edsa People Power. Ang titulo: “Realize Edsa’s unfulfilled promises; shield it from opportunists, vultures and usurpers.” Inilathala ang pahayag, syempre pa, pagkatapos ng pagdanak ng dugo sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25. Sa gitna ng pinakamatinding eskandalong yumanig sa gobyerno ni Noynoy Aquino, hindi pa rin nayayanig ang matinding suporta ng Akbayan sa kanya. Masasabi pa nga na minamarkahan ng pahayag ang panibagong antas ng pagkabulok ng Akbayan mula sa grupong may pseudo-progresibong pagpapanggap patungong sagad-sagaring bayaran.

    Sa kaso ng Mamasapano, ang panawagan ng Akbayan kay Aquino: “igiit ang kanyang solidong pamumuno sa isyu at gumawa ng mapagpasyang hakbangin para ilabas ang buong katotohanan at magbigay ng hustisya sa lahat ng biktima.” Para kang nanawagan kay Gloria Macapagal-Arroyo na ilabas ang katotohanan sa “Hello Garci.” Ayon pa rito, may “mga seryosong pagkakamali sa paghusga at command sa mga kritikal na yugto ng engkwentro.” Sa ganitong pahayag, ang itinuturing lang na biktima ay ang 44 na operatiba ng Philippine National Police-Special Action Force, hindi kasama ang maraming Moro na napatay dahil sa operasyon – rebelde man o karaniwang sibilyan.

    Pero ang mas mahalagang punto: Ang ugat ng pagdanak ng dugo ay wala sa anumang detalye ng operasyon, kundi sa buong plano nito. Dumanak ang dugo dahil ang plano ay pagpatay sa isang pinagbibintangang terorista na nasa loob ng isang komunidad kung saan maraming armadong grupo. Dumanak ang dugo dahil ipinatupad ni Aquino ang patakaran ng US ng pagpatay sa mga pinaghihinalaang terorista sa isang delikadong konteksto. Mahalagang punto ito kung gusto nating matuto sa nangyari, dahil lantad nang may patakaran ang gobyerno ng US ng asasinasyon sa mga pinaghihinalaang terorista, ayon nga kay Glenn Greenwald at iba pang imbestigatibong mamamahayag.

    Syempre pa, ramdam na tinutunggali ng Akbayan ang Kaliwa sa pahayag. Sabi nito patungkol sa mga tumutuligsa kay Aquino: “sa kalakhan ng kanilang buhay ay nag-instrumentalisa, nang-abuso at nang-angkin sa makatarungang pakikibaka ng bayan para sa pagbabagong panlipunan.” Ang Kaliwa ang tinutukoy rito, dahil ang iba pang personalidad at pwersa na idinidikit sa Kaliwa ay direktang kumalaban, hindi nakisakay, sa naturang pakikibaka. Sa kabilang banda, tiyak na sarili ang tinutukoy ng Akbayan nang sinabi nitong nagbukas ang Edsa ng “mga bagong oportunidad para ituloy ng mga kilusang panlipunan ang pakikibaka para sa tunay na pagbabagong panlipunan.”

    Pero nasaan ang ebidensya ng retorikang ito? Gustong palabasin ng Akbayan na nagsusulong ng mga reporma ang gobyernong Aquino, pero puro mga hakbangin ang ibinibida nito, hindi resulta – sa pagbawas sa kahirapan at kagutuman, halimbawa. Participatory budget process? Tapos pwedeng baguhin ng pangulo gaya ng ginawa sa Disbursement Acceleration Program. Disenteng paninirahan para sa “informal settlers”? Tatak ng gobyernong Aquino ang mararahas na demolisyon at bulok na relokasyon. Proteksyong panlipunan? Lalong lumaganap ang kawalang-trabaho, kontraktwal na empleyo, at kawalang-lupa. Ito ang katuparan ng mga pangako ng Edsa?

    Sobrang labag na sa katwiran ang mga pahayag ng Akbayan hinggil sa gobyernong Aquino. Halatang hindi na katwiran, at lalong hindi paninindigan, ang nagsasalita sa mga ito, kundi pera. Makikita rin ito sa paggamit ng Akbayan sa retorika ng Edsa: Sa panawagan nitong kamtin ang pangako ng Edsa ngayon, pinapalabnaw ng Akbayan ang naging bisa at silbi ng Edsa para sa mga Pilipino – ang magpatalsik ng kinamumuhiang pangulo. Higit pa riyan, pinapatatag nito ang ilusyong makakamit ang mga pangako ng Edsa sa kasalukuyang sistema at gobyerno. Malinaw, kung susuriin lang, kung sino ang tunay na “oportunista, buwitre at mang-aagaw” sa pakikibaka para sa pagbabago.

    25 Pebrero 2015

    Umiindak Ang Mga Anino

    $
    0
    0

    umiindak ang mga anino
    sa telon ng kamalayan
    mga kasamang namaalam
    ngunit nag-iwan
    ng iniukit na mga bakas ng alaala
    sa mga burol at talampas ng pagsinta
    nanlilisik na mga mata
    mga kamao ng protesta
    mga umaalong dibdib ng natipong ngitngit
    at nag-aalab na paghihimagsik
    mga paang marahas na sumisikad
    sa palanas at madawag na gubat
    mga hintuturong nanunumbat
    sa manhid na budhi’t kaisipan
    ng iilang hari-harian
    sa bulok, inuuod na lipunan.

    nagsasayaw ang mga anino
    maging sa kumot ng balintataw
    di pandanggo’t rigodon
    ng mga makapangyarihan
    o sayaw ng pagdiriwang
    ng uring gahaman sa yaman ng bayan.
    manapa’y umiindak sila
    sa ritmo ng pakikibaka
    tulad ng buza ng rusya
    o it-tahtib ng ehipto
    o combat hopak ng ukraine
    o yarkhushta ng armenia.
    nagsasayaw ang mga anino
    at di ako mahihimbing
    hanggang di nasisilayan
    lagablab ng libong sulo
    sa karimlan ng aking bayan!

    Laban para sa hustisya, tuloy pa

    $
    0
    0

    Sa araw ng sentensiya sa dating employer ni Erwiana Sulistyaningsih, may isang lokal na lumapit sa amin at di-ngumingiting nagtanong, “bakit kayo nandito?”

    Akala ko mapapa-away kami. Kaya kahit paalis na, tumigil kami at sinagot ang tanong niya.

    Sa tindi, lawak at tagal ng panahong naging panlipunang usap-usapan ang kaso ni Erwiana, hindi malayo na makaka-engkuwentro ng isa o ilan na may pagtinging tulad ng sa gobyerno ng Hong Kong na nagsabing isolated na kaso lamang ang kay Erwiana; o kaya naman ay sumisimpatya kay Erwiana pero hindi naniniwalang malala ang sitwasyon ng foreign domestic workers; o, mas matindi, ang sinasabi ng makikitid ang isip na ang mga katulad ni Erwiana ay naghahanap lang ng pera kaya ginagawan ng kaso ang employer.

    Kung maaalala, bumulaga sa Facebook at kumalat ng mabilis sa iba pang mga media ang kaso ni Erwiana, isang Indonesian na FDW, noong Enero ng nakaraang taon. Ang larawan ng isang babaeng halos hindi makatayo sa kanyang upuan habang naghihintay ng kanyang flight na puwersadong ginawa para sa kanya, sugatan, puno ng pasa at halatang dumaan sa hindi mo maisip na torture at pang-aabuso, ay nagpaliyab ng galit sa laksang migranteng manggagawa sa Hong Kong.

    Pagsasalita ni Leni Estari ng International Migrants Alliance (IMA), katabi si Erwiana. Umaasa si Erwiana na maghahatid ng malakas na signal ang kaso niya sa gobyerno ng HK para sa mga reporma. "I will join fellow migrants to end slavery!" sabi niya. <b>Aaron Ceradoy</b>

    Pagsasalita ni Eni Lestari ng International Migrants Alliance (IMA), katabi si Erwiana. Umaasa si Erwiana na maghahatid ng malakas na signal ang kaso niya sa gobyerno ng HK para sa mga reporma. “I will join fellow migrants to end slavery!” sabi niya. Aaron Ceradoy

    Matapos ang lampas isang taon ng imbestigasyon at prosesong legal, napatunayang guilty sa 18 sa 20 kaso ang dating employer ni Erwiana na si Law Wan-tung. Bagamat hindi convicted sa dalawa pa, ito ay dahil lamang sa hindi napatunayan beyond reasonable doubt ang krimen. Sumunod dito ang sentensiya — anim na taong pagkakulong at HK$15,000 multa.

    Sa buong panahon imbestigasyon at bista ng kanyang kaso, kinakitaan ng tatag si Erwiana kahit pa nga kasabay nito ay sumasailalim sya sa pagpapagamot at recovery hindi lang sa pisikal na sakit kundi maging emosyonal at mental. Hindi biro ang walong buwan ng pambubugbog, kawalan ng kahit isang day-off, kawalan ng sapat na pagkain, tulog na tatlo hanggang apat na oras, at iba pang porma ng pang-aabuso na kanyang dinanas.

    Ang internal na lakas at determinasyon ni Erwiana ay tinumbasan ng gayunding antas ng suporta ng kapwa-FDWs at ibang sektor sa Hong Kong at sa labas.

    Kaya dun sa nagtanong kung bakit kami nandun, sinagot na lang namin na naroon kami para sumuporta kay Erwiana. Naroon kami para ipakita na ang isyu ni Erwiana ay isyu rin ng lahat ng FDWs. Sapagkat ang sitwasyon na nagpalala sa kalagayan ni Erwiana — na kinilala rin ng mismong huwes sa kanyang kaso – tulad ng mandatory live-in employment arrangement, at ang kawalan ng epektibong aksiyon para matigil ang pagsasamantala ng mga recruitment at financing agencies – ay nananatili.

    Naroon kami dahil nakamtan man ni Erwiana ang hustisya sa ginawa sa kanya ng dati niyang employer, ang pakikibaka para makamtan ni Erwiana at ng lahat ng FDWs mula sa gobyerno ng Hong Kong ang hustisya ay patuloy pa rin.

    Matapos ito, nginitian kami ng babaeng nagtanong at sinabing marapat lang ang aming ginagawa.

    Nalimutan kong sabihin na ang ngiti at suporta ng tulad nya ay isa rin sa mga dahilan kung bakit naroon kami.


    Kahabag-habag na Migranteng Manggagawa

    $
    0
    0

    Nakalulungkot at nakasusulak ng dugo ang mga kaapihan at pambubusabos na matagal nang dinaranas ng migranteng manggagawang Pilipino sa Malaysia man o sa Taiwan o sa Japan, sa Singapore man o sa Gitnang Silangan, sa Europa man o sa Amerika o sa Aprika. Ilan na nga ba sa kanila ang biktima ng makahayop na kalupitan ng kanilang mga amo: walang patumanggang binugbog, pinaso ng plantsa, inginudngod sa kubeta, ginutom at ginahasa? Ilan na ba sa kanila ang nakabilanggo ngayon dahil napilitang ipagtanggol ang sariling karapatan sukdulan ngang makapatay? Ilan na ba sa kanila ang pinutulan ng ulo, binitay o nakatakda nang bitayin? Ilan na ba sa kanila ang umuwing baliw o iniuwing bangkay na lamang? Tingnan na lamang ang detalyadong mga datos ng grupong MIGRANTE kaugnay nito.

    Nagsimula ito matapos ang digmaang Pilipino-Amerikano. Naging kolonya tayo ng Amerika at ipinatupad ng gobyerno ang mga patakaran ng malayang kalakalan kaya naging tambakan ang bansa ng sobrang mga produkto ng Estados Unidos at, higit pang masama, dahil sa masidhing pangangailangan ng Amerika sa hilaw na mga materyales, hinuthot nito ang likas na yaman ng bansa na nagpalaganap ng karalitaan hanggang sa kanayunan at tuluyang nagbunsod sa migrasyon ng manggagawang Pilipino.

    Sa kasaysayan ng pandarayuhan ng manggagawang Pilipino — na kilala ngayon bilang OCWs (overseas contract workers) — maaaring ang kauna-unahang napatalang migrasyon ng mga ito ay ang pagdating sa Hawaii noong Disyembre 20, 1906 ng grupo ng 15 kalalakihang Ilokano upang magtrabahong parang mga sakada sa plantasyong Olaa. Pagsapit ng 1934, umabot ng 120,000 ang nagkakandakubang manggagawang Pilipinong nagkalat sa mga taniman ng tubo at pinya at iba pang produktong agrikultural sa Hawaii. Karamihan sa kanila’y mga magsasakang hindi nakapag-aral mula sa Pangasinan, Cebu at Ilokos kung kaya madaling nalinlang sa mga kontratang kanilang tinanggap, pinasuweldo nang agrabiyado, at napilitang lunukin ang hindi makatarungang mga kondisyon sa paggawa. Pinagtrabaho sila ng 10 oras sa isang araw, 26 na araw sa isang buwan, sinigaw-sigawan at ininsulto ng mga tagapamahalang Haoles — mga Amerikanong Caucasian — at kapag nagkamali o saglit na nagpahinga, sinasaktan pa minsan ng mga katiwalang Kastila at Portuges.

    Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mula ng huling taon ng dekada ’40 hanggang dekada ’60, libu-libong manggagawang Pilipino ang dumagsa sa mga konstruksiyong militar ng Amerika sa Pasipiko, lalo na sa mga isla ng Guam, Okinawa at Wake, ngunit inagrabiyado rin sa suweldo kung ihahambing sa sahod ng mga manggagawang Amerikano sa parehong trabaho.

    Dahil bagsak nga ang ekonomiya ng bansa bunga ng kainutilan, katiwalian at makadayuhang patakarang pangkabuhayan ng walang gulugod na pambansang liderato, at lubhang mailap ang oportunidad para sa karaniwang manggagawang Pilipino, nandayuhan na rin sila sa Thailand at Malaysia sa mga huling taon ng 1960. Kahit hindi tiyak ang kasasapitan, nakarating ang iba sa Alemanya, Italya at Pransiya, at iba pang mga bansa sa Europa. Napadpad ang iba sa California at Chicago sa Amerika, sa Ontario at Winnipeg sa Canada, dahil sa pagbabakasakaling matagpuan ang hinahanap na ginto upang maiahon sa gutom at karalitaan ang iniwang nalulungkot at nangungulilang mga pamilya.

    Nang pairalin pa ang Batas Militar ng diktadurang Marcos noong 1972, lalong humilahod ang pambansang ekonomiya, lalong naghirap ang ordinaryong mga mamamayan, at lalong tumaas ang halaga ng dolyar kontra sa piso kaya lalong tumindi ang migrasyon ng mga manggagawang Pilipino — babae man o lalaki — at napadpad sila sa iba’t ibang lupalop, sa Iraq man o sa Iran, sa Bahrain man o sa Kuwait o sa Dubai sa Gitnang Silangan, sa Angola man o sa Ethiopia at Nigeria sa Aprika, at maging sa Singapore, Hongkong, Taiwan, Japan at Korea sa Asya. Ang iba, kahit salat sa kaalaman at karanasan, ay napilitang sumuot at maglingkod sa pandaigdig na industriya ng pagbabarko, naglayag saanmang sulok ng mundo taglay ang mumunting mga pangarap na malimit namang nilalamon lamang ng dambuhalang mga alon sa malawak na karagatan.

    Sa kasalukuyan nga, milyun-milyon na silang parang mga layak na nakakalat sa iba’t ibang mga lupain at kayakap nila ang pangungulila’t kalungkutan, biktima ng inhustisya’t kaalipinan, ng karahasan at kamatayan, sa kanilang mahaba’t marawal at nakahahabag na kasaysayan. Tiniis nila ang nakapapasong init sa mga konstruksiyon at minahan ng langis sa disyerto ng Saudi Arabia; tiniis nila ang makadurog-butong lamig sa pabrika ng salmon at sardinas sa Alaska; tiniis nila lalo na ng mga kababaihan ang pagmamalupit ng kanilang amo — ang suntok, sipa’t tadyak, bugbog at panggagahasa sa Singapore, Hongkong at mga bansang Arabo; tiniis nilang magsayaw nang hubo’t hubad, mabulid sa prostitusyon, laspagin at babuyin sa mga bahay-aliwan sa Japan; tiniis nila ang malarya at iba pang nakamamatay na sakit sa mga minahan sa Aprika ngunit, higit sa lahat, tiniis nila ang nakapanlulumong kalungkutan dahil sa matinding pangungulila sa iniwang mga mahal sa buhay.

    Bagaman nasusuhayan nga nila ang bumabagsak na pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng bilyun-bilyong dolyar na ipinadadala nila taun-taon sa bansa, nakapaghihimagsik na hindi naman sila ganap na pinangangalagaan o tinutulungan ng sariling gobyerno hinggil sa mga problemang kaugnay ng kanilang mga trabaho sa iba’t ibang banyagang lupaing kinaroroonan nila ngayon. Patuloy lamang silang binobola o inuutong “mga bagong bayani” ngunit wala namang kongkreto’t makabuluhang mga programa ang pambansang liderato upang sila’y maalalayan at sagipin sa kumunoy na kanilang kinasadlakan.

    Dahil sa kontra-manggagawa at makadayuhang mga patakarang pangkabuhayan ng umiiral o naghaharing rehimen, inaasahan pa ngang lalong titindi ang pandaruhayan ng manggagawang Pilipino kahit hitik na ang kasaysayan nito ng inhustisya’t kalupitan at kaalipinan. Hanggang inutil ang gobyernong mabigyan ng sapat na oportunidad ang kanyang mga mamamayan — desenteng trabaho, makatarungang sahod, kaukulang mga benepisyo sa paggawa tungo sa maluwag o komportableng buhay — patuloy at patuloy na ipapadpad ng hangin ng karalitaan at kakalat na parang mga layak sa iba’t ibang panig ng mundo ang manggagawang Pilipino. At. di nga kasi, patuloy at patuloy ding mararagdagan ang mahaba nang listahan ng mga inabuso’t ginahasa, ng mga pinatay at nagpakamatay, ng mga ikinulong, pinahirapan at binitay, ng mga umuwing baliw o bangkay na lamang, hanggang hindi maabot ng kurtadong utak ng estado ang tungkulin nitong lubos na pagmalasakitan, pangalagaan at ipagtanggol ang interes ng uring manggagawang Pilipino — narito man o nasaan mang panig ng mundo.

    Marami nga sa kanila — lalaki man o babae — ang umalis ng bansa nang luhaan o humahagulhol hanggang sa loob ng eroplano at, kung hindi man bumalik na bangkay na lamang, umuuwi namang bigo’t halos masiraan ng bait, durog ang mga pangarap at pira-piraso ang kinabukasan dahil sa mapait at malagim na karanasan sa banyagang lupang pinuntahan sa paghahanap ng kahit kapirasong langit para sa mga mahal sa buhay.

    Kahabag-habag na uring manggagawa!

    Guilly/Geary

    $
    0
    0

    “The needle, the union,
    The treadle, the bobbin. The code. The infamous blaze”
    Shirt, Robert Pinsky

    *    *    *

    Ang pinakamalapit na lapit ko kina Guilly at Geary ay ‘yung pagsusuot ko ng black shirt na may mga mukha nila sa kilos protesta noong Pebrero 27.

    FREE GEARY AT GUILLER ang panawagan ng political t-shirt na nakuha ko sa isang miyembro ng Kabataan Partylist Central Luzon.

    *    *    *

    “Sila’y mga taong
    naglagay ng sariling mga buhay sa panganib
    alang-alang sa pangarap
    na lahat ay mabuhay nang walang panganib”

    Hindi Iyan ang Aming Hinahanap, Alexander Martin Remollino

    *    *    *

    Hindi pa rin naililitaw ng mga militar sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño, alumni ng University of the Philippines Diliman, matapos silang dukutin noong 2006.

    *    *    *

    “Napunta kami sa Carranglan, Nueva Ecija upang saliksikin ng pangunahing problema ng mga tao rito. Nang masimulan namin ang aming interogasyon sa mga magsasaka, nakita namin na mayor na suliranin nila ay ang kawalang katiyakan sa kanilang lupang sinasaka. ‘Public Land’ ang halos 82% ng lagpas 70,000 ekt. Lupain ng Carranglan, at kalakhan sa mga tao ay magsasaka. At dahil sa iskemang national government na Public-Private-Partnership, at ‘LUPA’ ang pinakamalaking asset ng gubyerno , kaya naman naka-amba ang national project na Dalton Pass East Alignment Route Project sa bayang ito.”

    Sulat ni Guiller Martin “Guilly” Cadano ang nasa itaas. Isinulat niya habang nasa loob ng San Jose City District Jail sa Brgy. Malasin, San Jose City, Nueva Ecija.

    *    *    *

    Isang hapon ng Agosto, noong isang taon, sina Guilly at Gerald “Geary” Salonga, alumni ng University of the Philippines Diliman Extension Program in Pampanga, ay dinukot ng 3rd Infantry Battalion.

    *    *    *

    When they kick at your front door
    How you gonna come?
    With your hands on your head
    Or on the trigger of your gun?

    The Guns of Brixton, The Clash

    *    *    *

    Hindi lang pinaghinalaang mga nakikisimpatiya sa New People’s Army (NPA) sina Guilly at Geary. Ayon sa militar, mga miyembro ng NPA at sinampahan ng inimbentong kaso ng illegal possession of firearms, ammunitions, and explosives. May natagpuan daw na mga armas at granada sa bahay kung saan “nahuli” ang dalawa. Mga unggoy rin ang nasa militar. Non-bailable kasi ang ganoong kaso.

    *    *    *

    Sino nga ba iyong kabataan din sa Visayas na sinampahan ng kasong murder ng militar eh nasa trabaho siya noong mga oras na nangyari diumano ang krimen? Nasa trabaho siya – sa call center, may suot na headset at nakaharap sa computer!

    *    *    *

    Noong February 12, muling dininig ang mga kaso nina Guilly at Geary. Pero imbes na lusawin ang kaso, nagdesisyon ang korte na sisimulan ang pre-trial sa Abril.

    *    *    *

    Pang-diary ang mga sulat ni Geary. Bago magsara ang taon, gumawa siya ng New Year’s Eve wishes (tradisyon na niya ito mula pa noong bata siya). Isa sa mga ito ay world peace. Hindi mawawala ang good health para sa lahat. At siyempre pa, ang paglaya ng mga ikinulong dahil sa kanilang paninindigang pampolitika.

    *    *    *

    May mga tula naman si Guilly. Isa na rito ang tulang “Laro ng Pyudalismo.” Inihambing niya ito sa chess. Sabi niya sa isang saknong:

    “Kailangang may estratehiya
    Kailangan din ng taktika
    Kailanga’y hindi lamang taliw
    Dunong din sa pagsasakripisyo.”

    *    *    *

    Nabasa ko pa ang papel kung saan isinulat ni Guilly (handwritten) ang tulang ito.

    Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng “taliw” sa taludtod na iyon. Talim? Baka mispelled o mula sa katutubong wika. Ang mahalaga mulat ang dalawa sa mga kontradiksyon ng lipunan. Napatunayan nila kung paano sinasalot ng pyudalismo ang mga magsasaka (siyempre nariyan din ang imperyalismo at burukrata kapitalismo sa pangkalahatan). At tumutulong para magiba ang mga salot na ito.

    *    *    *

    Tandaan nating naroon sa Nueva Ecija ang dalawa para pag-aralan ang Dalton Pass East Alignment Road Project (DEARP) na magpapalayas sa mga magsasaka roon at bubutas sa mga bundok ng Carrranglan. Kung sino pa iyong mga nagmamalasakit sa mga karaniwang tao at kalikasan ang siya pang pinaparusahan ng pasistang estado.

    ‘Pag nagmahal (ang tuition and other school fees), laging may nasasaktan

    $
    0
    0

    ‘Di pa rin natatapos ang laban ng kabataan at mag-aaral sa pagtaas ng tuition and other school fees (TOSF) at patuloy na deregulasyon at komersiyalisasyon ng edukasyon.

    Mariin ang pagtutol ng mga estudyante sa buong bansa sa mga nagdaang linggo. Ipinamalas ng kabataan ang kanilang ‘di pagsang-ayon sa isa na namang round ng pagtaas ng mga bayarin sa mga kolehiyo at pamantasan.

    Sa taya ng Rise for Education Alliance (R4E), may 400 na unibersidad at kolehiyo sa buong bansa ang magtataas ng TOSF. Milyong estudyante na naman ang pahihirapan o titigil sa pag-aaral dahil sa pagtaas ng bayarin sa paaralan.

    Kamakailan, may isa na namang mag-aaral ang nagpatiwakal dahil ‘di mabayaran ang gastusin sa unibersidad. Si Rosanna Sanfuego, isang freshie sa Cagayan State University (CSU), ay nagawang kitilin ang sariling buhay dahil sa ‘di na kayang matustusan ng kanyang pamilya ang kanyang pag-aaral. Tuition-free ang CSU at miscellaneous fees o other school fees (OSF) na nagkakakahalaga ng P2,800 at iba pang gastusin sa kanyang pag-aaral ang ‘di na kayang tugunan ng kanyang mga magulang.

    Tulad ng Kristel Tejada ng University of the Philippines Manila dalawang taon na ang nakalilipas, si Rosanna ay isa ring biktima ng mga ‘di makatarungang polisiya ng administrasyong Aquino na ibayong deregulasyon at komersiyalisasyon ng edukasyon at ipaubaya ito sa pribadong sektor na magbubunga sa mas matataas na bayarin.

    Samantala, sa nakaraang pulong ng Board of Regents ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), pinigilan ng mga iskolar ng bayan na maipasa ang halos 1600 porsiyentong taas-matrikula sa PUP sa papasok na senior high school students. ‘Di pa kasama dito ang libu-libong OSF at papatak sa P16,000 ang babayaran ng senior high school students ng PUP. PUP pa rin hanggang sa kasalukuyan ang may pinakamababang matrikula sa buong bansa na may P12 kada yunit na.

    Sinabi ni President Emmanuel de Guzman ng PUP na sinungaling ang mga mag-aaral na humarang sa mga dadalo sa pulong na walang taas-singil sa PUP. Kamuntik na siyang kuyugin ng mga mag-aaral noong lumabas siya at sabihing walang taas-singil sa PUP. Ngunit malinaw sa agenda ng pulong sa kopya ni Student Regent Alexi Tiotangco na may dagdag-singil sa mga mag-aaral ng senior high school na tatanggapin ng PUP sa susunod na pasukan.

    Sa patuloy na pagpapatupad ng mga polisiya tulad ng Education Act of 1982 at Higher Education Modernizaton Act of 1997, patuloy ang pagpapahintulot ng pamahalaan kasabwat ang Commission on Higher Education (CHED) ang walang tigil na pagtaas ng bayarin sa private higher educational institutions (PHEI) sa bansa. Parang isang stamp pad na lang ang CHED na tagaapruba na lamang ng pagtaas ng mga bayarin dahil nasa mismong polisiya ng estado na hayaang magtaas ang matrikula at iba pang bayarin.

    Nakararanas rin paghihirap ng mga mag-aaral sa state universities and colleges (SUC) dahil ibinibigay ng Education Act of 1982 sa governing boards (Board of Regents o Board of Trustees) ang kapangyarihang magdesisyon sa mga bayarin na walang kaukulang konsultasyon sa mga mag-aaral.

    Kadalasan sa loob ng mga board, may student regent o trustee man, hindi napapakinggan ang boses ng mga mag-aaral na siyang mayorya na maaapektuhan ng taas-bayarin. Tingnan na lang natin ang nangyari sa PUP kung saan desperadong itinuloy ang pulong ng Board of Regents maipasa lamang ang TOSF increase. Isipin na lang natin kung paano pa ang mga paaralang walang kinatawan ang mga estudyante sa loob ng board dahil mas maraming kinatawan ang administrasyon at mga itinalaga ng gobyerno.

    Sa patuloy na pagtaas ng halaga ng edukasyon ay ‘di na kayang pag-aralin ng ordinaryong pamilyang kumikita ng minimum wage ang kanilang mga anak. Paano na lamang ang mga kabataang may pagnanais makatapos kung patuloy ang pag-akyat ng halaga ng edukasyon? Kahit sabihin nating maging working student, hirap pa rin dahil sa dami at mahal ng bayarin.

    Sa patuloy na pagpapaubaya at labis na kalayaang ibinibigay ng mga polisiya ng administrasyong Aquino upang patuloy na maningil ng mga pagkamahal-mahal na bayarin ang mga estudyante at magulang, may mga kabataang patuloy na tumututol at lumalaban.

    Naglunsad ng pambansang walkout ang kabataan noong ika-13 ng Marso. Libo-libong mag-aaral sa buong kapuluan ang lumahok upang ipanawagan ang edukasyon at hustisya at ang pagbaba sa puwesto ni Noynoy Aquino dahil sa kanyang patung-patong na kasalanan at krimen sa kabataan at mamamayan.

    Sa serye ng pagkilos ng kabataan, nariyan rin ang paglabag sa kanilang mga demokratikong karapatan sa malayang pagpapahayag, pag-oorganisa at mapayapang pagtitipon. Aabot sa mahigit 100 mga paaralan ang patuloy na sumisiil sa mga demokratikong karapatan ng mga mag-aaral.

    Sa University of Santo Tomas (UST), hinarangan ng administrasyon ng kurdon ang Plaza Mayor kung saaan balak maaglunsad ng programa ang mga mag-aaral laban sa TOSF increase. At may kasama pang trak ng bombero. Tahasang ring ni-red-tag ng mga tuta ng administrasyon sa loob ng UST Central Student Council ang mga grupo ng mag-aaral na tutol sa TOSF increase.

    Sa iba pang pamantasan at kolehiyo sa bansa ay patuloy ang paglabag sa mga demokratikong karapatan. Sa National Teachers College, pinagbantaang patatalsikin ang isang progresibong lider-estudyante dahil sa candle-lighting activity sa harap ng kanilang kampus. Sa University of the East, dinahas at pinilit ang mga student council officer na pumirma sa “attendance sheet” ng konsultasyon. Sa Holy Angel University, hindi pinayagang mag-cover ang kanilang student publication sa konsultasyon. Sa Ateneo de Naga University, pinagbataang tatanggalan ng recognized status ang isang religious organization na sumama sa protesta laban sa tuition increase. Marami at mahaba ang ating listahan. Katunuyan, nagsampa na ng pormal na reklamo ang R4E sa Commission on Human Rights at CHED sa mga paglabag na ito.

    Hindi kailanman magpapadaig ang kabataang Pilipino sa mga atakeng ito sa ating karapatan sa edukasyon at demokratikong karapatan. Hindi rin natin dapat na lamang tanggapin na masakit sa bulsa ang pag-aaral. Ang edukasyon bilang isang serbisyong panlipunan ay ‘di kailanman dapat pagkakitaan ng mga kapitalista-edukador at maging ng pamahalaan. Ito ay isang karapatan na dapat maabot ng kahit na sinong mamamayan, mayaman man o mahirap.

    Magpapatuloy na dadaluyong sa lansangan ang kabataan at mamamayan para igiit ang karapatan para sa dekalidad at abot-kayang edukasyon at panagutin ang mga naghahari-hariang pilit umaagaw ng ating karapatan sa edukasyon.

    Dear Migrante

    $
    0
    0

    Day-off mo ba ngayon o tambak ang trabaho? Dahil tayo ay magkalayo, magsulatan tayo kahit nasa magkabilang panig ng mundo. Paglapitin natin at ituring na nakatagpo kayo ng kaibigan, kahuntahan sa nakakatawang eksena ng mga biyahe, karamay sa homesick at kakampi mula sa malulupit na amo o pagtawag ng pansin sa gobyerno.

    Malugod na ibinubukas ang pitak na ito sa lahat ng migranteng Pilipino sa bawat sulok ng mundo at kanilang mga pamilya. Linggu-linggo simula ngayon, ilalathala ang inyong mga katanungan na mainit naming sasagutin. Ang mga kuwento ninyo ay istorya ng milyong migranteng Pilipino.

    Ngayong Marso 17 ang ika-20 taon ng paggunita sa pagkamatay ni Flor Contemplacion, kababayan nating pinatay sa Singapore noong 1995. Sa kanyang pagkamatay, nalantad ang pait ng puwersahang migrasyon sa ilalim ng programa ng gobyerno.

    Dalawampung taon makalipas, mas maraming Flor. Mas dumami araw-araw ang lumalabas ng bansa at nawawasak ang pamilya. Napupuno ang mga balikbayan box ng pangungulila, kahirapan at panganib.

    Inaanyayahan namin kayong lumiham. May maaasahan kayong sagot di tulad ng mga ahensiya at opisina na “sorry we’re closed o the number you dialed is busy right now.” Pag-usapan natin. Kayo ba ay nabiktima ng ilegal na rekruter, minaltrato, hindi pinasahod o may iuuwing bangkay? May hindi ba nasunod sa nakasaad sa kontrata, hindi nabibigyan ng off, may hinahanap na kamag-anak sa abroad o may sumisigaw ng “ibalik ninyo ako sa Pilipinas”? Hangga’t may nabibiktima at napagsasamantalahang OFW, may Migrante.

    Sa paggunita kay Flor at pagpupugay sa mga bagong bayani, gamitin natin ang espasyong ito. Ang inyong kuwento ay aming adbokasiya at krusada. Dalawampung taon na rin nang inianak ang Migrante International na patuloy na nagtataguyod ng interes at kapakanan ng migranteng Pilipino at nagluwal ng makukulay na pakikibaka at tagumpay sa ngalan ng migrante at sambayanang Pilipino.

    Makakaasa po kayo sa aming tugon. Siyempre pa, ang pinakamasarap pa ring matanggap na liham ay “Dear migrante, hindi ko day-off, pauwi na ako ng Pinas sa tahanan ko, for good.” Higit sa lahat, hinihintay po namin ang inyong pagbabalik.

    Lumiham sa dearmigrante@gmail.com. Tumungo sa #45 Cambridge St. Cubao, Quezon City at pinakamalapit na tanggapan ng Migrante sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Bumisita sa www.migranteinternational.org at Fb.com/migranteinternational.

    No Woman, No Cory

    $
    0
    0

    Nitong nakaraang buwan, nagkaroon ako ng pagkakataong mabasa ang mga dulong bahagi ng librong State and Society in the Philippines [2005] nina Patricio N. Abinales at Donna J. Amoroso. Ang balita ko, ang librong ito – na nalimbag nang may papuri ng mga bantog na akademikong sina Paul D. Hutchcroft at Felipe B. Miranda, ng bantog na mamamahayag na si Sheila S. Coronel, at ng iba pa – ay ginagamit nang teksbuk ng ilang propesor sa Agham Pampulitika sa ilang unibersidad sa bansa. Kung sa mga naunang teksbuk ay hindi mababasa ang (pambansa-demokratikong) Kaliwa, dito ay tampok ito, pero pinagmukhang masama.

    Anu’t anuman, sabi nina Abinales at Amoroso, kaunti ang pansin na ibinigay ng mga iskolar sa “pagtampok sa pampulitikang arena nang walang katulad sa nakaraan” ng sektor ng kababaihan “simula sa pagkahalal ng unang babaeng pangulo ng bansa” na si Cory Aquino, syempre pa. Sabi ng dalawa, pinakamainam na mauunawaan si Cory bilang miyembro ng kanyang kinabilangang uri, ang “landed elite,” at kinabilangang pamilya, ang “pampulitikang angkang Aquino-Cojuangco.” Pero “hindi nito dapat pagtakpan ang katotohanan na sa panahon ng kanyang pagpapanumbalik ng mga demokratikong praktika, lumawak nang makabuluhan ang paglahok ng kababaihan sa pampublikong larangan. Ibinukas ni Aquino ang mga pinto ng Estado sa kababaihan, at nanatili silang bukas simula noon.”

    Maririnig ang alingawngaw ng ganitong mga pahayag kay Pang. Noynoy Aquino mismo. Sabi sa isang balita, sinabi raw niya, sa isang pagdiriwang sa Buwan ng Kababaihan, na ang nanay niya ay katulad ni Gabriela Silang: Kung paanong ipinagpatuloy ng huli ang laban ni Diego Silang, ipinagpatuloy rin ni Cory ang laban ni Ninoy Aquino. Sabi pa niya sa harap ng tinatayang 5,000 benipisyaryo ng programang Sari-Sari Store Training and Access to Resources o STAR, ang nanay niya ang may gustong magbigay ng “mas maraming oportunidad” sa kababaihan. Itinulak daw ni Cory ang “affirmative action” para sa kababaihan sa gobyerno, kapulisan at militar. “Bilang isang babae at lider ng ating bansa, alam ng aking ina na maraming maiaambag ang kababaihan sa paghubog sa hinaharap ng ating bansa,” ani Noynoy.

    Kung babalikan ang kasaysayan, gayunman, si Cory bilang pantapos sa diktadura ni Ferdinand Marcos ang dinala ng kababaihan, hindi ang kabaligtaran. Sabi ni Neferti Xina M. Tadiar na nagsiyasat sa aspetong ito ng pag-aalsang Edsa noong 1986: “[M]atapos patayin si Ninoy, may walang katulad sa nakaraan na bilang ng kababaihan mula sa maraming sektor, makabuluhan mula sa mga panggitnang uri, ang naging aktibo sa pulitika, at militante pa nga. Marami sa mga organisasyong natayo para suportahan ang kandidatura ni Cory ay pinamunuan at kinasapian ng kababaihan. At maraming kalalakihan ang nahatak sa pakikibaka laban kay Marcos ng kanilang mga asawa… Noong pag-aalsa, kumilos ang kababaihan nang malaya sa kanilang mga asawa, minsan laban sa kanila [Fantasy-Production, 2004].”

    Sa isang banda, naluklok si Cory sa pagkapangulo at ang maraming babae sa mga posisyon sa gobyerno dahil sa pagkilos-paglaban ng kababaihan, kasama ng sambayanan. Sa kabilang banda, hindi pa inaabot ng naturang pagkilos-paglaban ang pagbabago sa kalagayan ng nakakaraming kababaihan – kababaihang magsasaka, manggagawa, at maging panggitnang-uri. Kung kalagayan nila ang pag-uusapan, mas naging kalaban kaysa kakampi si Cory. Sa mga pahayag nina Abinales, Amoroso at Noynoy, labis-labis ang pagtaya sa umano’y pagsulong ng kababaihan batay sa pagsulong ng mga nasa naghaharing uri, at ibinibigay ang lahat ng papuri para sa gayong pagsulong kay Cory. Ang itinutulak ay ang karangalan ni Cory, hindi ang kapakanan ng nakakaraming kababaihang Pilipino.

    Isa sa mga organisasyon ng kababaihan na nabuo sa paglaban sa diktadurang US-Marcos, syempre pa, ang militanteng Gabriela. Tinutulan ng grupo ang pagsasabi ni Noynoy na magkatulad si Cory at ang katukayo nilang bayani. Ayon sa grupo, hindi lumaban si Cory sa dayuhang kapangyarihan sa Pilipinas, na siyang ginawa ni Gabriela Silang. Para iwasan ang matalas na pag-iiba ng organisasyon, idineklara ng Malakanyang na “maraming nagawa” si Cory “para sa bansa” at “kinikilala ng buong daigdig” ang mga nagawa at tagumpay niya. Ito’y walang ibang iba kundi pagtanggi sa pagkilos-paglaban ng kababaihan, kasama ang sambayanan, at pag-angkin sa anumang tagumpay ng naturang pagkilos-paglaban para sa iisang babae – isang pagsusuring napaka-kontra-kababaihan sa Buwan ng Kababaihan.

    07 Abril 2015

    Viewing all 532 articles
    Browse latest View live


    <script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>