Quantcast
Channel: (Kolum) – Pinoy Weekly
Viewing all 532 articles
Browse latest View live

Am Hearing Your Lamentations

$
0
0

am hearing your lamentations
la tierra pobreza
land of poverty and sorrow
land saturated by the blood
of the oppressed class
disgraced by injustices
enslaved by exploitation
your cries reverberating
on the wings of the easterly wind
yes, am hearing your lamentations
even on the chirping of the sparrows
piercing and slashing my soul
on nights the pallid moon prays
on mornings like tears
the dewdrops descend
on the yellowish grass
on middays the asphalted streets
groan under the burning sun
on dusks the angry waves
bash the lonely shore.

yes, am hearing your cries
la tierra pobreza
in the thunder’s rumbling
in the ashen sky
in the lightning’s hissing
in the darkness of night
in the flowing of water
down the mountain’s heart
yes, am hearing your sorrows
la tierra pobreza
in the mumblings of wives
who lost their husbands
shrouded in hidden graves
am hearing it
in the orisons and novenas
of so many sisa*
crispin* could be found no more
buried somewhere
by the forces of darkness
or left to rot
in a stinking jail
or abandon to decompose
in the sea’s bottom
not a mere shadow
of his skeleton
looms no more.

yes, am hearing your lamentations
la tierra pobreza
in the flowing sweats
of emaciated workers and farmers
in the growling of empty stomachs
in the clanking of tin cans
in some garbage dumps
in the creaking
of torn galvanized sheets
on roofs of demolished shanties
beside the murky canal
from tripa de gallina
to canal de la reina
am hearing your grief
la tierra pobreza
in houses bulldozed
in some public lands
now your wretched offsprings
are mere stray dogs and cats
roaming around the black night.

yes, lurking in my ears
your lamentations
la tierra pobreza
anywhere in this planet
your unfortunate people are
strewn by the wind of poverty
scattered like debris
in cruel foreign lands
as hope is now skeletal
and joy is shattered to pieces
in your land made barren
by the exploitative class
yes, la tierra pobreza
“not all are sleeping
“in the darkness of night”
they also are hearing
your calls
their eyes burning with desire
to pulverize, at last
your prison walls!

(my modified English version of my NARIRINIG KO ANG IYONG PANAMBITAN. *Sisa is a poor mother — a character in Jose Rizal’s novel Noli Me Tangere or Touch Me Not — who lost her son *Crispin after being beaten to death by a sacristan of a Spanish friar)


Pangulong Aquino, retorika at propaganda

$
0
0

Tuwing may protesta, asahan mo ang retorika. Madalas ko ngang biruin ang ilang kaibigang aktibista sa husay nilang bumuo ng mga salita para mapukaw ang interes ng madla.

Sadyang mahalaga ang retorika sa propaganda. Kailangan lang na akma ang mga salita para malinaw ang mensaheng nais iparating. Ito ang dahilan kung bakit may ibayong pag-iingat sa anumang katagang gagamitin, lalo na’t laban sa isang opisyal ng pamahalaan. Kung sablay nga naman ang retorika, paano na ang kampanya? Nakuha mo man ang atensiyon ng masa, maaasahan mo ba ang suporta nila?

Sa kaso ni Pangulong Noynoy Aquino, kailangang isaalang-alang ang kanyang matataas na trust at approval ratings kung susuriin ang mga datos ng Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS) mula nang manungkulan siya noong 2010 hanggang sa kasalukuyan. Bagama’t kapansin-pansin ang pagbaba ng kanyang ratings lalo na sa panahon ng ilang kontrobersiya sa kanyang administrasyon, hindi pa rin maikakaila ang pampublikong pagtingin na siya ay popular.

Pero ano ba ang konteksto ng kanyang popularidad? Depende siyempre ito sa paniniwala ng taong kausap mo. Halimbawa, puwedeng sabihin ng isang taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon na nakikita ng publiko ang mabuting gawi ni Aquino. Para naman sa nananatiling kritikal sa Pangulo, maaasahan mo ang argumentong hindi naisisiwalat sa publiko ang lahat ng baho ng administrasyon, pati na ang bentaheng maraming organisasyong pangmidya na kampi sa kanya. Pabor ka man o hindi kay Aquino, hindi rin maiiwasang maikumpara siya kay Gloria Macapagal-Arroyo, ang pangulong sinundan niya. Dahil sa mga mababang rating ni Arroyo, malinaw na sinumang ikumpara sa kanya ay nagmumukhang santo, kabilang na si Aquino!

Susing usapin din sa kasalukuyang “kasikatan” ng Pangulo ang propaganda. Anuman ang iyong politikal na paniniwala, hindi maikakaila ang epektibong paggamit ng retorika ng mga taga-suporta niya. Para ipaliwanag ang pangkabuuang direksiyon ng administrasyong Aquino, ginagamit ang katagang “daang matuwid.” Para ipakitang kaisa siya sa hangaring hindi magkakaroon ng espesyal na pagtrato sa mga opisyal ng gobyerno, ibinibigay niya ang halimbawang “wala nang wang-wang” sa mga lansangan. Para idiin ang demokratikong pamamahala, sinasabi ni Aquino sa publiko na “kayo ang boss ko.” Para ipamukhang kakaiba si Aquino kay Arroyo, ang diskurso ay makikita sa limang salita lamang – “kung walang korap, walang mahirap.”

Epektibo ang retorika ng pamahalaan dahil ginagamit ang mga salitang mabilis na nagbibigay ng malinaw na imahe. Hindi ba’t spesipikong halimbawa ang paggamit ng wang-wang ng maraming opisyal ng gobyerno sa mga lansangan para ipamukhang angat siya sa iba? Kumpara sa ordinaryong mamamayang sumasakay sa pampublikong transportasyon, hindi nakararanas ng problema sa trapiko ang isang politikong nakasakay sa mamahaling sasakyan. Kailangan mong tumabi sa kanyang pagdaan. Sa panahon diumano ng daang matuwid, hindi na raw katanggap-tanggap ang sitwasyong ito.

At dahil sawang sawa na sa korupsiyon ang mga tao, pinipilit ng administrasyong Aquino na iugnay ito sa kahirapan. Sa pamamagitan ng retorikang “kung walang korap, walang mahirap,” napapaangat ni Aquino ang kanyang sarili kumpara kay Arroyo na kinakaharap ang maraming kaso ng katiwalian. At kahit na walang malinaw na pagbabago sa panlipunang katayuan ng mga batayang sektor ng lipunan, epektibong propaganda pa rin ng pamahalaan ang paggamit ng salitang “boss” para ipaalala sa mga naghihirap na pinapakinggan daw sila ng administrasyong Aquino.

Pero hindi lahat ng epektibo ay totoo. Nariyan pa rin ang hindi pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno at ng mga Pilipinong dapat na pinagsisilbihan nila. Halimbawa, may wang-wang pa ring ginagamit ang ilang politiko sa kabila ng panawagan ni Aquino. Kung totoong matuwid ang daan, bakit hindi malinaw ang patutunguhan ng ordinaryong mamamayan? Bakit patuloy pa rin ang kahirapan at iba pang probleman ng bayan? Isang manipestasyon ng kawalan ng makabuluhang pagbabago ay ang pananatili ng korupsiyon sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Sa ganitong konteksto dapat suriin ang retorikang ginagamit ng mga aktibista. Madalas nating naririnig ang mga katagang “walang pagbabago sa ilalim ni Aquino” tuwing may kilos-protesta sa mga paaralan, pagawaan at lansangan. Simple lang ang dahilan nito: Malinaw kasi sa ebidensiyang nakuha sa malalimang pagbabasa at madalas na pakikisalamuha sa mahihirap na patuloy pa rin ang mga problemang panlipunan. Sa isyu na lang ng korupsiyon, nahaharap sa maraming iskandalo ang ilang kaalyado’t kamag-anak ni Aquino.

Pangingikil ng pera ng kamag-anak kapalit ng pagbibigay ng kontrata sa isang dayuhang kompanya, pagpapatayo ng mamahaling bahay sa isang sikat na subdibisyon ng isang opisyal, paglalaro sa casino ng isa pang opisyal kahit malinaw na ipinagbabawal ito sa batas – mahaba ang listahan para isa-isahin lahat ng mga kontrobersiya.

Aba, kahit si Aquino mismo ay mayroon ding mga isyu! Ilang beses nang binatikos ang mga polisiya’t programang pilit niyang ipinapatupad na nagpapahirap sa maraming mamamayan, lalo na ang mahihirap. Tulad ng mga nakaraang administrasyon, naniniwala siya sa isang globalistang tunguhin ng diumanong pang-ekonomiyang pag-unlad. Hinahayaan pa rin ang pribadong sektor, lalo na ang dayuhang mamumuhunan, na dominahin ang lokal na ekonomiya. Ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng kuryente, tubig, produktong petrolyo at bigas ay idinidikta na ng mga kapitalista. Ang anumang pagtaas sa presyo ng bilihin ay kasalanan diumano ng “market forces,” ang katagang ginagamit bilang propaganda ng gobyerno para ibunton ang sisi sa isang bagay na hindi nakikita.

Oo nga naman, mukhang matalinong diskurso ang paggamit ng retorika sa wikang Ingles kahit na hindi naiintindihan nang lubusan ang konsepto nito. Sa halip na magkaroon ng imahe ng isang kapitalistang nagpapayaman habang ang karamihan ay pinagkakaitan, mistulang blangkong pagsasalarawan ang hatid ng katagang “market forces.” Simple lang ang implikasyon nito: Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin, hindi na dapat sisihin ang pamahalaan o kapitalista. Sa bandang huli, tatanggapin na lang ng ordinaryong mamamayan ang pang-ekonomiyang kalakaran bilang sitwasyong labas sa kontrol ninuman.

Sa ngayon, epektibo ang propaganda ng mga nasa kapangyarihan dahil patuloy pa rin ang suporta ng maraming mamamayan sa kanila. Pero unti-unti na ring naipapakita ang kasinungalingan sa likod ng opisyal na retorika. Mainam na halimbawa ang binitiwang pahayag ni Pangulong Aquino na hindi naman masyadong nakapaminsala ang Bagyong Yolanda na pumasok sa bansa noong Nobyembre 8 dahil 2,000 hanggang 2,500 lang daw ang tinatayang nasawi. Masyadong mababa ang estadistikang ito kung ikukumpara sa 10,000 unang binanggit ng isang dating lokal na opisyal na kinailangang tanggalin sa puwesto matapos ang kanyang pahayag sa midya.

Hindi rin kayang protektahan ng propaganda ang bangayan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa distribusyon ng relief goods at iba pang porma ng dapat ay taos-pusong pagtulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng bagyo. Mas lalong hindi naitatago ng “mababangong salita” ang kawalan ng kakayahan ng gobyernong tumulong sa nangangailangan, lalo na’t halatang halata ang maagang pangangampanya ng ilang personalidad na nagpaplanong tumakbong Pangulo ng Pilipinas sa 2016. Lahat ng propaganda sa puntong ito ay nagmimistulang palusot ng mga nagpupumilit magpaliwanag ng kasalanan.

Sa gitna ng propaganda ng pamahalaan, may protestang nangyayari. Ang mga aktibista ay nagkakaroon ng sariling retorika para mapatingkad sa kakaunting salita ang alternatibong pagsusuri sa nangyayari sa lipunan at sa gobyernong dapat ay naglilingkod sa mga mamamayan. Mula nang manungkulan si Pangulong Aquino, marami nang terminong ginamit laban sa kanya – Noynoying, Pork Barrel King, Impunity King. Ang mga ito ay maingat na pinili para batikusin ang kanyang estilo ng pamumuno at mga patakara’t polisiyang isinusulong. Kailangang maging malinaw na ang anumang terminong ginagamit sa kanya ay hindi naglalayong magbato ng personal na atake.

Tuwing may protesta, asahan mo ang retorika. Mas lalo mong asahan ang pagdami ng propaganda ng mga aktibista lalo na’t dumarami ang pagkukulang ng pamahalaan.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Bonifacio at ang tunay na pagbabago

$
0
0

Malapit sa puso ng mga nagsusulong ng panlipunang pagbabago si Andres Bonifacio, lider ng Katipunan. Sa okasyon ng kanyang ika-150 kaarawan sa Nobyembre 30, 2013, nangyari ang iba’t ibang aktibidad para bigyang-pugay ang tinaguriang Supremo.

Anuman ang iyong politikal na paniniwala, hindi kasi maikakaila ang kanyang kabayanihan. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, malinaw ang kanyang paninindigan laban sa kolonyalismo at para sa kalayaan. At dahil alam niyang hindi basta-basta mapapaalis ang mga Kastila, isinulong niya ang rebolusyonaryong pagkilos.

Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw ang batayang datos sa ilang mahahalagang pangyayaring may kaugnayan sa Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK o Katipunan), pati na rin sa sa ilang bahagi ng buhay ni Bonifacio.

Halimbawa, patuloy ang debate kung kailan at saan ginawa ang tinaguriang ”Sigaw ng Balintawak” (o ”Sigaw ng Pugadlawin”). Dito nanawagan si Bonifacio ng paghawak ng armas para labanan ang mga Kastila. Pinunit ng mga dumalong Katipunero ang sedula bilang simbolo ng kanilang hindi pagkilala sa dayuhang mananakop.

Tungkol naman sa buhay ni Bonifacio, pinagtatalunan pa rin ang katotohanan tungkol sa pagkamatay niya at ng kanyang kapatid na si Procopio. Hinatulan daw siyang mamatay ng paksyong Magdalo ng Katipunan dahil siya ay napatunayang taksil sa rebolusyon. May argumento namang kinailangan siyang patayin dahil gusto ng paksyong Magdalo na pamunuan ang buong Katipunan.

Pati ang mismong paraan ng pagpatay kay Bonifacio ay hindi malinaw. Nariyan ang argumentong sinubukan niyang tumakas kaya siya binaril. May nagsasabi namang walang-awa siyang pinagtataga kahit na hinang hina na siya sa mga sugat na natamo bunga ng kanyang pagkaaresto. Aba, kahit ang lugar na pinaglagyan ng mga bangkay ng magpakapatid niya ay hindi malinaw! Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin alam kung ang mga butong nakuha noong 1918 ay talagang kay Bonifacio. Ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, wala pa ring disenteng libing na ibinibigay sa tinaguriang Supremo.

Ang mga kontrobersiya kaya ang dahilan kung bakit walang masyadong atensiyong ibinibigay sa Mayo 10, 1897 (ang araw ng pagkamatay ng magkapatid na Bonifacio)? Bagama’t wala akong nakikitang problema sa pag-alala sa kanyang kaarawan, mainam na balik-balikan ang buhay at kamatayan ni Bonifacio kahit na iba’t ibang bersyon ang alam natin. Mahalaga ring suriin ang pinagdaanan ng Katipunan bilang rebolusyonaryong organisasyon. Tutukan natin ang tunggalian sa dalawang paksyong Magdalo at Magdiwang bilang repleksiyon ng pagkakaiba ng interes ng mayayaman at ng mga pinagkaitan. Bagama’t may debate pa rin kung si Bonifacio ba ay nabibilang sa panggitnang-uri (middle class) o uring anakpawis, malinaw na nabibilang ang mga katunggali niya sa mas nakatataas na uring panlipunan (social class).

Sa ganitong konteksto ng tunggalian natin dapat suriin ang katotohanang namatay ang magkapatid na Bonifacio dahil sa desisyon ng paksyong Magdalo. Isang malaking kontradiksiyon ang kinasadlakan ng Supremo – ang layuning mapagkaisa ang buong mamamayan ay nagbunga lang ng internal na tunggalian; ang binuo niyang kilusan ang naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Kung may aral tayong makukuha mula kay Bonifacio, ito ay ang kahalagahan ng rebolusyonaryong pagkilos sa panahon ng pang-aapi. Siya at ang mga taga-suporta niya ay nagsisilbing inspirasyon sa iba’t ibang grupo’t indibidwal na isulong ang tunay na pagbabago sa lipunan – malaya mula sa mananakop at nagsisilbi sa interes ng karamihan ng mamamayan, lalo na ang pinagkaitan. Kailangang isiping may pangangailangan at karangalan sa paghawak ng armas para makamtan ang ipinaglalaban. Pero dahil kailangang matuto sa kinasadlakan ng magkapatid na Bonifacio, dapat na may ibayong pag-iingat para mawala ang internal na tunggalian sa kilusan.

Ang patuloy na pagkilos sa kasalukuyan ay nangangahulugan ng malalim na pagkakaunawa sa kasaysayan. Simple lang ang dahilan ng patuloy na pakikibaka: May rebolusyong kailangang isulong dahil may lipunang kailangang baguhin!

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Letter to the Editor | On Aspartame and MSG: FDA again serving as instrument of corporate interests

$
0
0
Aspartame, an artifical sweetener, is used in many food and beverage products. (Wikimedia Commons)

Aspartame, an artifical sweetener, is used in many food and beverage products. (Wikimedia Commons)

This is in response to the Food and Drug Administration (FDA) advisory declaring categorically that the artificial sweeteners Aspartame and Monosodium glutamate (MSG) are safe. The FDA’s apparent justification is that  the WHO/FAO Joint Expert Committee on Food Additives (JECFA) had approved the inclusion of aspartame and MSG in the Codex General Standards for Food Additives (GSTAN) 1992-1995 and that these additives are being used globally.

The FDA is again showing its gross ignorance of real science and is despicably acting as an instrument of corporate interests, as it has repeatedly demonstrated in the past. Just as the FDA has become the mouthpiece of Monsanto and Syngenta in promoting genetically modified food, it now promotes Monsanto’s profit-maker aspartame as safe when in fact it is harmful.

Aspartame and MSG are well-established by independent scientific studies as brain toxicants. They are called “excitotoxins”, a term popularized by Dr. John Olney,  a well-respected neuroscientist who demonstrated the neurotoxicity of MSG, aspartame and other excitotoxic amino acids commonly used as food additives.  These excitotoxins have the ability to penetrate the brain and excite or destroy brain cells.  There is in fact an enormous amount of both clinical and experimental evidence that has accumulated over the past years showing various adverse effects of aspartame and MSG, including,  migraine, seizures, abnormal neural development, certain endocrine disorders, neuropsychiatric disorders, learning disorders in children, dementia, episodic violence, Parkinson’s disease, Alzheimer’s disease, and abnormal involuntary movements, among others. Recent studies studies on aspartame in animals suggested an increased risk of lymphomas, leukemias, and cancer of the pelvis, ureter, and bladder in a dose-dependent manner within ranges that are considered to be safe for human consumption. Additionally, significant brain damage (corroborating earlier findings) and malignant brain tumors were also observed.

The  WHO/FAO JECFA evaluation and approval of aspartame and MSG cannot be relied upon as a basis for the conclusion of safety. Apart from being outdated, the JECFA evaluation considered only the data submitted by the manufacturer. JECFA did not even examine the numerous independent studies available at the time of their evaluation showing contrary results to the industry submitted studies which expectedly found no adverse effects. For example, a review of studies on aspartame in the peer reviewed medical literature showed that 100% of the industry funded studies attested to aspartame’s safety, whereas 92% of the independently funded research identified a problem. Industry studies submitted and accepted by JECFA included many studies of unknown authorship and studies of questionable validity and relevance, with multiple instances of the same study being cited up to 6 times.

This recent advisory from the government’s FDA again illustrates how government instrumentalities that are supposed to protect people’s health and well-being are being used to advance corporate interest. Government policies guided by WHO and FAO have proven to be more effective at protecting vested interests than in protecting health and the environment. The reality is that corporate interests and political expediency are the dominant considerations influencing regulatory decisions where socio-political circumstances are conducive for powerful chemical companies to exert influence and manipulate public policy.  Decisions that tend to protect health and environment are allowed only in so far as these do not threaten significantly the dominant economic interests or only when strong public pressure is exerted on government.  Even intergovernmental bodies are not immune to corporate influence as technical committees are packed with corporate scientists or scientists under their influence.

 

Romeo F. Quijano, M.D.

Professor, Department of Pharmacology and Toxicology

College of Medicine University of The Philippines Manila

Simpleng pag-alala kay Prop. Raul Ingles (1929-2013)

$
0
0

Ito ay isang simpleng pag-alala para sa isang indibidwal na may malawak na impluwensiya bilang guro at peryodista.

Bilang estudyante ng Peryodismo sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman noong huling bahagi ng dekada 80, aaminin kong hindi ako masyadong tumatambay sa Plaridel Hall. Pumupunta lang ako roon tuwing may klase o kung may kailangan akong gawin sa library. Hindi ko tuloy kilala ang lahat ng mga faculty sa Institute of Mass Communication (na naging College of Mass Communication o CMC noong Abril 1988). Kung tutuusin nga, hindi ko rin kilala lahat ng mga ka-batch ko.

IMC noon, CMC ngayon. Ito ang institusyon at kolehiyong naging “tahanan” ko mula 1986 hanggang 1990. Tulad ng iba pang estudyante, alam kong magagaling lahat ng nagtuturo sa IMC at CMC. Noong panahong iyon, may paniniwala kaming hindi makapagtuturo sa UP ang mga walang karapatang makapaghubog ng isipan ng kabataan. At kung may pagkukulang man sa ibinabahagi nilang kaalaman, responsibilidad ng tunay na iskolar ng bayan na punuan ito sa pamamagitan ng ibayong pagbabasa at pakikisalamuha.

Hindi man namin lubusang kilala, binibigyan namin sila ng kaukulang pagkilala. Kahit na nananatiling kritikal kami sa mga itinuturo ng mga guro, hindi pa rin nawawala ang aming respeto.

Sa ganitong konteksto ko naaalala si Prop. Raul Rafael Ingles (1929-2013). Dalawampu’t apat na taon na ang nakaraan mula nang una ko siyang makilala: First Semester, Academic Year 1989-1990. Ika-apat na taon ko noon sa kolehiyo. Maliban sa mga kursong may kinalaman sa paggawa ng thesis proposal at thesis (na noo’y may course code na Communication 199 at Communication 199.1), isa na lang kurso sa Komunikasyon ang kailangan kong kunin: Communication (o Comm) 108 o Printing Techniques.

Noong unang araw ng klase sa Comm 108, pumasok si Ingles – medyo may edad na, pormal ang kasuotan, deretso ang tindig, nakapomada ang buhok, nakasuot ng makapal na salamin. Matatas siyang magsalita sa wikang Ingles at bihirang bihira siyang magsalita sa wikang Filipino. Kung ano ang pormal niyang pananamit ay siya ring pormal na estilo niya sa pagtuturo – gamit ang chalk at blackboard, itinuro niya ang teorya sa likod ng produksiyon ng publikasyon. Nagdadala rin siya ng sample ng mga ginagamit sa paglilimbag ng isang publikasyon para lubusan naming maintindihan hindi lang ang mga konsepto kundi ang mismong aktwal na proseso.

Kung hindi ka nagbabasa, hindi mo malalamang siya pala si Raul Rafael Ingles na isang makata’t peryodista. Aakalain mong ang tanging alam lang niya ay ang pag-iimprenta ng publikasyon. Hindi kasi siya ang tipong ipinagyayabang sa mga estudyante ang mga nagawa niya, pati na ang iba pa niyang aktibidad sa labas ng UP. Para sa kanya, mas mahalaga ang makapagturo ng kursong hinahawakan niya. Ang anumang ibinabahagi niya sa klase ay may kaugnayan lang sa paksa.

Kung mayroong partikular na araw sa semestreng iyon na natatandaan ko, ito ay ang pagbisita namin sa UP Press na noo’y may mga makina pang ginagamit sa pag-iimprenta. Kahit na medyo alam ko na ang proseso ng pag-iimprenta noon bilang bahagi ng Philippine Collegian (opisyal na publikasyon ng mga estudyante ng UP Diliman), aaminin kong marami akong natutuhan mula sa kanyang aktwal na demonstrasyon kung paano nangyayari ang bawat bahagi ng paglilimbag. Ganoon siya kahusay na guro – kaya niyang pagsamahin ang teorya at praktika para mas maintindihan ng mga estudyante ang mga paksa.

Sa labas ng klase, kapansin-pansin ang kanyang kabaitan. Nahihiya man ang karamihan noong makipag-usap sa kanya dahil sa kanyang pormal na hitsura, may mangilan-ngilan din namang naglalakas-loob. Tinanong ko siya noon kung ano ang grado ng kanyang makapal na salamin. Bago siya sumagot, tinanggal niya ang salamin niya para ipakita sa akin kung gaano ito kakapal. Sa aking pagkakaalala, binanggit niyang 1,500 ang grado ng salamin niya kaya hindi na siya makakakita kung hindi niya suot ito. At sa hindi pormal na pakikipag-usap sa kanya, doon ko napansin ang isang bagay: Sa loob at labas ng klasrum, kaya niyang makisalamuha kahit sa mga mas bata pa sa kanya.

Natapos ang semestre at nakakuha ako ng mataas na marka sa Comm 108. At nang makapagtapos ako sa UP at makapagtrabaho sa iba’t ibang non-government organization (NGO) noong unang bahagi ng dekada 90, tuluyan na akong nawalan ng komunikasyon sa kolehiyong naging “tahanan” ko. Kahit na naging part-time na guro ako sa UP CMC noong huling bahagi ng dekada 90, bihira pa rin akong sumali sa mga aktibidad ng kolehiyo dahil madalas na tuwing Sabado lang naman ang mga klase ko.

Nang maging bahagi ako ng regular na faculty ng UP CMC noong 2001, aaminin kong noon ko lang nalaman na si Ingles pala ay nagretiro na at naging professor emeritus noon pang 1990. Ang Comm 108 pala namin ay isa sa mga huling klaseng hinawakan niya bago ang kanyang pagreretiro. At dahil bagong pasok ako sa UP CMC, wala akong sariling opisina dahil limitado ang pasilidad ng Departamento ng Peryodismo. Pero wala akong naging problema sa sitwasyong ito dahil ang naging kasama ko sa opisina ay si Ingles na noo’y 11 taon nang retirado. Kadalasan, solo ko ang opisina pero komportable rin naman akong nagtatrabaho tuwing dumaraan siya para tingnan ang kanyang mga gamit at tahimik na magsulat.

Masasabing bahagi pa rin siya ng UP CMC hindi lang sa kanyang pagiging kauna-unahang professor emeritus kundi sa pagbibigay niya ng payo sa ilang polisiyang may kinalaman sa mahahalagang proyekto. Hindi ko na babanggitin ang lahat ng detalye, pero tandang-tanda ko ang suportang ibinigay niya sa paglalabas ng kauna-unahang refereed journal ng UP CMC, ang Plaridel: A Journal of Philippine Communication, Media and Society. Sa katunayan, nagsalita pa siya noong Pebrero 2004 sa paglulunsad ng unang isyu para purihin ang kolehiyo sa inisyatibang ito. Tulad ng kanyang paraan ng pagtuturo sa amin noong 1989, naging mapagkumbaba siya sa pagkukuwento ng kanyang kapanahunan, lalo na ang kanyang 20 taong pagtuturo sa UP CMC.

Sa sumunod na taon (2005), inilabas ni Ingles ang CD ng mga tula niya bilang kontribusyon sa nalalapit na selebrasyon ng ika-100 taon ng UP sa 2008. Ang mga tula niyang binasa ng ilang pangunahing personalidad sa midya ay nakasulat sa wikang Ingles, Pranses, Filipino at Kastila. Bukod sa CD, may ginawa ring libro si Ingles noong 2008 na may titulong 1908 The Way It Really Was: Historical Journal for the U.P. Centennial, 1908-2008. Matiyaga niyang sinuri ang mga laman ng diyaryo mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 1908 at ginawan niya ng maikling pagsusuma ang mahahalagang pangyayari sa loob ng 366 na araw (leap year kasi ang 1908).

Tandang tanda ko ang paglulunsad ng librong ito. Dinaluhan ito ng ilang pangunahing personalidad sa literatura, pati na ang ilang natitirang miyembro ng Ravens, isang grupo ng mga manunulat na kabilang si Ingles. Hiniling niya ako noong magbigay ng ilang pananalita. Bagama’t malaking karangalan ito, siyempre’y nariyan din ang kaba kahit na hindi ko ipinahalata. Sa bandang huli, nagpasalamat siya sa akin sa pamamagitan ng pagbibigay ng personal na mensaheng nakasulat sa libreng kopya ng librong ibinigay niya sa akin: “With deep appreciation of your spontaneous support in the pre-launching of this book in February 2008, and expecting from you a far more distinguished career in the journalism faculty of the College of Mass Communication.”

Tunay na mananatiling inspirasyon ang mga katulad ni Ingles sa mga susunod na henerasyon ng mga guro, pati na sa mga peryodistang nais magtaguyod ng pinakamataas na pamantayan ng propesyonalismo. Bagama’t panahon na para sa kanyang pamamahinga, makakaasa siya sa pagpapatuloy ng mga sumunod sa kanya.

Sa kanyang pagkamatay noong umaga ng Disyembre 5, mainam na balikan ang isang tulang sinulat niya na may pamagat na “Dressing up for a funeral.” Bagama’t mas natatandaan ng mga nakakakilala sa kanya ang pormal na tindig at hitsura, higit na mas mahalagang tandaan at isapuso ang mga aral na ibinahagi niya:

Hence funerals need not be a formal event;
After all is said and done, what do remain
Are memories of merriment, carousels and
Escapades; joys and tribulations shared;
Youthful desires, hopelessness, dreams unfulfilled
And now, finally: “Adios, au revoir, sayonara, paalam.”

Surely neither he nor I should mind
The color, cut and adornment of what is worn;

For when I go to commute with him in his last repose,
It is the heart’s habiliment that will matter most.

Paalam na po, Propesor Ingles.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Salin kay Walter Benjamin

$
0
0

Nitong Nobyembre 30, ika-150 kaarawan ni Andres Bonifacio, nagsalita sa programa ng mobilisasyon sa Liwasang Bonifacio si Ramon “Bomen” Guillermo, progresibong propesor mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Maganda ang kanyang ambag na kwento: Pinapunta raw ni Bonifacio si Pio Valenzuela kay Jose Rizal na nasa Dapitan noong maagang bahagi ng 1896. Ang layunin: hikayatin si Rizal na pamunuan ang namumuo noong armadong himagsikan. Ang sagot ni Rizal: May tatlong kulang – pagkakaisa, edukasyon, at armas ng mga Pilipino. Maghintay raw muna at hindi pa napapanahon ang rebolusyon. Ang sagot ni Bonifacio: Lintek! At sinagot ni Guillermo ang mga agam-agam ni Rizal sa paraang nagtataas ng ahitasyon para sa kasalukuyang rebolusyon.

Noong Nobyembre 30 rin ako nagkaroon ng kopya ng bagong libro ni Guillermo, ang Hinggil sa Konsepto ng Kasaysayan. Salin o translation ito ng akda ng Marxistang pilosopong si Walter Benjamin na nasa wikang Aleman ang orihinal. Tumayo namang introduksyon kay Benjamin at sa libro ang salin ni Om Narayan Velasco ng isang sanaysay ng Marxistang historyador na si Benedict Anderson na nasa wikang Ingles sa orihinal. Nasa kaliwang pahina ng libro ang orihinal na wika ng tambalang Benjamin-Anderson habang nasa kanang pahina naman ang salin sa Filipino ng tambalang Guillermo-Velasco. Elegante ang disenyo ng aklat, ang papel ng pabalat at ng mga pahina, at ang titik sa mga teksto – nakakahalina sa pagmumuni sa nilalaman ng libro.

Sa kanyang introduksyon, nagsimula si Anderson sa pagtatanong kung bakit nahuli man ay naging “sikat na intelektuwal na mas maningning pa sa iba” si Benjamin. Noon daw 1986 ay ni walang entri tungkol kay Benjamin sa Encyclopedia Americana. Syempre pa, hindi sinabi ni Anderson na siya mismo ay bahagi ng isang dahilan: Ipinakilala ng bantog niyang libro tungkol sa nasyunalismo, ang Imagined Communities ng 1983, si Benjamin sa maraming mag-aaral. Tatlo ang natunton niyang sagot sa kanyang tanong: madilim ang panahon ngayon aniya para sa progresibong pulitika katulad sa panahon ni Benjamin, hindi nagpakahon si Benjamin sa isang disiplina, at mayroon si Benjamin ng “utopian na kalungkutan at… marikit, matulain at minsa’y nakapipinsalang prosa.”

Sa “Marxismo-Leninismo-Maoismo,” tinatahi ng mga naniniwala ang mga pangalan na namuno at nagteorya sa pagsulong ng pakikibaka ng uring manggagawa patungong paglaya. Masasabi bang naobserbahan at tineorya ni Benjamin ang pag-atras ng naturang pakikibaka sa isang panahon at lugar? Mas masasabi sigurong nabuhay at nagteorya siya sa isang panahong nagdulot ng pighati sa mga katulad niyang Hudyo at independyenteng Marxista, ang paglakas ng pasismo sa buong mundo, at sa isang lugar ng ligalig na kalagayan ng ganoong pighati, ang Germany at Europa. Hindi sa mga taktika at estratehiya ang ambag niya, kundi sa pagsusuri sa galaw ng imperyalismo at mga naghaharing uri sa lumilipas na panahong malakas at nagtatagumpay sila.

Isa ang Hinggil sa Konsepto ng Kasaysayan sa mga pinakabantog na sulatin ni Benjamin. Napakarami ritong pamilyar, kung hindi man paborito, para sa mga nahilig sa Frankfurt School na kinabilangan ni Benjamin at sa tinatawag na “Teorya” ng dekada ’90. Nakapagbigay ng sariwang dating, at sa maraming pagkakataon ay mas eksaktong pag-unawa, ang salin ni Guillermo. Halatang hindi simple ang orihinal na Aleman dahil hindi simple ang salin sa Filipino. Nagtatrabaho nang overtime ang mga salita: nagsikap maging eksakto habang wasto ang lugar sa mga pangungusap. Batay sa mga salin sa Ingles, masasabing matapat ito sa estilo ni Benjamin, na hindi laan sa mga dyaryo at maiintindihan ng sinumang magbabasa, kundi para sa matiyaga sa mga talinhaga niya.

Isang bagay ang literal na maunawaan ang akda ni Benjamin; ibang bagay pa ang maunawaan nang mas malalim ang kanyang akda. May dahilan siguro na inilimbag ang salin ng High Chair, na kilala sa paglalathala ng mga tula. Bagamat nahahati sa mga tesis, malayo ang akda sa linaw ng “Mga Tesis kay Feuerbach” ni Karl Marx, bukod pa sa may mga direkta at mapagbuong sulatin si Marx kumpara sa mga palaisipan at kalat-kalat na sulatin ni Benjamin. Si Benjamin mismo, aminado sa isang liham niyang sinipi sa libro na “Bubuksan [ng akda] ang pinto sa masiglang pagkakamali-mali ng interpretasyon.” May kabuuang 63 talababa o footnote si Guillermo na nagpapaliwanag sa akda, na mga indikasyong malabo rin ito, dahil interbensyon sa iba’t ibang larangan.

Anu’t anuman, napatunayan nang produktibo para sa mga matiyaga ang mga palaisipan ni Benjamin, dahil mismo sa pagiging palaisipan ng mga ito. Mahalaga ang talumpati ni Guillermo noong Araw ni Bonifacio at ang buong protesta sa naturang araw, halimbawa, dahil bahagi ang mga ito ng pakikidigmang gerilya laban sa matagumpay na Antikristo na hindi nagpapaligtas maging sa mga patay. “Hindi lamang dumarating ang Mesiyas bilang manunubos; dumarating siya bilang tagapagwagi sa ibabaw ng Antikristo. Ang historyador lamang ang may kakayahang paypayan ang mga ningas ng pag-asa sa nakaraan, na punong-puno nito: hindi ligtas sa kaaway kahit ang mga patay kapag ito’y nagtagumpay. At ang kaaway na ito ay hindi pa tumitigil sa pananagumpay.”

Makakakuha rin kay Benjamin ng paliwanag kung bakit napakalakas ng dating ng radikal na tema ng hindi tapos na rebolusyon ni Bonifacio. At kung bakit diyalektikal ang ugnayan ng pagsusulong ng kritika at ng alternatiba sa umiiral na sistemang panlipunan, kung saan pangunahin ang kritika sa alternatiba. Sa kanyang pagtuligsa sa mga sosyal-demokrata, sinabi niya, “Natuwa sila sa pagbibigay sa uring manggagawa ng papel na tagapagligtas ng mga henerasyon sa hinaharap. Pinutol nila sa ganitong paraan ang taling pinakamatibay. Nalilimutan ng uring proletariat sa ganitong leksyon kapwa ang pagkamuhi at ang kahandaang magsakripisyo. Sapagkat binubuhay itong dalawang huli ng larawan ng inaaping mga ninuno, hindi ng ideyal ng pinalayang mga apo.”

08 Disyembre 2013

Makabayang Makabayan

$
0
0

Isang timely at thrilling na regalo ang ibinigay sa akin ni Ronalyn Olea noong Disyembre 10, Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao—ang koleksyon ng mga tula ni Randy Vegas, isang bard brader (fellow guilder) namin sa College Editors Guild of the Philippines.

Kung lagi kong ibinibidang si Prof. Rogelio Ordoñez ang “Pablo Neruda ng Pilipinas”, si Len Olea naman ang ating Eduardo Galeano! Walang duda!

*           *           *

Pinamagatang Antolohiya: Makabayang Lingkod at iba pang mga tula ang koleksyon ni Vegas. Katambal ni Raul Camposano, si Vegas ang other half ng grupo ng mga bilanggong politikal na tinaguriang COURAGE 2.

Mga organisador ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) ang dalawa—sa partikular, ng mga kawani ng MMDA—bago i-abduct ng mga militar noong Disyembre 3, 2012. Kasalukuyan silang ilegal na nakapiit sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Daet, Camarines Norte.

*           *           *

Habang pinapasadahan ko ang mga tula ni Vegas, hindi ko maiwasang maalala ang mga tula ng yumaong si Bayani Abadilla sa kanyang koleksyong Sigliwa Kamao.

Binasa ko sa Delubyo event sa Conspiracy Bar noong Martes ng gabi ang tula niyang “Para Kanino Ka Bumabangon (Pasintabi sa Nescafe)”. Unang kopla pa lang ng tula ay parang compass nang nagbibigay ng tiyak na direksyon:

“para sa sarili / upang humakbang pasulong”

*           *           *

Sapol na sapol ni Vegas ang paniniwala kong ang pagsulat ng tula ay hindi kasimbilis ng pagtitimpla ng kape—in an instant.

Aniya, sa kanyang Paunang Salita, “Sadyang ang pangangailangang mailathala ang isang antolohiya ay marapat lamang na nakatuntong sa isang hinog na panahon. Hindi ito suhetibong itinatakda batay lamang sa ating personal na kagustuhan. Hindi rin ito minamadali o kaya’y hinihinog sa pilit.”

Hindi biro ang dalawampu’t tatlong taong ginugol niya sa pag-iipon ng karanasan, pag-aaral sa piling ng mga kawani, kabataan at mamamayan—“nakipagdiwang sa matatagumpay na laban, lumuha, nalungkot at kasamang bumabangon kapiling nila.”

Isang smörgåsbord ng danas sa piling ng sambayanan.

Pag-a-underscore nga ni Kerima Lorena Tariman sa kuwento niyang “Fellow” (kasama sa antolohiyang kathang-isip: Mga Kuwentong Fantastiko), hindi national workshop ang tiket para maging isang ganap na makata.

*           *           *

Paliwanag pa ni Vegas, “Nauuna lagi ang mga materyal na karanasan subalit dapat na may malinaw na pagtanaw ang pinaghuhugutan ko ng maraming ideya na naghuhubog din ng malalim-lalim ko na ring pang-unawa sa mga bagay at kasaysayan. Ang mga ito ang isinatitik ko sa anyo at porma ng mga tula.”

Historical at dialectical materialism in… your… face!

Asteg ‘no?

*           *           *

Pero kung nag-aalala kang baka G&D (“grim and determined”) ang mga tula ni Vegas, maghunos-dili ka. May tula siyang pinamagatang “Ang Pagsasamantala Ayon sa Pagkain ng Choc-nut”!!!

Makabayang makata ng choc-nut!!  May sigla ng kabataan ang poetics niya.

Pitong canto ang tulang nagsimula sa:

“pinagmamasdan ko / ang pabalat
matapos mong sunugin / ang iyong balat
upang likhain ang paborito kong / panghimagas
matapos ang / bawat pagkain
ay aking hahanapin
ang nakasanayan / kong choc-nut”

O, parang nai-imagine ko siyang nagsasabi ng “Break it down, yo!” na ang ibig niyang sabihin ay “Kamatayan sa Imperyalismo!”

Isang makatotohanan at makabuluhang Pasko

$
0
0

May dahilan para pansamantalang magsaya at magpahinga. Pasko na naman, hindi ba?

Dito sa Pilipinas, ang Pasko ay okasyon para muling magsama-sama ang mga mahal sa buhay. Kahit na kapos sa pera, pinipilit pa ring magkaroon ng simpleng noche buenang puwedeng pagsaluhan ng mga kamag-anak at kaibigan. Mahal man o mura, hindi bale na basta’t may maibibigay ding aginaldo, lalo na sa mga bata.

Wala naman sigurong nag-iilusyong makakakuha ng regalong bagong bahay at kotse, kahit mula sa mayayamang kamag-anak. Kahit na hindi masamang mangarap, mainam na ring panatilihing makatotohanan ito. At sa panahong maraming kinakaharap na trahedya ang ating bansa, mas mainam din sigurong gawing makabuluhan ang mga adhikain.

Makatotohanan at makabuluhan. Sana’y ganito na lang ang ating mga pangarap. Kahit na mahirap maiwasan ang mga personal na pag-asam, posible namang labanan ang mga ito at magkaroon ng kaunting sakripisyo. Hindi lang ito simpleng “guilt trip” na pinagdaraanan ng “masuwerteng” mamamayan sa panahong may trahedyang kinakaharap ang kapwa niya. Gusto kong isiping nagmumula ang makatotohanan at makabuluhang pangarap sa mas malalim na pag-intindi sa kasalukuyang kalakaran ng ating lipunan.

May politikal na dahilan, halimbawa, ang desisyon ng maraming grupo’t indibidwal na magbigay ng donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda noong Nobyembre, pati na ang mga biktima ng lindol noong Oktubre at ang mga sibilyang naipit sa giyera sa Zamboanga City noong Setyembre. At sa mga nabalitaan nating mga kompanyang nagkansela ng Christmas party o ginawang simple na lang ang pagdiriwang, halata ang pakikisimpatiya sa mga kapwa nating nawalan ng buhay, bahay at kabuhayan sa kung anumang dahilan.

At sa usapin ng dahilan, ano ba ang tinutukoy mo – bagyo, lindol o giyera ba? Oo nga’t nangyari ang mga ito ngayong 2013, pero kailangan pa rin nating suriin ang konteksto. Gaano ba kahanda ang gobyerno para tumulong sa mga biktima? May mga opisyal bang nakinabang mula sa trahedya? Kapansin-pansin ba ang sinseridad ng mga nasa kapangyarihan sa pagtulong? O ginagamit lang ba nila ang okasyon para isisi sa mga katunggali ang nangyari?

Habang isinusulat ito, patuloy pa rin ang pagtatalo ng ilang opisyal ng gobyerno kung sino ang may kasalanan lalo na sa dami ng mga namatay pagkatapos ng bagong Yolanda. Ayon sa Situational Report No. 69 (Disyembre 14) ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot na sa 6,033 katao ang namatay at 27,468 ang nasugatan. Posibleng tumaas ang bilang ng namatay dahil mayroon pang 1,779 na nawawala. Nakakalula din ang pinsala sa imprastruktura at agrikultura dahil nagkakahalaga ito ng P35.5 bilyon.

Ngayong Pasko, mainam na pagnilay-nilayan ang mga datos na ito. Mahalaga ang kagyat na tumulong sa mga nasalanta hindi lang ng bagyong Yolanda kundi ng iba pang trahedya.

Pero kung may mas mahalaga pa sa pansamantalang pagtulong, ito ay ang tuloy-tuloy na pagsusuri sa nakaraan at kasalukuyan para mapagtibay ang politikal na paninindigan. Kung may malalim na pag-intindi sa pinagdaraanan ng nakararaming mamamayan, mapapansin ang susing papel ng pagkilos para buuin ang katanggap-tangap na kinabukasan.

Mahirap tapusin ang sanaysay na ito sa pamamagitan ng pagbati ng Maligayang Pasko. Wala naman kasing ligayang nadarama sa gitna ng maraming trahedya. Para maging mapagpalaya ang mensahe, mainam na batiin na lang natin ang isa’t isa ng isang Makatotohanan at Makabuluhang Pasko, at isama na rin natin ang isang Mapagpalayang Bagong Taon!

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.


Propaganda para sa isang tagapagsalita

$
0
0

Sa totoo lang, wala namang masama sa pagsasagawa ng propaganda. Sa katunayan, nakakatulong pa nga ito sa pagpapaliwanag sa publiko. Nagkakaproblema lang tayo kung ginagamit ng “bulag” na tagapagsalita ang propaganda bilang instrument ng panloloko.

Naaalala ko ang sinabi sa akin noon ng isang dating senador na ngayon ay nagtuturo na sa isang unibersidad. Ayon sa kanya, bihira para sa isang tagapagsalita ng isang politiko o ahensiya ng gobyerno ang tumagal sa puwesto.

Kailangan daw niya kasing tandaan lahat ng kanyang pahayag sa midya para tuloy-tuloy lang ang pagtatahi ng mga komento. Biro ng nasabing senador, nagkakaroon ng mas malaking problema ang tagapagsalita lalo na kung kailangan niyang magsinungaling sa publiko.

At kahit na sabihing hindi pagsisinungaling ang gagawin ng isang tagapagsalita, posibleng magbibigay lang siya ng impormasyon sa paraang mayroon kang datos na pinapalaki at mayroon kang datos na hindi ibinabahagi. Hindi mo na kailangang maging eksperto sa komunikasyon at propaganda para mapansin ang tendensiyang mas binibigyang-pansin ng tagapagsalita ang positibo at pilit na itinatago ang negatibo.

Pangunahing gawain kasi ng isang tagapagsalita ang mas popular na bersyon ng “katotohanan” sa pamantayan ng kanyang pinagtatrabahuan. Hindi interesado ang publiko sa pangkalahatan o ang midya sa partikular sa sariling opinyon ng tagapagsalita. Siya kasi ay nagsasalita para iparating ang mensahe ng tao o organisasyong sinusuportahan.

Pero sa halip na obhetibong mensahe ang maipalaganap sa pamamagitan ng midya, nagiging posible ang subhetibong katangian ng pagpapaliwanag kung binibigyan ng tagapagsalita ng ibang bersyon ang “katotohanan.”

Sa larangan ng public relations, ang tawag dito sa wikang Ingles ay “spin,” isang uri ng propaganda na nagbibigay ng interpretasyon sa isang isyu na may layuning maimpluwensiyahan ang opinyong pampubliko. Sa kontekstong ito, ang tagapagsalitang gumagamit ng spin ay tinatawag na “spin doctor.” Anong klaseng pagdodoktor ba ang ginagawa ng isang tagapagsalita? Suriin nang mabuti ang depenisyong ibinibigay ng Merriam-Webster website: “a person (such as a political aide) whose job involves trying to control the way something (such as an important event) is described to the public in order to influence what people think about it.”

Kung obhetibong susuriin ang salitang “spin doctor,” katanggap-tanggap ang ginagawa ng isang tagapagsalita sa teorya pero nagiging karumal-dumal lang ito sa praktika. Sa pamamagitan kasi ng mapanlikhang paggamit ng mga salita, nagiging maganda ang pangit at nagmumukhang legal ang hindi naaayon sa batas.

Mainam na halimbawa ang nangyari noong hatinggabi ng Nobyembre 30 sa Banyan Road gate ng Dasmariñas Village sa Makati City. Kahit bawal ang mag-exit sa nasabing subdibisyon sa pamamagitan ng gate na iyon, ipinagpilitan ng grupo nina Makati City Mayor Junjun Binay at Senador Nancy Binay na may “karapatan” silang hindi masaklaw ng polisiya ng pribadong subdibisyon. Sa halip na gamitin ang tamang exit, nanatili sila sa Banyan Road gate at may komprontasyong naganap sa pagitan ng grupo ni Mayor Binay at ng mga guwardiya. Naglabas ng mga baril ang mga diumanong bodyguard ni Mayor Binay at naghintay ng pagdating ng ilang tauhan ng Makati Police. Sa bandang huli, ang pulis na mismo ang nagtaas ng harang para makaraan ang convoy nina Binay. Dinala rin sa presinto ang ilang guwardiya ng subdibisyon.

Napapailing na lang ako sa “spin” na ginawa sa isyung ito. Kung paniniwalaan ang pahayag ni Joey Salgado, media affairs head ng Office of the Vice-President at public information consultant ng Makati City, hindi raw totoo ang naging pahayag ni Mayor Binay sa mga guwardiya na “Kilala n’yo ba ako?” Sa halip, ang sinabi raw niya ay “Si Mayor Binay ako. Baka pwedeng makiraan lang.” Siyempre’y mapapaisip ka na lang: Bakit kailangan mo pang ipangalandakan ang katungkulan mo para makiusap sa isang tao?

Natatawa na lang ako sa dagdag na pahayag ni Salgado. Napilitan daw maglabas ng mahahabang baril ang mga bodyguard ni Mayor Binay para depensahan ang kanilang “very important person” (VIP). Sinabi kasi ni Salgado na pinaliligiran na raw ng mga armadong guwardiya ang convoy ni Mayor Binay. Hay, naku! Kahit na sabihin nating armado rin ang mga guwardiya ng Dasmariñas Village, duda ako kung magkakaroon sila ng lakas ng loob na makipagputukan sa isang convoy ng mataas na opisyal ng gobyerno.

Naiinis naman ako sa sinabi ni Salgado tungkol sa mga guwardiyang dinala sa presinto. Hindi raw sila arestado. Sila raw ay boluntaryong nagpunta. At batay sa pahayag ni Supt. Manuel Lucban, hepe ng Makati City Police, ang mga guwardiya raw ay dinala lang sa police headquarters para lang sa “verification purposes.” Ayon kay Salgado, hindi rin daw totoong inabot ng apat na oras ang mga guwardiya sa presinto dahil isang oras lang naman. Gaano man katagal sila sa presinto, hindi maikakailang sila ay “naimbitahan” kahit wala silang kasalanan at ginagampanan lamang ang gawain bilang guwardiya.

Halatang-halata ang pagiging masamang “spin doctor” ni Salgado sa sinabi niyang katangian ni Mayor Binay. “Kung kayo kilala niyo si Mayor Binay, siya ay napakatahimik, humble na tao.” Kung totong siya ay tahimik at mapagkumbaba, siguro nama’y hindi malaking kawalan ang umalis sa Banyan Road gate at lumabas sa tamang exit, hindi ba?

Sa totoo lang, mahirap ang trabaho ng mga tagapagsalitang katulad ni Salgado na pilit na pinoprotektahan ang malinaw na kakulangan ng amo. Kaya nga hindi ko alam kung ako ba ay mapapailing, matatawa, maiinis o maaawa na lang sa sitwasyon niya. Sa kanyang pagdepensa kay Mayor Binay, binibigyan niya ng masamang pangalan ang gawaing propaganda sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang “spin” na malinaw na pagsisinungaling.

Kung may aral tayong dapat matutuhan sa insidente, ito ay ang limitasyon ng isang tagapagsalita, gaano man siya kahusay, para pagtakpan ang katotohanan.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Mga ritmo ng buhay

$
0
0

Marami sa mga sumusubaybay sa aking kaso ang naging interesado sa isang espesyalisasyon sa agham na kronolohiya o ang pagaaral sa mga regular na ritmo sa mga hayop, halaman at iba pang buhay na bagay.

Kasama sa mga pinag-aaralan dito ang pang-araw-araw na pangyayari sa ating katawan tulad ng pagtulog; ang buwanang dalaw ng mga babae; ang regular na pagbabago sa o galaw ng mga hayop sa baybaying dagat ayon sa lalim ng tubig;at ang taunang alaw n gmga populasyon ng ibon mula hilaga hanggang timog at pabalik; mga ritmong arawan buwanan, taon-hunas (pasensya na hindi ko maalala ang Tagalog nito), at taunan. Ang apat na ritmong ito ay tinitingnan bilang batayan sa mga ritmong biyolohikal dahil malinaw ang kaugnayan nito sa galaw ng pinaka-maimpluwensyang bagay sa kalawakan: ang araw at ang buwan. Ngunit marami pang mga ritmo sa katawan ng bawat organismo ang may katangi-tanging haba na hindi mahuhulog sa ritmokong galaw ng araw at buwan tulad ng pagpitik ng puso ng mga hayop, haba ng buhay ng mga selyula ng dugo, ritmo ng paghahati ng mga selyula ng katawan, at iba pang paulit-ulit na nangyayari sa katawan ng isang organismo.

Sa pag-aaral ng mga ritmo, maging ito ma’y pisikal tulad ng ugoy ng duyan, o biyolohikal, kailangang gumamit ng mga eksaktong paraan ng pagsukat nito. Dito natin magaagmit ang kaalaman ng mga liknayano (sa English ay physicist) na bihasa sa mga ritmo. Ang matematika sa likod nito’y umunlad nang mabilis pagkatapos ng Ikawalang Digmaang Pandaigdig, nang maimbento ang mabibilis na makinang pangkwenta, ang kompyuter. Dito natuklasan na ang klase-klaseng ritmo sa mundo ay mahahati sa tatlong batayang uri: peryodikal, mala-peryodikal, at magulo (sa English ay chaotic).

Ang peryodikal na ritmo ay ang pinakasimple kung ipaliwanag dahil paulit-ulit lang ang galaw nito, may isang period lang ito tulad, halimbawa, ng ugoy ng duyan. Ang mala-peryodikal at magulong ritmo ay may kakaibang katangian; hindi eksaktong umuulit ang galaw bagamat meron pa ring pagsusubok na balikan ang nadaanang posisyon. Ang mga ritmo sa panahon tulad ng bagyo, ulan, at hangin ang mga halimbawa nito. Ang matematika sa likod ng mga ritmong pisikal tulad ng ugoy ng duyan o pag-ikot ng mundo ay sinubukan ding gamitin ng knonobiyolohiko para sukatin at ipaliwanang ang samu’t-saring kaugalian ng mga ritmong biyolohikal.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng pagtuklas at pag-unald ng matematika sa likod ng mga ritmo, maaring basakin ang librong Chaos ni James Gleick. Ang librong Sync ni Steven Strogatz naman ay isang pinasimpleng pagpapaliwanang sa maraming ritmong biyolohikal. Ang limitasyon lang sa dalawang librong ito ay nasa wikang English ito.

Noong 1960, isinagawa ang pagpupulong ng mga siyentista na ang pananaliksik ay may kaugnayan sa ritmong biyolohikal. Ginanap ito sa isang sentrong pananaliksik sa Estados Unidos, sa Cold Spring Harbor Laboratory, at dinaluhan ng mga biyolohiko na may iba-ibang espesyalisasyon, enhinyerong kemikal at mga kemiko, mga liknayano, at mga doktor medikal sa Estados Unidos at maraming bansa sa Europa. Mula sa pagpupulong na ito ay nabuo at unti-unting lumawak ang komunidad ng mga siyentista na kalaunan ay nagtatag ng kanya-kanyang laboratoryo at sentro ng pananaliksik (research centers) sa espesyalisyong kronobiyolohiya. Mahalangang mabanggit na bago pa man ang pagpupulong na iyon ay marami ng ma obserbasyon at pananaliksik na naisagawa sa Alemanya tungkol sa katangian ng mag halaman na may ritmong arawan tulad ng paggalaw ng mga dahon. Ang mga resulta sa mga pananaliksik na iyon ay isa sa mga naging tampok na ulat sa ColdSpringHarbor.

Ang mga paraan ng pagsusukat ng ritmo na pinaunlad at patuloy na pinauunlad ng mga liknayano at matematiko ay nilapat sa ritmong biolohikal. Ang mga teorya ng resonans, isang penominon kung saan may pagsasabay ng galaw ng dalawang ritmo, ay naging sentral na teoryang matemtikal upang maipaliwanag ang samu’t saring ritmong biyolohikal. Halimbawa, ang ritmong arawan ay masasabing indikasyon ng kahalagahan ng kakayahang sumabay ng mga organismo sa ritmo ng mundo sa sarili nitong timong-hilagang axis; mahalaga sa buhay ng maraming, kung hindi man lahat ng orgranismo na makasabay sa pagsikat at paglubog ng araw. Sa madaling salita, ang ritmo ng organismo at ang ritmo ng sikat ng araw ay nagkaroon ng resonans.

Ang ritmo ng pagtulog ng tao ay mahalagang magresona sa ritmo ng sikat ng araw upang makasiguro ntiong gising ang katawan sa mga oras na mas madaling mangalap ng pagkain at nakakapagpahinga ang katawan sa mga oras na dapat makaiwas sa mga mababangis na hayop; mahalaga na mapanatiling gising sa araw, at ang gabi naman ay igugol sa pagtulog kung kailan mahirap maghanap ng pagkain at aktibo ang mga lobo.

Isang halimbawa ng ritmong buwanan ay ang pangingitlog ng mga insekto. May mga species ng insekto na ang uod nito ay kumakain ng buto at ng katutubo lang na mais o palay. Ang mga itlog ng mga insektong ito ay nagiging uod sa panahon kung kailan “hindi lumulubog ang buwan”, isang obserbasyon ng mga magsasaka na ang ibig sabihin ay masisilayan pa rin ang buwan kahit maliwanag na ang sikat ng araw.

Ayon sa mga magsasaka dito sa Davao Oriental at sa katabing probinsiya ng CompostelaValley, hindi dapat magtanim ng palay o mais sa mga araw na ito dahil mauubos lang ng mga dangan na insekto ang mga buto o katutubong halaman. Ang natuklasan nilang sistema ng pagtatanim ng mais o palay ay itaon ito pagkatapos ng kabilugan ng buwan. Sa matagal na panahon ng pagsasaka at pagnanais na mabuhay sa gitna ng kumplikado at nagbabagong kapaligiran, nadiskubre nila ang ritmong buwanan ng mga species ng insektong namemeste sa kanilang mga pananim. Ang ritmong ito ng mga insekto ay nag-resona sa ritmo ng pagbilog ng buwan, kung gagamitin ang wika ng matematika.

Sa pagtanim naman ng palay, iniiwasan ng mga magsasaka ang anihan o kaya ang pagtatanim sa mga buwang Abril at Mayo. Sa mga buwang ito, malakas ang atake ng mga ibong maya, kinakain nito ang mga buto ng palay na nasa lupa o di kaya ang mga buto ng palay na mahihitik na sa mga damo. Ayon sa kanila, ang buwan talaga ng Mayo ang pinaka-aktibo at pinakamarami ang ibong ito. Sa isip ko lang, baka ito ang pinagmulan ng pangalan ng species ng ibon na ito. Ang sistemang ito sa pagtatanim ng palay ay ginagawa  lamang sa mga bundok kung saan tuyo ang lupa. Sa mga patag na lupain, ang ma palayan ay lubog sa tubig kaya ang pagtatanim ay pwedeng gawin sa buong taon basta’t ang anihan ay hindi gaawin sa buwan ng Abril at Mayo. Sa mga kabundukan dito sa Davao Oriental, nagsisimula silang magtanim sa Nobyemre. Hindi na pwedeng magtanim pagkatapos ng kalagitnaan ng Disyembre dahil aabutin na ng pag-dami ng maya ang anihan. Ang katangiang ito ng ibong maya ay tumutugma sa maraming pananaliksik na nagpapakita ng ritmong taunan ng maraming species ng ibon, lalo na ang mga migratoryong klase. Sa ritmong taunang ito, nagreresona ang ritmong biyolohikal sa taunang (seasonal) pagbabago ng sikat ng araw. Ang ritmong ito ng mga ibon ay mas tampok sa mas hilagang mga bansa kung saan dumadayo ang napakadaming ibong migratoryo tuwing tag-init (summer) at lumilipad patimog tuwing tag-lamig (winter).

May mga ritmong tauban (circatidal rhythms) na mapapansin sa mga hayop at iba pang organismo na nakatira sa mga dalampasigan tulad ng lokasyon ng Baganga Jail. Ang ritmong ito ay nagreresona sa pagtaas-baba ng tubig na siyang sumasabay naman sa magkasamang galaw ng buwan at araw.

Ang apat na ritmong biyolohikal na nabanggit sa itaas ay nagpapakita sa impluwensya ng paggalaw ng mga bagay sa kalawakan, ang araw at ang buwan, sa patuloy na pag-unlad ng mga buhay na bagay dito sa ating planeta. Ang ritmong biyolohikal na ito ay taglay ng mga buhay na bagay at hindi lamang epekto ng pagbabago ng kapaligiran. Bilang patunay, sa mga eksperimentong ginawa upang gawing konstant o di-nagbabago ang liwanag, patuloy pa ring makikita ang mga ritmong arawan sa organismong pinag-aaralan bagamat’t hindi eksaktong 24 oras ang haba ng bawat pag-ulit ng ritmo. Patunay ito na nasa loob ng organismo o internal ang ritmong arawan.

Sa tao, ang internal na orasang ito ay isang maliit na tisyu sa hypothalamus, isang bahagi ng utak na tinatatawag na suprachiasmatic nucleus o SCN. Ang tisyung ito ay direktang konektado sa ating mga mata; isang indikasyon na ang liwanag sa paligid na mas masinsing prinoproseso ng mga mata ang siyang pinakamahalagang impormasyon na kailangan ng katawan para makasabay sa pagbabago ng sikat ng araw. Ang internal na orasan na nasa SCN ay hindi eksaktong 24 oras na ritmo ng araw. Ang mekanismo ng pag-reset na nagaganap ay aktibong inaalam sa mga kontemporaryong pananaliksik. Ang apat na dekada na ebidensyang nakalap sa mga eksperimento, obserbasyon, at mga pananaliksik ay nagtuturo sa SCN bilang ang tunay na internal na orasan ng ating katawan.

Halos lahat ng organismo ay may internal na orasan. Maging ang napakasimpleng mikrobyo na cyanobacteria, na ang buong katawan ay isang selyula lamang,ay merong internal na orasan. Simple lang ang orasan ng cyanobacteria: tatlong protina na nagbabago ang hugis at konsentrasyon sa loob ng selyula. Kahit sa loob ng test tube, na hindi na kasama ang iba pang kemikal ng selyula, patuloy ang ritmong arawan ng tatlong protinang ito.

Sa mga susunod na kolum ay tatalakayin natin ang iba pang mga eksperimento at pananaliksik sa ritmong biyolohikal. May mga interesanteng kwento mula sa mga magsasakang nakasalamuha ko sa paglalakbay dito sa kanayunan ng Davao Oriental at Compostela Valley; interesante sa punto de bistang akin bilang isang behavioral biologist at physicist; mga kwento tungkol sa iba’t ibang karanasan ng mga magsasaka sa patuloy na pakikisalamuha nila sa kalikasan.

November 5, 2013

 (Editor’s Note: Pasasalamat kay Hiyasmin Bisoy sa encoding.)

KaMAO

$
0
0

“Isang milyong manggagawa at magsasaka ang bumabangon.
Isang mabangis na ipu-ipo ang bumulusok mula sa langit.”

- Martsa Mula Tingchow Tungong Changsa, Mao Zedong
(Salin ni Vijae Alquisola)

*      *      *

Yes siree! Sumulat ng mga tula si Mao Zedong tulad ng mga rebolusyunaryong lider na sina Karl Marx, Andres Bonifacio, Ho Chi Minh, at Jose Ma. Sison.

May mga anekdota na nagsasabing kahit noong bata pa si Mao, mahilig na siyang magbasa ng mga klasikong akda. Galing sa mahirap na pamilya si Mao, at nang makita siya ng kanyang tatay na nagbabasa sa ilalim ng puno, nabuwisit ito dahil naisip nitong magiging makata siya paglaki. Hindi siya makakatulong sa bukid.

Pero nagkamali ang tatay ni Mao dahil hindi lang bukid ang sinimulan niyang palayain kundi maging ang sambayanang Tsino (AKA the Great Proletarian Cultural Revolution).

*      *      *

“A poet must also learn how to lead an attack.”
- Ho Chi Minh

*      *      *

Hindi lang mga aktibista at rebolusyunaryo ang nagbasa/umunawa/nagsabuhay ng mga dakilang kaisipan ni Mao. Pinag-aaralan/binusisi/binaluktot din ito ng mga pasista at chiwariwariwap ng imperyalismo. Case in point: tres otso.

Gayundin ang nangyari sa kanyang mga tula.

Noong 1972, binisita ni US President Richard Nixon si Mao dala ang isang kopya ng aklat na The Poems of Mao Tse-tung. Kinabisado raw ni Nixon ang isang tula ni Mao at binigkas pa sa harapan niya.

*      *      *

“But my heart / will be a whole soldier / with flags flying.”
- Exile, Otto Rene Castillo

*      *      *

Bukod sa pagsusulat ng tula, isang calligrapher din si Mao. Hindi mo yata mapaghihiwalay ito sa mga makatang Tsino.

Sa pagitan daw ng mga pulong, makikita si Mao na nagdu-doodles ng mga tula o calligraphy art. Minsan lalamukusin niya ang papel o iiwan lang basta.

*      *      *

“A mighty flame follows a tiny spark.”
- Dante Alighieri

*      *      *

Sa ika-120 kaarawan ni Mao ngayong Disyembre 26, uploaded sa cyberworld ang updated na edisyon ng KaMAO: Mga salin ng mga tula ni Mao Zedong.

Kabilang sa 36 nagsalin ng mga tula ni Mao ang mga batikan at beteranong makata, mamamahayag, guro, musikero, manggagawang pangkultura, organisador, kawani ng gobyerno, iskultor, mga manggagawa sa pabrika at call center, at migrante.

Marami pang gustong magsalin pero wala na ring makitang tula ni Mao bukod sa 36 na tulang nakuha sa Mao Zedong Poems (Open Source Socialist Publishing, 2008). Usually, 20 tula lang ang laman ng mga koleksyon ng mga tula ni Mao.

*      *      *

Marami kaming natutunan sa proseso ng pagsasalin ng mga akda.

Dati nang nakapagsalin ng mga tula ni Mao ang ilan sa mga kontribyutor. May tala rin ang Sentro ng Wikang Filipino ng ilang salin na isinagawa ng komite sa pagsasalin ng Panulat Para Sa Kaunlaran Ng Sambayanan (PAKSA) at nalathala sa Katipunan noong 1971.

Idinaan din sa maikling palihan ang bawat salin ng bawat kontribyutor. Kailangan kasing sagutin kung direktang salin nga ba ang mga nagawa namin, kung halaw na, at/o sariling bersyon.

Halimbawa, ang paggamit ng salitang “palayok” ni Noel Sales Barcelona, “dyinobus” ni Axel Pinpin, at “Manaul” ni Tilde Acuña. Isama na rito ang usapin kung hahanapan ng katutubong bersyon sa Filipino ang mga idyomang likas sa Tsina na nabanggit ni Mao sa mga tula niya.

Gumawa rin ng salin sa Kapampangan si Oliver Carlos at halaw na tungkol naman sa kampanyang Kahos si Gem Aramil. Tho hindi na isinama ang mga ito sa koleksyon.

*      *      *

Paano nga ba isasalin ang mga tula ni Mao?

Sabi nga ni Joel Costa Malabanan, “Hindi ito gaya ng isang tasang kape na isasalin sa panibagong tasa. Kailangang bigyang-pansin ang kultura, kasaysayan, at ang kalagayan ni Mao Zedong nang nilikha niya ang tula.”

Nadiskubre namin na napakalalim ng kapit ng mga tula ni Mao sa kasaysayan at kaligiran ng Tsina. Pansin nga ni Axel, “May malaking impluwensya ang panahon at itinatakbo ng rebolusyong Tsino sa mga tula [ni Mao]. Halimbawa, ang Long March sa mga pagmumuni-muni niya. Ano ang kalagayan ng Red Army noong panahong iyon? Ano ang relasyon ng PKT sa Kuomintang? Ano ang inaabot ang rebolusyong agraryo sa mga pulang purok? Bakit parang depressed si [Mao] sa ibabaw ng bundok habang nakatanaw sa mga barko? Di ba dahil kamamatay [lang noon] ni Sun Yat-sen?”

Isang hurdle din na wala ni isa sa aming marunong magbasa ng wikang Tsino. For dat, mahirap i-double check kung tama ang bersyong hawak namin sa Ingles. And for dat, minabuting bukod sa pagri-research ng mga lugar na nabanggit sa mga tula, kumunsulta rin kami ng iba pang mga salin to compare.

*      *       *

Balak naming idaan sa mas masusi pang palihan ang mga tula. At, eventually, ilathala bilang aklat at maipamigay nang libre.

Dumami pa sana ang mga salin ng mga akdang kailangan natin. Panabla sa mga salin ng mga ek-ek na akda. Isa pa, hindi lang naman kasi usapin sa loob ng akademya ang pagsasalin. Dibs.

[mabu-view/download ang KaMAO rito: http://www.scribd.com/doc/118006228/KAMAO-Poetry-Book-Translations]

Salamat, 2013!

$
0
0

Mayroon bang dapat ipagpasalamat sa 2013 na puno ng trahedya at iba pang problema? Oo naman, pero depende sa pasasalamat na gusto nating gawin.

May pasasalamat kasing consuelo de bobo. Isang halimbawa ang sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino matapos manalasa ang bagyong Yolanda noong Nobyembre 8. Kung matatandaan, isang kaibigan ng negosyante sa Tacloban City ang lumapit kay Aquino para ireklamo ang diumanong panunutok ng baril ng isang tinawag niyang “looter.” Ang sagot ni Aquino sa kanya, “But you did not die, right?” Sa halip na ayusin ang sitwasyon sa peace and order sa Tacloban, nagbigay ng nakapanlulumong mensahe si Aquino sa nagrereklamo: Pasalamat ka’t buhay ka pa!

May pasasalamat ding sadyang napakabobo. Pasensiya na po’t wala na akong iba pang salitang maisip na mas malala pa sa bobo na ang ibig sabihin ay tunggak o “mahina ang ulo o nahihirapan o matagal umunawa (UP Diksiyonaryong Filipino [Binagong Edisyon, 2010], p. 1,288).” Sa talumpati ni Aquino noong Disyembre 22 sa pag-inspeksiyon sa pabahay para sa mga naapektuhan ng bagyong Pablo sa Compostela Valley, may mensahe siyang lubhang nakakagalit: “(A)lam n’yo sanay na tayo sa problema. Mula noong pagpasok ko sa trabahong ito…marami na talaga tayong problemang dinatnan. Kaya ‘pag ‘yong ating miyembro ng gabinete ang napapagod, sabi ko sa kanila, `Tatandaan ninyo ‘pag dumating ang panahong wala tayong problema, iyon naman ang problema.’…Dahil magiging boring na. Pero puwede rin namang ‘wag masyadong `interesting’ at `exciting.’” Sa gitna ng kolektibong pagkainis, malinaw ang mensahe niya: Pasalamat kayo’t hindi boring ang Pilipinas dahil sa mga problemang kinakaharap natin!

Malinaw ang kabobohan sa sitwasyong ginagawang trivia lang ang ilang problemang pinagdaraanan ng bayan, lalo na ng ordinaryong mamamayan. Kung sabagay, ano nga ba ang konsepto ng problema ni Pangulong Aquino? Noong estudyante pa siya sa isang pribadong unibersidad, naging problema kaya niya ang mataas na matrikula at ang kawalan ng panggastos tuwing papasok sa klase? Naramdaman na kaya niya ang sakit ng sikmura dahil sa matinding gutom? Dahil nanggaling sa mayamang pamilya, duda ako kung naranasan niyang buhayin ang kanyang mga mahal sa buhay sa kakarampot na kita.

Napag-uusapan na rin lang ang kayamanan ng Pangulo, wala tayong dapat ipagpasalamat sa dominanteng midya dahil sa katiting na coverage sa nangyayari ngayon sa Hacienda Luisita sa Tarlac City na alam nating pag-aari ng pamilya ni Aquino. Kung hindi pa naaresto ang ilang nagpoprotesta kamakailan, hindi ito maibabalita. Wala itong pagkakaiba sa nangyari noong protesta sa Hacienda Luisita noong 2004. Kung hindi nangyari ang masaker noong Nobyembre 16, 2004 na ikinamatay ng 13 manggagawang bukid, hindi maibabalita sa dominanteng midya ang kaguluhan. Pero tulad noon, hanggang ngayon ay hindi malinaw sa publiko ang konteksto ng ipinaglalaban ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita.

Mainam na pag-aralang mabuti ang naging pahayag ng grupong Karapatan noong Nobyembre 16: “Nine years after [the massacre], those responsible…have not spent one day in prison. Former Dept. Of Labor and Employment secretary Patricia Sto. Tomas is holding office at the Land Bank of the Philippines. Gen. Ricardo Visaya, head of the Philippine Army deployed in the Hacienda Luisita and a protege of Ret. Maj. Palparan is still sowing terror in the places where he is being deployed…Gen. Visaya’s recent stint of terror is the beheading of the village councilor Ely Oguis, justifying that the victim is an NPA tax collector. Then Senator BS Aquino, whose family’s interests reign in the hacienda, is now the President…The Supreme Court may have decided to distribute the vast lands of Luisita in 2012, but the Aquinos and Cojuangcos, Dept. of Agrarian Reform and Tarlac Development Corporation (TADECO) are using all possible kinds of deception, bribery, state violence to prevent the lands to be actually distributed to all farmworkers.”

May kaugnayan sa matagal nang ipinaglalaban ang kinasasadlakan ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita. Pero ang naibabalita lang sa kasalukuyan ay ang ginawang pagbuwag sa protesta at ang pag-arestong nangyari sa limang manggagawang bukid sa salang “trespassing, coercion, direct assault and physical injuries.” Bagama’t nakalaya rin matapos ibasura ng city prosecutor ang mga kaso, napabalitang magsasampa sila ng kaso laban sa mga pulis at sa mga Cojuangco. Malinaw ang mensahe ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita: Wala kaming dapat ipagpasalamat sa gobyerno! Lumaya ang lima hindi dahil sa kabaitan ng mga nasa kapangyarihan, kundi dahil sa sama-samang pakikipaglaban ng kanilang karapatan.

Sa aking palagay, may malaking kakulangan ang dominanteng midya sa pag-uulat ng mga nangyayari ngayon sa Hacienda Luisita. Ayaw ko mang isiping may kaugnayan ito sa ilang malalaking trahedyang naganap mula Setyembre hanggang Disyembre (i.e., giyera sa Zamboanga, lindol sa Bohol at Cebu, storm surge sa Tacloban at iba pang lugar), hindi ko pa rin mapigilang magtaka kung bakit hindi sineseryoso ang pagbabalita sa isang isyung may direktang kinalaman sa mga pamilyang Cojuangco at Aquino.

Sa larangan ng peryodismo, alam kong tinaguriang “dead beat” ang agrikultura dahil walang masyadong interes diumano ang nakararaming mamamayan dito (bagama’t malinaw namang ang tunay na dahilan ay hindi masyadong pinagkakakitaan ng mga may-ari ng midya ang larangan ng agrikultura kumpara sa industriya’t serbisyo). Pero kung ang isyu ay may kinalaman sa paglabag sa karapatang pantao at sa mismong utos ng Korte Suprema, dapat lang na tutukan ito kahit ng ilang organisasyong tinaguriang “yellow media” dahil sa pagkampi nito sa kasalukuyang administrasyon.

Pero isipin natin: Ano ang mangyayari sa administrasyong Aquino kung bibigyan ng malaking espasyo o airtime ang isyu sa Hacienda Luisita sa gitna ng napakarami pang problemang kinakaharap ng bansa? Matatandaang noong naiulat ang masaker sa Hacienda Luisita noong Nobyembre 2004, lalong bumagsak ang mga net satisfaction rating ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo – dumausdos ang mga ito sa -5 (Disyembre 2004), -12 (Marso 2005) at -33 (Mayo 2005). Kahit na sabihing may iba pang salik sa pagbaba ng popularidad ni Arroyo, iniiwasan ng kasalukuyang administrasyon ang pagpapalaganap ng iba pang isyung puwedeng makasira sa pamilya ni Aquino.

At sa puntong ito, mainam na suriin ang inaasahang mensahe ng pasasalamat mula sa Malakanyang bunga ng napabalitang +49 na net satisfaction rating ni Aquino batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa Disyembre 2013. “We are grateful to our people for proving once more that they are on the side of true public service and are unswayed by mere politicking,” sabi ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ni Aquino.

Kung gustong maging “tunay na matuwid” ang kasalukuyang administrasyon, kailangang pasalamatan din nito ang dominanteng midya sa hindi pagpapalaki ng isyung kinakaharap ng Hacienda Luisita, o kahit ang iba pang usaping may kinalaman sa patuloy na paglabag sa karapatang pantao at sa lalo pang lumalakas na kultura ng walang pakundangan (culture of impunity). Salamat kasi sa dominanteng midya, hindi gaanong nalalaman ng publiko ang marami pang kontrobersiya, lalo na ang maraming insidente ng pagdukot at pagpatay.

Sa ganitong konteksto natin dapat tingnan ang net satisfaction rating ni Aquino. Huwag nating sisihin ang “kabobohan” ng maraming mamamayan. Natural lamang na may iba silang opinyon sa mga bagay-bagay dahil sa limitadong impormasyong inihahatid ng dominanteng midya. Dahil walang malalimang pagsasakonteksto sa mga balita, madaling napapaniwala ang maraming mamamayan sa retorika ng pag-unlad at ang diumanong “daang matuwid.”

Pero sa kabila ng mga problemang kinaharap ngayong 2013, nagpapasalamat pa rin ako dahil unti-unti nang lumalabas ang tunay na kulay ng administrasyon. Sa mga pahayag na binibitiwan ni Aquino, mas nagiging kapansin-pansin ang kawalan ng simpatiya nito sa pinagdaraanan ng mga mamamayan. Sa kabila ng propaganda ng gobyerno, nagiging matingkad na ang kawalan ng pangmatagalang solusyon sa mga pangunahing problemang kinakaharap ng mga mamamayan tulad ng kahirapan at kawalan ng hustisya.

Sa paglipas ng panahon, asahan natin ang paglawak pa ng protesta para baguhin ang kasalukuyang sistema. At kung hindi magagawa ng kasalukuyang administrasyon ang pagbabagong hinahangad ng mga batayang sektor ng lipunan, malinaw na ang mga organisadong mamamayan na mismo ang kikilos para palitan ang mismong pamahalaan.

Salamat sa pagmumulat, 2013!

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Paunawa: Pansamantalang titigil sa pagsusulat ng kolum niyang “Konteksto” si Prop. Danilo A. Arao sa taong 2014. Bukod sa kanyang administratibong gawain sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman bilang kawaksing dekano (associate dean) ng Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla, kailangan din niyang pagtuunan ng pansin ang sinusulat niyang disertasyon para sa programang doktoral ng Ilmenau University of Technology (Alemanya).
 
Para sa mga nais basahin ang mga kolum ni Prop. Arao, abangan ang paglalabas ng bago niyang libro sa unang bahagi ng 2014 na ililimbag ng PinoyMedia Center.

 

Twenty Porkteen

$
0
0

Tama si Dr. Carol P. Araullo: Taong 2013 nagkaroon ng malaking lamat ang imahen ni Pang. Noynoy Aquino. Syempre pa, dahil ito pangunahin sa isyu ng pork barrel. Mula sa eskandalo sa P10 bilyong pondong pork na kinakasangkutan ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles, at ginamit ni Aquino laban sa malamang na maging mga karibal ng partido niya sa eleksyong 2016, pumutok ang galit ng mga mamamayan sa buong sistema ng pork barrel. Ipinagtanggol ni Aquino ang naturang sistema, nalantad ang napakalaking pork niya sa panukalang budget para sa 2014, at nalantad din, dahil kay Sen. Jinggoy Estrada, ang iligal niyang pork sa Disbursement Acceleration Program o DAP. Bumanda ang isyu kay Aquino; sa dulo, tinatawag na siyang Pork Barrel King.

Hindi kataka-taka na nitong Disyembre 20 inaprubahan ni Aquino ang panukalang badyet para sa 2014. Tirang magnanakaw ito, ginawa kumbaga sa kahimbingan ng gabi – nagdiriwang ang lahat ng Kapaskuhan at hindi mapapansin ang mga protesta. Taliwas sa panlilinlang na walang pork sa naturang pambansang budget, iba ang sabi ni Prop. Leonor Magtolis-Briones, punong tagapagtipon ng Social Watch Philippines at isa sa mga nagsagasa ng trak ng bumbero sa tarangkahan ng Malakanyang noong First Quarter Storm. Aniya, marami pa ring pork sa badyet: nakatago ang para sa mga kongresista at senador sa badyet ng mga ahensya at aabot sa P552 bilyon ang agad na matutukoy na pork ng pangulo, malaking bahagi ng P2.3 trilyon na kabuuang badyet.

Noong Nobyembre 19, idineklara ng Korte Suprema na di-konstitusyunal ang Priority Development Assistance Fund o PDAF, ang pork ng mga mambabatas. Resulta ito ng malawak na galit at protesta ng mga mamamayan sa sistema ng pork barrel. Resulta rin ito malamang ng sentimyentong kontra-Aquino sa Korte Suprema: Responsable si Aquino sa pagtanggal kay Renato Corona bilang Punong Hukom at pagpalit ni Maria Lourdes Sereno, pinakabago sa mga itinalaga sa korte at pinaka-hindi respetado ng mga naunang hukom. Maglalabas pa lang ng hatol ang Korte Suprema kung konstitusyunal DAP, pero kumikilos na ang pangkating Aquino: Sabi nga ni Fr. Joaquin G. Bernas, SJ, binabantaan ngayon ng impeachment ng Kongreso ang mga hukom ng Korte Suprema.

Interesante ang magiging hatol ng Korte Suprema sa DAP. Kapag sinabi nitong hindi konstitusyunal ang DAP, sinasampal nito sa mukha si Aquino, kahit hindi pa talaga natatanggal ang marami pang pork ng presidente. Makapangyarihan pa rin si Aquino dahil ang dating PDAF na naipailalim sa badyet ng mga ahensya ay kontrolado niya. Kapag sinabi naman ng Korte Suprema na konstitusyunal ang DAP, aani ito ng galit ng mga mamamayan. Paanong konstitusyunal ang DAP gayung hindi konstitusyunal ang PDAF? Mas maliit at matagal nang umiiral ang PDAF, bukod pa sa mas marami nang nangangailangan ang nakinabang dito. Magiging napakalaki ng pork barrel ng presidente; parang binigyan ng Korte Suprema si Aquino ng lubid para ibigti ang sarili.

Samantala, gumugulong sa usad-pagong na sistema ng hustisya sa bansa ang kasong iligal na pagdetine laban kay Napoles. May mga pagdinig sa Enero 17, Pebrero 18 at Marso 4, 18 at 25. Noon namang isinasampa pa lang ang kasong pandarambong laban sa kanya, may nagsabi nang aabot ang paglilitis hanggang pagkatapos ng termino ni Aquino. Anu’t anuman, dahil sa espesyal na pagtratong ipinakita ng gobyernong Aquino kay “Ma’am Janet” noong “sumuko” ang huli, malaganap ang duda kung seryoso itong hahatulang maysala at ikakalaboso si Napoles. Hindi kaila sa marami na ginagamit ang kaso ni Napoles para sa layuning pulitikal. Maaalala ang pagkulong ni Gloria Arroyo kay Erap Estrada at malamang ni Noynoy kay Gloria: pakitang-tao lang para sa pulitika.

Bubwelo rin sa 2014 ang People’s Initative laban sa pork barrel na pinapangunahan ni dating Chief Justice Reynato Puno at ng mga progresibong organisasyon. Saang anggulo man tingnan, maipagpapalagay na mananatiling buhay ang isyu ng pork barrel sa 2014. Para sa marami, hindi basta “kritisismo” ang isyu na pwedeng tugunan ng “Bahala na si Lord sa inyo, busy ako,” gaya ng gustong palabasin ni Aquino, kundi usaping dapat niya talagang pagkaabalahan. Kasama ng iba pang isyu tulad ng tumitinding kahirapan ng nakakarami at ng kapabayaan sa kalamidad ng gobyerno, dahilan ito ng paglakas ng disgusto sa kanya. Maaalala ang klasikong kasabihang Tsino: Nawa’y mabuhay ka sa interesanteng panahon! Sigurado: Magiging interesante ang 2014 para sa mga Pilipino.

30 Disyembre 2013 

Maricel Soriano, Robin Padilla wagi sa MMFF

$
0
0
Maricel Soriano

Maricel Soriano

Wala si Maricel Soriano sa gabi ng parangal sa ika-39 Metro Manila Film Festival Philippines na ginanap sa Meralco Theater sa Ortigas Avenue.

Pero siya ang nagwagi sa kategorya ng Best Actress at hindi siya makapaniwala.

May isang peryodistang pampelikulang taga-Nueva Ecija na lumuluwas sa Maynila pag may mga piging na pang-showbiz tulad nga nitong awards night ng MMFFP 2013.

Siya ang nagsabi at nagpahayag sa kanyang mga kapwa peryodistang pampelikula na tinawagan agad ng isang taga-produksyon ng obrang “Girl Boy Bakla Tomboy” ng Viva Entertainment si Maricel para ibalita sa aktres na siya ang nagwagi.

Ang sabi ng movie reporter ay, “naku, ‘yang si Maricel talaga, kasasabi raw ba naman nang tagawag ng production staff na ‘bakit?’ Eto ‘yong reaksiyon niya sa kanyang hindi inaasahang panalo.

Dahil sa lipunang Filipino na lipunan din ng mga taga-showbiz, madalas kaysa hindi ay hindi o walang nananalo sa isang katatawang pelikula maliban na lang kung ito ay panunudyo o satire.

Pero kapag slapsticktoilet humor o pampagulong lang sa tawa, ang paniniwala ng marami ay hindi ito pinagmumulan ng tagumpay sa pag-arte o iba pang mapanlikhang larangan sa mga elemento ng pelikula.

***

Dahil komedya ang “Girl Boy Bakla Tomboy,” parang ang pananaw ay hindi ito magkakamit ng award sa pag-arte pero binaklas nga ng inampalan ang tradisyunal na paniniwalang ito.

Ipinanalo ng mga hurado si Soriano mula sa isang katatawang obra.

Pinapupunta o pinasusunod pa nga si Marya anang peryodistang pampelikulang taga-Nueva Ecija para kahit huli man daw at magaling ay naihahabol din kahit na tapos na ang palatuntunan.

Pero ayaw na ni Maricel na humabol sa Meralco Theater dahil hindi naman gano’n kadali ang pag-alis ng kanilang bahay.

***

Ang tumanggap ng tropeyo ng karangalan ni Soriano ay ang kanyang direktor na si Wenn Deramas.

Nagpaliwanag ni Wenn kung bakit wala ang tinaguriang Diamond Star sa gabi ng parangal ng 39thMMFFP.

Pero nandoon naman ang nagwaging Best Actor na si Robin Padilla na nangantiyaw sa sambayanan na panoorin ang kanyang pelikulang “10,000 Hours” na nagwagi ring Best Picture, Fernando Poe, Jr. Memorial Award for Film Excellence, Gatpuno Antonio J. Villeagas Memorial Award.

“’Yong kay Kris Aquino at ‘yong kay Vice Ganda, boundary na, kami, hindi pa,” pahayag ni Padilla sa pagkahalong paglalambing at panggigising na ang tinutukoy ay ang proyekto ni Kris kasama sina Ryzza Mae Dizon, Vic Sotto at James “Bimby” Aquino Yap na “My Little Bossings” at ang likhang-panoorin ni Vice na “Girl Boy Bakla Tomboy.”

“Pero kung katumbas ng tropeyo na ito ay panonood ninyo, boundary na kami,” pagpaparinig pa ng aktor.

Sinabi ni Robin na siya ay nagtataguyod sa isang “mapayapang rebolusyon” na ang tinutukoy ay ang mensahe ng kanyang pelikula at ang pangunahing karakter nito na halaw sa buhay at pakikipagsapalaran ng dating senador na si Panfilo Lacson, kilala rin sa tawag na Ping Lacson.

Ang pagtingin ni Binoe sa kanyang ginagampanang pelikula ay pagbabago sa bulok na sistema sa isang tahimik na pagbabago sa gitna ng gulo at ligalig.

Tingnan nga natin kung talagang may epekto sa pagbabago sa ating buhay na buktot at makasarili at ipokrito ang pelikula ng aktor.

Kasi, halos makopo nito ang lahat ng mga parangal.

***

Ang nanalong Best Director, Best Supporting Actor, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Editing at Best Musical Scoring ay ang “10,000 Hours” kaya tuwang-tuwa si Bb. Joyce Bernal sa kanyang trabaho.

May katwiran nga naman siyang tanggihan ang pagdidirek kay Aquino sa “My Little Bossings” at kay Eugene Domingo sa “Kimmy Dora Ang Kiyemeng Prequel” dahil sa mas nakakapagpasirko ng dugo at nakakapaghamon ang paghawak sa materyal ng kasaysayan ni Lacson.

***

Nakasingit naman si Aiza Seguerra bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang “My Little Bossings” samantalang Best Visual Effects ang “10,000 Hours” at Best Original Story din ito.

Masayang-masaya ang syota ni Aiza na si Liza Dino na nagwagi namang Best Actress noong isang taon sa ika-38 MMFFP New Wave category.

Matagal na palang nagmamahalan sina Seguerra at Liza na nahawakan na rin ni Francis O. Villacorta at Jowee Morel, ang kontrobersiyal at nakakaintrigang Fil-Briton filmmaker.

Nang magpasya si Dino na manirahan na sa Pilipinas ay biglang nagkrus ang landas nila ni Aiza kaya tumibok agad ang kanilang puso sa isa’t isa.

***

Ito namang si Armando Lao, mas kilala rin sa tawag na Bing Lao, ang nag-uwi ng karangalang Best Director at Best Picture sa New Wave para sa “Dukit.”

Aming pinasasalubungan ng isang masigabong palakpakan si Armando na aming kaklase sa kauna-unahang libreng scriptwriting class ni Ricardo Lee, kilala rin sa tawag na Ricky Lee, noong 1982.

Malayo na talaga ang nararating ni Lao at ng iba pa naming kaklase kay Ricky na sina Jeffrey Jeturian, Buddy Palad, Boots Agbayani-Pastor, Leo Abaya, Loretta Medina, Emmie G. Velarde, Eric Reyes, Phillip Garcia, Jr., Benjie Tan at kahit ng mga namayapa nang sina Vincent Benjamin Kua, Jr. at Lynda Casimiro.

Magaling talaga si Bing at siya ay guro rin ng mga bagong dugo sa showbiz.

Kaya nga ang 2014 ay naghahamon pa rin sa pagpapaalsa ng ating kamalayan sa tunay na takbo ng ating lipunan.

Problema ng basura

$
0
0

Hindi na bago sa mga Pilipino ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran. Ayon sa popular na kanta ng Asin, hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan. Ngunit kung ikaw na ordinaryong tao ang tatanungin, gaano ba kalaki ang kontribusyon mo sa pagkasirang ito? Karaniwan na sa kanayunan ang pagsusunog ng basura sa paligid ng bahay pagkatapos silang walisin at ipunin sa isang tabi. Imbes na sunugin, ano naman ang maaari nilang gawin dito? Ibaon sa likod ng bahay para maging pataba? Paano naman ang mga basurang hindi nabubulok kaagad sa ilalim ng lupa? Saan sila itatambak? Ang suliranin sa pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming usaping pangkalikasan, at ito ang totoong kaakibat ng pag-unlad ng lipunan.

Sa pag-unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong nalilikha ng tao: mga produktong nakakatulong sa pagpapagaan sa proseso ng pagtatanim ng palay at iba pang pinagkukunan ng pagkain; mga produktong nakakapagpadali sa pagdadala ng mga produktong agrikultural; mga produktong nakakapagpaginhawa sa pamumuhay at sa mga gawain sa loob ng tahana; mga produktong nagbibigay saya o mga produktong pang-sining; mga produktong nagluluwal ng iba pang produkto; at marami pang klase ng produkto na nalilikha sa sangkatauhan.

Kahit ang mga hayop ay nagtatapon din ng basura. Pero huwag na natin silang sisihin sa problemang hindi nila kayang lutasin. Masisisi ba natin ang mga ibon na kung saan-saan na lang binabato ang mga buto ng prutas pagkatapos itong kainin? Ang mga unggoy sa gubat na kung saan-saan lang tinatapon ang balat ng saging? Ang mga baboy ramo na kung saan-saan lang tumatae (pasensya na sa mga kumakain)?

Bumalik tayo sa mga tao. Ano nga ba ang solusyon sa suliranin sa basura? Masasagot natin ito kung maiintindihan natin kung paano umusbong ang parami nang paraming basura na nalilikha natin. Kung mga hayop ay hindi natin masasangkot sa problemang ito, mayroon ding pagtatanggi sa laki o liit ng ambag ng bawat tao sa problemang ito.

Ang ordinaryong mamamayan na nagtatapon ng balat ng kendi sa daan ay hindi hamak na mas maliit ang ambag kaysa sa may-ari ng pabrika ng kendi na napakalaki ang kinikita sa paglikha ng kendi. Kung walang kendi na nalikha sa pabrika, wala ding basura na maitatapon sa daan. Sino ngayon ang dapat singilin para malutas ang ang problemang ito? Si Mr. Candyman ba na limpak-limpak ang tubo sa pagluluto at pagbebenta ng kendi o si Juan na pagkatapos ilabas ang kendi ay itatapon lang sa labas ng jeep ang balat? Si Lucio Tan ba na milyun-milyon ang kinikita araw-araw sa paglilikha ng sigarilyong di-maubos o si Pedro na pagkatapos ubusin ang sigarilyo ay itatapon lang upos sa kalsada? Si Henry Sy ba na maliban sa kita niya sa kanyang tindahan ay tubong-lugaw na rin sa mga plastic bag na pambalot ng binili ni Maria o si Maria na tinatapon ang bag sa kalye kapag ito ay sira na?

Ang pananagutan sa problemang basura ay nakatuon sa kung sino ang lumilikha at nakikinabang sa paglikha nito. Kahit sa basura sa hangin na nagdudulot ng pagbabago ng klima (climate change), ang may pananagutan ay ang mga mayayamang bansa na siyang may pinakamalaking volume na ibinuga at patuloy na ibinubugang greenhouse gas, hindi ang Pilipinas na mas maliit pa sa 1% ang ambag nito. Ang lumilikha at yumayaman ang may pananagutan at sila ang dapat singilin para sa pagbubuo ng mga imprastruktura para ayusin ang pagtatapon ng basura. At bago natin makalimutan, mayroong gobyerno para gawin ang lahat nang ito.

Sa madaling salita, gobyerno ang dapat maningil sa mga tagapaglikha ng basura, gobyerno ang dapat magtayo ng imprastuktura sa pag-aayos ng mga basura. Gobyerno ang dapat maglagay ng mga basurahan sa bawat kanto ng daan. Para saan pa ang napakalaking buwis na napupunta sa pork barrel na kontrolado ng Pangulo?

Kaya imbes na sisihin si Juan, Pedro, at Maria, ipaunawa natin sa kanila ang kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura. Ipaunawa natin sa kanila ang kahalagahan ng pagsasama-sama upang singilin ang gobyerno sa problema sa basura at gamitin nito ang pork barrel para maglagay ng mga basurahan sa bawat kanto sa lahat ng kalye sa bung bansa, para magtayo ng mga na makabagong imprastuktura para ayusin ang samu’t-saring basura na nililikha ng mga yumayaman dito. Ipaalala natin sa kasalukuyang gobyerno na hindi lahat ng basura ay bawal itapon sa Ilog Pasig. Ang basurang gobyerno ay nararapat lamang na itapon at palanguyin dito.

(Pasasalamat: Laorence Castillo)


Deconstructing Family Reunions

$
0
0

Magbabalik-klase na at matatapos na naman ang pinaka-mahaba at pinaka-festive na pagdiriwang ng kapaskuhan sa buong mundo–ang pasko ng Pilipino. Pagpatak pa lamang ng Septyembre, ang una sa -ber months, naging abala na agad ang marami sa mga sari-saring tradisyon tuwing kapaskuhan na magtatapos lamang ngayonh linggo sa Araw ng Tatlong Hari. Bagama’t marami sa tradisyong ito’y kolonyal ang pinagmulan, mga kagawiang Espanyol at Amerikano, nahaluan naman din natin ito ng mga sariling katutubong kagawian at pagpapahalaga.

Bahagi sa mga naging pagdiriwang sa aming pamilya ang taunang reunion ng buong angkan o kamag-anakan. Pangkaraniwan din ito sa madaming pamilyang Pilipino lalo pa sa panahon ng kapaskuhan. Hindi gaya ng kanluraning kultura, higit na extended family talaga ang nakikibahagi dito. At dahil minsan lang sa isang taon kung mangyari, mahalaga itong bahagi ng buong taon at kinapapanabikan ng lahat.

Pero para sa akin, kahit noong bata pa man ako, mas malungkot kaysa masaya ang mga reunion dahil sumasalamin ang mga bawat eksena taon-taon sa mga suliraning kinakaharap ng bansa lalo na ang politika at kultura ng mababang pagtingin sa mga mahihirap.

Una, lumiliit ang dami ng mga nakakadalo sa reunion. Hindi naman dahil sa nawawalan lang ng interes ang iba, gaya ng tingin ng iba pa naming mga kamag-anak dahil sa indibidwal lamang ang kanilang pagsusuri, kung hindi dahil nagtratrabaho sa ibang bansa o gabi ang trabaho kaya hindi makadalo.

Dumarami ang overseas filipino workers o OFWs  upang isakalakal ang kanilang lakas paggawa dahil sa kawalan ng trabaho at hirap ng buhay sa bansa. Ito rin naman ang nakikitang solusyon ng pamahalaan- ang a la Supermaid na polisiya ng labor export sa mayayamang bansa. At kahit mas malaki ang kita kumpara sa mga lokal na trabaho, hindi pa din nito masabayan ang gahiganteng pagtaas sa presyo ng mga bilhin at iba pang pangangailangan dahilan kung bakit hindi natutupad ang mga pangako nila sa sarili na mag-iipon lamang at uuwi na din. Siklo na ito, gaya ng pagkaka-utang, na nahihirapan maka-alis ang maraming pamilyang Pilipino.

Sa mga hindi naman pinalad maka-alis o pinili talagang manatili sa bansa, trabaho naman sa call center ang katangi-tanging ibinibigay ng pamahalaan. Bukod sa polisiya ng labor export, ito din ang nakikita nilang solusyon sa kawalan ng trabaho at kahirapan sa bansa. Madalas graveyard ang trabaho dito, may pasok kahit holiday dahil  nasa ibang bansa ang mga kliente at iba pang mga mahigpit na patakaran. At dahil sa kawalan ng regulasyon at umaapaw na cheap labor sa bansa, madali lang din magpalit-palit ng mga manggagawa ang mga call centers na ito na nauuwi din sa mga bigong pangarap, lalo na ng mga kabataan, na makahanap pa ng ibang trabaho pagkatapos maka-ipon.

Ikalawa, bagama’t mas nagiging bukas ang madami sa mga usapin gaya ng same-sex marriage divorce, mula sa aking obserbasyon sa mga kwentuhan at usapan, nananatiling pyudal ang namamayaning kaisipan.

Marami na kasi sa aming mga kamag-anak ang mga naghiwalay na mag-asawa. Kahit bukas na itong pinag-uusapan, hindi gaya ng sa mga dating reunion, mababa pa din ang pagtingin sa mga asawang pumiling maghiwalay. At kung ihihirit ang usapin ng divorce, halos taboo pa din ito dahil sa pagiging bangga nito sa turo ng simbahan. Nakakatawa pa nga kapag mag-uumpisang mangaral ang pinaka-relihiyoso sa mag-anak na para bang may monopolyo ng pag-ibig at kaalaman ng diyos.

Parehas din ang obserbasyon ko sa mga usapin ng pagiging bakla o tomboy. Bagama’t bukas na itong pinag-uusapan, mababa  pa din ang tingin sa kanila. Pinag-uusapan pa din ng masama ang mga magulang na payag sa pagiging bakla o iba pang kasarian ng kanilang anak, usapin pa din ang pagiging mahilig ng isang lalaking bata sa manika at sentro pa din ng katatawanan ang mga may piniling kasarian. Yun nga lang, mas kapansin-pansin na mas maingat ang ilan sa pag-komento kumpara noong mga nakaraang taon.

At ikatlo, umaapaw pa din ang arogansya ng mga kamag-anak na kabilang sa gitnang uri laban sa mga mahihirap (kamag-anak man o hindi).

Kahit naka-angat lamang ng bahagya, astang messianic at all-knowing na ang mga iba sa kamag-anak. Yun namang medyo nahirapan sa buong taon, bulag na lamang na niyakap ang kristyanong mitolohiya ng tahimik, magpag-pasensya at mahinang mahirap.

Sa mga kwentuhan ng kung sino ang umangat at hindi sa buhay, naghahanap ng reaffirmation ang mga naka-angat, na kadalasan pa ay unapologetic sa dala nitong pinakamamahaling sasakyan at pagsuot ng magarang mga gamit, at pumunta lamang talaga para magmayabang. May bitbit pa itong pangaral para sa lahat ng napag-iwanan, na katamaran at kawalan ng pinag-aralan ang pangunahing sanhi ng kahirapan, na tatanggapin naman bilang katotohanan ng lahat kahit pa ang realidad ng buhay ay incindental at exception ang class mobility sa bansa.

Halos tratuhin din nitong feeding program at pamimigay ng relief goods ang mga reunion sa mga kamag-anak na kung hindi man humirap ay binatbat ng ekonomik na mga problema. At gaya ng mga gitnang uring manonood ng mga pelikulang poverty porn ang dyanra, sabik itong makarinig ng mga kwento ng paghihirap. Mas mabigat ang mga kwento, mas handa itong tumulong- artipisyal man, pangako, gamit o pinansyal.

Mala-teleserye pero ito ang realidad. Nagbibigay ng limos kada isang taon, pero arogante sa pangaral, kahit pa maaari namang tumulong higit pa sa isang beses dahil higit namang sagana dati pa. Madamot,  hindi lang dahil usapin ito ng values pero dahil takot itong kahit anomang oras ay kumulang ang maliit nitong sobrang kita at mapabilang sa mahihirap. Kaya sa totoo lang, ang tulong na ibinibigay taon-taon ay mas para sa nagbibigay kaysa binibigyan- legitimization ng pag-angat sa buhay, pagpapayapa sa konsensya at denial sa mismong pagiging bulnerable kahit mismo ng sarili.

Kahit kapaskuhan, kung saan mas higit na mabait ang mga tao at may artipisyal na ligaya, kita pa din ang pangingibabaw ng isang hindi magandang kultura na higit pang masahol kung nagiging laban sa mga mahihirap. Lalo naman din kapansin-pansin ang lumalalang kondisyon ng bansa na halos salaminin na ng aming mga taunang pagtitipon sa pamilya- kawalan ng trabaho, paglala ng kahirapan sa bansa, atrasadong kaisipan at patuloy na arogansya ng gitnang uri.

Ngayong 2014, bago man ang taon, lumang mga suliranin pa din ang kakaharapin.

Matino Ba Ang Tri-Media?

$
0
0

Kalimitan, nakakaalibadbad at nakasusuka nang manood ng lokal na mga programa sa telebisyon.  Nakasasawa na ang santambak na mga kahangalan at kabalbalan.  Hindi na kailangang banggitin pa ang mga programang iyon; buksan na lamang ang lokal na mga estasyon at mapatutunayan ang tawag ni McLuhan na isang “idiot box” ang telebisyon.  Nariyan ang mga drama ng iyakan at sigawan na inaagusan ng balun-balong luha ng kapighatian; nariyan ang mga telenobela ng malalapot na paglalambingan at nanggigitatang pag-iibigan kasama na ang dayuhang mga dramang pinamamayanihan ng de kahong mga paksang pobreng lalaki at mayamang babae o maralitang dalaga at mayamang binata; nariyan ang mga pantasiya’t kababalaghan na namumutiktik sa mga drakula at aswang; nariyan din ang walang humpay na sayawan at awitan at kung anu-anong palarong ginagago ang mga kalahok na naglalaway sa premyong pera bunga ng malupit na karalitaan.  Kung wala marahil ang mga programa sa balita (puwera ang mga estasyon ng gobyerno na batbat ng propaganda’t kasinungalingan), maaari nang pagdurug-durugin at itapon sa basurahan, gaya ng naghambalang na mga babasahing komersiyal, ang bawat telebisyon sa buong bansa.

Malabong anino ang reyalidad sa nabanggit na mga palabas.  Malinaw na lantarang inilalayo sa katotohanan ang sambayanan at isinasalaksak sa kanilang kaisipan ang iba’t ibang ilusyon upang patuloy silang maaliw at makalimutan ang nagdudumilat na mga dahilan ng kanilang karalitaan, kaapihan at kabusabusan.  Sa layuning hindi mamulat, magalit at maghimagsik ang sambayanan laban sa uring mapagsamantala,  pilit na itatago ng ilang makapangyarihan, maimpluwensiya’t mayamang mga diyus-diyosan sa tri-media (radyo, telebisyon at babasahin) ang naghuhumindig na mga katotohanang magpapalaya sa mga mamamayan sa kamulalaan at, di nga kasi, maaari ding magwasak sa nakasusulukasok na pambansang kalagayan.

Sino nga ba ang kumukontrol sa tri-media?

Ilang mayamang pamilya lamang, kasama na ang tuso’t negosyanteng mga pulitiko — maliban marahil sa tagapaglathala ng PINOY WEEKLY — ang batbat ng impluwensiya’t kapangyarihan at nagmamay-ari ng pangunahing mga publikasyon at mga estasyon ng radyo’t telebisyon.  Natural, upang mapangalagaan ang mapandambong nilang mga interes — lalo na ang imperyo ng kanilang nagkalat na mga negosyo — pakikialaman at pakikialaman nila’t didiktahan ang kanilang mga publikasyon at estasyon at, higit pang masama, walang habas nilang pilit na inililigaw ang damdaming-bayan o opinyon publiko, binabaluktot  nila’t  pinaglalaruan ang katotohanan upang manatiling gago’t bulag ang sambayanan.

Ipahihintulot kaya ng isang asendero, kung gayon, na ilathala sa kanyang magasin o ibalita sa kanyang peryodiko kung paano siya nangamkam ng mga lupain o kung paano niya sinasalaula ang batas sa reporma sa lupa?  Maglalathala kaya siya ng mga kuwento o nobela, drama o tula, tungkol sa kasuwapangan at kawalanghiyaan ng mga propiyetaryo o katusuhan ng mga asendero, at kung paano nila patuloy na pinagsasamantalahan, inaalipin at binubusabos ang kanilang mga magsasaka?

Ipalalabas kaya ng ganid na kapitalista sa estasyon ng kanyang telebisyon kung paano niya kinakatas sa kanyang pabrika’t korporasyon ang pawis at dugo ng kanyang mga trabahador upang magkamal lamang siya ng limpak-limpak na tubo?  Papayagan kaya niyang ibandila sa mga programa sa kanyang estasyon na mag-organisa ang mga manggagawa, magsipagtayo ng unyon, ipaglaban ang kanilang lehitimong mga karapatan at magwelga kung nagbibingi-bingihan sa kanilang mga karaingan ang salanggapang na kapitalista?

Ipahihintulot kaya ng bastardong pulitiko na ibalita sa estasyon ng radyong kontrolado niya kung paano siya nandaya sa eleksiyon, kung paano siya namili ng boto, kung magkano ang kinulimbat niya sa pondo ng bayan, kung magkano din ang tinanggap niya mula sa sindikato ng ilegal na sugal at droga, at kung sinu-sino din ang kanyang ipinapatay lalo na ang mga kalaban niya sa pulitika, bukod sa mahihigpit niyang kritiko?

Sabagay, hindi na dapat ipagtaka, sa prinsipyo ng mga diyus-diyosan at basalyos ng masusugid na tagapagtanggol ng bulok na status quo, makatuwiran nga lamang na baluktutin nila ang lahat mapangalagaan lamang ang kanilang impluwensiya, pribilehiyo’t kapangyarihan.  Batay sa kanilang pagmamaniobra at makasariling interpretasyon ng mga bagay-bagay, ang totoo’y puwedeng maging kasinungalingan o puwedeng maging kabulaanan ang lantay na katotohanan.

Alin nga ba ang totoo pa sa mga babasahin at sa mga programa sa radyo’t telebisyon?

Sinalakay pa nga ang tri-media ng isa pang matinding ilusyon — ang naghambalang ngayon na iba’t ibang sektang panrelihiyon. Sa telebisyon na lamang, may misa kung Linggo sa iba’t ibang estasyon.  Malaking oras ang nilalamon ng iba’t ibang grupong relihiyoso na patuloy na  nagsisiraan, nagpapaligsahan, nagpapagalingan at nang-aakit ng posibleng mga miyembro.  May pakulo ang El Shaddai, may karnabal ang JIL (Jesus Is Lord), may sarsuwela ang INC (Iglesia ni Cristo), may pasiklab ang Dating Daan.  Bukod pa ang mga nabanggit sa naghambalang na mga pastor at ministro na nagdudumakdak sa mga estasyon sa radyo man o telebisyon na para bang mga henyo sa Bibliya at tanging may karapatang mangalandakan kung ano ang tamang interpretasyon ng sinasabing “banal na mga salita” ng itinuturing nilang Diyos.  Lumilitaw tuloy na sa sinasabi nilang kalangitan — saanman iyon — may kani-kanila na silang esklusibong subdibisyon para sa nananampalataya nilang mga kampon.

Sa kasalukuyan tuloy, waring isang damong sumibol sa disyerto ang magkaroon sa tri-media ng mga babasahin at programa sa radyo’t telebisyon na matapat na tagapaglarawan ng reyalidad o tagapagbandila kaya ng mapagmulat at mapagpalayang katotohanan.  Kung mayroon man, pasaglit-saglit lamang ang buhay nito at, kalimitan, agad na naghihingalo.  Natural, wawasakin at dudurugin ng uring naghahari-harian sa lipunan at namumunini sa tiwaling establisimiyento ang anumang daluyan ng matino, makatotohanan, mapagmulat at mapagpalayang mga kaisipan.  Wala na nga yatang puwang ang katinuan sa Republika ng mga Ilusyon.

Mga kuwento sa piitan

$
0
0

Mula Selda 5 ng Mati City Provincial Jail, inilipat ako sa Selda 4 ng Baganga Jail sa Davao Oriental. Maraming malakas na hampas ng mga alon ng Karagatang Pasipiko habang tanaw naman mula rito ang mahabang bulubundukin ng Davao Oriental. Sa loob naman ng mga selda ay maririnig ang maraming kuwento na tila ang selda ay isa ring karagatan ng kabiguan, pagkakamali, walang katotohanang bintang na mababasa sa mga papel ng korte, at maging mga desisyong hindi kailanman pinagsisisihan dahil pinaniniwalaang tama lang. Tanaw naman mula sa loob ng bilangguan ang bulubundukin ng pag-asa ng paglaya at pagbabalik sa mga mahal sa buhay at sa mga lupang naiwan at naghihintay na maalagaan at madiligang muli.

Si Tatay Pedro (hindi tunay na pangalan) ay apat na buwan na sa piitan. Ang sabi sa papel, nagnakaw siya (qualified theft)–isang paratang na pawang kasinungalingan, ayon sa kanya, paratang na ibinunga ng pagiging mangmang ni Tatay Pedro. Hindi siya nakakapagbasa at nakakapagsulat maliban na lamang sa pagguhit sa papel ng kanyang pirma.

Ngunit hindi na mahalaga ang buong kuwento sa kaso ni Tatay Pedro, sapagkat anuman ang kahihinatnan ng kanyang kaso ay matagal ng sinentensiyahan si Tatay Pedro ng kanyang tagal dito sa mundo. Siya ay 78-taong gulang na! Dahil sa bagal ng usad ng hustisya, ang patuloy na pagkapit ni Tatay Pedro habang hinihintay na kumpirmahin ng korte ang kanyang pagiging inosente sa akusasyong ibinato sa kanya ay walang pagkakaiba sa pagpapataw ng parusa sa taong may kasalanan. Huwag na nating hintaying abutin ni Tatay Pedro sa loob ng piitan ng mga inosente ang katapusan ng kanyang buhay na sana ay iginugugol niya sa piling ng kanyang asawa at apat na anak ang kanyang nalalabing taon. Tanggalin na natin ang piring ng hustisya upang makita nito kung gaano na katanda at kahina ng pangangatawan ni Tatay Pedro.

Isang kuwento naman ng paglaya ang maririnig sa labi ni Bobong, 28 anyos. Matapos ang halos limang taon sa kulungan, sumuko ang hukuman dahil hindi nito kayang patunayan ang kasalanan ni Bobong. Dalawa sila sa parehong kaso, dalawang preso na pinalaya ng kanilang tagal sa kulungan. Iligal na paghawak ng ipinagbabawal na gamot, marijuana. Tatlong kilo raw ang nakita sa loob ng bag na hawak niya habang sakay sa pampasaherong motor ni Boyet, ang kasamang lalaya. Walang kaalam-alam si Bobong kung ano ang laman ng hawak niyang bag, na pinahawakan sa kanya ni Boyet.

Pasahero lamang siya pababa ng bundok kung saan siya ay naghahanap-buhay, kung saan kasama siya sa mga namumutol ng mga malalaking puno tulad ng lauan at narra para maibenta sa mga negosyante na naghihintay sa kalunsuran. Sakay sa motor, pababa na sila papunta sa lungsod nang sila ay hinarang ng isang dosenang sundalo na nakadeploy sa mga panahong iyon sa barangay kung saan nagaganap ang pamumutol ng mga puno at pagtatanim ng marijuana. Tinanong sila tungkol sa presensiya ng mga rebelde sa lugar. Hindi na raw kakasuhan kung ituturo ang kuta ng mga rebelde.

Ngunit wala silang alam tungkol dito. Mariing sinabi ni Bobong na hindi kanya ang marijuana at hindi siya kailanman gumamit nito. Itinuro niya si Boyet na tahimik lang sa buong panahon ng interogasyon. Kumuha ng ilang dahon ng marijuana ang sundalong nagtatanong, nilagay ito sa isang piraso ng papel, nirolyo, at sinindihan. Pilit pinahithit si Bobong, inubo siya sa unang higop at sumakit ang sikmura. Palibhasa hindi kailanman nakatikim nito. Pinasa-pasa ang rolyo sa lahat ng sundalo hanggang sa ito ay maubos.

Dinala silang dalawa sa Mati para sa drug testing. Positibo si Boyet. Negatibo si Bobong. Inilipat ang kustodiya sa mga pulis ng Baganga. Apat na taon ang nakaraan, matapos ang ilang skedyul ng hearing sa korte, nagdesisyon ang punong hukom na idismis ang kaso. Hindi na kayang patunayan ng hukuman ang kasalukuyang inakusa sa kanila. Ang balita ay patay na raw ang sundalo na pumirma sa papeles ng paglipat nila sa pulis. Wala ni isang sundalo na mga humuli sa kanila ay tumestigo na wala naman sila sa aktuwal na paghuli. Ang tanging witness, ang sundalo na patay na. Namatay daw sa isang engkuwentro sa mga rebelde. Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Bobong at Boyet sa mga rebelde.

Makikita sa mga mata at ngiti ni Bobong ang tuwa at saya habang nililigpit ang mga gamit sa kulungan. Hinihintay na lang ang release order ng kanyang paglaya sa bilangguan ng Baganga. May mga plano na raw siya kung ano ang gagawin sa labas ng bilangguan. Patuloy na maghahanap-buhay nang marangal. May lumapit na opisyal ng gobyerno at nag-offer ng posibleng hanapbuhay, magiging bodyguard nito. Isang buwan muna daw siyang magpapahinga sa kanyang mga magulang bago tanggapin ang offer.

Si Boyet naman ay babalik sa kanilang barangay kung saan naghihintay ang kanyang mga magulang, kapatid, at lupaing puwedeng pagtamnan ng gulay, prutas, o marijuana.

(Salamat kay Laorence Castillo para sa encoding.)

Wanted: Foreign Workers

$
0
0

Balitang-balita ngayon ang pahayag ni Rosalinda Baldoz, sekretaryo ng Department of Labor and Employment, tungkol sa pagpayag ng gobyernong Aquino sa mga dayuhan na magtrabaho sa Pilipinas. Ayon daw sa pag-aaral ng Bureau of Local Employment, sa isang proyektong pinondohan ng European Union, may 15 trabaho sa bansa – mula arkitekto hanggang chemical engineer, guidance counselor hanggang mekaniko ng eroplano – na kulang ang aplikante. Kulang daw ang aplikante dahil kulang ang mga gradweyt sa mga kursong katugma ng mga trabaho. Para mapunuan ang kakulangan, ani Baldoz, hindi na muna ipapatupad ang mga rekisitong itinatakda ng batas sa mga dayuhang mag-aaplay sa mga naturang trabaho. Pansamantala lang naman daw ang hakbangin hanggang makapagpagradweyt ng mga Pinoy na pupuno sa kakulangan.

Mabilis ang reaksyon ng mga progresibong grupo, ng mga komentarista at maging ng karaniwang tao: malaking kalokohan! Ang batayan nila: napakatindi ng kawalang-trabaho sa bansa. At hindi sila mauubusan ng malalagim na datos na pansuporta: Nangunguna ang Pilipinas sa pag-eeksport ng lakas-paggawa sa buong mundo at sa kawalang-trabaho sa buong Asya. Nitong mga nakaraang taon, dumarami ang mga Pilipinong lumalabas ng bansa para magtrabaho kahit lumiliit ang paglago ng remitans na pumapasok sa bansa. Pinakamarami ngayon sa kasaysayan ang walang trabaho sa Pilipinas, kahit pa dinodoktor ng gobyerno ang datos sa empleyo. Nagkalat ang mga sintomas ng malaganap na kawalang-trabaho: human trafficking, drug mule, pulubi at lagalag, prostitusyon kapwa sa kalsada at Internet, ilang milyong batang nagtatrabaho.

Bakit, kung gayon, nililikha ng gobyernong Aquino ang mito ng kakulangan ng mga aplikante para pahintulutan ang pagpasok ng mga dayuhang manggagawa sa bansa? Una, dahil dikta ito ng mayayaman at makapangyarihang bansa, pangunahin ng US. Simula dekada ’80 at ’90, ipinapatupad ng malalaking kapitalista na naghahari sa gobyerno ng mga naturang bansa ang “liberalisasyon,” na mas tamang tawaging “deregulasyon,” ng pamilihan ng lakas-paggawa. Gusto nila ng akses sa mura at siil na lakas-paggawa sa mahihirap na bansa – sa pamumuhunan sa mga ito at sa pagkuha ng mga migranteng manggagawa mula sa mga ito. Isinulong nila ang layuning ito sa balangkas ng pagpapahintulot ng palitan ng lakas-paggawa – sa General Agreement on Trade in Services, halimbawa, kunwari’y pupunta ang manggagawang Kano sa Pilipinas.

Ikalawa, dahil malaganap ang kawalang-trabaho sa mundo ngayon dulot ng krisis pang-ekonomiya at pampinansya na pumutok noong 2008 at nagpapatuloy hanggang ngayon. Kung mayroon mang internasyunal na trend na binabantayan ngayon sa larangan ng paggawa, iyan ay ang kawalang-trabaho. Malaganap ito maging sa mga abanteng kapitalistang bansa: May seksyon ng walang trabaho sa Espanya at mga kahanay na bansa sa Timog Europa, halimbawa, na pumupunta sa Latin America para magtrabaho. Pero mas palitan ng lakas-paggawa kahit sa hanay ng mahihirap na bansa ang posibleng umigting, at dito mailulugar ang palagiang pagkukumpara ng minimum na pasahod sa kanila. Kinukudkod ang ilalim ng kaldero, kumbaga. Nangunguna rin ang Pilipinas sa usaping ito; tingnan na lang ang mga Pinoy sa ibang bansa sa Timog Silangang Asya.

Sa mga abanteng kapitalistang bansa, ang mga kilusang rasista at maka-Kanan ang maingay sa pagtugon sa isyu ng migrasyon at trabaho. Kaiba sa kanila, nasa Kaliwa sa bansa ang mga tumutugon ngayon sa pahayag ni Baldoz. Bukod sa naniniwala silang hindi katanggap-tanggap ang rasismo, malinaw sa mga tumutuligsa na ang puntirya ay ang patakaran ng mga naghaharing uri na kinakatawan ng gobyernong Aquino, hindi ang mga dayuhang manggagawa na maaaring pumasok sa bansa. Malinaw rin sa kanila na ang problema ay hindi ang pagsasalo ng mga Pilipino at dayuhan sa kakaunting trabaho sa bansa, kundi ang kakaunting trabaho sa bansa. Malinaw na ipinapakita ng patakarang ito ang kapalpakan ng gobyernong Aquino na lumikha ng disenteng trabaho sa bansa at ang pangangailangan ng reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon.

17 Enero 2014

Saan nanggagaling ang talino at kalistuhan ng bata?

$
0
0

Hanggang ngayon, hindi pa rin makalimutan ng aking ina ang isang pangyayari noong high school graduation ko. Isang klasikong kuwento ng kahapon ito na hindi na mawawalan ng kapangyarihang patawanin kaming lahat sa pamilya. Kahit ngayon, habang sinusulat ko ito, hindi ko maiwasang ngumiti at matawa sa alaalang ito.

Pagkatapos ng graduation ceremonies noong hayskul, dumalo kami ng mga magulang ko sa pagsasalo kasama ang iba pang honor students at ang mga magulang nila, kasama ang mga guro sa paaralan, mga pinuno ng subject departments, ang principal, at mga panauhing pandangal na, kung hindi ako nagkakamali, mataas ang posisyon sa pambansang opisina ng DECS (Department of Education, Culture and Sports, ang dating pangalan ng DepEd) noon.

Tinanong ng panauhing pandangal ang aking ina kung paano raw ako pinalaki. Nagtataka o curious siguro siya kung paano ko nakuha ang halos lahat ng parangal, mula sa pinakamahusay sa Math, Science, English, Filipino, Home Economics & Technology, at iba pang asignatura, pati na rin sa Journalism at ang dalawa pa. Leadership Award lang yata ang hindi naigawad sa akin. Dahil hindi naman sanay ang aking ina sa ganoong sitwasyon–bilang hindi naman mataas ang kanyang pinag-aralan, hindi sanay sa wikang Tagalog, at hindi sanay na kausap ng isang taong may mataas na puwesto sa gobyerno. Wala siyang ibang nasagot kundi ang napakaiksing “pinadede, pinakain,”–sabay tawa.

Nagtawanan kami ng aking ama matapos ang kanyang napakasimpleng sagot. Hindi matapos ang aming tawanan kahit nasa jeep na pauwi ng bahay. Matagal namin itong pinagtawanan at pinag-usapan sa bahay. Hindi ko na maalala kung ano ‘yung binitawang mga salita ng aking ama nang tanungin kung ano ang kanyang isasagot halimbawang siya ang tinanong ng panauhing pandangal. Parang may mga binaggit siyang “pinalaki nila kami sa disiplina, mapagmahal sa kapwa, at malayang isipan.”

Napakasimple mang pakinggan ang sinagot ni Mama, pero may mabigat na basehan ito kung tatanungin ang librong Gabay at Lunas Sa Mga Karaniwang Karamdaman na inilathala ng Caritas Manila. Sabi sa libro, mas matalino at listo ang batang pinasuso ng ina. Hindi rin ito taliwas sa bagong findings sa larangang epigenetics na nagpapakitang ang arugang ibinibigay ng ina, partikular ang haplos na natatanggap ng sanggol ay may malaking epekto sa normal na paghubog ng utak nito.

Sa artikulong pinamagatang “DNA Is Not Destiny” ni Ethan Watters, isinalaysay ng manunulat ang iba’t ibang pananaliksik sa epigenetics na nagpapakitang ang paglaki ng isang organismo ay dinidikta hindi lamang ng DNA nito (genetics) kundi pati na ng kapaligiran nito, lalung lalo na habang ito’y binubuo pa lang sa katawan ng kanyang magulang at sa unang mga taon ng kanyang buhay. Nagsimulang humuli ng interes ang mga pananaliksik na ito ng dumaraming siyentista noong panahong nasa high school pa lang ako, sa mga unang taon ng dekada ’90.

Batay sa lumalabas na mga kaalaman sa larangang ito, hindi natin masasabi na ang katangian at pag-uugali, maging ang katalinuhan, ng isang tao’y simpleng namamana lamang sa mga magulang. May impluwensiya rin sa paghubog ng utak at alagang ibinigay sa tao habang sanggol pa ito. Hindi na bago ang kaalamang ito. Hindi na makakagulat ito sa maraming Pilipinong nanay (at nanay sa iba pang bansa) na matagal nang maingat at ibinigay ang lahat ng kayang ibigay sa kanilang mga sanggol at maging sa sanggol ng kanilang kapitbahay.

Bagamat hindi ito bagong kaalaman sa ating kultura, ang mga modernong pananaliksik ay nagbibigay ng mas matibay na pundasyon sa kaalamang ito—pundasyon na nakakatulong para makatuklas ng mga interbensiyong teknolohikal sa kaugnay na mga problema.

Sa isang pag-aaral ni Michael Meaney, isang biyolohiko sa McGill University sa Canada, tiningnan nila ang magnetic resonance imaging (MRI) na litrato ng utak ng mga adult (o mga tanong nasa tamang gulang na) na mababa ang timbang noong ipinanganak. Sa palatanungan (questionnaire) na sinagutan ng mga adult, tinanong sila kung gaano kaganda ang relasyon nila sa kanilang ina. ’Yung mga taong hindi maganda (poor) ang kanilang relasyon sa kanilang ina ay nakitang may hippocampus na mas maliit kaysa sa karaniwan. ’Yung mga tao naman na nagsabing malapit sila sa kanilang ina ay nakitang may normal na laki na hippocampus.

Ang hippocampus ay isang bahagi ng utak na may kinalaman sa pagresponde ng mga tao sa problema o stress sa buhay

Tanggap ni Meaney na hindi ganoon kasolido ang koneksiyon dahil may kaakibat na suhetibismo ang mga sumagot sa questionnaire tungkol sa kanilang relasyon sa ina. Ganumpaman, malaki ang suspetsa ni Meaney na ang aruga ng magulang (quality of parenting) ay may impluwensiya sa magkaibang hugis ng mga utak ng taong kasama sa survey.

Sa isang pagsisikap na gawing solido ang koneksiyon, inilunsad niya at ng iba pang mananaliksik ang isang ambisyosong limang taon at multimilyong dolyar na pag-aaral na titingin sa epekto ng pag-aaruga sa ilang daang sangol. Bilang test group, ginamit ni Meaney ang mga inang may nararamdamang matinding kalungkutan (depression), na madalas ay may kahirapan sa pagbibigay ng pagmamahal at pag-aalalga sa kanilang sanggol na magreresulta naman sa madalang na paghaplos (caress) nila kaysa sa mga sanggol sa mga inang walang depresyon na nararamdaman. Ang kanilang sentral na tanong ay kung may kinalaman ang haplos sa sanggol sa malusog na paglaki ng utak nito.

May nauna nang eksperimento si Meaney kaugnay nito. Kasama ang estudyante niyang si Ian Weaver, kinumpara nila ang dalawang uri ng inang daga: iyong masipag na dinidilaan ang mga sanggol nito at iyong pinapabayaan lang ang kanilang sanggol. Lumaki ang mga dagang sanggol sa ilalim ng dalawang ina na may pagkakaiba sa ugali. Ang mga sanggol na dinilaan ay lumaking relatibong matapang at kalmado (para sa mga daga). Ang mga sanggol naman na pinabayaan ay lumaking nerbyoso at humaharurot sa pinakamdalim na sulot kapag nilipat sa bagong kulungan.

Ang resulta ng eksperimentong ito ni Meaney at Weaver ay hindi kumpletong naipaliwanag ng simpleng genetic na dahilan lamang; pareho lang naman ang lahi ng dalawang uri ng daga. Bagamat hindi malinaw sa artikulo ni Watters, maaaring ginawa rin nila sa eksperimento na ilagay sa kulungan ang sanggol na daga na hindi direktang nanggaling sa inang daga sa parehong kulungan. Kumbaga, hindi nito simpleng namana ang pag-uugali noong malaki na sila. Sa kabilang banda, hindi rin masasabing natutunan lang ito ng daga na matatapang at kalmado dahil sanggol pa lang ito noong kasama nito ang ina.

Sa madaling salita, ang pagkakaiba ng pag-uugali ay magkahalong epekto ng nature (genetic) at nurture (environment). Ayon kay Meaney, “Hinahamon ng eksperimentong ito ang mga teorya sa larangang biyolohiya at sikolohiya (psychology). Ang mga pang-angkop na katangian (adaptive responses) ay hindi namamana o basta na lang umusbong mula sa DNA, kundi nahuhubog ng kapaligiran.”

May isa pang aspekto ng eksperimento na hindi pa natin natalakay dahil nangangailangan pa ito ng mas malalim na kaalaman sa biyolohikal na mekanismong kinasasangkutan ng DNA. Matapos suriin ang brain tissue ng parehong daga na dinilaan at hindi dinilaan, nakita ng mga mananaliksik ang malinaw na pagkakaiba sa DNA metylation patterns sa hippocampus cells ng bawat grupo. Ang resulta nito’y ang mas maraming aktibong serotonin receptors sa mga dagang dinilaan kung kaya ay mas mababa ang stress hormone na cortisol sa utak nito na siya namang dahilan kung bakit sila kalmado. Ang mas mataas na antas ng cortisol sa mga dagang hindi dinilaan noong sanggol pa ay siyang dahilan kung bakit nerbiyoso ang mga ito at magugulatin kapag nalilipat sa bagong kulungan. Sa pamamagitan ng simpleng pag-uugali ng nanay tulad ng pagdidila sa sanggol nito, direktang hinuhugis ng mga nanay na daga ang utak ng kanilang mga supling.

Upang maunawaan kung ano itong DNA methylation, ihambing natin ang mga rekado para sa isang malaking paggawaan ng samu’t saring kemikal. Ang bawat rekado’y hindi pangalan ng aktuwal na panghalong kemikal kundi isang code o address ng drawer kung saan nakalagay kung paano ito lulutuin mula sa apat lang na pinakasimpleng panghalo na mayroon sa kusina. Hindi lahat ng drawer ay maaaring buksan. Mayroong ilan na likas na nakakandado kaya kahit nakalagay pa rin ang address ng rekadong ito sa listahan (ang DNA) ay hindi pa rin ito puwedeng lutuin ng kusinero–hindi niya makukuha ang instruksiyon ng pagluto sa loob ng drawer. Ang DNA methylation sa ganitong paghahambing ay ang paglalagay ng kandado sa drawer. Pinipigilan nito ang pagluto ng rekadong kinandado. Ang listahan ang DNA–ang address ng drawer ang gene–at ang paglalagay ng kandado sa drawer ay ang DNA methylation. Ang kandado naman ang tinatawag na dimmer switch.

Sa eskperimentong Meaney-Weaver, ang nakita nilang epekto ang pagkatanggal ng kandado sa drawer kung saan may instruksiyon o recipe ng pagluto ng aktibong serotonin receptors, na espesyal na mga protinang nakadikit sa mga pinto o gate ng malaking pabrika sa hippocampus. Maaari nating ihambing ang hippocampus sa isang siyudad na may maraming malaking pabrika na maaari namang ituring na kahambing ng selyula sa hippocampus. Maliban sa hippocampus, may isa pang siyudad sa utak na ang espesyalisasyon naman ay ang paggawa ng kemikal na serotonin, isa pang tipo ng protina na pinapadala sa hippocampus.

Ang pagdila at paghaplos sa dagang sanggol ay nagbibigay ng pahintulot o utos sa siyudad ng mga serotonin na gumawa sila ng marami nito. Pagkagawa nila ng serotonin, pinapadala nila ito sa hippocampus at malamang sa iba pang bahagi ng utak, o iba pang mga siyudad na may kanya-kanyang espesyalisasyon. Ang mga pinapalaki na serotonin ay nakikita at kinukuha ng serotonin receptors sa pintuan ng malaking paggawaan. Pagkatanggap sa serotonin, magsisigaw na sa loob ng pabrika ang serotonin receptors na nakatanggap ito ng serotonin, isang mensahe sa pabrika upang bawasan kung hindi man itigil ang pagluto ng stress hormone na cortisol. Sa madaling salita, ang pagdila sa sanggol ng daga ay magtatalaga ng serotonin receptors sa hippocampus nito na magbibigay sa daga hanggang pagtanda ng kakayahang bawasan ang cortisol sa utak.

Ang ganitong papel ng serotonin na nagpapababa sa stress chemical na cortisol ang siyang dahilan kung bakit ito binansagang happy hormone. Ngunit hindi eepekto ang serotonin kung walang receptors para dito. Kumbaga hindi malalaman sa loob ng pabrika na maraming dumating na serotonin sa labas nito kung walang serotonin receptors sa may pintuan. Maaari ring sabihing may nag-iisang pirma ang serotonin na serotonin receptors lang ang nakakakilala.

Mahigpit na nakapulupot ang DNA sa mga protinang tinatawag na histone. Kailangan munang luwagan ang pagkapulupot nito bago mabasa ang impormasyong taglay nito. Dahil dito, ang pagbabago sa mga histone ay nakakaapekto sa pagbasa ng ilang genes. Kung luluwagan ang pagkakapulupot sa isang bahagi ng DNA na likas na sobrang higpit, magbibigay ito ng pagkakataon sa mga apektadong gene na mabasa. Kung mahihigpitan naman lalo ang pulupot, mahihirapang basahin ang impormasyon sa bahaging ito ng DNA, at maaaring hindi na maluto ang kinakailangang protina. Ito ang tinawatawag na histone modification at pangalawa sa hindi bababa sa tatlong paraaan ng pagbabagong epigenetiko. Ang pangatlong paraan, na hindi ko kabisado kung paano nangyayari, ay ang tinatawag na chromatin remodelling.

Kasama ang DNA methylation, ang tatlong pagbabagong epigenetiko’y may malaking epekto sa pagbasa o hindi pagbasa ng impormasyong taglay ng DNA sa bawat selyula ng ating katawan. Hindi nila binabago ang genetic code mismo, pero malaki ang mga naidudulot na pagbabago ng tatlong prosesong ito sa katangian at pag-uugali ng organismo. Dagdag pa riyan, namamana rin sa ibang henerasyon ang mga pagbabagong ito.

Na namamana ang pagbabagong epegenitiko ay isang nakakagulat na kaalaman kamakailan sa larangang ito—kaalaman na maaaring magtulak ng malaking pagbabago sa teorya ng eboluyson na sinimulan ni Charles Darwin. Hindi lang pala ang mahabang listahan na DNA ang naipasa ng mga magulang sa kanilang mga anak. Hindi inakala ni Michael Skinner, isang geneticist sa Washington State University, na ang pagbabago sa bayag ng mga anak na daga ng inang daga na binigyan niya ng isang kemikal na panlaban sa amag (fungicide) ay mamamana ng mga apo ng inang daga.

Sa isang eksperimentong ginawa niya noong 2004, tinurukan niya ng maraming dose ng kemikal ang inang nagbubuntis. Mababang bilang ng sperm cells ang epekto nito sa mga anak na daga. Laking gulat niya nang makitang maging ang apo ng kontamindong inang daga ay mababa din ang sperm count. Ganoon din ang apo sa tuhod at mga sumunod pa na henerasyon nito. Bagamat walang pagbabago sa DNA na idinulot ng fungicide, namamana pa rin ang epekto nito.

Sinalaysay ni Watters sa kanyang artikulo sa lathalaing Discover na lumabas din sa aklat na The Best American Science and Nature Writing of 2006 ang implikasyon ng mga bagong kaalaman sa epigenetiko sa maraming aspekto ng buhay ng tao. Nandiyan ang malaking posibilidad na magagamit ito sa pagdidisenyo ng diet at mga gamot. Binanggit din ng mga siyentistang kanyang kinapanayam ang epigenetikong epekto na maaaring maidulot ng prenatal vitamins tulad ng folic acid na kilala bilang methyl donor—isang kemikal na kailangan para mangyari ang prosesong DNA methylation. Malamang ang colostrum sa suso ng bagong panganak na ina ay may epigenetikong pagbabago na naidudulot sa sanggol.

Sa lahat ng implikasyon ng epigenetiko na nabanggit sa artikulo, ang paboritko ko ’yung sinabi ni Randy Jirtle, isang eksperto sa kanser sa Duke University. Sinabi niya na ibinalik ng epigenetiko ang konsepto ng free will sa ating ideya tungkol sa DNA.

(Salamat kay Consie L. Taguba para sa encoding)

Viewing all 532 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>