Quantcast
Channel: (Kolum) – Pinoy Weekly
Viewing all 532 articles
Browse latest View live

Notoryus

$
0
0

“Poetry cannot block a bullet or still a sjambok, but it can bear witness to brutality—thereby cultivating a flower in a graveyard.”
- Nelson Mandela

*           *           *

Sipi ang nasa itaas sa blurb ni Mandela para sa Against Forgetting: Twentieth-Century Poetry of Witness (W. W. Norton & Company, 1993) na ni-edit ng aktibistang makatang si Carolyn Forché.

Tuwing mababanggit ang nasabing antolohiya ng higit sa 140 makata mula sa 5 kontinente ng Planet Earth, laging kinakaltok ang bungo ko ng mga linya ni Bertolt Brecht:

“In the dark times, will there also be singing?
Yes, there will be singing.
About the dark times.”

*           *           *

Nitong nakaraang Enero 11, pumanaw ang dating prime minister ng Israel na si Gen. Ariel Sharon.

Sa kanyang libing, inawit ang “Galing Tayo sa Parehong Nayon” (sa akin ang salin) na isinulat ni Naomi Shemer. Tungkol ito sa dalawang sundalong Israeli na napatay noong Yom Kippur War. Parehong subordinates ni Sharon ang dalawa.

Si Shemer ay naging miyembro ng Israeli Defense Force (IDF) kung saan binuo ni Sharon ang Unit 101, isang special forces unit.

*           *           *

Binasa naman ni Omri Sharon, anak ng heneral, ang salin sa Hebrew ng tulang Educación del Cacique (“Edukasyon ng Isang Datu”, sa akin ang salin) na sinulat ni Pablo Neruda.

Ani Omri, ang tulang nabanggit—isang shopping list ng mga pinagdaanan ni “Lautaro” para maging karapat-dapat na pinuno—ay maaaring ginawa raw ni Neruda para sa kanyang ama. Haler?

*           *           *

“He drank wild blood on the roads.
He made himself menace, like a sombre god.
He ate from each fire of his people.”

- Education of the Chieftain, Pablo Neruda
(salin ni Anthony Kerrigan)

*           *           *

 Ginunita si Sharon bilang isang marangal na lider. Noong komander pa lang ng IDF, binansagan na siyang “Hari ng Israel” at “Leon ng Diyos”. Tinawag din siyang “the Bulldozer” bilang term of endearment.

Inihambing pa siya kay Mandela na yumao noong Disyembre 2013.

Ang layo ha! Ang kontra-apartheid at dating pangulo ng South Africa ay naging miyembro pa ng komite sentral ng South African Communist Party.

Ang totoo, si Sharon ang nag-utos ng pagbubuldoser sa mga bahay ng mga Palestino noong 1948. Noong 1953, minasaker ng kanyang Unit 101 ang mga Palestino sa Qibya. Siya rin ang namuno sa pambubuldoser sa Gaza Strip at West Bank noong 2005.

Tinawag siyang “Butcher of Beirut” nang itulak niya sa giyera ang Israel kontra Lebanon bilang defense minister noong 1982. Mas ka-level niya ang nagtatago ngayong si Gen. Jovito Palparan na tinaguriang “Butcher of Mindoro”.

*           *           *

Sabi nga ni Noam Chomsky, swak sa atrocities ni Sharon ‘yung inilalarawan sa tulang In The City of Slaughter ng makabayang makatang Israeli na si Hayim Nahman Bialik.


Eight Months a Slave

$
0
0

I’ve been meaning to see the movie 12 Years a Slave. For the past few days though, I’ve been a witness to the unfolding of Erwiana’s life story that could be aptly titled “Eight Months a Slave”.

Erwiana’s story can make even the most hard of hearts bleed–physically assaulted for eight months for any perceived mistake, verbally abused, allowed to sleep only for four hours each day from 1 p.m. to 5 p.m., provided only with bread or a cup of rice as meal for the whole day, given a mere bottle of boiled water, and not allowed any dayoff or holiday for the whole period of her employment.

Really, her employer should be punished as severely as the law would allow for the hell she put Erwiana through.

But behind the pictures of the healed, half-healed and fresh bruises and wounds; behind the photos of her clear suffering from her head-to-foot injuries; and behind the stark contrast of her smiling cheerful face before she started her employment and the almost unrecognizable photos of her that went viral on Facebook, lies more abusers who must also be made responsible for Erwiana’s plight.

There’s her recruitment agency that chose greed for profit over protection of her person. After her first month, she tried to run away but her agency took her back to her employer while telling her that she could not leave her employer before completing her payments to the agency.

Then there is also the Hong Kong Police Force who, on the day that Erwiana was brought to the airport, received a report for a possible abuse case but put it under the “Miscellaneous” category that greatly diminished the urgency and gravity of the report.

Lastly, there are the states that force and keep domestic workers in a condition of slavery.

We have the sending states like Indonesia in the Philippines with their policies allowing recruitment agencies to charge monstrous fees that put migrant workers trapped in debt and under the mercy of recruitment and placement agencies. The almost absent structures and mechanisms of on-site support for their people who encounter problems abroad is also a great deterrent to anyone with complaints.

Then there is the Hong Kong government that is so delusional in thinking that its policies on migrant domestic workers are the best in the world. What’s so great about the mandatory live-in arrangement that forces MDWs to a condition of being on-call 24 hours a day and forces them to accept any arrangement inside the confines of the employer’s house? What’s so admirable with the Two-Week Rule that puts migrants in a lose-lose condition of choosing between joblessness and enduring abusive treatment? What’s so perfect with HK’s policies that actually promote discrimination and social exclusion?

Somehow, I’ll go and finally see 12 Years a Slave. For now, I’ll settle with seeing that justice is accorded to Erwiana, and that the decades old slavery of MDWs and all migrant workers is ended.

To Hear No More

$
0
0

i wish to hear no more
the rhythmic melodies of words
in vague phrases and paragraphs
no more do i like to hear
the clanking of rhetorics
like galvanized sheets
molded on the roof of an old bus
that could hardly run on a stony road
no more, no more do i like to hear
the marching cadence of lyricism
in many blindfolded lines
of crawling stanzas of poems
no more will my heart beat
through the touch
and caress of stunted syllables
my mind would just be tormented
by convoluted messages
shattered might be my eardrums
by the deafening cries
of a lonely heart swimming
in the sea of despair
singing only the sadness
of two separated grieving souls
weaving in poems the litanies of grief
and the delusion of a mind
enslaved by the love-stricken moon.

on the paper’s face
i wish to see the sputum of words
the bloody arms of lines
the rebellious metaphors of sacred dreams
of the prostrate masses on clayish soil
the flaming lyrics of the people’s brain
yes, i wish to hear in every stanza
the hissing of bullets
the roaring of bombs
in the poetic struggle
of the oppressed class
i wish to hear
in the encoded hymns
on the masses’ breast
the cussing of the wind
in the deep night
the dashing of lightning
on the face of darkness
the earsplitting thunder
in barren hills
the exploding protests
in the city’s bosom
the reverberating shouts
of a noble soul
cohabiting always
with the country
he loves forevermore.

yes, i wish to see no more
the framed pictures of deluded love
or torrid kisses of lustful lips
am oftenly blindfolded
by love’s illusions
you’ve painted
on the curtain of my eyes
lurking in my mind’s room
are numerous revolting images
slaves of darkness
tortured by the starless nights
when shall all these metamorphose?
scrawny arms
wrinkled faces
bended backs
emaciated bodies
twisted intestines
while feasting are the lords
on the abundant table
of flesh and blood
of slaves with rumbling bellies
while they
the demigods in gold palaces
savor the aged wines
the roasted pig
the sexy lass
when would they drop a speck of pity
on the palms of the downtrodden class
from whom they derived their awesome wealth
when would they give the dispossessed
a scoop of rice
to satisfy the kid’s growling stomach
where only air so oftenly dwells?

no more, no more
i wish to hear
the melancholic elegy
the praying ode
the squeaking epic
the toothless words
the lame stanzas
that don’t spit
on the greedy face
of rapacious crooks
now, i wish to see
on wrinkled papers
flaming letters
in barren fields
burning words
reducing to ashes
the oppressors of the poor
i wish to see razor-like stanzas
slashing the breast
of fear and grief.
i wish to see no more
the lethargic words
so weak to invigorate
the people’s consciousness
yes, i like to see words
with violent waves
with surging storm
smashing the shores
of exploitation and injustices
let glare the sun’s heat
let shout the thousand words
let the rain be sharp arrows
or angry onrushing bullets
piercing the black heart
of the exploitative class
cracking the skulls of those
who’ve betrayed
the now and then
of a nation slaughtered
by the insatiable ruling class
blazing letters
flaming words
stanzas invectives full
armed with bombs and guns
would murderously incinerate
the shady palaces
of lords of corruption and greed!

(My English version of AYOKO NA!)

A Case Against Academic Calendar Shift

$
0
0

Kung sa batayang internationalization ng sistema ng edukasyon ng bansa o pagkakaroon ng mga global university ang dahilan kung bakit ipinapanukala ng UP, Ateneo, UST at De La Salle ang paglilipat ng pasukan mula Hunyo tungong Agosto, mukhang gumagawa pa ito ng problema, kung hindi man walang nalulutas sa kasalukuyang karakter ng atrasado at hindi abot-kayang halaga ng edukasyon sa kolehiyo sa bansa.

Kung sisilipin ang datos ng United Nations at World Bank, makikita, halimbawa, na kabaliwan kung ituturing na ang pagkakaiba ng academic calendar ng mga kolehiyo sa bansa ang dahilan kung bakit hindi makasabay ang ang mga lokal na pamantasan sa iba pang mga pamantasan sa Asean.

Halimbawa, sa usapin ng gross tertiary enrollment ratio o bahagi ng populasyon na edad-kolehiyo na aktwal na nasa kolehiyo, nitong 2010-2011, sa Pilipinas, halos ¼ lamang o 25% ng mga kabataang edad-kolehiyo ang nag-aaral. Malayong-malayo ito kumpara sa 71% ng Singapore o kaya naman ay 40.2% ng Malaysia, kapwa mga bansang kasapi ng Asean. Papaano ngayon sisipa ang panukalang internationalization sa sistema ng edukasyon kung walang akses ang higit ¾ bahagi ng populasyon sa mga pamantasan?  Mas kataka-taka pa nga, bakit natin ipinipilit na ibukas ang ating mga pamantasan mula sa ibang bansa, sa likod ng konsepto ng international mobility, kung mismong mga Pilipino nga’y walang akses sa pagkokolehiyo?

Hindi naman nakakagulat kung mababa ang akses ng kabataan sa mga kolehiyo sa bansa. Dahil sa deregulasyon sa sistema ng edukasyon sa bansa, malaking bahagi ng mga pamantasan, o higit 75%, ay mga pribadong paaralan na gahigante ang itinataas sa mga matrikula at iba pang bayarin taon-taon. Idadagdag mo pa dito ang pagtulak pa sa mahal na halaga ng edukasyon sa bansa ang hindi din mapigilang pagtataasan ng presyo ng bilihin at serbisyo na produkto din ng deregulasyon sa mga mahahalagang industriya gaya ng langis at kuryente. Paano ngayon pag-aaralin ng mga magulang, na kapos pa ang mababang sahod sa araw-araw na gastusin, sa kolehiyo?

Halimbawa ulit, sa usapin naman ng gross national income per capita o kabuuang kita ng bansa na hinati sa dami ng populasyon, para sa taong 2011, halos ikatlo ang Pilipinas sa may pinakamababang GNI per capita sa buong Asean. Kung sa Singapore ay pumalo ito ng $52,439 at sa Brunei naman ay $45,524, $3,649 lamang ito sa Pilipinas. Kahit pa ikumpara mo ito sa Malaysia ($13,322), Indonesia ($3,973) o Thailand ($5,480), mababa pa din ito. Pero mas nagiging mahalaga ang mga numerong ito, na siyang pagbabatayan natin bilang pangkaraniwang kita, kung gagamitin upang ihambing ang diperensya nito sa halaga ng edukasyon sa kolehiyo sa mga nasabing bansa.

Susi siguro ng Singapore at Malaysia, mga bansa sa Asean na mataas ang bilang ng mga mamamayan na may akses sa mga pamantasan, na nananatiling abot-kaya ang halaga ng edukasyon- matrikula, iba pang mga bayarin at araw-araw na gastos- batay sa GNI per capita. Halimbawa, nitong 2011, kahit pa $25,000 ang taunang halaga ng pagko-kolehiyo sa Singapore, higit na mababa ito kaysa sa $52,439 na GNI per capita ng bansa. Ganito din sa Malaysia na may $13,322 na GNI per capita at halos $4,600 naman ang taunang halaga ng edukasyon sa kolehiyo. Pero iba ang sitwasyon pagdating sa Pilipinas, na sobrang kakaunti ang nakakapasok sa kolehiyo, na may taunang halaga ng edukasyon na $4,650 pero $3,649 lamang ang GNI per capita.

Signipikante kasi ang bahagi ng pamahalaan sa pagpapatakbo ng mga pamantasan sa mga bansang Singapore at Malaysia sa porma ng malalaking mga badyet. Batay sa datos ng 2010, ang public spending per GDP ratio o bahagi ng kabuaang yaman ng bansa na inilalaan ng pamahalaan sa edukasyon, halos 6.1% ang sa Singapore at 5.8% naman ang sa Malaysia. Muli, halos isa sa mga pinakamababa sa rehiyon ng Asean ang sa Pilipinas na nasa 2.5% lamang na malayo kahit sa Thailand (4.1%) o Viet Nam (5.3%). Papaano ngayon, sa pagpapalit ng umpisa ng pasukan, maitutulak ang mga pampublikong pamantasan sa Pilipinas gaya ng UP at PUP na maging mga global university kung taon-taon itong nakakaranas ng pagkaltas sa badyet at sistematikong inaabandona ng pamahalaan?

Ilan lamang ito sa mga rason na nagpapakita na bagama’t kaaya-aya ang panukalang gawing i-isa ang academic calendar ng mga lokal na pamantasan sa mga pamantasan sa Asean ay, sa katotohanan, walang saysay ito para solusyunan ang problema ng mababang kalidad ng edukasyon sa kolehiyo sa bansa lalo na ang kawalan ng akses ng madami dito.

Pero marami pa ngang mga makatwirang batayan kung bakit hindi na dapat ituloy, kung hindi man dapat ibasura, ang panukalang ito.

Una, mababa na nga ang akses ng mahihirap sa kolehiyo, na malaking bahagi ay mga pamilya ng magsasaka, pahihirapan pa ng panukalang ito lalo ang mga ito na makalikom ng pera para pambayad sa matrikula at iba pang gastusin. Sabay kasi ang kasalukuyang sistema ng pasukan sa panahon ng anihan ng mga magsasaka. Kung wala namang balak gawin ang gobyernong maging abot-kaya ang halaga ng kolehiyo, saan nila gusto pulutin ang mga kabataang mula sa pamilyang ito?

Ikalawa, mainam din ang kasalukuyang academic calendar sa siklo ng panahon sa bansa. Hindi lang dapat ito tutulan dahil mahirap mag-aral sa panahon ng tag-init. Kahit ang mga pamantasang nagpapanukala nito ay may air-conditioned classrooms, hindi ba itutulak na naman ito pataas ang halaga ng matrikula dahil sa gahiganteng paglaki sa konsumo sa kuryente? Sa bansa na halos pinakamataas na ang halaga ng kuryente sa buong daigdig, at walang planong gawin ang pamahalaan dito, walang puwang ang ganitong impraktikal na mga panukala.

Ikatlo at pinakamahalagang rason sa lahat, pagtitibayin lamang nito ang kasalukuyang katangian ng sistema ng edukasyon sa bansa–nakabatay sa pangangailangan ng merkado, na sa ngayo’y makapaglikha ng madamihang murang lakas-paggawa, nagsisilbi sa interes at pangangailangan ng dayuhan at iilan ang may akses at nakikinabang.

Para kanino nga ba ang polisiyang ito?

Tama ang turing ng progresibo at makabayang mga organisasyon sa UP na “in desiring to internationalize and be a global university, we are becoming less and less nationally and locally relevant” na siyang pagtalikod sa pangunahing tungkulin ng mga pamantasan- ang paglingkuran ang sambayanan at pangunahan ang pambansang pag-unlad.

Train of Thought

$
0
0

Noong Enero, inianunsyo ni Sek. Emilio Abaya ng Department of Tranportation and Communications na ipinagpapaliban muna ng gobyerno ang planong itaas ang pasahe sa MRT at LRT. Nitong Pebrero, pagkatapos ng kulang-kulang isang buwan, ipinagtanggol ni Pang. Noynoy Aquino ang hakbangin. Sabi ng pangulo, una, hindi patas na pinapasan ng buong bansa ang gastos sa mga tren gayung mga residente lang ng Metro Manila ang nakikinabang sa mga ito. Ikalawa, mas maganda ang serbisyo ng mga tren kumpara sa mga de-aircon na bus sa Edsa – na mas mahal ang singil kumpara sa mga tren – at dapat lang magbayad nang mas mahal para sa mas magandang serbisyo.

Ang unang dahilan, minsan nang sinagot ni Sen. Ralph Recto: Kalakhan ng buwis na nakokolekta sa bansa ay mula sa Metro Manila kaya masasabing walang buwis mula sa mga probinsya na napupunta sa MRT at LRT. Tapos na sana ang debate, at ipinapakita ng argumento ni Recto na kahit sa balangkas ng pangangatwiran ni Aquino ay talo ang pangulo. Pero may mapanganib na implikasyon ang naturang balangkas, kaya kauna-unawang hindi ginamit ng mga grupong tutol sa dagdag-pasahe ang argumento ni Recto. Ang balangkas nina Aquino at Recto: Ang serbisyong tinatamasa ng isang entidad, halimbawa’y lugar o tao, ay dapat tinutumbasan ng buwis na ibinabayad nito.

Sinagad ni G. Sammy Malunes, tagapagtipon ng Riles Laan sa Sambayanan (Riles) Network, ang naturang balangkas para ilantad ang problema rito: “Dapat bang itigil ng gobyerno ang pagpapatayo ng mga pampublikong paaralan at ospital sa malalayong lugar dahil hindi papakinabangan ang mga ito ng mga nagbabayad ng buwis mula sa ibang bahagi ng bansa? Dapat bang  bayaran ng indibidwal na mamamayan ang buong gastos sa lahat ng serbisyong panlipunang tinatamasa niya?” Sa ganitong batayan niya direktang sinabing patas lang – o hindi di-patas – na subsidyuhan ng mga Pilipino, kahit iyung mga hindi regular na sumasakay sa mga tren, ang pagtakbo ng MRT at LRT.

Iyun namang ikalawang dahilan ay mas madaling ilantad. May kakambal na normatibo ang paniniwalang dapat magbayad nang mas mahal para sa mas magandang serbisyo: Ang walang kakayahang magbayad nang mahal, walang karapatang magtamasa ng mas magandang serbisyo. Pagbibigay-katwiran ito sa pribilehiyo ng iilan sa lipunan, o sa elitismo. May ka-triplet na deskriptibo pa pala: Kaya ganyan lang ang mga serbisyong tinatamasa ng mahihirap ay dahil wala silang pambayad sa mas magandang serbisyo. Pagbibigay-katwiran ito sa umiiral na kalagayan ng nakakarami sa lipunan. Pagbibigay ito ng mababang halaga sa maralita at ng mataas na halaga, syempre pa, sa mayayaman.

Ang wala sa eksena sa balangkas nina Aquino at Recto ay ang papel ng gobyerno – o ang papel ng gobyerno sang-ayon sa isang pag-unawa. Noon, ang gobyerno ay tinitingnan na mekanismo para magtulungan ang mga mamamayan, at ang buwis ay dapat ginagastos para sa kanilang pangkalahatang kapakanan at interes. Ito ang pag-unawa sa gobyerno na sistematikong tinibag at tinitibag ng neoliberalismo, ang doktrinang isinusulong ni Aquino at kahit ng inapo ng makabayang si Sen. Claro M. Recto. Itong gobyernong bukambibig ang “bayanihan,” sa aktwal ay kampeon ng pagpapabaya ng gobyerno, pagkakanya-kanya ng mga  mamamayan, at kawalang-tulong para sa nangangailangan.

Pagsusulong ng interes ng malalaking kapitalista ang esensya ng neoliberalismo. At ang pinaka-harapang paliwanag nito ay ang tinatawag na “trickle-down economics.” Pwede kaya itong isalin na “ekonomiks ng pagdaloy ng mga patak”? Taliwas sa paliwanag ni Nicole C. Curato, kolumnista ng Rappler, ang kawalan ng pagkakapantay-pantay ay hindi sinisikap bigyang-katwiran sa batayan ng pagiging karapat-dapat sa premyong pinansyal ng mga kapitalistang lumilikha ng trabaho. Ang pseudo-siyentipikong paliwanag: Kapag nakokonsentra ang yaman sa iilan, papatak-patak itong dadaloy pababa, patungo sa mga karaniwang mamamayan – mula 1% patungo umanong 99%.

Anu’t anuman, isiniwalat ng unang State of the Nation Address ni Aquino ang isang katotohanan tungkol sa mga patakarang neoliberal – at sa kaso ng MRT mismo. Aniya, “ibinatay sa maling pulitika” ang pamasahe sa MRT at sinubukan daw ng gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo na “bilhin ang… pagmamahal” ng publiko kaya “pinilit ang operator na panatilihing mababa ang pamasahe.” Ibig lang sabihin, nagpapanggap mang may siyentipikong lohika ang mga patakarang neoliberal, ipinapailalim pa rin sila sa mga konsiderasyong pulitikal: Hindi naitaas ang pamasahe sa MRT dahil may panganib noong magdulot ito ng lalong galit sa nanganganib mapatalsik na si Arroyo.

05 Pebrero 2014

#JusticeforVhongNavarro

$
0
0

Enero 23 nang maging balita ang kwentong bugbugan sangkot ang “Kapamilya actor”  (– o  artistang nasa bakuran ng dambuhalang network na ABS-CBN)  na si Vhong Navarro — opo, ng sikat na programa sa tanghalian na “It’s Showtime.” Halos dalawang linggo na itong long-playing sa radyo, TV at dyaryo at iba pa. Sa tinatawag na “social media,” viral din ang paksa, lalo na nang magsimula ang isang DP (display picture) campaign ng fans ni Vhong sa hashtag na #JusticeforVhongNavarro.

Enero 29 nang ngumiwi ang grupong Center for Media Freedom and Responsbility (@cmfr). Ayon sa monitor ng CMFR nitong Enero 27, halos buong programa na ang inilaan ng TV Patrol (ABS-CBN) at 24 Oras (GMA) sa pagbabalita ng insidente hinggil kay Navarro “to the neglect of other, more important events.” Isnab o kebs na diumano sa iba pang mas mahahalagang pangyayari!

Sabi pa ng CMFR:

“ABS-CBN 2’s TV Patrol devoted 36 minutes and 41 seconds, or 65 percent of its entire air time, on Navarro. The news program had a total of eight stories on the incident including reports on the possible procedural lapses of the Southern Police District, an interview with the model and (Cedric) Lee, an interview with Navarro’s lawyer, and reports on celebrities and netizens expressing support for the celebrity-host.

TV Patrol anchor Korina Sanchez said at the end of the program: “…at si Vhong, magpagaling ka Vhong, mahal ka namin.”  GMA 7’s 24 Oras used 23 minutes and 55 seconds, or 43 percent of its entire airtime, to report on the incident. The program had seven news reports including an interview with Lee and the model, a report on the NBI investigation on the case, and a statement from GMA management. Earlier news reports said that the model is related to GMA 7?s Chairman and CEO Felipe Gozon, but was later denied by the station.

The focus on Navarro edged out of the news programs the signing of the last annex of the Bangsamoro or the MILF peace process, the demolition in Agham Road, Malaysia’s crackdown on illegal aliens, and deliberations in Congress on the Freedom of Information bill.

Napakasugid ng pagsubaybay ng midya sa isyung bugbugan. Sa sobrang sugid, nagsanga-sanga na ito sa iba’t ibang kwento at anggulo.

Sa gitna ng lunod sa impormasyon, ininterbyu ng GMA News si Atty. Alnie G. Foja ng Gabriela para magbigay ng kanyang opinyon tungkol sa general topic ng rape o panggagahasa. Pero pinuna ng abugado ang malisyosong spin ng GMA News. Ayon sa headline ng 24 Oras: “Gabriela, nanawagan na unawain at huwag agad husgahan si Deniece Cornejo.” Pero ang totoo: walang ganyang panawagan ang Gabriela. Naggiit si Atty. Foja ng klaripikasyon at public apology mula sa GMA. Tinanggal na isa internet ang video at balita, pero tayong masagap kung nagkaroon ng public clarification o apology ang dambuhalang istasyon.

Screen grab mula sa ulat ng GMA News.

Screen grab mula sa ulat ng GMA News.

May naglista na rin ng  5 issues that are more important than the Vhong Navarro case.” Sabi pa ng awtor na si DLS Pineda (@sarhetosilly) sa pahayagang Philippine Star:

Mainstream media’s incessant coverage of the V-word (Vhong, not Voldemort) has reached the heights of stupidity. We’re not saying that media should ignore the case — it presents the perfect opportunity to discuss rape culture, or patriarchal laws, or infidelity, or class-partial showbiz justice. But must the media really dedicate entire segments of the evening news to tearful interviews with Vhong Navarro, Cedric Lee and Deniece Cornejo? Must the media really present flash reports about the possibility of there being a video of Vhong’s genitals? Must ABS-CBN and GMA-7 really use this case to further their network war?  

Kung aburido na at ngiwi ang iba, ginawang pagkakataon naman ito ng iba para magpangiti habang bumibira. Heto ang ilang larawang kumalat – kaugnay o kontra – sa baha ng impormasyong Vhong-related:

Justicefor PH

Sa ulo ng balita

Bong Hindi Vhong

At para naman sa mga seryosong kwentong bugbugan:

Binugbog na magsasaka

Binugbog na security guard

Kayo, ano’ng say n’yo?

 

Email: parabelyas@gmail.com   | Twitter:  @mmnueve

Buwis-Buhay

$
0
0

didn’t you raise your voice for others?
you are a poet and a bard
You’re a man, isn’t that enough to die?
- Seven Reasons Why I Should Die, Hashem Shaabani

*           *           *

Sa isang guerrilla session ng mga residente ng International Writing Program sa University of Iowa last year, nagkaroon ako ng pagkakataong ipaliwanag sa mga kasama kong residente (tinatawag kaming ‘United Nation of Writers’) ang kalagayan ng panitikan at mga panitikero sa ating bansa.

Kinopya ko ang isa sa mga slide ko sa ppt file na karaniwan kong ginagamit kapag naiimbitahang mag-poetry workshop. Sa slide na ito nakalagay ang higanteng pictures nina Axel Pinpin at Ericson Acosta, parehong nakataas ang kamao.

*           *           *

“The politician wants men to know how to die courageously;
the poet wants men to live courageously.”
- Salvatore Quasimodo, Nobel lecture, 1959

*           *           *

Ipinakilala ko sa mga kasama kong residente kung ano ang ginawa nina Axel at Ericson. Sabi ko sa kanila, parehong makata ang dalawa. Pareho rin silang naging political prisoners—si Axel ay kasama sa Tagaytay 5 at si Ericson ay ikinulong sa Samar. Sabi ko, buti na lang at malaya na ang dalawa dahil walang matibay na ebidensiya ang militar na ikulong sila.

Isang linggo pagkatapos ng session na ‘yun, nabalitaan kong kasama si Ericson, at ang maybahay niyang si Kerima, sa mga hinuli ng pulis sa Hacienda Luisita.

*           *           *

Tanong ng isang afam na matabil, bakit nakulong ang dalawa. May prejudice siya na nakulong ang dalawa hindi dahil mga makata sila, pero dahil sa kanilang involvement sa aktibismo. Tinanong niya ito as if magkahiwalay ang politika ng tula at makata.

*           *           *

“Poetry is what in a poem makes you laugh, cry, prickle, be silent, makes your toe nails twinkle, makes you want to do this or that or nothing, makes you know that you are alone in the unknown world, that your bliss and suffering is forever shared and forever all your own.”
– Dylan Thomas

*           *           *

Agree ako kay Dylan Thomas na siyang nagsulat ng sikat na villanelle na Do not go gentle into that good night (na naging inspirasyon ng kantang Rage ng bandang The Jerks). Sabi nga ni Rogelio Ordoñez sa tula niyang May Tula:

“may tula rin sa nagdurugong puso
o sa himutok at tagulaylay
ng pangungulilang sinlamig ng yelo
ng mga nilikhang nabigo-nabaliw
sa di-masukat na pagmamahal”

Pero para kay Ka Roger, higit na matulain ang tulang “epiko ng pakikibaka / ng sambayanang masa”.

*           *           *

Habang nasa Iowa kami, nakarating din sa amin ang balita ng pag-kidnap kay Samar Saleh, isang batang aktibistang makata at journalist sa Aleppo, Syria.

Ang grupong Islamic State of Iraq and the Levant pala ang nag-kindap at nagkulong kay Samar. Ang dahilan: ikinakampanya niya ang isang civil state at pagkakapantay-pantay para sa lahat ng mamamayan ng Syria.

*           *           *

Ilang linggo makaraan ang balita, tinanong ko kay Christopher Merrill kung ano ang nangyari sa kaso ni Saleh. News blackout daw. Nakiusap daw ang tatay ni Samar na sarilinin na lang nila ang pakikipag-nego sa mga kumidnap sa kanya.

Kanina ko lang nalaman na nauna na palang inaresto ang kapatid ni Samar na si Maisa, sa Damascus. Isang aktibista rin ang kapatid ni Samar. Pareho silang naging bahagi ng ilang effort ng mga aktibista sa Syria mula pa noong magsimula ang uprising noong March 2011.

*           *           *

“Sa aking piita’y hindi pumupurol ang lumang panulat,
bawa’t isang titik, may tunog ng punlo at talim ng tabak.”
- Bartolina, Amado V. Hernandez

*           *           *

Noong isang linggo, ibinalita ng Poetry Foundation ang pagbitay sa makata at aktibistang Iranian na si Hashem Shaabani.

Isang blogger si Hashem na nanawagan para sa freedom of expression sa kanyang bansa. Habang nasa kulungan, isinulat niya (akin ang salin), “Sinubukan kong ipagtanggol ang lehitimong karapatan na dapat mayroon ang bawat tao sa mundong ito—ito ang karapatang mabuhay nang malaya na may ganap na karapatang sibil.”

*           *           *

May isang makatang nagbuwis na rin ng buhay para sa bayan. Ang kanyang nom de guerre ay Popoy. Kilala natin siya sa pangalang Emmanuel Lacaba.

*           *           *

 Ang libong nasadlak sa mga piitan
ang laksang inusig at pinarusahan
na kawangis ko ring pinapagkasala’y walang kasalanan,
kahit walang sakdal
ni hatol ng aling may puring hukuman,
ang hindi mabilang
na pinaglupitan
sa bukid at nayon, sa lunsod at bayan,
ang lahat ng dampa, kubo, barung-barong na nilapastangan,
at ipinalamon sa apoy, pati na ng naninirahan,
ang mga nalibing nang walang pangalan
ni kurus man lamang,
di makalilimot ni malilimutan,
at ang tinig nila’y abot sa pandinig ng kinabukasan.
- Panata sa Kalayaan, Amado V. Hernandez

Pagmumuni sa Pagpapatalsik

$
0
0

Ano ang posibilidad na si Noynoy Aquino ay maharap sa isang malawak at malakas na kampanya para patalsikin siya sa pwesto? Tulad ng mga sinundan niyang sina Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada? Tulad ni Ferdinand Marcos na sinundan ng nanay niyang pinagkukunan niya ng bango, kumbaga, sa pang-amoy ng mga tagasuporta niya, lalo na sa iyung nasa panggitnang uri? Malaki ang posibilidad, at tyempo na lang siguro ang hinihintay para ito ay lumabas at lumantad.

Simula kampanya sa pagkapangulo hanggang sa unang tatlong taon sa pwesto, hawak ni Aquino ang suporta ng pinakamalalaki sa mga naghaharing uri sa bansa. Matapos niyang patalsikin si dating Chief Justice Renato Corona, nahawakan din niya ang buong gobyerno. Hawak din niya ang suporta ng pinakamalalaking midyang mainstream, na ginamit niya na instrumento ng panloloko. Laban sa mga maralita at kritiko, hawak din niya ang militar at pulisya na ginamit niya na instrumento ng panunupil.

Kung tutuusin, bukod-tangi ang kapangyarihang tinatamasa ni Aquino pagkatapos ni Marcos. Ang nanay niya, bagamat naupo matapos ang popular na pag-aalsa, ay maagang niyanig ng mga kudeta at protesta. Si Fidel Ramos, hindi lubos ang hawak sa gobyerno. Si Estrada, mabilis na naharap sa kampanya ng pagpapatalsik at napatalsik nga. Si Arroyo, matapos maagang humarap sa mga pag-aalsang pinamunuan ni Estrada at ng ilang militar, ay kinamuhian at nilabanan ng napakaraming Pilipino.

Sa madaling salita, napakalaki ng kapangyarihang hawak ni Aquino, kaiba sa mga nauna sa kanya. Pero katulad ng mga nauna sa kanya, ginamit ni Aquino ang kapangyarihan hindi sa pakinabang ng nakakaraming mamamayang naghihirap, kundi para sa mga naghaharing uri, pangunahin ang sariling paksyon niya. Ang masama pa, naging arogante siya sa pagsusulong sa interes ng mga naghaharing uri, habang mulat niyang pinabayaan ang kapakanan at kahilingan ng nakakarami sa bansa.

Sa larangan ng ekonomiya, tunay siyang tagapagmana ni Arroyo. Para siyang sipsip na estudyante ng kanyang propesor sa ekonomiks. Artipisyal ang “pag-unlad” na ipinagyayabang niya, “hindi ramdam” ng nakakarami sa bansa. Wala pa ring lupa ang mga magsasaka, at itinataboy pa sila sa lupang sinasaka. Napakarami ng walang trabaho. Marami sa mga trabaho, kontraktwal at barat ang sahod. Nagmamahalan ang mga serbisyong panlipunan, na ang marami pa’y isinasapribado.

At para bang naghihintay lang ng hudyat, naglabasan, matapos ang kalahating termino ni Aquino sa pwesto, ang mga isyung nagpalawak ng galit sa kanya. Ang isyu ng pork barrel, na idinisenyo niya para pagmukhaing anti-korupsyon siya at pasamain ang mga kalaban niya sa pulitika, ay bumwelta sa kanya na Pork Barrel King. Nalantad ng pagtama ng superbagyong Yolanda ang kasinungalingan, kayabangan, kapabayaan at katarantaduhan niya sa harap ng mahigit 10,000 Pilipinong namatay.

Ngayon, lahat na lang ng singilin sa mga mamamayan, gusto niyang taasan. Sa harap ng malawak na karalitaan, hindi bumebenta ang mga paliwanag niya at ng mga kasabwat niyang malalaking kapitalista. Nahaharap siya sa protesta laban sa pagtataasan ng presyo, at napupwersa ang midyang mainstream na ibalita. Karugtong ng isyu ng pork barrel, nalalantad ang malawak na kahirapan habang yumayaman ang iilan. Karugtong ng isyu ng Yolanda, nalalantad ang mulat na pagpapabaya ni Aquino.

Bakit siya papatalsikin? Bakit ba pinatalsik at sinikap patalsikin ang mga naunang pangulo? Para kamtin ang katarungan sa matitinding krimen niya sa bayan, sa mismong pagtanggal sa pwesto at sa pagkakaso pagkatapos. Para matigil, kahit pansamantala, ang pamamahala at mga patakaran niyang nagpapatindi ng kahirapan at pagdurusa. Para igiit ang paghahangad natin ng mas mabuting pamahalaan at mas magandang kinabukasan. Para tipunin ang lakas ng mga mamamayan para rito.

Tiyak na maraming magsusulputang tanong tungkol sa pagpapatalsik kay Aquino. Tiyak na sasagutin ang mga ito, pero nang mulat sa iskema ng US at mga naghaharing uri laban sa pagpapatalsik, muli, ng pangulo: ang umano’y “People Power Fatigue” o pagkapagod daw nating mga mamamayan sa mga pag-aalsang Edsa. Mahalagang ulitin: Hindi ito obhetibong kalagayan, kundi kalagayang sinisikap ipataw ng mga naghahari. Gusto nilang pagurin tayo, maging pesimistiko tayo. Ang dapat igiit: Buhay ang diwa ng Edsa Uno, Edsa Dos at Anti-Gloria sa maraming mamamayan!

Sobrang pambababoy! Patalsikin si Noynoy?

08 Pebrero 2014


NUJP on the Supreme Court ruling on Cybercrime Law

$
0
0

STATEMENT iconA half-inch forward but a century backward.

This best describes the Supreme Court’s decision on the petitions to declare the Cybercrime Prevention Act unconstitutional.

For while the high court rightly declared a number of provisions of the statute unconstitutional, it otherwise upheld the law and, worse, online libel, thus adding yet another element — ironically the very frontier we all believed would be most immune to attempts to suppress free expression — to an offense that former colonizers had, a hundred years ago, declared criminal in nature to stifle dissent, and which succeeding governments have conveniently retained in our Revised Penal Code for the very same reason and as a convenient tool for the corrupt and the inept in power to harass and muzzle those with the temerity to bring their venalities to light.

By extending the reach of the antediluvian libel law into cyberspace, the Supreme Court has suddenly made a once infinite venue for expression into an arena of fear, a hunting ground for the petty and vindictive, the criminal and autocratic.

We can only hope that the Supreme Court will not remain blind to this when appeals to the ruling are filed.

But if it does, then there can only be one response lest we be forced to surrender all our other rights — resistance.

National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)

Nasalaula: Diwa ng Edsa 1

$
0
0

MARAMI ang nag-akala noong 1986 na ang buwan ng Pebrero ang simula ng pambansang pagbabago tungo sa isang lipunang makatao’t makabayan, mapayapa’t maunlad, malaya’t progresibo at demokratiko. Nasa paligid na diumano ang mailap na anino ng lantay na hustisya sosyal. Matapos ang halos 14 na taon ng paghahari sa bansa ng malupit, marahas, mapanikil, at mapandambong na Batas Militar, ipinagpasalamat nga ng mga madasalin at naghihilamos ng agua bendita sa sinasabing milagrosong Birhen ng Edsa ang pagbagsak, sa wakas, ng diktatoryal na rehimeng Marcos.

Hindi nga masamang gunitain, tuwing sasapit ang Pebrero 22-25, ang malabayaning pagkilos ng sambayanan noon na naglundo sa kilala ngayong Edsa 1. Nasilayan nga sa papawirin ang bahagyang liwanag matapos ang paghahari ng dilim sa isang yugto ng kasaysayan ng bansa. Maaalaala, waring lumakad tuloy sa alapaap ang marami, naghosana sa kaitaasan at masigabong nagbunyi nang malamang lumayas na ng Malakanyang ang diktador kasama ang pamilya at pangunahing matatapat na basalyos.

Natural, sa naturang mga petsa, hindi maiiwasang sariwain ng mga bida — kahit sa kanilang pag-iisa — ang mga papel na ginampanan nila sa Edsa 1 na waring isang madulang pelikula na walang kawawaang wakas. Nariyan ang mga basalyos nina Cory, Ramos, Enrile at Honasan, ang mga Lopez at Ayala, ang mga basalyos ng yumaong si Jaime Kardinal Sin, at maging ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na naluklok sa kubeta ng kapangyarihan sa pamamagitan naman ng Edsa 2 na, hindi mapapasubalian, ay ibinunsod ng impluwensiya ng karanasan sa Edsa 1. Pinatunayan noon sa buong mundo na maaaring patalsikin sa poder ang sinumang abusadong lider ng bansa kung nagkakaisa sa pagkilos ang malawak na sektor ng sambayanan.

Ano nga ba ang dapat ipagpasalamat ng sambayanan sa Edsa 1?
Piknik ba lamang ito o tunay na rebolusyon? Nabago ba ang nakasusulukasok na pambansang kalagayan?

Matapos ang magiting na pagharang sa mga tangke at sundalo ng Estado habang madamdaming inaawit ang Bayan Ko, matapos ang pagsuong sa anumang panganib at manindigang handang ibuwis ang buhay kung magkaroon man ng madugong sagupaan, napatalsik nga sa poder ang diktador at naibalik sa bansa ang dati ring palsipikadong kalayaan at kasarinlan at kunwa-kunwariang demokrasya.

Ano nga ba ang diwa ng Edsa 1 na dapat gunitain at ipagbunyi taun-taon?

Matapos nga ang lahat-lahat, mula sa rehimen ni Cory hanggang sa kasalukuyan, lumitaw na ang Edsa 1 ay isang yugto lamang ng waring walang katapusang sarsuwelang patuloy na ginagampanan ng mga naghahari-harian sa lipunan tulad ng bastardo’t salabusab na mga pulitiko, ng tuso’t salanggapang na mga kapitalista’t asendero, ng mala-asong mga tagahimod ng kuyukot ng dayuhang mga interes, at ng iba pang pawang lumalaklak sa pawis at dugo ng masang sambayanan.

Nakalulungkot, di nga kasi, sa aklat ng kasaysayan ng Edsa 1, nanatiling ekstra lamang ang libu-libong ordinaryong mga mamamayang buong giting na sumuporta sa mga bida. Nanatili nga silang mga anino lamang, walang mukha ni pangalan, hindi napasama sa aklat ng mga tula “ng mga intelektuwal na walang pakialam sa pulitika ng aking bansa,” sabi nga ng makatang si Otto Rene Castillo. Higit pa ngang masama, at nakasusulak ng damdamin, kinalimutan o ibinasura ng uring mapagsamantalang nagrigodon sa kubeta ng kapangyarihan ang lehitimong mga karapatan at kapakanan ng mismong karaniwang mga mamamayang sinikil at sinalaula sa panahon ng diktadura; ipinampunas nga ng paa at puwit ng mga diyus-diyosan ang dignidad ng bayan at ng masang sambayanan.

Maaaring nagising ng Edsa 1 ang matagal na nakatulog na damdaming makabayan at naisulong ang kamulatan at pagiging militante ng maraming mamamayan laban sa anumang uri ng inhustisya at pag-abuso sa kapangyarihan ng mapanikil at mapandambong na rehimen. Naibagsak nga ang diktadura ngunit, magpahanggang ngayon, sa kabila ng apat na rehimeng humalili sa diktatoryal na rehimeng Marcos, paulit-ulit pa ring itinatanong: Naisulong ba ang tunay na pambansang kapakanan?

Maliwanag na nagkaisa lamang ang mga bida sa Edsa 1 na ibagsak sa poder si Marcos para sila naman ang umugit o mamahala sa bansa ngunit, kung susuriin, wala naman sila noong malinaw na mga programa o patakarang pampulitika, panlipunan at pang-ekonomiyang ganap na magsusulong sa kapakanan ng bansa at ng masang sambayanan upang makalaya, sa wakas, sa tanikala ng kabusabusan o karalitaan at makaamoy man lamang — kahit bahagya — ng lantay na hustisya sosyal.

Kung maituturing ngang rebolusyon ang Edsa 1 — hindi waring isang madulang pelikula lamang — mahalaga tuloy ang sinabi ng rebolusyonaryong si Fidel Castro ng Cuba: “Ang mahalaga sa isang rebolusyon ay hindi ang mismong PAGKAKAISA LAMANG, kundi ANG MGA BATAYAN NG PAGKAKAISA.”

At sa Edsa 1, maliwanag nga na nagkaisa lamang ang lumitaw na mga bida na wakasan ang diktadura, at sila naman ang namayagpag sa kapangyarihan kaakibat ang mga grasya’t nakalalasing na mga pribilehiyo habang, sa kabilang banda, nanatiling titiguk-tigok ang lalamunan ng dayukdok na masang sambayanan. Naiwan sa kangkungan ang kapakanan ng nakararaming karaniwang mamamayan mula noon hanggang ngayon. Ang pinabagsak na masamang rehimen ay napalitan lamang ng masama rin, o higit pang masamang mga rehimen.

Kung tutuusin, at malalim na susuriin, baka hindi agad napatalsik ang diktador at kailanganin pa ang talagang madugong rebolusyon kung hindi minaniobra ng mga diyus-diyosan sa Washington — hindi ng Birhen ng Edsa — ang umiiral na kalagayan noon. Nakita ng Amerika na hindi na epektibo si Marcos bilang tuta nito para pangalagaan pa ang kapakanan ni Uncle Sam sa Pilipinas sapagkat galit na galit na hindi lamang ang masang sambayanan, kundi maging ang mga elitista’t mayayamang sinagasaan ni Marcos ang makasariling mga interes.

Hinog na hinog na noon ang rebolusyonaryong mga kondisyon sa bansa para sa isang tunay na himagsikan. Ikinatakot ng Amerika na kung magkaroon ng giyera sibil at manalo ang malakas nang puwersa noon ng mga makabayan at progresibo at kung ang mga ito na ang hahawak sa renda ng pambansang kapangyarihan, tiyak na mawawasak ang lahat ng mapandambong na interes ng Amerika dito. Samakatuwid, kailangan nang ibasura si Marcos at palitan ng isang personaheng katanggap-tanggap sa mga mamamayan — si Tita Cory nga na madasalin at mahinhin — ngunit, sa kabilang banda, kayang-kayang diktahan, pilipitin ang leeg, o paikuting parang trumpo upang maging masunurin sa imperyalistang mga kagustuhan ni Uncle Sam. Kaya, sa kasagsagan ng Edsa 1, tinawagan nga ng Amerika si Marcos, binalaang hindi dapat dumanak ng dugo at makabubuting iwan na ang puwesto; sinundo nga ng helikopter ni Uncle Sam sa Malakanyang si Marcos at ang buo niyang pamilya, kasama ang ilang piling basalyos, at dinala sa Hawaii, hindi sa Paoay.

Mula nga noon, hanggang ngayon, kahit nagkaroon pa ng Edsa 2 at nabigong Edsa 3, naibalik nga lamang sa bansa ang sinasabing palsipikadong kalayaan at demokrasya na, batay sa marami nang pangyayari, lagi’t lagi lamang pumapabor sa uring hari-harian at mapagsamantala sa kapinsalaan ng bansa’t masang sambayanan. Mula sa rehimen ni Tita Cory hanggang sa kasalukuyan, paulit-ulit na nasalaula ang diwa ng Edsa 1.

Unang-una, hindi naman nabago ang tiwaling balangkas ng lipunang kontrolado’t pinaglalaruan lamang ng iilang piling grupo ng mga tao ang pambansang pulitika’t ekonomiya, ang hustisya’t demokratikong mga proseso, lalo na nga ang buhay ng dayukdok na masang sambayanan –mga manggagawa’t magsasaka, mga ordinaryong empleyado sa gobyerno, at iba pang nabibilang sa uring api’t busabos. Mahirap mapasubalian, malinaw na namamayani pa rin, at tumindi pa nga, ang mga dinastiyang pampulitika. Lalong sumidhi ang pagkasugapa sa kapangyarihan ng mga nasa poder, gayundin ang kanilang pagkasalabusab sa pondo ng bayan. Naging higit pang garapal ang pangangayupapa ng pambansang liderato sa dayuhang mga interes na lalong ikinalulugmok ng pambansang ekonomiya tungo sa higit pang gutom at karalitaan ng ordinaryong mga mamamayan.

Higit pang masama, kahit pinatalsik sa poder ang diktador, nakabalik naman sa inodoro ng kapangyarihan — at namamayagpag ngayon sa pribilehiyo’t impluwensiya — ang ilang piling basalyos ni Marcos na lumilitaw na kinukupkop pa’t kaalyado ng kasalukuyang mga namumuno sa bansa. Sabagay, hindi na nga ito dapat ipagtaka, sapagkat magkakabalahibo naman sila, iisa ang kulay, silang bumubuo ng uring naghahari-harian at mapagsamantala.

Natural, nananatiling kahabaghabag na ekstra ang masang sambayanan sa masalimuot na sarsuwela ng mga bidang mandurugas. Habang namumuwalan sa grasya’t pribilehiyo ang bibig ng mga diyus-diyosan sa lipunan sa pamamagitan ng kung anu-anong hokus-pokus at garapal na katiwalian, habang nagririgodon lamang sa poder ang uring mapagsamantala, talagang dayukdok hanggang ngayon, api’t busabos ang nakararaming ordinaryong mga mamamayan.

Ano nga ba ang dapat na gunitain at ipagpasalamat sa Edsa 1? Ang mapalitan ang dating mapanikil at salabusab na rehimen ng bago’t mapanikil at salabusab ding mga rehimen?

Habang patuloy na sinasalaula ng mga nasa poder, ng mga diyus-diyosan at hari-harian sa lipunan ang diwa ng Edsa 1, patuloy at patuloy din lamang nilang iduruyan at lulunurin ang masang sambayanan sa ilusyon ng buladas na pambansang kaunlaran, at ipinangangalandakang demokrasya’t hustisya sosyal, gayundin ng sinasabing kalayaan at kasarinlan. Kailan nga kaya ito magwawakas para sa tunay na pambansang katubusan?

Online libel: A tool of repression ready for use

$
0
0

no to cybercrime law memeStatement of PinoyMedia Center on the Supreme Court ruling on the Cybercrime Prevention Act

With the decision to uphold the Cybercrime Prevention Act and its provision on online libel as constitutional, the Supreme Court and the Aquino administration have dealt one of the most serious blows to press freedom and freedom of expression of the Filipino people.

As a media institution committed to fully democratizing the practice of journalism to include the voices of the most marginalized sectors of society, PinoyMedia Center is one with journalists and citizens who continue to oppose the Cybercrime Act.  Online libel under the Cybercrime Act  is but the latest addition to the ruling elite’s growing arsenal of tools with which to silence criticism and suppress dissent.

It must not be forgotten that repression has always been the intent of politicians who crafted and passed the law, and of the president who signed it in the most hasty and non-transparent manner. It must not be forgotten that Filipinos just woke up one day in the grip of this draconian law; and while due to our collective show of outrage and resistance the court struck down certain provisions that most brazenly assault our democratic rights (such as the power to take down websites, real-time collection of traffic data), the law remains as undemocratic as the institutions that made it.

More than any other provision in the Cybercrime Act, it is online libel that actually defines the law.  The decision to uphold libel as a criminal offense, and to provide even stricter penalties for online libel (from a minimum of six months imprisonment under the Revised Penal Code, to a minimum of six years under the Cybercrime Act) is more than enough reason to continue to oppose the said law.

Relative to traditional media, the new media has been a freer space for independent journalists and ordinary citizens. The threat of online libel now produces a “chilling effect” not only among journalists, but also among citizens who have as much as a right to report facts and express their views freely. It makes marginalized sectors who often take their advocacies to the internet even more vulnerable to harassment by those in power. Historically, libel has always been used to harass and intimidate journalists; now it can be used against anyone who chooses to share their knowledge or opinion online.

By criminalizing free speech and expression, the Cybercrime Act  attempts to draw our attention away from the real criminals lurking among those in power. But it will never succeed in doing so. More must be done to oppose this law and criminal online libel as tools of repression now ready for use.

PinoyMedia Center is a non-profit media organization that is the publisher of Pinoy Weekly. It is part of the #NoToCybercrimeLaw Alliance, an alliance of journalists and citizens opposed to the said law in defense of press freedom and freedom of expression.

Walang Alam sa Edsa

$
0
0

Maraming tanong ang inuudyok sa mambabasa ng artikulong “Edsa I lessons lost on new generations” ng isang Linda B. Bolido na lumabas sa Philippine Daily Inquirer kasabay ng paggunita sa ika-28 anibersaryo ng pag-aalsang Edsa. Magandang pagtuunan ng pansin ang artikulo dahil sa tuwi na lang may gugunitain ang bansa na yugto ng kasaysayan, laging may lalabas na balita sa midya na nagsasabing marami sa ating mga kababayan ngayon ang hindi nakakaalala-nakakaalam-nakakaunawa. Sa likod ng ganitong mga balita, mayroon kayang operasyong pang- ideolohiya?

Una, laging sinesentruhan at sinisisi ng ganitong mga balita ang pagtuturo sa mga paaralan. Sa puntong ito, wala silang sinasabing bago; alam ng marami na kapos kung hindi man bulok ang edukasyon sa bansa. Madali ring gawin ang ganitong balita, lalo na’t wala namang pagtukoy sa pananagutan ng mga patakaran ng gobyerno, kasama na ang pagkaltas nito ng subsidyo sa edukasyon, o sa mga opisyales ng gobyerno na responsable sa kadahupan ng edukasyon. Lagi pa itong may pang-aliw: ang hindi-nawawalang nakakatawang mangmang na pahayag ng mga taong ibinabalita.

Ikalawa, sa ganitong mga balita, para bang pailing-iling ang midya na bumubulong ng “Tsk, tsk” patungkol sa edukasyon. Sinisisi ng isang ideolohikal na aparato ng estado, sa gasgas na prase ng pilosopong si Louis Althusser, ang isa pa. Sa ibang pagkakataon, maririnig ang mga taong-midya na nagdidiin sa kapangyarihan at halaga ng kanilang institusyon. Pero bihira ang balita tungkol sa seryosong pagsusuri ng midya sa sarili tungkol pagtuturo nito sa mga mamamayan hinggil sa mahahalagang yugto ng kasaysayan ng bansa. Mga paaralan lang ang dapat sisihin; ang midya, ang linis-linis.

Ikatlo, bilang paunang pagsusuri, mahirap asahan ang midya ngayon na ituro ang Edsa 1, lalo na ang mga aral nito, sa mga mamamayan. Tuluy-tuloy ang tabloidisasyon ng midya: hindi hamak na mas gusto nito ang tawag-pansing kontrobersya kaysa sa nakakapagpaisip na mga aral ng kasaysayan. Hindi ba’t nataon ang ika-28 anibersaryo ng Edsa 1 sa balita tungkol daw sa misteryosong sakit sa balat sa Pangasinan? Higit pa diyan, sipsip ang midya sa gobyerno ni Noynoy Aquino, dahilan para pigilan nito ang paglago ng radikal na potensyal ng Edsa sa kamalayan at kilos ng mga mamamayan.

Ikaapat, idinidiin nito ang umano’y kamangmangan ng mga mamamayan, na naglalagay ng maraming markang pantanong sa kanilang mga posibleng hakbangin. Kapag sinasabi ng mga mamamayan na “pag-aalsang Edsa,” nauunawaan ba nila? Dapat ba silang paniwalaan? Kung hindi nila nauunawaan, maglulunsad pa kaya sila niyan? Ganoon din ang mga tanong sa rebolusyon ni Andres Bonifacio. Ibinabalik tayo sa reserbasyon ni Jose Rizal sa Katipunan: kulang pa umano ang edukasyon ng mga Pilipino. Napagtitibay ang paghahari ng iilan sa umano’y nakakaraming mangmang.

Ikalima, tinatawag ng ganitong mga “makatotohanang” ulat ang kabaligtaran nitong labis na ideyal, mula sa “isang ideolohiya ng Estado na nagpapalagay ng imposibleng sitwasyon kung saan natitiyak ng subject ang ‘buong’ katotohanan bago tumungo sa pag-aksyon sa katotohanang ito.” Mga salita ito ni Caroline S. Hau, progresibong iskolar, na nag-obserba ring “ang ‘kumpletong’ kaalamang ito… ay madalas unawain… na landas tungo sa isang kalayaang kinakatangian ng lubos na pag-igpaw sa mga historikal at materyal na kalagayan ng kaalaman at pagkilos [Necessary Fictions, 2000].”

Sa halip na maging bahagi ng nagpapatuloy na diwa ng Edsa, ang ganitong pag-uulat samakatwid ay bahagi ng paglikha ng mga naghahari ng “Edsa Fatigue” o “Kapaguran sa Edsa.” Ipinapatimo nito sa mga interesado at nakikisangkot sa pulitika na mahirap kung hindi man imposible ang pagbabago: Mangmang sa pulitika ang masa at ang maituturong dahilan ay mahirap baguhin. Napakababa ng kaalaman ng masa, at napakalayo nito sa imposibleng ideyal ng kumpletong kaalaman. Tama ang mga aktibista sa pag-unawa sa ganitong mga balita: hamon sa pagsusuri at pag-oorganisa.

28 Pebrero 2014

Cha-Cha sa Republikang Mamon

$
0
0

Bakit nagkukumahog at nanggigigil na naman ang pambansang lideratong mag-CHA-CHA (Charter Change)? Sa nagdaang mga rehimen matapos ang Edsa Piknik 1, laging isinusulong ito sa Kongreso at idinadahilang hindi na angkop ang umiiral na 1987 Konstitusyon ng bansa para sa tunay na kapakanan at kaunlaran ng Republikang Mamon. Hindi na ito diumano makatutugon sa hinihingi ng mapaminsalang globalisasyong lumilitaw na pabor lamang sa ganid na mga interes ng dambuhalang kapitalistang mga bansa, lalo na ng Estados Unidos ng Amerika.

Dalawang proseso ang maaaring isalaksak sa titiguk-tigok na lalamunan ng dayukdok na sambayanan kung talagang igigilgil ang CHA-CHA: una, maaaring pagkalooban ng kapangyarihan bilang isang asamblea constituyente ang Kongreso, tulad ng lehislatura ng Pransiya noong 1789-1791, at sila-sila na lamang ang magsusog o magbago sa umiiral na Konstitusyon o, sa kabilang banda, maaaring maghalal ng mga delegado para sa isang Kombensiyon Konstitusyonal tulad nang idinaos sa Philadelphia nang balangkasin ang Konstitusyon ng Estados Unidos ng Amerika, at ganito rin ang ginawa sa Pilipinas noong 1970 sa ilalim ng rehimen ni Marcos.

Sinasabing magiging kasimbuti lamang ng mga magbabago o magsususog nito ang mabubuong bagong Konstitusyon. Kung mga kinatawan at tagapagtanggol lamang ng uring hari-harian ( bastardong makasariling mga pulitiko, ganid at salanggapang na mga kapitalista’t asendero, mga instrumento ng tusong mga denominasyong pang-relihiyon, at mga tagahimod ng kuyukot ng dayuhang mga interes) na, di nga kasi, ay siyang pangunahing bumubuo sa pambansang liderato, paano aasahang kapakanan ng buong bansa at lalo na ng masang sambayanan ang kakatawanin ng nilalaman ng malilikhang bagong Konstitusyon? Hindi rin kaya isingit ng diumano’y mararangal na kinatawan ng bayan ang isang probisyong magpapalawig sa termino ng panunungkulan ng mga sugapa sa kapangyarihan at kayamanan upang mamalaging nakapagkit ang kanilang mga puwit sa inodoro ng sangkatutak na mga impluwensiya’t pribilehiyong ipinahihintulot ng tiwali’t nakasusukang burukrasya? Paano aasahan, kung gayon, na makalilikha ng banal na dokumento ang grupo ng mga impakto?

Ngayon pa lamang, dumadagundong na ang layunin ng kinauukulang mga diyus-diyosan na lamutakin ang mga probisyong pang-ekonomiya, ibasura ang anumang limitasyon laban sa dayuhang mga interes. Una, upang iangkop diumano sa daluhong ng mapanggantsong globalisasyon, pahihintulutan na ang dayuhang mga kapitalistang makapagmay-ari na ng mga lupain at gusali dito gayong, sa kabilang banda, wala ni isang dangkal na lupa sa sariling bayan ang milyun-milyong maralitang Pilipino dahil iilang pamilya lamang ang nagmamay-ari ng mahigit na 50% ng lupain sa Pilipinas. Ikalawa, maaari nang makontrol ng dayuhang mga negosyante ang 100% kapital sa mga korporasyon at negosyo (sa umiiral na Konstitusyon, 60% ang sa Pilipino at 40% lamang sa dayuhan). Ikatlo, at higit na kasuklam-suklam, pahihintulutan na ang dayuhang mga kapitalistang magnegosyo’t magpatakbo ng pambayang mga utilidades (public utilities), gaya ng tubig at kuryente, transportasyon at telekomunikasyon, mga ospital at mga paaralan, at maging mass media o pangmadlang komunikasyon na, kung tutuusin, ay dapat na hawak at kontrolado ng mga Pilipino alang-alang sa pambansang seguridad.

Kung hindi rin lamang mahahadlangan ng makabayan at progresibong mga sektor ng lipunan ang iginigiit na tono ng CHA-CHA na may layuning ibuyangyang at salaulain ang pambansang interes at soberanya, bakit hindi pa ipalamon na lamang nang buung-buo ang bansa sa laging gutom na bunganga ng uring mapagsamantala at ng mapandambong na layunin ng diyus-diyosang kapitalistang mga bansa sa pangunguna ng Amerika ni Uncle Sam?

Sabi nga raw ng diumano’y banal na Simbahan: magtiis na lamang at magdasal!

Mga Babaeng Palaban

$
0
0

“Ang dilag na anak sa isip ay yakap
Nang dahil sa kanya pamilya’y namulat
Sa dusa ng bayan, laluna ang mahihirap”

- Concepcion Empeño

*           *           *

Si Concepcion ay walang iba kundi ang nanay ni Karen Empeño.

Sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, parehong estudyante ng University of the Philippines ay dinukot ng mga ahente ng militar noong June 26, 2006 sa Hagonoy, Bulacan. Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang dalawa.

May lumitaw na saksing nakapagsabing nakita niya mismong tinotortyur ang dalawa sa kampo ng 24th Infantry Battalion sa Limay, Bataan. Ayon sa salaysay niya sa korte, nakita mismo ng dalawang mata niya na nakapatong sa bangko ang ulo ni Sherlyn, at nakagapos ang dalawang paa niya, habang binubuhusan ng tubig ang kanyang ilong at tinutusok ng patpat ang kanyang ari. Samantala, si Karen naman ay nakahiga sa lapag at pinapaso ng sigarilyo ng mga sundalo ang buo niyang katawan.

Nakakulong na ang dalawang akusado, sina Col. Felipe Anotado at Staff Sgt. Edgar Osorio, samantalang ‘at large’ pa rin ang isang Master Sgt. Rizal Hilario. Kasama rin sa sinampahan ng kaso ang tinaguriang ‘Berdugo ng Mindoro’ na si Major General Jovito Palparan. Nakapag-retire na at lahat si Palparan, hanggang ngayon ay nagtatago pa rin ang hotangna.

*           *           *

“nagbabanta  pa rin si Palparan,  tumitindi ang pagpatay at pagdukot”

- Pagbubulay-bulay ni Teresa Magbanua, Isang Gurong OFW, Nakahimpil Pansamantala sa Bansang Hapon, E. San Juan, Jr.

*           *           *

Si Teresa Magbanua, tinaguriang “Joan of Arc” ng Visayas, ay dating namuno sa mga tropang lumaban sa kolonyalismong Kastila at imperyalismong U.S. Naging miyembro siya ng sangay ng Katipunan sa Visayas na nakabase sa Panay.

*           *           *

“Dahil ‘di totoong nasa edad ang pagkamulat
At kahit kailan, ‘di batayan ang edad sa pakikibaka”

- Ang Bata, Benjaline Hernandez

*           *           *

Walang halong kaechosan ang tula ni Beng (palayaw ni Benjaline Hernandez). Sa Pilipinas, libo-libo ang ipinapanganak araw-araw na may tali agad ng utang-panlabas sa kanilang leeg. Milyon-milyong kabataan ang napipilitang magtrabaho sa mga delikadong lugar.

*           *           *

May mga batang tulad ni Grecil Galacio. Siyam na taong gulang pa lang siya noong pagbabarilin ng 67th Infantry Battalion sa New Bataan, Compostela Valley noong 2007. Lumusot ang bala sa kanyang siko at pumasok ang isa sa kanyang bungo.

Isa raw siyang NPA combatant, ayon sa mga militar, at may bitbit na M16 A1 nang maipit sa engkwentro. Hindi pa nakuntento ang militar, pinatungan pa ng M16 ang bangkay ni Grecil at saka pinagkukunan ng litrato para gawing ebidensiya.

Isipin mo, isang siyam na taong gulang, kakagradweyt lang sa Grade 2, ni hindi nga niya mabuhat ang sarili niyang bag, paano ‘yun makakabitbit ng riple?

*           *           *

Tama si Beng. Hindi totoong nasa edad ang pagkamulat kung mula paggising mo hanggang sa pagtulog, nakangudngod sa mukha mo ang kahirapan at pasismo ng gobyerno at militar.

Tulad na lang ni Ervie Arevalo, labintatlong taong gulang, na naglalaro ng lutu-lutuan nang lusubin ng militar ang lugar nila sa Catanauan, Quezon. Isa na siya ngayong internal refugee o “bakwet”.

*           *           *

Sa una, matatakot ka tulad ni Ervie na natatakot na mangyari ulit ang nangyari sa kanilang lugar. “Takot ako sa mga sundalo,” sabi niya.

Pero darating ang panahon na matututo rin siyang lumaban.

*           *           *

“We must evolve
some more
we simply must don’t you see”

- Documentary of a War, Ma. Lorena Barros

*           *           *

Abril 5, 2002, manananghalian na noon si Beng kasama ang apat na lumad sa Arakan Valley, North Cotabato nang paulanan ng bala ang kubong kanyang tinutuluyan.

Walang awang pinagbabaril sina Beng ng mga miyembro ng CAFGU at ng 7th Airborne Battalion ng 12th Special Forces Company ng  Philippine Army. May mga tama si Beng sa kanang dibdib at nabasag ang kanyang bungo.

*           *           *

Ayon kay Tinay Palabay, secretary general ng KARAPATAN, sa kanyang FB status noong ika-150 kaarawan ni Andres Bonifacio, mainam din na gunitain natin “ang mahalagang kontribusyon ng mga kababaihang rebolusyonaryo ng Katipunan – sila Gregoria de Jesus, Melchora Aquino, Gregoria Montoya, Henerala Agueda Kahabagan, Teresa Magbanua at napakaraming kababaihang sumuporta at lumahok sa armadong pakikibaka para sa kalayaan at demokrasya ng ating Inang Bayan.”

Narito ang isang tulang lumabas noong Pebrero 17, 1899 sa underground paper na El Heraldo Filipino. Isang manipesto ang tula laban sa panggagahasa ng mga sundalong Amerikano sa kababaihang Pilipino.

Ito ay isang kolektibong tula nina Victoria Lactaw, Feliza Kahatol, Patricia Himagsik, Dolores Katindig, Felipa Kapuloan, at Victoria Mausig. Tinatayang alyas lang ang mga pangalan.

Hibik Namin

Halina at tayo’y
Manandatang lahat
itanghal ang dangal
nitong Filipinas.
Sa alinmang nacion
at huag ipayag
na mapagharian
tayong manga anak.

Ang pagsasarili’y
ating ipaglaban
hanggang may isa
pang sa ati’y may buhay
At dito’y wala na
silang pagharian
kung hindi ang
ating manga dugo’t bangkay.
Masakop man tayo
ng kanilang Yankis
ay mamatay rin sa mga pasakit
Mahalaga.y mamatay
sa pagtangkilik
Nang dapat igalang
na ating matowid.

Dahil sa ating
Santong Katowiran
ay atin ang lubos
na pagtatagumpay.
Ang awa nang langit
ay pagkaasahang
tutulong sa ating
nang pakikilaban.

What’s hot? What’s not?

$
0
0

Nag-survey ako para sa unang labas ng kolum na ito. ‘Ika ko sa mga respondent, “Ano ang ibig n’yong mapanood na headline sa primetime news mamaya?”

Ang sagot ng librarian: Pagbawi ng cyber libel.

Ang sagot naman ng mixed martial artist: Women’s day celebration sa buong mundo dahil Marso ngayon.

Sabi ng punk: Mga NPA na umatake, nationwide offensive, kaback-to-back ng balitang album launching ng banda niya.

‘Ika ng Nanay ko: Hatol sa pork barrel scam.

‘Ika ng isa pang Nanay: Nothing in particular.

Sampu lahat ang tinanong ko. Silang lima lang ang sumagot.

Ang mga respondent ay puro urban based, mula sa middle section ng lipunan. Ang mga sumagot ay mula sa sirkulo ko na in one way or another ay may kaugnayan sa protest at progressive movement. Syempre, may mga access sila sa tri-media. At nag-iinternet. Maliban sa Nanay ko.

May follow-up question ang survey, “Ano naman ang ayaw n’yong makita sa balita?”

Para silang choir: Vhong.

May pahabol lang ang punk, “Ayokong makita lahat nang ibinabalita ngayon.”

*****
Walang pagtatangka ang survey ko na palabasing ang balita sa mainstream media ay hindi kabali-balita at ang pambansa-demokratikong kilusan ang may monopolyo ng mga isyu at usaping dapat lamang talakayin. Dahil baka iyon naman talaga ang gustong mapanood, marinig at makita ng kalakhang audience sa bansa.

Kapag may libu-libong nasalanta ng bagyo at baha, biglang may mga artistang mabubuntis o kaya ay maghihiwalayan. May mga matutuklasang kagimbal-gimbal na sakit sa balat na walang lunas. Biglang magiging mahalaga ang papel ng mga Olympian at komedyanteng doktor sa pagtataas ng prestihiyo ng bansa. At malulunod na tayong lahat.

Kapag may nahulog na bus sa Skyway o sa bangin, isang buwan tayong mapupurga sa kwentong sasakyan. Straight news. News feature. Documentary. Uobligahin tayo ng mga higanteng istasyon (ng TV, hindi ng bus) na sakyan sila. At maraming nagiging pasahero.

Dito pumapasok ang problema sa kolum na ito. Mas mainam na sabihing hamon, hindi problema.

Dahil magtatangka ang kolum na tumalakay ng hindi nababalita.

Pero may gusto ba talagang magbasa ng tungkol sa usaping gustong talakayin ng kolum na ito – ang repormang agraryo sa bansa. Usapin sa lupa. Tungkol sa magsasaka. Hinggil sa land use conversion. Land grabbing. Bogus CARP vs. GARB. Istorya ng buhay at kamatayan ng mga lider-magbubukid. Tungkol sa gyera sa kanayunan.

May interesado ba sa kwentong hasyenda na ang conflict ay hindi tungkol sa love story ng Senyorito at mestisang katulong na naka-Cutix.

Posible bang kakiligan, subaybayan at maging household topic ang rebolusyong agraryo katulad ng pagiging api at paghahanap ng katarungan ni Vhong Navarro. O ng pagiging matwid na ina ni Kris Aquino.

Nasa dictionary pa ba ang salitang P Y U D A L I S M O.

*****
‘Ika ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, noong June 10, 1988 nang isabatas ang CARP ay mayroong 555,232 na tenante sa buong bansa. At ngayong Taon ng Kabayo, makalipas ang 26 na taong singkad na pagpapatupad ng CARP ay mayroon ng 1,216,430 tenante.

Ang reporma sa lupa ay hindi pagpaparami ng tenante.

Ang hiyaw sa plakard ng nakipagbakbakang magsasaka sa mga pulis sa harap ng kongreso noong nakaraang linggo: TENANCY THRIVED UNDER CARP!

*****
Maninindigan ang kolum na ito na pundamental na suliranin ng bansa ang usapin ng kawalan ng lupang mabubungkal ng uring magsasaka at lahat ng maralita sa kanayunan. (Hindi ‘yang ini-Open-link-in-new-tab mo na “10 best…) Kaya dapat itong pinag-uusapan. At nilulutas.

Ayon sa nasasaad sa batas, sa Hunyo ay matatapos na ang pag-iral ng CARP. Ang CARP ang bukod-tanging reporma sa lupa sa buong daigdig na inabot ng mahigit 2-dekadang pagpapatupad. Ang bukod-tanging reporma sa lupa sa buong daigdig kung saan binabayaran ng danyos ang landlord para sa lupang kinumpiska sa kanya. Ang bukod-tanging reporma sa lupa sa buong daigdig na ang benipisyaryong magsasaka ay kinakailangang bayaran ang lupang ibinigay sa kanya.

Kung naguluhan ka sa huling dalawang pangungusap, ‘yun ay dahil pambihira ang gobyernong ito sa kahusayan sa paggamit ng kabalintunaan.

*****
At iyang mga kaguluhang iyan ang tatangkain ng kolum na ito na paksain sa mga susunod na labas.

Kumbakit ang kalutasan sa kaguluhang iyan ay isang mabilis, confiscatory, radikal, at libreng (oo, libre) reporma sa lupa ay siyang susubukan ng kolum na ito na sagutin at talakayin.

Kailangang pag-usapan ang repormang agraryo. Gawing bukambibig. Paghuntahan. Pagkwentuhan. Paghulunan. Pagtsismisan.

‘Ika nga sa amin, “Ang anumang mahalagang usapin ay dapat na inaalam. Para makialam.”

*****
ikanga.saamin@gmail.com


Women, youth and civil society: Dismantling the architecture of plutocracy

$
0
0
Paul Quintos of IBON International and Campaign for People’s Goals for Sustainable Development.

Paul Quintos delivering his opening remarks at the OPGA High Level Event at the UN Headquarters in New York.

Opening Remarks for the Office of the President, UN General Assembly (OPGA) High Level Event on The Contributions of Women, the Young and Civil Society to the post-2015 Development Agenda
6 March 2014

Excellency John Nashe, distinguished panelists, ladies and gentlemen: Thank you for this opportunity to share with you today our views and expectations as civil society for a new development framework that members states are currently shaping for the post-2015 era.

A few years ago, several internal memos from one of the world’s largest banks, Citigroup, was leaked to the public. The memos described the world’s leading economies as “plutonomies” and advised investors that good returns would be generated from luxury consumption and lifestyles. It also warned against the possibility of rising corporate tax rates that could choke off returns to the private sector, and other taxes on personal income, dividend, capital-gains, and inheritance that could hurt the plutonomy.

It is this model of wealth accumulation that is directly responsible for the crises we now confront. Policies of consumerism, financial speculation, unmitigated exploitation of the world´s resources, privatisation of essential social services, resources and infrastructure, deregulation of labour and economies and militarism have made the world unsustainable, insecure and grossly unequal. The burden of these policies is borne by those least responsible: the impoverished and marginalized, especially women and children in the global south.

How can we maximize the contribution of women to society if they remain tied down by patriarchal structures that require women to carry the burden of the vast amount of the world’s unpaid and low-paid work, if they are being bought and sold as child-bearers, wives and workers while still not respected as equal rights holders? If they are most likely to die in climate related disasters, most likely to be displaced as subsistence farmers, most likely to suffer from the privatization of public services, goods and commons. If women suffer the tyranny of violence inside and outside the home and even internationally where might is normalised as the source of power?

How can youth and children best shape their future if millions are barred from getting an education and fulfilling their potentials. Even those who have degrees are denied decent work opportunities and therefore a life of dignity.  Instead we have thousands of girls working in slave-like conditions in factories and plantations and mines or in homes of the better-off; to prop up the avaricious economic structures that demand increased consumption and production to benefit a tiny few.

The Citigroup memo warned that beyond war, inflation, the end of the technology/productivity wave, and financial collapse, the most potent and short-term threat to plutonomies would be societies demanding a more ‘equitable’ share of wealth. That time has come.

Over the past three years, streets and squares and fields across the world have become the sites of massive demonstrations, strikes, occupations, riots, rebellions and revolutions. From the Arab Spring to the movement of the squares in Southern Europe, to Occupy Wallstreet and the streets of Turkey and Brazil, people everywhere are rising up against inequality, injustice, and the lack of accountability of political authorities.

So if there is one clear message that we want our leaders to heed as we move to the negotiating stage of the post2015 agenda, it is this: we need to radically change the global political and economic system through a transformative and redistributive framework that aims to reduce inequalities of wealth, power and resources between countries, between rich and poor and between men and women.

Rhetorical normative language is not enough. Governments must make clear unequivocal commitments to a new course for the world that ensures the planet’s limited resources are used equitably and responsibly, acknowledging the historical debt of the few to the many, and our responsibility to future generations.

We need a goal to redistribute the obscene levels of wealth concentration within and between countries.  Indeed, just 5% of the 46.2 trillion-dollar wealth of the world’s so-called “High Net Worth Individuals” is enough to cover the annual cost of a global social protection floor, climate change adaptation and mitigation combined. Targets can be adopted in terms of increasing the share of labor in national income; increasing progressive taxation; democratizing ownership and management of productive assets and finances, expanding solidarity-based and public forms of ownership over the means of production and distribution, strengthening diverse local economies and territorial management.

A strengthened global partnership for development that recognizes the common but differentiated responsibilities of countries is also critical in this regard.  Public finance, technology transfers and capacity-building measures should be directed in support of sustainable development effort in developing countries.  More importantly, the financial system needs to be fixed including the taxation of speculative flows, clamping down on tax havens, preventing tax competition, cancelling illegitimate and odious debt. The WTO, trade agreements and investment treaties should be circumscribed by human rights norms and principles rather than the other way around.

The respect, protection and fulfillment of human rights should be explicitly recognized as both the overall goal of sustainable development and the means for achieving it. All goals, targets and indicators should be aligned with relevant human rights standards. The immediate obligation to ensure at least essential levels of these rights, without discrimination or retrogression, requires ‘universal’ or ‘zero targets’ for all sectors wherever possible and strong equality benchmarking should be integral to monitoring progress. The duty to use the maximum available resources to fulfill these rights progressively requires monitoring of both the policy and fiscal and budgetary efforts of governments, alongside sustainable development outcomes.

To tackle inequality and injustice we need stricter regulatory frameworks for big business especially transnational corporations to ensure that they are fully transparent, respect human rights and are held accountable whenever they violate these rights.  Corporate accountability must not rely on the goodwill and self-regulation of corporations.

Finally, if we want to harness the contribution of women, youth and civil society, the Post-2015 development framework must enhance the enabling conditions for people to claim their rights. The proliferation of new laws, policies and practices that limit core civil society freedoms of expression, association and assembly must be arrested and reversed.  Instead, we need to bolster the means and opportunities by which people, especially the most marginalized and excluded, can hold governments, corporations, international institutions, donors and other power-holders to account. We must develop accountability mechanisms from grassroots to the global, community monitoring tools, budget monitoring, shadow reports to provide input in monitoring mechanisms, and so on.

If governments enter into negotiations looking for the lowest common denominator, if you settle for incremental changes that will help the poor but reproduce poverty and injustice, if you do not commit to dismantling the architecture of plutocracy, then people will persevere in demanding development justice – through these channels or through our collective struggles outside the halls of official power.

Thank you!

A wide view of the ECOSOC Chamber during the High-Level Event of the General Assembly "The Contributions of Women, the Young and Civil Society to the Post-2015 Development Agenda". Paul Quintos, is at the leftmost, below the screen.  <strong>Photo from UN website</strong>

A wide view of the ECOSOC Chamber during the High-Level Event of the General Assembly “The Contributions of Women, the Young and Civil Society to the Post-2015 Development Agenda”. Paul Quintos, is at the leftmost, below the screen. Photo from UN website

Watch the video of Paul Quintos’ speech

Throwback Nightmare

$
0
0

Throwback Thursday is a Facebook culture that is fun and makes one feel sentimental. Meanwhile, the forced remittance bill is a throwback nightmare that is all about raising funds for the government and makes one feel nothing but contempt for its proponents.

House Bill 3576 authored by former ambassador Roy Señeres from the party-list group OFW Family Club seeks to penalize overseas Filipino workers (OFW) who fail to remit money through formal banking channels to the Philippines, as if it is a magnanimous gesture for our family.

OFW Facebook users immediately went up in arms upon reading the feeds circulating on the said bill, with reactions ranging from outright indignation to sarcastic ones like inquiring Señeres’ account number so they can remit to him directly.

All in all, it is an unpopular bill that is rightly branded as another burden for Filipino migrants.

Flashback to 1982: former Pres. Ferdinand Marcos implemented Executive Order 857 that expressed essentially the same provisions as the HB3576. As a result, it exerted an unnecessary pressure – for OFWs do remit to their family, as they are the reason why they migrated –to Filipinos overseas to ensure their regular remittance even to the extent of taking up extra jobs or borrowing money to avoid getting penalized.

Fast forward to present-day: labour export is a multibillion dollar industry for the Philippine government. OFW remittance comprised 10% of the country’s GDP in 2012 and by the first half of 2013, already registered a 5.8 percent increase as compared to the level of the same period in 2012. Remittance is the crux to the neoliberal globalization model of migration for development and HB3576, advertently or inadvertently, trails along such line that treats overseas workers as commodities and mere dollar-earners.

For someone that purports to champion OFW rights and wellbeing, Señeres is way off touch with the real condition and sentiments of Filipinos abroad.

Opposition to EO857 was like a wildfire that mobilized thousands of OFWs around the world and in Hong Kong, it triggered the formation of the United Filipinos Against Forced Remittance or UNFARE. A year later, the coalition was transformed into the United Filipinos in Hong Kong (UNIFIL -HK) that is now considered as one of the most vibrant, active and widest formation of OFWs in the world that is working towards genuine social change in the Philippines to end labour export and forced migration of Filipinos. The likes of the UNIFIL were later on formed in other countries, bonded together to form Migrante International and, as we say, the rest is history.

HB3576 is a throwback nightmare. Let OFWs face it squarely, from Facebook to the streets, with a collective strength that will be a present-day horror for the author and this BS government.

Bulkang Sosyal Ang Bansa

$
0
0

MGA ILANG dekada na ang nakararaan, maraming mga palaaral sa lipunan at pulitika ang naghambing sa bansa sa isang bulkang sosyal na maaari diumanong sumabog anumang oras kagaya ng Mt. Pinatubo kahit mga 600 taon na itong natulog. Mula pa sa nagdaang mga rehimen dahil sa napakasamang kalagayang panlipunan, lalo na sa panahon ng diktadurang Marcos, kung sinu-sino na ang humula na puputok na sa wakas ang naturang bulkang sosyal kapag hindi nabago ang grabeng kalagayang panlipunan, pampulitika man o pangkabuhayan.

Katunayan, sa isang artikulo ng yumaong Teodoro M. Locsin, Sr. ng Philippines Free Press, nilinaw niyang inihambing na noon ni Claro M. Recto — namayapa na rin at kinilalang makabayang senador noon ng Republika — ang pambansang kalagayan sa umiral na mga pangyayari sa Cuba bago nagkarebolusyon doon na pinamunuan ni Fidel Castro at nagbagsak sa malupit at mapagsamantalang rehimen ni Fulgencio Batista. Sa isang artikulo rin sa Reader’s Digest ni Carl Rowan, dating direktor ng US Information Agency, binigyang-diin niya na kagaya nga ng Cuba ang Pilipinas bago napatalsik sa poder si Batista.

Ano ang mga kalagayang umiiral noon sa Cuba na masasabing namamayani rin ngayon sa Pilipinas?

Sabi nga ni Rowan: “ang pagwawalang-bahala ng naghaharing-uri, ang pagkakaroon ng mga subersibo at gerilya sa kabundukan, ang patuloy na pag-ungol ng disgustadong mga estudyante at intelektuwal sa mga siyudad.” Idinagdag pa niya na “napakaliit ng minoryang mahigpit na pumipisil” o kumokontrol sa kayamanan at pulitika ng bansa at nagigising na ang masa, ang sambayanan, sa katotohanang ito. Nakikita na ng mga mamamayan, ayon kay Rowan, “ang kasalanan ng isang oligarkiyang gumagamit ng katiwalian, at umuupa ng mga mamamatay-tao, para makapanatili sa kanilang pribilehiyadong katayuan.” Kung hindi diumano mababago ang masamang kalagayang ito, kung hindi diumano “magigising ang naghaharing-uri sa mga pangangailangan ng masa,” dagdag niya, “maaaring magkaroon ng malaking gulo sa bansa.”

Pero bakit hindi pa nga pumuputok ang bulkang sosyal? tanong noon pa man ni T. M. Locsin, Sr. O nabago na ng kasalukuyang rehimen ang napakasamang kalagayang panlipunan at kontento na ang sambayanan?

Sinasabing lalo pa ngang naging malaganap ang karalitaan ngayon. Mga 85% ng sambayanan ang talagang pobre at lubhang miserable na ang pamumuhay. Hindi na maikakailang marami sa kanila ang kulang sa masustansiyang pagkain, nagtitiis sa kanin at asin o lugaw na hangin ang ulam. Marami sa kanila ang walang bahay, walang lupa, walang-wala, at nakikisiksik sa nagsisiksikan nang mga barungbarong sa mga suluk-sulok ng lungsod habang, sa kabilang banda, nagtatampisaw sa kayamanan ng bansa ang dayuhang mga negosyante, ang bastardong mga pulitiko, ang iilang grupo ng maimpluwensiya’t mapribilehiyong Pilipino. Katunayan, batay sa pananaliksik ni John Doherty — Amerikanong Heswita — isang ikalimang (1/5) bahagi lamang ng populasyon ang nakikinabang sa 50% ng pambansang kita at 60 pamilya lamang, ayon naman sa manunulat-mananalaysay na si Stanley Karnow, ang kumokontrol sa kabuhayan ng bansa.

Bunga ng naturang katotohanan, bukod pa sa mapaminsalang galamay dito ng imperyalismong Amerikano, hindi na dapat ikagulat kung manatiling busabos ang malaking bahagi ng sambayanan, ang 85% ng populasyon na halos kumain-dili. Hindi na rin katakatakang lalong lumaki ang agwat na naghihiwalay sa mayaman at sa mahirap at lalo pang maghirap ang milyun-milyong maralitang Pilipino.

Sa kabila ng mayabang na ipinangangalandakan ng mga tambolero o propagandista ng kasalukuyang rehimen na “maganda’t papaunlad ang buhay ng mga mamamayan at ang ekonomiya ng bansa,” hindi na kailangan marahil ng sinuman ang may mataas na gradong salamin upang makita ang tumitinding mga kontradiksiyon sa ating lipunan. Mahirap nang mapasubalian ang katotohanang patuloy na lumalaganap ang kawalang-trabaho o disempleyo, patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo nang walang kaukulang pagtaas sa suweldo lalo na ng ordinaryong mga manggagawa. Patuloy na tumataas ang mga buwis, at nag-iimbento pa ng mga bago, patuloy na bumabagsak ang halaga ng piso kontra dolyar habang patuloy namang ibinabaon sa utang ang bansa — kaya patuloy at patuloy ngang nagiging miserable ang kalagayan ng masang sambayanan.

Malinaw nang nailarawan ng yumaong Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. sa isa niyang pagtatalumpati sa Amerika noon ang naturang marawal na pambansang kalagayan. Bagaman ang katayuan ng bansa sa ilalim ng diktadurang Marcos ang tinutukoy niya noon, kapansin-pansin na parang wala ngang ipinagbabago ang mga problemang pangkabuhayan at pampulitika o panlipunan ng bansa magpahanggang ngayon.

Sinabi ni Ninoy Aquino: “Ang Pilipinas ay isang lupain ng nakalilitong pagkakaiba. Narito ang isang lupaing iilan ang labis na mayaman habang lubos na nagdaralita ang masa. Narito ang isang lupaing ang kalayaan at mga biyaya nito ay totoo lamang para sa iilan at isang ilusyon lamang o pangarap para sa nakararami. Narito ang isang lupaing nananalig sa demokrasya ngunit pinatatakbo ng isang matibay na plutokrasya. Narito ang isang lupain ng pribilehiyo at ranggo — isang republikang diumano’y para sa pagkakapantay-pantay pero sinasalaula ng isang sistema ng pag-uuri-uri.”

Idinagdag pa niya na ang pamahalaan nito’y “halos bangkarote sa pananalapi” at ang mga sangay nito’y “pinaghaharian ng mga utang at katiwalian” at, higit sa lahat, “bagsak ang mga industriya.” Sa kabila ng lahat, binigyang-diin ni Ninoy, “wala namang pagpaplanoing pangkabuhayan, walang pagtatangkang paunlarin ang ekonomiya, kung kaya nanlulupaypay ang mga Pilipino… nakakulong sa kawalang-pag-asa, walang layunin, walang disiplina, at walang pagtitiwala sa sarili.” Sabi niya, ito’y dahil na rin sa ating “mga lider na nangangalandakan ng pagmamahal sa bayan ngunit, sa katotohanan ay higit ang pagmamahal sa kani-kanilang sarili.”

Pero bakit hindi pa nga pumuputok ang bulkang sosyal? tanong nga noon pa man ni Locsin. O hindi pa totoong miserable ang sambayanan?

Maaaring kontento pa nga ang sambayanan at nakangingiti pa sa kanilang kabusabusan. Ikinakatuwiran ng mga palaaral sa pulitika na ang sambayanang Pilipino ay hindi naman kasing miserable ng sambayanang Ruso bago ibinagsak ng mga Bolshevik, sa pamumuno ni Vladimir Ilyich Ulyanov o Lenin, ang rehimeng Tsarista ng mga Romanov sa Rusya. Hindi rin sila diumano kasing miserable ng sambayanang Tsino bago naluklok sa poder ang rehimeng Komunista nina Mao Tsetung. At, ayon noon kay Locsin, lalong hindi sila napakamiserable kagaya diumano ng milyun-milyong taga-India na hindi naman naghimagsik laban sa kanilang sistema sosyal at sa gobyernong dahilan ng kanilang pagkamiserable.

Kung hindi pa nga ganap na miserable at kahabaghabag ang sambayanang Pilipino, bakit nga ba magagalit at maghihimagsik? dagdag na tanong pa ni Locsin.

Sa punto ng mga konserbatibo, totoong patuloy na yumayaman ang mayaman at talagang lalong naghihirap ang mahirap dahil kontrolado nga ng iilang pamilya ang ekonomiya’t pulitika ng bansa habang, sa kabilang banda, patuloy pang hinuhuthot ng mga dayuhan pero, sa bawat panahon, anuman ang dumating na rehimen, nakasanayan na daw ng masang sambayanan ang kahirapan at kilalang-kilala na nila ang mukha ng karalitaan. Kung totoo mang binubusabos ng mga kapitalista sa dambuhalang mga pabrika’t korporasyon ang mga manggagawa, o kung inaalipin man ng mga propiyetaryo’t asendero ang mga magsasaka, may trabaho pa naman daw sila kahit papaano at higit daw mahirap ang wala silang pinagkakakitaan lalo na ngayong laganap ang disempleyo.

Kung hindi man daw sapat ang kanilang suweldo o kinikita sa kanilang pang-araw-araw na mga pangangailangan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo — bigas man o mais, tubig man o kuryente, sabon man o mantika — may kinikita pa rin daw sila kahit paano. Makabibili pa rin daw sila ng kape’t ilang pandesal na pantighaw sa kumakalam na sikmura. Kahit malimit na hindi na sila kumakain nang tatlong beses sa maghapon, kahit kamote’t mais, kahit lugaw at asin ang kanilang kinakain, ang mahalaga daw ay may kinakain pa rin sila at sanay naman silang kumain ng kahit ano, basta puwedeng kainin.

Kung mataas man daw ang pasahe sa mga sasakyan, puwede daw naman silang maglakad na lamang dahil hindi pa naman sila pinuputulan ng mga paa. Kung sa dampa man daw sila nakatira, o sa mumurahin at masikip na entresuwelo, o sa mga barungbarong sa mga suluk-sulok ng lungsod, o natutulog na lamang sa mga bangketa, sa mga kariton at mga damuhan ng parke, ang mahalaga daw ay may natutulugan pa rin sila at puwede bang lumikha ng bata. Kung nagdaramit daw sila ng animo’y basahan, kung hindi man daw nila mapag-aral ang kanilang palabuy-laboy na mga anak, kung anuman ang lahat ng kahirapang ito, ang mahalaga daw ay nabubuhay pa rin sila kahit ipinagkakait sa kanila ng tiwaling lipunan ang karapatang mabuhay nang parang tao sa ilalim ng isang tunay na hustisya sosyal.

Bakit nga ba magagalit pa? tanong ng mga konserbatibo. Matitiis pa naman daw, marahil, ang lahat-lahat.

Ayon nga sa artikulo ni T. M. Locsin, Sr. noon, nariyan pa naman ang Simbahan kung saan puwedeng magdasal kahit minu-minuto, oras-oras o araw-araw. Baka nga mahabag din ang maawaing langit at kahit hindi kami naniniwala sa mga milagro, baka bigla ngang umulan ng bigas at talong na may kasama pang bagoong, ng damit at pera para sa sambayanang dayukdok. Isa pa, sabi ng mga relihiyosong nag-uunan ng Bibliya, mapapalad daw ang mga maralita. Mas matindi diumano ang paghihirap nila sa lupa, mas malaki daw naman ang kanilang gantimpala sa kalangitan. Hindi na bale daw na maghirap, magtiis at magsakripisyo sila nang husto sa lupa sapagkat, sa kabilang banda, puro kaligayahan naman daw ang naghihintay sa kanila sa sinasabing kabilang-buhay — walang gutom, walang uhaw, at buhay na walanghanggan basta’t manuntunang lubos sa mga aral ni Kristo. Puwede ngang tiisin ang lahat — kung gayon.

Nariyan din daw ang kalayaan sa pamamahayag at binubuhay nito diumano ang ilusyong may kalayaan. Sabi nga, huwag lamang libelo, pinahihintulutan daw ang sambayanang ipahayag ang anumang pagtuligsa sa masama’t tiwaling administrasyon, batikusin man ng maaanghang na mga salita ang kinauukulang mga opisyal o isumpa man ang umiiral na sistema sa lipunan. Kahit kontrolado ng mga hari-harian sa lipunan ang “mass media” — radyo, diyaryo at telebisyon — iplnahihintulot naman daw ang mga pagtuligsa upang mabawasan sa pamamagitan nito ang galit ng sambayanan. Pero, kaiingat, kung banta na ito sa katatagan o kapangyarihan at kaayusan ng uring naghahari-harian, malamang na ipasara ang mga iyon tulad noong rehimeng Marcos. Maaaring ipakulong pa — o ipapatay — ang masusugid na kritiko ng nakasusulukasok na rehimen.

Bakit nga ba maghihimagsik kung puwede namang malayang ipahayag ang matinding galit? muling tanong ng mga konserbatibo.

Nariyan naman daw, isa pa, ang sinasabing demokrasya. Kahit hindi nga nababago ang tiwaling balangkas ng lipunan, ipinahihintulot daw naman nito na makapamili ang sambayanan ng mga manunungkulan sa gobyerno kahit pare-pareho naman, kung tutuusin, ang pagpipilian. Mapapalitan diumano ang isang masama’t abusadong rehimen at maparurusahan ang mapagsamantalang mga opisyal. Sa pamamagitan daw ng eleksiyon, maipahahayag ng sambayanan ang kanilang galit at pagkasuklam – sa bisa ng balota — laban sa mga lider na nagpapakabundat sa kapangyarihan at nagbabasura lamang sa tunay na pambansang kapakanan. Sa bawat eleksiyon, nagkakaroon daw ang sambayanan ng pag-asang bubuti rin, sa wakas, ang busabos nilang buhay at magiging maganda na’t maunlad ang pambansang kabuhayan.

Bakit nga ba maghihimasik, muling tanong ng mga konserbatibo, kung puwede namang parusahan ng mga mamamayan sa bawat eleksiyon ang sinumang salanggapang na lider ng bansa? Pero, sa kabilang banda, tanong naman ng mga radikal, may totoo bang malinis na eleksiyon sa bansa upang maibandila ang tunay ding damdaming-bayan?

Puputok na nga ba ang bulkang sosyal? O talagang hindi pa napakamiserable’t kahabaghabag ang masang sambayanan?

Hindi ‘depensibo’ ang panghihimasok ng militar nila

$
0
0
May malungkot na kasaysayan ng panghihimasok ang militar ng US sa Timog Silangang Asya. Nasa larawan, mula kaliwa: Vietnam Pres. Nguyen Minh Triet, US Pres. Barack Obama, at Pang. Benigno Aquino III, sa  New York, USA noong 2010. <strong>Malacanang Photo Bureau</strong>

May malungkot na kasaysayan ng panghihimasok ang militar ng US sa Timog Silangang Asya. Nasa larawan, mula kaliwa: Vietnam Pres. Nguyen Minh Triet, US Pres. Barack Obama, at Pang. Benigno Aquino III, sa New York, USA noong 2010. Nasa likod ng tatlong lider ang mga watawat ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Malacanang Photo Bureau

Otsenta porsiyento na raw na tapos ang “Agreement on Enhanced Defense Cooperation,” sabi ni Foreign Affairs Undersec. Pio Lorenzo Batino. Tiyak na minamadali nila ito—bago dumating sa bansa, sa huling linggo ng Abril, si US Pres. Barack Obama. Batay sa mga ulat sa midya, highlight ng bagong kasunduang militar ng mga gobyerno ng Pilipinas at US ang karapatang magbase ng Amerikanong militar sa mga base ng Pilipinas sa buong bansa. Ito lang ang pinakahuli sa mahigit isang siglo na pagkakayupapa ng mga administrasyong Pilipino sa pampulitikang kapangyarihan ng US.

Araw-araw, sa balita sa midya, sinasalaksak sa ating kamalayan: May banta ng pananakop ng bansang China, nambabraso ito para makuha ang mga isla ng Spratly at iba pang teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea). Sa kabila nito, nariyan ang US, na muling nag-aastang pandaigdigang pulis, namamagitan at magsisilbi raw na deterrent (pangontra) sa mapagbantang presensiya ng China.

Madaling paniwalaan ito—kung mangmang tayo sa kasaysayan. Batay sa mga komento sa social media at mainstream media, mula sa mga barberya sa kanto hanggang sa airconditioned na network studios, masasabing marami nga ang naniniwala. Pero tila sinasadyang di-binabanggit sa mga talastasang ito kahit ang kasalukuyang rekord ng militar ng US, sa Latin Amerika, Aprika at Gitnang Silangan—ang rekord ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, lantarang pagpasok ng mga kompanyang Kano sa mga lugar na ito para pagsamantalahan ang likas na yaman dito (sa kaso ng Gitnang Silangan, ang langis sa Iraq, Lybia, atbp.).

Sa Timog Silangang Asya, sa ating bahaging ito ng mundo, madalang nang mabanggit ang giyera sa Vietnam.

Mapa ng Gulf of Tonkin at South China Sea (West Philippine Sea). <strong>Wikimedia Commons</strong>

Mapa ng Gulf of Tonkin at South China Sea (West Philippine Sea). Wikimedia Commons

Madalang nang mabanggit ang tinaguriang Gulf of Tonkin Incident, ang kaganapang naging mitsa ng madugong giyera ng Amerika sa Vietnam na kumitil sa buhay ng aabot sa 2,000,000 sibilyang Biyetnames at nagwasak sa kabuhayan ng di-mabilang na mga sibilyan sa buong Timog Silangang Asya.

Ang insidenteng ito ay naganap sa Gulf of Tonkin, na katawan ng dagat na karatig ng North Vietnam at China, at di-kalayuan sa West Philippine Sea / South China Sea. Halos 50 taon na ang nakararaan, noong Agosto 2, 1964, inatake ng barkong militar ng US na USS Maddox  ang tatlong torpedo boats ng North Vietnamese Navy. Pinalabas ni US Pres. Lyndon Johnson na inatake ng naturang torpedo boats ang USS Maddox—kahit na malinaw na nasa teritoryo ng North Vietnam ang naturang barkong Kano. Dalawang araw matapos ito, muling nag-anunsiyo si Johnson na inatake ito ng mga North Vietnamese na barko—kahit na lumabas mula sa na-declassify na mga dokumento ng National Security Agency ng US na gawa-gawa lamang ng USS Maddox ang naturang insidente. Ito ang naging hudyat ng Vietnam War, ang di-deklaradong giyera ng US sa mga mamamayan ng Vietnam.

Pinagsimulan ng madugong Vietnman War ang tinaguriang Gulf of Tonkin Resolution, na ipinasa sa US Congress matapos ang pekeng insidente sa naturang golpo. Sabi sa resolusyong ito, maaaring magsagawa ng mga aksiyong militar ang US sa Timog Silangang Asya batay sa kasunduan nito sa mga bansa sa rehiyon, ang Southeast Asian Collective Defense Treaty na nilagdaan sa Manila, Pilipinas noong 1954.

Layunin ng naturang tratado sa depensa ang “containment” o pagpigil sa paglawak umano ng impluwensiya ng Komunismo sa Timog Silangang Asya, batay sa teorya ng US na domino effect (kapag “bumagsak” sa Komunismo ang isang bansa sa rehiyon, magtutuluy-tuloy ito sa katabing mga bansa).

“Pagdepensa sa rehiyon” ang mismong katagang ginamit ni Johnson noon, para bigyang katwiran ang pananalakay sa Vietnam. Ganito rin ang lengguwaheng gamit ng mga opisyal ng administrasyong Obama: pagpigil sa paglawak ng impluwensiya ng China ang dahilan kung bakit may polisiya itong “US pivot” (o pagpokus ng mayorya ng militar nito sa Asya). Pero malinaw sa kaso ng Vietnam War na hindi depensa, kundi opensa, ang ginawa ng US. Hindi nito pinangalagaan ang demokrasya; lantarang niyurakan nito ang soberanya ng isang mahirap na bansa. Natakot itong mabawasan ng merkado sa Asya para sa surplus goods nito kung lalawak ang impluwensiya ng noo’y Komunistang China at Soviet Union. Sa kaso ngayon, hindi na Komunista ang China kundi kapitalista na—at direktang karibal ng US sa mga merkado at hilaw na materyales (raw materials).

Kasaysayan ng panghihimasok: Mga lider sa Timog Silangang Asya na lumagda sa Southeast Asia Collective Defense Treaty, kasama si US Pres. Lyndon Johnson (una mula sa kanan). Pang-apat mula sa kaliwa si Pang. Ferdinand Marcos. <strong>Wikimedia Commons</strong>

Kasaysayan ng panghihimasok: Mga lider sa Timog Silangang Asya na lumagda sa Southeast Asia Collective Defense Treaty, kasama si US Pres. Lyndon Johnson (una mula sa kanan). Pang-apat mula sa kaliwa si Pang. Ferdinand Marcos. Ang naturang tratado ang naging batayan ng resolusyon ng US Congress na nagpapayag sa direktang panghihimasok militar ng US sa Vietnam mula 1965 hanggang 1975.Wikimedia Commons

Hindi depensa sa soberanya ng Pilipinas ang pakay ng US sa “Enhanced Defense Cooperation”, o kahit sa nakaraang mga kasunduang militar nito na Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty. Pakay nito ang magpakita ng kapangyarihang militar; at kung mabubuyo sa digmaan ang China, ang ibig sabihin nito’y masasangkot ang Pilipinas sa madugong sigalot sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang superpower.

Maraming eksperto na ang nagsabi na malakas ang kaso ng Pilipinas sa pandaigdigang mga korte para madeklarang pag-aari ng bansa ang mga teritoryo sa Spratlys. Walang duda na batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea o Unclos, na nasa loob ng Pilipinas ang naturang mga lugar. Sinabi na rin ng mga ekspertong ito na hindi na sa international courts na ito pinakamalakas ang tsansa ng Pilipinas na makuha ang naturang pinag-aagawang mga teritoryo. Hindi na kailangang muling hayaan ang US na yurakan ang soberanya at kalayaan ng Pilipinas para lang magwagi sa Spratlys, atbp.

Sino mang kumokondena sa bullying ng China habang pumapabor naman sa mas matinding panghihimasok ng puwersang militar ng US sa bansa ay nagpapakita ng kawalan ng muwang sa kasaysayan. O di kaya’y ipokrito—at di naman talaga iniisip ang tunay na ikabubuti ng Pilipinas.

Talababa sa Cha-cha

$
0
0

Lahat ng pangulo ng Pilipinas pagkatapos ni Cory Aquino, ginustong baguhin ang Konstitusyong 1987. Bagamat pag-alis sa limitasyon ng termino ng mga nakaupong pulitiko, lalo na ng pangulo, ang tumampok sa midya at maging sa mga protesta, lagi ring kasama ang pag-alis sa mga limitasyon sa 100 porsyentong dayuhang pag-aari sa bansa.

Hindi progresibo ang Saligang Batas. Binuo rin ito ng mga naghaharing uring komprador at haciendero na sunud-sunuran sa mga dikta ng US. Pero nalikha ito pagkatapos ang pagpapatalsik sa diktadurang US-Marcos, kung saan malaki ang papel ng Kaliwa. Napwersa ang mga gumawa ng Konstitusyon na maglagay ng ilang makabayang probisyon sa ekonomiya.

Pero panandang-bato rin ang termino ni Cory sa pagratsada sa mga patakarang neoliberal sa bansa. Ang sabi nga ni Prop. Jose Maria Sison, ginawa ng Konstitusyong 1987 na isang transaksyon ng “malayang pamilihan” ang reporma sa lupa: boluntaryong ibebenta ng haciendero ang lupa o mag-aalok siya ng Stock Distribution Option, inalis ang pangangailangan ng interbensyon ng Estado para isulong ang katarungang panlipunan.

Pero masasabi sa pangkalahatan na hindi pa kinakatawan ng Konstitusyong 1987 ang mga prinsipyo ng mga neoliberal na patakaran. Kahit ang deklarasyon nito ng mga prinsipyo, pabor sa mas malaking papel ng Estado sa ekonomiya, bagamat hindi Keynesian. Tiyak na pinapahintulutan nito ang pagpapatupad ng mga patakarang neoliberal, pero hindi pa nito tahasang nilalaman ang mga prinsipyo ng gayong mga patakaran.

Mahalagang balikan ang saliksik ni Sonny Africa ng Ibon Foundation, na nagsabing simula dekada nobenta, 130 bansa sa mundo ang nagbago ng Konstitusyon sang-ayon sa mga patakarang neoliberal: pagtanggal sa mga hadlang sa paggalaw ng kapital at mga kalakal, pagtapyas sa papel ng gobyerno sa ekonomiya, pribatisasyon ng mga serbisyong panlipunan, denasyunalisasyon ng mga pambansang ekonomiya, at iba pa.

Tiyak, gaya ng madalas sabihin ng mga pabor sa Cha-cha, iba man ang wika nila, naiikutan ng malalaking dayuhang kapitalista kasabwat ang mga lokal na naghaharing uri ang Saligang Batas. Pero gusto nila itong baguhin para maging mas lantad na neoliberal, na pwedeng batakin tungo sa mas sagad pang paggamit. Tiyak na maghuhudyat ang Cha-cha ng mas matinding pagsasamantala sa bansa; lalo tayong magiging iskwater sa sariling bayan.

Masasabi, samakatwid at bilang obserbasyon, na nabuo ang Konstitusyong 1987 sa bisperas ng pagiging kapos ng silbi nito para sa mga naghaharing uri, na nagtulak at nakikinabang sa mga patakarang neoliberal.

20 Marso 2014

Viewing all 532 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>