Quantcast
Channel: (Kolum) – Pinoy Weekly
Viewing all 532 articles
Browse latest View live

Hustisya para kay Jory Porquia

$
0
0

Isang beses lang niyang nakilala si Jory Porquia, minsang nakapunta siya sa Iloilo. Ramdam niya noon na isa ito sa mga inirerespetong aktibista sa lugar.

Nitong huli, nakikita lang niya si Jory sa mga Facebook post ng anak nitong si Lean “Ian” Porquia, dating lider-aktibista rin sa Panay na ngayon ay pambansang lider ng mga empleyado sa Business Process Outsourcing, mas kilala na “call center.”

Sa pagkakatanda niya, sa bawat pagkakataong nakita niya ang larawan ni Jory sa post ni Ian — kahit pa kumakain sa restawran o namamasyal — naglagay siya ng Heart o Like reacts. Para sa kanya, pagpapakita iyun na kilala niya ang kapwa-aktibista, pagpapakita, kahit paano, ng respeto at suportang moral.

Isa sa mga mukha ng aktibismo sa rehiyong Panay si Jose Reynaldo “Jory” Porquia. Sabi ni Lean, labas-masok sa kulungan ang tatay niya noong Martial Law. At mula noon hanggang ngayon, tuluy-tuloy siyang naging aktibista; walang sinantong presidente. Hindi kataka-taka, nagkaroon siya ng anak na aktibista rin. Dahil sa mga katulad ni Jory kaya nagpapatuloy ang apoy ng aktibismo sa rehiyon.

Sa loob ng maraming taon, gaya ng maraming lider-aktibista sa bansa at lalo na sa mga rehiyon, nakaranas ng iba’t ibang banta sa buhay at pambabansag na Komunista si Jory. Ang layunin: patigilin siya sa kanyang aktibismo, nitong huli bilang coordinator ng partylist na Bayan Muna sa Panay.

Ayon sa grupong Karapatan, “Simula Disyembre 2018, ang larawan ni Porquia, kasama ang mga larawan ng iba pang aktibista at abogado sa Panay, ay inilagay at malisyosong binansagang Komunista sa mga polyeto na matatawag lamang na ‘hitlist’.”

Sinong matutuwa at makikinabang kung tumigil sa aktibismo si Jory at mga kasamahan? Ang mga itinuturing nilang kalaban: mga dayuhang kapangyarihan at mga naghaharing elite na kinakatawan ng nakaupong rehimen. Sino ang tagapagpatupad nila? Ang militar at pulisya. Sa paraang halata at hindi halata, sila ang responsable sa pagbabanta at pambabansag kay Jory.

Si Jory, ikatlo mula sa kaliwa, sa paglulunsad ng Fight Covid-19 People’s Alliance, sa Iloilo, kasama ang mga miyembro ng Filipino Nurses United. PInangunahan niya ang relief at feeding missions sa mga maralitang komunidad sa Iloilo bago siya pinaslang kaninang umaga. Larawan mula sa FB account ni Jory Porquia

Ngayong Abril 30, ala-singko ng umaga, pinaslang si Jory sa Arevalo, Iloilo City. Mag-isa siya at walang kalaban-laban. Siyam na bala ang itinanim sa katawan niya ng isang lalake na may tatlong kasamahan.

Hindi na dapat magtaka kung sino ang nasa likod: ang mga nagbanta at nagbansag sa kanya sa maraming taon. Ngayon, malinaw: patikim ang lahat ng iyun sa pagpaslang sa kanya. Sila ang nasa likod: ang mga nagbabanta at nagbabansag sa maraming aktibista. Ang mga pumapatay sa mga aktibista at sa maraming maralita. Ang rehimeng Duterte na kinatawan ng mga naghahari uri sa bansa at utak ng militar at pulisya.

Malinaw sa memorandum na lumilikha sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagtatak sa mga aktibista katulad ni Jory na mga Komunista at prente ng rebeldeng New People’s Army o NPA. Kahit sinong makabasa, makikita ang sistematikong plano ng pag-atake sa mga progresibong organisasyon. Hindi maaalis isiping may target sila na numero ng papaslangin sa bawat panahon, kasama na ang mga “high profile” na aktibista. Si Jory ba ang Randy Malayao (konsultant ng National Democratic Front, pinaslang noong Enero 30, 2019) ngayong taon?

Pinatay si Jory sa gitna ng pandemya ng Covid-19. Lantad sa marami ang kriminal na kapabayaan at kapalpakan ng rehimeng Duterte, na nagdudulot ng maraming pagkakasakit at pagkamatay. Malawak ang diskuntento sa rehimen, at marami ang naghahangad ng pagpapanagot lalo na pagkatapos ng quarantine.

Pinatay si Jory isang araw bago ang Mayo Uno, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Matapos utusan ang mga maralita na “sumunod na lang,” matapos silang bansagang “pasaway,” matapos silang sikaping takutin gamit ang brutalidad, sinasabihan sila ngayong “resilient” o matatag sa mga pagsubok. Nabalitaan kaya ng nagsabi ang kaso ng maralitang Sitio Zapatera, Barangay Luz ng Cebu City, kung saan mahigit 100 na ang kaso?

Ang gusto ng rehimen, balik-trabaho ang mga manggagawa, “bagong normal” ang ekonomiya kahit walang katiyakan ang kaligtasan nila: wala pa ring mass testing at contact tracing. Hindi rin malinaw ang priyoridad na bubuksang sektor ng ekonomiya — hindi para sa PPE, pagkain at gamot, halimbawa, kundi ang mga mall. Ipambabala ang mga manggagawa sa kanyon ng “ekonomiya,” sa pakinabang ng malalaking kapitalista.

Malinaw naman ang mensahe ni Duterte sa mga pahayag sa telebisyon sa panahon ng pandemya: barilin ang mga lumalabag sa quarantine, ang mga pasaway. Barilin ang mga NPA — na may dagdag na pakahulugan para sa militar at pulisya na tinuruang kasingkahulugan ng NPA ang mga aktibista.

Hindi makahulagpos ang rehimen sa kriminal na kapabayaan at kapalpakan. Pero ang mga tumutuligsa — ang mga aktibista, ang mga kritiko nito, ang mga mamamayan — gusto nitong patahimikin sa pandarahas at sindak. Kaya naman sunud-sunod na kalupitan, pambubugbog at pagpatay ang walang pagtatagong ginagawa ng militar at pulisya at lumalaganap sa social media.

Hindi pagliligtas ng mga mamamayan sa gitna ng pandemya ang priyoridad ng rehimen, kundi ang pananatili nito sa poder, ang kaligtasan nito sa pagpapanagot. Kaya naman sinasamantala nito ang pandemya para umatake sa mga aktibista, mga kritiko at mga mamamayan.

Maghanda. Dahil tawag-pansin ang pagpatay kay Jory, tiyak na maglalabas ng kaliwa’t kanang paninira ang rehimen. Nito ngang namimigay siya ng relief sa gitna ng pandemya, inakusahan siya ng pulisya na nagkakalat ng virus. Siya na ang tumulong sa kapwa, siya pa ang masama para sa awtoridad. Na para bang hindi rin delikado sa sakit ang namimigay ng relief. Marami ring pagkakataon sa nakaraan, NPA ang inaakusahan sa mga pagpaslang na gawa ng militar at pulisya, tulad kay Randy Malayao — at mayroon pang dagdag na paninira.

Maraming beses na nating nakita: walang respeto sa patay ang rehimeng ito, kung paanong wala rin itong malasakit sa buhay. Mahalagang matandaan ito kapag nagsasabi silang “Nakakaawa naman si Tatay Digong” o kapag humingi sila ng dalamhati at pakikiramay kapag namatay na ang mga berdugo sa poder. Hindi sila karapat-dapat kahit kaunti sa malasakit ng sambayanan.

Pero may hangganan ang pakinabang ng rehimen sa ganyang taktika ng panunupil. Sa panahong dumarami ang nahahatak magmatyag sa pulitika, at nagiging kritikal sa gobyerno at pangulo, mas magdudulot ng tuligsa at galit, hindi ng takot o pananahimik, ang panunupil. Hindi na makakapagtago ang mga salarin. Habang direkta itong pumapatay sa dahas, pumapatay rin ito ngayon sa pagtalikod sa mga hakbanging medikal sa pandemya.

Lalong magiging malinaw sa sambayanan: kailangang ipaglaban ang katarungan para sa sampu-sampung libong pinaslang at dinahas ng rehimeng ito. Tama na ang pagpaslang. Sobra na ang bilang ng nasawi. Panagutin na ang mamamatay-tao. Hustisya para Jory Porquia, hustisya para sa lahat ng pinaslang. Hamon sa sambayanan na kamtin ito.

Pakikiramay sa pamilya ni Jory. Pero sakit ito ng kalingkingan na ramdam ng buong katawan. Ang sambayanan, tayong nakakarami, ang namatayan.

30 Abril 2020

Edel 2

$
0
0

Abril 23, taon ng pandemyang Covid-19, namatay sa edad na 73 si Edel E. Garcellano — kritikong pampanitikan, pangkultura, at panlipunan; manunulat at makata; naging guro kapwa sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Politektnikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP).

Pumanaw siya sa panahong marami ang humahanga sa kanyang mga akda, lalo na ang mga sanaysay ng kritisismo at nobela, mula sa hanay ng mga kabataang estudyante at guro. Tumatak naman siya sa maraming estudyante niya sa klase dahil sa walang sinasantong kritikal na pagsusuri, napapanahong mga paksa, at mapagkutyang pagpapatawa.

Minsang inilarawan ng Diliman Review na “isa sa pinakamabangis na kritiko ng ating panahon,” isang radikal na intelektwal si Garcellano. Tunay siyang disipulo ng motto ni Karl Marx, “kwestyunin ang lahat,” at madalas niyang ginamit ang lenteng Marxista, progresibo at rebolusyunaryo sa pagkwestyon, at pagtuligsa rin, sa marami at sa lahat.

Marami sa mga sulatin niya ang pumupuna sa mga simplistiko, konserbatibo at kontra-pagbabagong pananaw sa literatura, kultura at lipunan — gamit ang mga personalidad na kumakatawan sa mga ito. Madalas, ginagawa niya ito pabor sa maka-Kaliwang pananaw at kilusan.

Simula ikalawang hati ng dekada 90, naging paborito si Garcellano ng isang seksyon ng mga palabasa sa hanay ng mga aktibista UP Diliman, bilang awtor na babasahin at bilang guro na kukuhanin. May mga estudyante siyang nagsasabing naging aktibista sila dahil sa klase niya. Pero sa kalakhan ay mga aktibista na ang may gusto sa kanya, mga naghahanap ng dagdag na babasahin at talakayang progresibo.

Sa paglipas ng mga taon, dumami pa ang kanyang tagahanga, sa hanay ng mga aktibista at dikit sa aktibista, mula sa iba’t ibang paaralan. Isa na siguro siya sa iilang kritiko at manunulat na may mga marubdob na tagahanga sa larangan ng panitikan, kultura at lipunan.

/1/ May paboritong kwento si Maita Gomez, ang beauty queen (ayaw niya ng ganyang pakilala) na naging kasapi ng New People’s Army o NPA, isa sa mga pasimuno ng kilusang kababaihan sa bansa, at propesor sa UP Manila. Minsan daw, pagkatapos ng klase niya, may estudyanteng babae na nagpaiwan.

Nang tanungin niya ang dahilan, ang sabi raw, “Ma’am, hindi po ba, aktibista rin kayo?” Sabi ni Maita, “Oo. Bakit?” Nagkwento ang estudyante ng buhay niya habang lumalaki. Ang buod ng kwento, sa maraming taon, hindi siya — o sila bang magkakapatid? — nakasama at naalagaan ng mga magulang, dahil sa paglahok sa pakikibaka. Nahirapan siya o sila.

“Bakit po ninyo nagawa iyun? Iyung iwan-iwanan lang kami sa kung saan-saan?” tanong ng estudyante na nagsalita nang pangkalahatan para sa maraming anak ng mga aktibista sa isang panahon. “May dahilan po kasi sila na hindi ko matanggap: para raw po sa bayan.”

Sabi ni Maita, “Totoo iyun, para sa bayan. But, also, we did not know any better.” Iyun ang alam namin, at kulang, nagsalita na rin ng pangkalahatan para sa mga kasabayan. “Ang akala namin, ang mga bata, parang damo lang na lumalaki.” Hindi raw nila alam na may partikular na pangangailangang emosyonal at sikolohikal ang mga bata, halimbawa.

Kinwentuhan niya ang estudyante ng mga karanasan ng panganay niya: karay-karay sa gubat, sa puntong nakabisado na ang mga daanan, ang mga halamang matinik na dapat iwasan, gumagawa ng sariling mga laruang simple, kahit mga tansan, ginagamit.

Naiyak daw ang estudyante. Mas naintindihan na raw niya. Nagpasalamat pagkatapos ay nagpaalam.

Edel Garcellano (1946-2020). Larawan ni <b>Karl Castro</b>

Edel Garcellano (1946-2020). Larawan ni Karl Castro

/2/ Minsan, may nadaluhan siyang parangal para sa isang namatay na kasamang alagad ng sining. Para sa kanya, tawag-pansin sa programa ang pahayag ng anak ng yumao.

Istrikto raw ang tatay nito. Bawal guluhin kapag gumagawa ng likhang-sining. Bawal puntahan, lalo’t guluhin, ang lugar na pinagtatrabahuan. Grabeng nagagalit kapag nalalabag ang ganitong mga patakaran. Ang mahahalagang desisyon sa buhay, depende kung ano ang maka-mahirap kumpara sa maka-mayaman o elitista.

“Hindi ka diyan mag-aaral, mga kleriko-pasista ang andiyan. Hindi rin diyan dahil pangmayaman iyan. Hindi ka diyan mag-aaral kasi mga elitista diyan. Hindi rin diyan dahil maraming anti-Komunista diyan. Dito ka mag-aaral dahil narito ang mahihirap at makamasa.”

Sabi ng anak, nasaktan silang magkakapatid sa ganitong ugali at tindig ng ama. Sa mahabang panahon, masama ang loob nila. Pero naunawaan din naman nila paglaon at napatawad.

Naikwento niya ito kay (Ser) Edel. At bago pa umabot sa parte ng pag-unawa at pagpapatawad, sumabat na agad ito: “Kailangan pa niyang lawakan ang pag-unawa niya. Dapat maintindihan niya ang ama niya.”

Mahabang talakayan, hanggang maikwento niya ang kwento ni Maita, taong inirerespeto si Edel at inirerespeto rin ni Edel. Hindi naman tumututol, pero hindi matinag sa punto si Edel.

Madiin ang guro. “Ang mas mabigat na pasanin sa pag-unawa, laging nasa mga anak, nasa mga kabataan, nasa bagong henerasyon.” Kaiba sa ibang pag-uusap, ginusto ni Edel na sa kanya magmula ang mga huling salita sa pagkakataong ito.

/3/ Sa labas ng Kilusan, maraming kasabayan sina Maita at Edel na lumaki sa pagdidisiplina at pagsasalita sa mga anak na matatawag sigurong abuso sa pamantayan ng kasalukuyan. At nadala nila ito hanggang sa kanilang mga anak. Kakatwa, pero baka kailangang dumaan sa mga maka-kaliwang feministang Amerikano…

Kwento ng Aprikano-Amerikanong si bell hooks, noong bata siya ay palakwestyon, palakomento at rebelde siya sa patriyarkal na awtoridad ng kanyang mga magulang sa kanilang pamilya. Ang tugon daw sa kanya ng mga ito ay ang “supilin, hadlangan, parusahan.”

Sabi pa raw minsan sa kanya ng nanay niya, “Hindi ko alam kung saan kita nakuha pero sana pwede kitang isauli,” bagay na ipinagdamdam niya. Ipinanganak siya noong 1952.

Abante sa dekada 80, kung kailan tila lumakas ang presyur para sa kabaligtaran ng ganitong pagpapalaki ng anak. Ang tunguhin noon, babala ni Barbara Ehrenreich, ay ang gustuhin ng mga magulang na gawing full-time — parang hindi angkop ang salitang “pultaym” — na aktibidad ang pagpapalaki sa mga anak.

Kwento niya, “Ang ipinag-aalala ng kabataang kababaihan ay kung pwedeng magpalaki ng mga bata nang mahusay habang pinapanatili ang pagiging miyembro ng pwersa ng paggawa. Narinig nila ang tungkol sa ‘quality time.’ Nag-aalala sila na may makahulagpos na yugto ng paglaki ng mga bata” [“Stop Ironing the Diapers,” 1989].

Malinaw kung alin sa dalawang tipo ng pagpapalaki ng anak ang naging dominante sa paglaon. Naging bulnerable sa paghusga ang naunang henerasyon. Pero sabi nga ni bell hooks, nakatulong ang “teorya,” ang “pagbibigay-kahulugan sa mga nangyayari,” ang “pagmumuni at pagsusuri” para “ipaliwanag ang sakit at mapaalis ito.”

Sabi niya, “Dumulog ako sa teorya dahil may dinaramdam akong sakit… Dumulog ako sa teorya nang desperado, gustong umunawa… Pinakamahalaga, gusto kong paalisin ang sakit. Nakita ko sa teorya ang lugar para sa paglunas (healing)” [“Theory as Liberatory Practice,” 1991].

/4/ Nasa puso ng mga sulatin ni Garcellano ang tunggalian ng mga uri — lalo na kaugnay ng panitikan, edukasyon at kultura. Pero mayroon din ditong mayamang tema ng henerasyon, kapwa sa konteksto ng mga pamilya at pakikibaka, kung saan ibang lohika ang umiiral.

Sa kanyang koleksyon ng mga sanaysay, laging may mga pagsusuri sa mga akda ng mga nakakabatang manunulat, at laging malay ang awtor sa sariling edad at henerasyon.

Ang First Person, Plural (1987), nagtapos sa sanaysay na liham sa mga susunod na henerasyon; ang Intertext (1990) at Interventions (1998), sa mga seksyon tungkol sa kabataan. Ang huli, nagbukas sa pagsuri sa kabuluhan ng Panulat para sa Kaunlaran ng Samabayanan o PAKSA, progresibong organisasyon ng mga manunulat na itinatag bago ang Batas Militar, sa kasalukuyan.

Nasa tema rin ng henerasyon ang isa sa maraming posibleng paliwanag sa pamoso niyang mahirap na estilo sa mga sanaysay. Maaalala si Pilosopo Tasyo ni Jose Rizal, na nagsusulat sa mga hiroglipiko (hieroglyphs) “Dahil hindi ako nagsusulat para sa henerasyon na ito, kundi para sa ibang panahon…. [A]ng henerasyon na makakaunawa sa mga karakter na ito ay matalinong henerasyon…”

Sa tunggalian ng mga uri, ang tugon ng mga pinagsasamantalahan sa mga nagsasamantala ay pagtuligsa at paglaban. Sa ugnayan ng mga henerasyon — syempre pa, sa loob ng kinabibilangan o pinaglilingkurang uri — ang tugon ng mga nakakabata sa nakakatanda ay pagkatuto, pagpulot sa tama at pagtapon sa mali, at pag-unawa.

Ipinapamalay ni Garcellano ang mga pagkakataon na ang mga wasto at mali ng naunang henerasyon, bukod sa kaugnay ng uri, ay kaugnay rin ng panahon — ng mga posibilidad at limitasyon nito. Kadikit ang kwento ni Maita, kahit ang abanteng destakamento, na laging nagsisikap maging nasa unahan ng panahon, ay nakapaloob pa rin sa panahon.

Sa larangan ng mga henerasyon: “We did not know any better.” May mga magagawang mali kahit yakap ang pinakamainam na mga intensyon at kaisipan. “Laging nasa bagong henerasyon ang pasanin ng pag-unawa.” May pag-unawa na mas malalim sa pagtukoy lang ng tuwid at baluktot, humihingi ng paglulugar sa galit at antagonismo, at nag-uudyok na sumulong lang nang sumulong.

/5/ Tahas ang pagtatapos niya sa tanging panayam na ibinigay niya, sa panahong sariwa pa ang ikalawang pagwawasto sa kilusang Kaliwa: “Ang rigor ng analysis ay nasa generation ninyo… Precisely that everything is not right, you have the possibility of changing it. For the better. But mind you, still within the ambit of capital and labor problematic.”

Dagdag pa niya, “Kung may problema ang generation ninyo, it should go beyond the capabilities and inadequacies of our generation. If you cannot succeed in this everything is lost, in which case malaki ang burden ninyo, just as we were burdened by our forebears.”

Sadyang ibinibigay raw ang pag-asa para sa mga walang pag-asa, at malungkot ang bayang nangangailangan ng bayani. Ang pag-asa ng mga walang pag-asa, ang bayani ng bayang malungkot, ang hahawi sa tradisyon ng lahat ng yumaong salinlahi na nakapasan na parang bangungot sa utak ng mga nabubuhay — uusbong sa bagong henerasyon.

Sang-ayon si Edel sa ganyang hamon.

10 Mayo 2020

Boses ng Galit na Maralita

$
0
0

Balewala kay Carlito Badion ang ispeling ng kanyang palayaw. “Pwede pong Karlet o Karlets. Pwede pong C o K sa simula. Pwede ring S o Z sa dulo,” pabiro niyang pakilala sa isang miting.

“Huwag lang pong lalagyan ng H,” hindi pa dahil kadalasang ginagawa at idinidikit ito sa mga maralitang tulad niya. “Nakakasamid kasi bigkasin. Kharletz.” Tawanan. Doon pa lang, alam mo nang masayang karakter ang kausap mo.

Ngayon, sa pagkamatay niya, iba-iba ang ispeling ng palayaw niya sa social media. Hindi na ito alintana ng marami; mas tawag-pansin kung paano siya namatay.

Ayon sa grupong Kadamay, o Kalipunan ng Damayang Mahihirap, organisasyon ng mga maralitang lungsod, dinukot si Badion, 52, sa kanyang kubo sa Ormoc City nitong Mayo 26. Natagpuan ang kanyang bangkay noong Mayo 28, “puno ng sugat at may tama ng bala” sa isang tabing-dagat, “nakalibing nang mababaw sa buhangin.”

Naging manggagawa sa isang pabrika ng tela si Badion. Kasaping tagapagtatag siya ng Kadamay noong 1998, at residente siya ng Payatas nang maganap ang pagguho ng basura noong 2000. Ang kamulatang nakuha niya sa trahedya at sa tulong ng Kadamay, dala niya hanggang sa relokasyon sa Montalban, Rizal.

Paglaon, nagpasya siyang kumilos nang buong-panahon sa organisasyon. Dahil sa komitment na ipinamalas sa sipag at sigasig, at dahil sa talas sa pagmumulat sa kapwa-maralita, naging pambansang lider siya ng grupo. Ngayon, pambansang pangkalahatang kalihim siya ng Kadamay.

May kapansanan din siya, umiika-ika maglakad, dahil sa polio. “Kapag tinatanong ako kung ano ang tangkad ko,” biro niya, “ang sabi ko, 5’3-5’4. Paiba-iba eh.”

Ayon kay Joseph, nakasama sa gawain, mahalaga si Badion sa muling pagsigla ng pambansang tanggapan ng Kadamay at kilusang mala-manggagawa. Bagamat dati nang kasapi, sinalubong niya ang mga bagong kasapi, lider, at plano. Nagsimula siya sa gawaing teknikal: pagpipinta ng mga poster at balatengga at pagmamaneho ng “Bata Bus,” sasakyang pamprotesta ng Kadamay. Sinubukan siyang pagturuin ng mga pag-aaral, naging mahusay, at hinirang na tagapagsalita. Ang una niyang pagsasalita sa publiko, sa harap ng mga biktima ng bagyong “Ondoy” sa Ultra noong 2009.

Taglay niya ang mga katangian ng mga progresibong lider-anakpawis. Tulad ni Crispin “Ka Bel” Beltran na lider-manggagawa, masipag at matapang siya, laging nasa laban ng mga lokal, kadalasan sa demolisyon ng mga komunidad. Tulad ni Medardo “Ka Roda” Roda na lider ng mga tsuper, magiliw siya at palabiro sa mga kapwa-aktibista at masa. At tulad ni Carmen “Nanay Mameng” Deunida na naging tagapangulo ng Kadamay, kapag pinagsalita siya sa publiko, siya ang matalas na boses ng makatarungang galit ng maralita.

Pakikipag-ugnayan ni Karletz sa midya, hinggil sa isa sa mga demolisyon sa Kamaynilaan noong 2013.

Pakikipag-ugnayan ni Karletz sa midya, hinggil sa isa sa mga demolisyon sa Kamaynilaan noong 2013.

Panahon pa ni Noynoy Aquino, laman na ng mga pulong at usap-usapan ng mga aktibista ang tuluy-tuloy na pagdikit at pagharas kay Badion. Sabay na pinagbantaan siya at ang pamilya niya, at inalok ng sweldo at mga gamit para “makipagtulungan.” Ang gusto, isiwalat niya ang mga plano ng organisasyon at magturo ng mga organisador at kapwa-aktibista.

Tumanggi siya, makailang-ulit. Pagkatapos, ang militar na noo’y lantad na kumakausap, nagbabanta at nanghihimok sa kanyang maging paniktik, ay hindi na nagpakilala at tumodo na sa pananakot. Ayon sa Kadamay, “nitong huli,” sa panahon ni Rodrigo Duterte, “muling nakatanggap [siya] ng mga serye ng pagbabanta.” Patraydor na pinatay si Badion, pero malinaw sa kwento ng buhay niya kung sino ang mga salarin.

Katulad ng mga ktibistang sina Jory Porquia ng Iloilo at Allan Aguilando ng Northern Samar, pinaslang si Badion sa panahon ng quarantine at lockdown bunsod ng pandemyang Covid-19.

Tiyak, bahagi ito ng mga oplan ng gobyerno para durugin ang kilusang Kaliwa, sa tabing ng pagpapahina sa mga rebeldeng Komunista at sa mga pinagbibintangang prente nito.

Pero parte rin ito ng pagtatangka ng rehimeng Duterte na takutin at pahinain ang hanay ng mga kritikal rito, kasama ang dumaraming mamamayan. Lalo itong nagiging mabangis ngayon sa gitna ng pandemya dahil nalantad ang kriminal na pagpapabaya nito sa buhay ng mga Pilipino.

Nangunguna na ngayon ang “Covid-19” sa “China,” “TRAIN” at iba pang isyu na bulnerabilidad ng rehimen. Pwede sigurong isipin na bago ang pandemya, mailulusot ng paksyong Duterte ang pananatili sa pwesto lampas 2022. Mahihirapan, pero mailulusot, magagawang kapani-paniwala. Pero dahil sa pagharap nito sa pandemya, parang pineste na rin ito sa pagdami at paglakas ng mga galit at tumutuligsa.

Pinaslang si Badion sa bisperas ng pagluluwag sa lockdown sa Kamaynilaan at buong bansa. Gitna ng Marso, nagpataw ng lockdown pero walang ginawang malawakang siyentipikong pag-alam at paggamot sa sakit. Bungad ng Hunyo, dahil umaaray ang ekonomiya, pababalikin na sa trabaho ang marami, isusubo sa panganib ang sambayanan.

Karletz, Nanay Mameng Deunida at Nanay Leleng Zarzuela -- mga lider-maralita

Karletz, Nanay Mameng Deunida at Nanay Leleng Zarzuela — mga lider-maralita

Hindi na nga nilulunasan ng rehimen ang problema, gagawin pa itong mas malala. Sa “new normal,” mas malamang na mas dadami pa ang maysakit at mamamatay, at sa gayo’y ang galit at diskuntento. Magkakaroon din ng kalagayan para sa mas masiglang sama-samang talakayan at pagkilos para sa mga nararapat na hakbangin ng gobyerno at pagpapanagot sa rehimen.

Hindi kataka-taka, halos kasabay ng pagpaslang kay Badion, iniratsada ng Kongreso ang Anti-Terrorism Bill, na magpapalawak ng kapangyarihan ng rehimen na supilin ang mga kritikal rito, gamit ang palusot na paglaban sa terorismo. Maraming lider-aktibista rin ang nakatanggap ng pagbabanta sa buhay. Sa kamay ng rehimeng Duterte, ang “bagong normal” ay gagawing “Bagong Lipunan” ng diktadurang Marcos.

Umaasa ang rehimeng Duterte na sa pagpatay sa mga tulad ni Badion at sa pag-atake sa mga nangungunang kritiko nito, matatakot at aatras sa pananahimik ang malawak na masa na kritikal kung hindi man galit dito.

Pero napakarami at napakagrabe na ng krimen nito sa bayan, at patuloy pa ang mga ito. Dumami ang mahihirap at napakarami ng pinatay at namatay. Bumaha ng kasinungalingan at pag-insulto sa bayan. Makatwiran ang galit ng marami, at nagbabanta itong maisalin sa pagkilos.

Inspirasyon si Carlito Badion ng bayang naghahanap ng katarungan at pagbabago. Niyakap niya ang hirap at sakripisyo ng buhay-aktibista, tinalikuran ang pagpapaangat sa mahirap na buhay ng sarili at pamilya. Hindi niya inalintana ang panunuhol at pananakot ng militar. Sa dulo, nag-alay siya ng buhay para sa pangarap na malaya at masaganang bayan.

Sa paraan ng pagpatay sa kanya, gusto siyang palabasing basura o walang kwenta — siyang lider ng kilalang organisasyon ng mga maralitang lungsod, na isa sa pinakainiinsulto at minamaliit na sektor sa bansa.

Pero higit sa kung paano siya pinatay, mas maaalala ang mga dakilang prinsipyong tinanganan niya, kung paano siya marangal at matapang na nabuhay, at ang kabulukan ng lipunang nagtulak sa kanyang lumaban.

Maralita siya, karaniwang tao. Pero sa tinanganan niyang prinsipyo at pakikibaka, bayani siya ng sambayanan — hindi pangkaraniwan na nagiging karaniwan.

Pumanaw siya pero nananatiling buhay ang sistemang nagluluwal ng mga aktibistang katulad niya at ang kilusang nagpapanday sa kanila. Sa puso at isip nila, patuloy siyang mabubuhay.

Sumisigaw sila ng “Katarungan!” at ng “Pagpupugay!”

01 Hunyo 2020

1983 Nagbabanta ng 1972

$
0
0

Malawak ang hanay ng mga tutol sa Anti-Terrorism Bill ng rehimeng Duterte: mula bise-presidente ng bansa at mga lider ng Liberal Party hanggang midya at malalaking negosyante, mula mga unibersidad hanggang mga artista at abogado. Nariyan syempre ang mga progresibong organisasyon at maraming karaniwang kabataan at mamamayan na malakas at tuluy-tuloy na nagpapahayag sa social media.

Sa gitna ng pandemya at physical distancing, paglalabas ng pahayag ang naging porma ng pagtutol, na mainit na sinasalubong sa social media. Isang rurok ang protestang “Grand Mañanita” noong Hunyo 12, araw ng huwad na kalayaan. Pahayag ito ng galit: sa kabila ng pandemya, quarantine at panawagang physical distancing, at labag sa pananakot ng gobyerno, nagprotesta ang libu-libo. Sa social media, nariyan pa rin ang mga trolls ng gobyerno, pero mas malawak ang suportang inani: ang libu-libong dumalo, suportado ng lampas-lampas na bilang.

Sabi ni Solita Collas-Monsod, neoliberal na ekonomista, ang mga kritiko ng panukalang batas “ay umaabot mula dulong kaliwa hanggang dulong kanan ng pampulitikang ispektrum.” Sabi naman ni Joel Rocamora, komentaristang sosyal-demokratiko, “Ang dapat pansinin ay ang lawak at tindi ng pagtutol. Ito ay di-hamak na mas malawak na hanay ng pagtutol kumpara sa anumang isyu sa ilalim ng administrasyong Duterte.” Kapansin-pansin, taliwas sa nakagawian, ni walang patutsada ang dalawa sa Kaliwa.

Ang malawak na pagtutol na ito ang dahilan kung bakit maraming kongresista ang bumawi ng boto ng pagpabor — na bihirang mangyari sa kasaysayan, dahil noon, nakatago ang mukha nila at mahirap pahiyain — sa puntong kinailangang iratsada ang panukalang batas ng pamunuan ng Kongreso at Senado para papirmahan sa pangulo. At hanggang ngayon, hindi pa rin ito tuluyang mapirmahan.

""Grand

Kagyat na dahilan ang nilalaman mismo ng panukalang batas: masaklaw ang depinisyon ng terorismo, pwedeng tiktikan at arestuhin nang walang warrant ang mga babansagang terorista, pwedeng ikulong ang sasali sa organisasyong tatawaging terorista, at magtatayo ng konsehong anti-terror na may napakalawak na kapangyarihan. Kasama rito, ayon kay Antonio Carpio, dating hukom ng Korte Suprema, ang pag-aresto sa sinuman kahit walang nagagawang krimeng terorista.

Marami sa mga pahayag ng pagtutol sa panukalang batas ang nagsabi na posibleng gamitin ito ng rehimen laban sa mga kritiko. Maraming ibig sabihin: ang rehimen, hindi tumatanggap ng kahit anong puna, walang sinasanto sa mga tumutuligsa, labis-labis kung gumanti, at marahas nga sa sukdulan. Ang mga kritiko naman ng rehimen, hindi na lang ang mga dati-rati nang nagsasalita, kundi marami nang bago.

Pero paanong naging tutol ang malawak na hanay ng mga mamamayan at pwersang pampulitika sa panukalang batas? Ilang patakarang mapanupil, atake sa kritiko, at maging mga gera na ang pinawalan ng rehimen, pero bakit pinakamalawak ang pagtutol sa pinakabago? Ang kahulugan ng panukalang batas, sabi nga, ay nasa laylayan ng pahina nito; nasa konteksto ang kabuluhan ng teksto. Isang dahilan ang pagkamalay, pagkabuo at pagkapuno sa lahat ng pag-atake at pandarahas ng rehimen.

Isa pang dahilan, at mas malamang pangunahin: dahil sa naging pagharap ng rehimen sa pandemyang Covid-19. Nangangamba para sa sarili at mga mahal sa buhay, namalagi sa bahay ang mga Pilipino at tumutok sa social media at midya. Nasubaybayan nila ang mahabang listahan ng mga isyu na nagpakita ng kalupitan sa nakakarami, lalo na sa mahihirap, at pagkanlong sa iilang kakampi ng rehimen. Kasabay nito ang samu’t saring kasinungalingan, kababawan at kabulastugan na pagdepensa.

Mula pagtanggi’t pagkutya sa mga panawagang magsara sa mga eroplanong galing China, magpatupad ng mass testing at magpaunlad ng mga ospital, hanggang pag-atake sa nangungunang midyang ABS-CBN at Rappler. Mula pagkanlong kina Sen. Koko Pimentel, Hen. Debold Sinas, at Mocha Uson hanggang pagpatay kina Winston Ragos, Jory Porquia at Carlito Badion. Mula pandarahas sa mga nagprotestang maralita ng Sitio San Roque hanggang sa kalupitan sa mga drayber ng dyipni.

Mula mabagal na ayuda, at dagdag-bayarin pa nga sa mga Overseas Filipino Workers, hanggang malupit na pagpapatupad ng quarantine. Mula pagkulong kay Teacher Ronnel Mas hanggang kaapihan nina Joseph “Mang Dodong” Jimeda na nakulong ng 12 araw. Mula pagkulong kay Tatay Elmer Cordero, drayber na kasama ng Piston 6, hanggang pagkamatay ng nanay na si Michelle Silvertino. Mula garapal na paghingi ng emergency powers at higanteng pondo hanggang anti-mamamayang paggamit sa mga ito.

Dahil sa pagkamulat sa mga isyu sa kasalukuyan, marami ang nagbalik-tanaw at nakita ang pagkakatulad. Nagsilbing kumpirmasyon ang mga nasaksihang krimen ngayon na tama ang mga inakusang krimen noon na isinantabi, o pinaniwalaan pero hindi pinakialaman.

Mas marami na ngayon ang handang makinig at maniwala sa hatol ni Jose Maria Sison, palaisip ng Kaliwa sa bansa: “mas masahol ang masamang rehimen ni Duterte kumpara sa rehimen ni Marcos dahil sa loob lang ng apat na taon, malapit na ang pagtataksil, brutalidad at katiwalian ng rehimen ngayon sa lawak at lala ng katulad na mga krimeng ginawa ng rehimeng Marcos sa loob ng 20 taon.”

Malaking bigwas ang naging pagharap ng rehimen sa pandemya sa magastos at marahas nitong paghahari sa pamamagitan ng sunud-sunurang militar at pulisya, napatahimik na burgis na oposisyon, todong inaatakeng Kaliwa, bayarang tagapagsalita at trolls, dinoktor na mga sarbey, at suporta ng atrasadong masa. Malaking bigwas din ito sa kagustuhan nitong manalo sa 2022 gamit ang nilutong eleksyon.

Nang dumating ang pandemya, babala ni Luis V. Teodoro, progresibong mamamahayag, ang mga patakarang tugon ng gobyerno ay magpapalala sa “indibidwalismo at pagkakahiwa-hiwalay (isolationism)” gayundin sa “panlipunan at pampulitikang kawalang-pakialam at pakikiayon.” Ang “bagong normal” ng gobyerno, aniya, ay “tungkol rin sa ideolohikal at intelektwal na pagkakatiwalag, pagiging sunud-sunuran sa awtoridad,” at “pananahimik kahit sa harap ng pinakalantad na abuso.”

Pero dahil sa pandemya, nanganib ang kalusugan, buhay at kabuhayan ng milyun-milyong Pilipino. Napanatili sila sa bahay at napatutok sa mga hakbangin ng gobyerno at nagaganap sa bansa. Nakita nila ang mabagsik na pulitika ng kakampi-at-kaaway ng rehimen, at ang iba’t ibang antas ng kasinungalingan at panlilinlang. Naramdaman-namalayan nila ang pagiging ilang ulit na biktima. Naging praktika nila ang pagsubaybay, at tiyak ang pagsasalita at pagpapahayag.

Sabi ni Richard Levins, Marxistang biologist na tila nagteteorya sa mga kampanyang masa: “nakasandig ang pakikibaka para magbago ng kamalayan sa paglikha ng mga pagkakataon para sa mga karanasang nakakapagpabago (transforming) habang nagbibigay rin ng mga pamamaraan para bigyang-interpretasyon sila. Hindi mananaig ang adbokasiya, pagtuturo, at kahit ang pinaka-inspirasyunal na modelo laban sa mga karanasan na bumabangga sa kanila. Pero kapag kinumpirma ng pang-araw-araw na buhay ang isang posisyong teoretikal, pwedeng magtagumpay ang magagandang argumento, modelo at pangaral.”

Dagdag pa niya, “Nagbabago ang kamalayan kapag ang iba’t ibang paniniwala at damdamin na nagtutunggalian pero karaniwang napaghihiwalay sa parehong kamalayan at hindi nagtatagpo, ay ngayo’y nagbabanggan. O, kapag binangga (contradict) ng mga bagong karanasan ang mga lumang ideya sa puntong hindi na sila pwedeng hindi pansinin, sa ganoon nagaganap ang pagbabago (readjustment) ng ideolohiya [“Rearming the Revolution: The Tasks of Theory for Hard Times,” 1998].”

Imahe ng protestang Black Lives Matter sa Oakland,California sa US. Larawan ni Ryan Sin c/o Irma Shauf-Bajar

Maihahalintulad ang mga pangyayari sa US. Nitong Abril, nagmuni si Corey Robin, progresibong teoristang pampulitika, sa epekto ng pagkakahiwa-hiwalay bunsod ng pandemya, sa demokrasya doon. Sa isang banda, “Namamayagpag ang mga tirano, itinuturo sa atin ng tradisyon ng pampulitikang teorya, sa paghihiwalay sa mga mamamayan sa isa’t isa.” Sa kabilang banda, “hindi gaanong sigurado ang mga sulatin hinggil sa demokrasya pagdating sa usapin ng pagkakalayu-layo.”

Sa dulo, sabi niya, “Pero totoo rin na madalas, ang pagkakapatiran (solidarity), ang mga ugnayan na nalilikha at nagsusustine sa demokrasya, ay kwento ng sorpresa. Dumarating ang pinakamakapangyarihang yugto nito, halos lagi, matapos ang mahaba at teribleng gabi.”

Ngayon, sa kabila ng itinutulak na paglalayu-layo bunsod ng pandemya, at sa harap ng mga protestang tugon sa pagpatay ng mga pulis sa Aprikano-Amerikanong si George Floyd noong Mayo 25, sinabi ni Angela Davis, progresibong teoristang pampulitika: “Hindi pa tayo nakakakita ng mga tuluy-tuloy na demonstrasyon na ganito kalalaki at nilalahukan ng iba’t ibang klase ng tao. Kaya tingin ko, ito ang nagbibigay sa mga tao ng malaking pag-asa… Nakukuha na ng mga tao, sa wakas, ang mensahe. Na hanggang ang mga mamamayang Itim ay patuloy na tinatrato nang ganito, hanggang nananatili ang dahas ng rasismo, walang sinuman ang ligtas.”

Mahalaga ang tinawag nang “pag-aalsa” sa demokrasya, o sa tunay na demokrasya. Sabi nga ni Zillah Eisenstein, teoristang feminista, “sa kaibuturan, ineetsapwera ng mga demokrasya sa Kanluran ang mga katutubong mamamayan, kalalakihang walang pag-aari, lahat ng kababaihan, at mga Aprikanong alipin.” Sa kabila nito, “nagmula rin ang mga ideya ng indibidwalidad at kalayaan ng tao sa mga taong itong inetsapwera, sa kanilang mga hakbangin ng paglaban [Against Empire, 2004].”

"Kuha

May mayamang karanasan ang Pilipinas sa pagkabulok ng naghaharing rehimen, paglawak ng paglaban dito ng sambayanan, at pagpapatalsik o halos pagpapatalsik sa kanila. Minumulto nito ang mga rehimen at mahalagang mabalik-tanawan ng sambayanan ngayon, kung kailan sila kailangan. Baka isa ito sa pagpapakahulugan sa sinabi ni Walter Benjamin, Marxistang palaisip: “pag-aangkin sa isang alaala sa pagkislap nito sa sandali ng panganib [Hinggil sa Konsepto ng Kasaysayan, 2013].”

Ipinapaalala ng pandarahas ng rehimeng Duterte, lalo na sa panahon ng pandemya, ang Batas Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos, na idineklara noong 1972. Para sa henerasyon ng kabataan noon, na nakatatanda na ngayon, parang deja vu ang mga nagaganap: paparurok patungo sa inaasahang deklarasyon. Para sa bayan, may mga tungkuling kaakibat ang ganitong pagbasa — na hindi pwedeng balewalain.

Pero mahalaga rin ang paalala, sa lahat pa naman ng tao, ni Monsod: “Huling nagkaroon ng ganitong pagkakaisa ng sentimyento, sa pinakamalayong naaalala ko, ay noong mga protesta laban sa diktadurang Marcos simula 1983.” Huwag muna nating pansinin na may katulad ding malawak na sentimyento noon laban sa rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo, kingmaker ni Duterte, pero kumampi siya rito.

Taong 1983, pinaslang si Ninoy Aquino, at sinasabing nagsimula ang katapusan ng diktadurang Marcos. Ang katahimikang ipinataw ng Batas Militar noong 1972 at binasag sa Kamaynilaan ng welga ng mga manggagawa ng La Tondeña ng 1975, lalong napawi sa paglawak at pagtapang ng mga protesta simula 1983 hanggang mapatalsik ang diktadura noong 1986. Panandang-bato ang 1983 ng isang malaking krimen, kung kailan “parang nawala na ang takot ng mga tao,” ayon sa isang kakilala.

Kung tila nag-aala-1972 ngayon ang rehimeng Duterte, iyan ay dahil alam nitong 1983 rin nito ang 2020. Sa pagharap nito sa Covid-19, nakagawa ito ng malalaking krimen na kumikitil at naglalagay sa panganib ng maraming buhay — at nagpapalawak at nagpapalakas ng galit ng sambayanan. Ngayon, totoong-totoo ang sinabi ni Sison sa isa pang pahayag: “Bawat hakbangin” ni Duterte na “mapang-api at mapagsamantala ay gumagalit sa sambayanan para manlaban.” Simula sa protesta ng mga maralita ng Sitio San Roque noong Abril 1, bumubuhos ang suporta sa mga kumikilos laban sa mga kaapihang dulot ng rehimen.

Huwag nang banggitin pa ang malalagim na datos: nag-uuwian ang mga OFW, salbabida ng ekonomiya ng bansa. Pinakamatas ang kawalang-trabaho sa 22 porsyento, na itinatago ng gobyerno. Mahigit 40 porsyento ng maliliit na negosyong Pinoy, hindi makakabangon sa quarantine at pagkatapos. At lalong bumabagal ang ekonomiya.

Sa puntong ito mainam isingit ang pagpapatalsik kay Joseph Estrada, na sumunod din sa lohika ng 1983-1986 sa mabilis na panahon. Maganda ang obserbasyon ni Richard Heydarian, komentaristang pampulitika: tulad ni Duterte ngayon, tinamaan din ng pandaigdigang krisis pang-ekonomiya ang dalawang napatalsik na pangulo — si Estrada sa Asian Financial Crisis ng 1998, at si Marcos sa krisis sa langis ng dekada 1970 at krisis sa utang panlabas sa bungad ng dekada 1980.

Pero sa karanasan ng bansa, hindi laging sa pagpapatalsik ng 1986 tumutungo ang krimen ng 1983. Nagkaroon din ng Hello Garci ng 2005 at NBN-ZTE ng 2007 si Arroyo, at sa puntong iyun, siya na ang pinaka-inaayawang pangulo sa kasaysayan sa lawak ng tutol at lumalaban. Pero hindi siya napatalsik — bagamat sinamantala ng pangkatin ni Noynoy Aquino ang sitwasyon para palabasing iyan ang nangyari noong eleksyong 2010.

Ayon sa mga pag-aaral sa karanasan, para makapagpatalsik ng pangulo, kinailangan ang papalaking protesta sa Kamaynilaan at bansa — isang hamon, sa sitwasyong quarantine. Para magawa ito, kinailangan na ang mga pinaka-desidido sa paglaban sa rehimen ay tuluy-tuloy na mag-ambag sa paglaban, na magagawa sa balangkas ng organisasyon. Kinailangan din nilang abutin at organisahin ang pinakamalawak na hanay ng mga mamamayan, lalo na ang mga manggagawa, magsasaka at maralita.

At para magawa iyan, kinailanganing lumiko muna sa mga batayang pang-ekonomiyang pakikibaka bago tumbukin ang mga pampulitikang laban, kasama na ang mismong pagpapatalsik. Ipinapakita naman ng protesta ngayon ng mga maralita ng San Roque, mga drayber ng dyip, at maging mga OFW na ang mga kagyat na kahilingan ng masa sa gitna ng pandemya ay direkta nang nagdidiin sa rehimen.

Sa puntong ito, nagtutugma ang kaisipang progresibo at ang kasaysayan ng bansa sa paglaban sa mga pangulo: ang materyal na pwersa ng pagpapatalsik ay protesta ng malawak na mamamayan — na nagluluwal ng pagbaklas ng mga naghaharing uri at militar at paglaglag ng among imperyalista. Malawak na organisado — na humahatak ng malawak na ispontanyo. Pang-ekonomiyang pakikibaka — na tuntungan ng pampulitikang pakikibaka.

Sambayanan ang magpapasya.

19 Hunyo 2020

When Protectors are Offenders, and the Discriminated are Defenders

$
0
0

Recent events have shown the Philippine National Police’s utter lack of understanding on the reasons for the coronavirus disease-2019 (Covid-19) lockdown and the gravity of the health emergency. They abuse their policing authority to the hilt.

Just this morning, Bahaghari, an LGBTQIA and allies group held a Pride March in Mendiola, calling for the recognition of their rights as LGBTQ, and their rights as Filipino citizens.  It was a peaceful assembly, and all of those who joined the march wore masks and practiced social distancing. They called for equal treatment and against discrimination. They called for free mass testing, and the junking of the draconian Anti-Terror Bill. But without justified reason and without citing any laws , the police arrested 20 of the protesters.

With several incidents of arrest of community relief volunteers and protesters happening during lockdown – Sagip Kanayunan 6, Sitio San Roque 21, Marikina 10, Iloilo 42, Cebu 8, the Piston 6, and just now, the 20 arrested participants of the Pride March, now referred as the Pride20 – it is evident how the government has used the lockdown as a weapon against critics, against dissent, against civilian activities that criticize social inequalities and government corruption. Law enforcers treat lockdown policies as punitive actions to be arbitrarily implemented, instead of what they should be: measures to protect the public and the health of Filipinos.  Consider the sight of them pushing against each other as they rush to arrest protesters who by themselves strictly adheres to physical distancing protocols.

One of the vehicles’ drivers, arrested after he was roughed up by cops. Altermidya

Protests Can be Done Safely

Wearing masks, handwashing, and physical distancing are done to prevent the spread of the virus. There are indicators that medical practitioners, policy makers, and decision makers look at to base their actions and guide their decisions. One of them is the reproduction rate of the infected. As of now, reproduction rate is at 1:1 to 1:3, meaning, one Covid-19 infected person statistically infects one or more person.

But with the lack of better strategies from the government to test, identify, isolate and treat individuals possibly infected with Covid-19 — accessibility of PCR testing for those needing it not just in Metro Manila and effective contact tracing in place — the spread of the virus continues, and at a very fast rate.    Just look at what happened with the ill-conceived Balik Probinsya Program of Sen. Bong Go and its effect in Ormoc City. Difficulties in containing the virus is clearly brought by incompetency and bungled, ineffective, not well-thought out measures of the government.
As we enter the fourth month of the lockdown, experts suggest that people need to do more activities outdoors. Activities such as walking in the park, in the streets, biking, and other exercises   while practicing physical distancing and other health protocols are important, since maintaining a sedentary lifestyle weakens the immune system, even if one doubles the intake of vitamins. We also need the benefits provided by direct exposure to sunlight.

Experts also say that there is lesser chance the virus spreading in open spaces compared to enclosed spaces or spaces that are not well ventilated. As long as people wear masks and practice social distancing, outdoor activities are encouraged, and therefore, should not be prohibited. All the more, assemblies to promote solidarity and people-oriented governance should never be grounds for arrest. Even in a pandemic, the World Health Organization (WHO) believes that public protests are important. But they encourage protesters around the world to do it safely by following health protocols.

Pride March in Mendiola. Tudla

Rights Remain During the Pandemic

As an institution of law enforcers, the PNP should be called out and its members reminded to perform their constitutionally-assigned duties to protect the public good, uphold the law, and respect the rights of civilians. They should do these, instead of what they are doing now: mechanically implementing draconian measures, practicing fascism in varying degrees of intensity with alarming regularity.   The people’s right to freedom of expression, the right to engage government in debates to make policies and programs serve the public good, and the right to assemble are enshrined and protected by the Constitution; these are what the PNP continues to ignore and violate at turns.

Human rights never ceased to exist in the time of a health emergency. As long as health protocols are observed such as what the 20 arrested LGBTQIA Pride March participants did, the police have to respect protests and acts of legally-recognized civilian dissent.

The activists who took to the streets today to protest against the continuing government abuse and neglect of the rights of the LGBTQIA community. They point out that the lockdown never stopped violations from happening – including acts of homophobia and discrimination.

Last April 5, barangay officials of Pandacaqui, Pampanga punished five LGBTQIA quarantine violators by forcing them to do degrading acts such as making them kiss each other on video. Duterte and his men are known to spout comments that fuel homophobia and misogyny.

Also, essential to add, the pride marchers took to the streets to be one with the rest of the Filipino people in condemning the appallingly poor government response to the Covid-19 pandemic.  With over 30,000 people infected, the government still chooses to ignore calls for mass testing, calls for the effective management of the pandemic, and calls to continue and improve social amelioration programs. After being out of work for 100 days due to lockdown, jeepney drivers are still banned from plying the streets, causing hardship and hunger to the thousands of jeepney drivers, operators and their families. Instead of providing medical/health solutions and economic aid to the people, the government imposes military solutions and submitted as urgent bill The Anti-Terror Bill that gives the Anti-Terror Council the power to surveillance and arrest anyone, without due process. Those critical of the government and its corruption and abuse risk being considered a terrorist under the amendments of the Anti-Terror Law.

Fanaticism Breeds Monsters

Fascism and fanatic loyalty to the president are the order of the police, instead of serving Filipinos, and protecting their welfare with integrity.  By blindly following Duterte, they use the health emergency as a way to terrorize all perceived critics of Duterte – human rights activists, champions of civil rights, journalists. Public officials and law enforcers who have undisputedly broke quarantine regulations, such as Sen. Koko Pimentel, Mocha Uson, and police chief Debold Sinas have been allowed to get off the hook,  their violations dismissed.

As law enforcers blatantly break the laws they are sworn to uphold, create scenarios that serve to spread the virus, and remorselessly violate the rights of the citizenry, the LGBTQIA community through Bahaghari on the other hand, courageously defend not just their rights but the civil, political, and human rights of all    Filipinos. They  also demand  accountability from the government and offer  alternatives to the mismanagement of the counter-pandemic programs. More than ever, the pandemic has exposed the weaknesses of the existing political and economic system, including the fascist practices and orientation of the police institution. The Pride Movement is one with the rest of Filipinos in calling out this system and demanding changes.

Magulong datos, masalimuot na danas

$
0
0

Kalat-kalat, nakasandig sa pribadong sektor, at pangkalahata’y nakakalito: ganito puwede isalarawan hindi lang ang tugon ng administrasyong Duterte sa pandemya kung hindi pati ang pagproseso ng Department of Health (DOH) sa kritikal na datos.

Nabigyan muli ng tutok ang kataka-takang datos mula sa DOH nang dumating ang inudyukang pagbibitiw ni Dr. Tony Leachon mula sa pagiging tagapayo sa National Task Force against Covid-19. Pinuna noon ni Dr. Leachon ang DOH dahil hindi raw ito tapat sa real-time Covid-19 data na inilalabas nito. Nariyan na nga’t hindi pa rin nauubos ang “late cases” na itinatala ng kagawaran.

Isang isyu na nakita ng mga eksperto sa media brieifing ng CURE Covid nitong Hunyo 17 ang pangongontrata ng DOH sa mga pribadong kompanya para sa pagrposeso ng Covid-19 data.

“Given the fact it should be a government response, bakit tayo umaasa sa private sector groups?” pagtataka ni Prop. Lex Muga mula sa Ateneo de Manila. Puwede rin ibato itong tanong sa tuwing magbubuhos ng pasasalamat si Duterte sa anumang donasyon kasabay ng pagdaing sa kawalan umano ng budget.

Isa pang problema sa tugon at pagtatala ng DOH ay ang pagkakawatak-watak ng datos, giit ni Joshua Miguel Danac, molecular biologist at data researcher sa Unibersidad ng Pilipinas. Dahil iba-ibang grupo ang may hawak sa iba’t ibang numero at wala pa ring iisang lugar na paglalatagan ng datos, bumabagal ang proseso. Paano makakabuo ng komprehensibo at epektibong tugon kung sa datos pa lang, sablay na?

Sa ganitong hinaing ng mga mamamayan, madalas isagot ng gobyerno na mas kaunti naman ang naapektuhan ng Covid-19 ngayon kung ikukumpara sa walang anumang hakbang. Para bang dapat pang ipagpasalamat ng Pilipinas na kumilos, kahit kaunti, kahit sablay, ang gobyerno.

Labas pa nga sa datos na inilalabas ng kagawaran ang bilang ng mga manggagawang apektado ng pandemya, mga pamilyang nagugutom, sa kawalan ng makataong plano sa transportasyon, at iba pa.

Saan tayo magsisimula kung bibilangin natin ilang buhay ang sana’y naisalba kung mas maayos ang tugon? Kung mas malinis ang pagproseso ng datos. Ilang pamilya kaya ang hindi sana naulila?

Haharap si Health Sec. Francisco Duque III at iba pang opisyales ng DOH sa imbestigasyong ipinag-utos ni Ombudsman Samuel Martires. Kasama sa sisiyasatin ang pagbili ng 100,000 test kits, ang naantalang pagbili ng personal protective equipment para sa health workers, at pati ang naging pamamahagi ng benefits at financial assistance sa frontliners na nagkasakit o namatay dahil sa novel coronavirus.

Sa likod ng tabinging datos at tugon ng gobyerno nakatala ang hinagpis ng Pilipino. Handa rin kaya ang administrasyong Duterte sa magiging pagtatasa ng sambayanang hindi makakalimot?

Kooperatiba bilang solusyon

$
0
0

Sa sistemang kapitalista, isa sa mga minumungkahing solusyon ang pagtayo ng mga kooperatiba para mabigyan ng lunas ang nakikitang kabulukan ng sistemang ito.

Ang kasalukuyang sistema ay nakabatay sa tubo, kompetisyon, at ekonomiya ng merkado kung saan ang gobyerno ay madalas na pumapasailalim sa kapangyarihan ng mga kapitalista.

Sa sistemang ito, mahirap matamo ang hustisyang panlipunan.

Ang pantay-pantay na pamamahagi sa yaman ng lipunan ay malabong makamit sa sistemang ito kung saan ang mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahirap ay lalong humihirap.

Tingnan natin ang epekto ng kasalukuyang kapitalistang sistema sa mga pangkaraniwang mamamayang Pilipino tulad ng mga manggagawa at mga magsasaka.

Ang mga manggagawa ay sinasabing siyang gumagawa ng yaman ng lipunan ngunit sa kasalukuyang sistema , ang kanilang kinikita sa ating bansa ay hindi sapat para sila ay mabuhay ng marangal.

Ang minimum wage dito sa atin ay napakalayo sa halagang kailangan ng isang pamilya upang mabuhay ng disente. Ito ay lalo pang nababawasan sanhi ng inplasyon.

Dahil dito, marami sa kanila ang napilitang mangibang – bansa upang doon magpa-alipin para matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ganun din ang nagyayari sa mga magsasaka.

Karamihan sa kanila ay hindi pa rin may-ari ng kanilang lupang sinasaka. Ang kanilang kinikita ay hindi rin sapat dahil sa napakataas na halaga ng mga binhi.

Mataas din ang halaga sa paggamit ng pang-agrikuturang teknolohiya. Napipilitan din silang umutang sa mga kumprador na siya ring taga-bili ng kanilang mga produkto sa murang halaga. Ang iba’t-ibang programa ng pamahalaan para sa mga magsasaka ay napupunta lamang sa wala.

Sa ilalim ng Article 12 ng ating kasalukuyang Saligang Batas, ilang beses na binanggit ang kooperatiba upang makamit ang hustisyang panlipunan sa pang-ekonomiyang pag-unlad.

Sinasabi rin ni Pope Francis na ang mga kooperatiba ay siyang susi para sa pag-unlad ng pang-ekonomiyang pangkalagayan.

Ang kooperatiba ay isang samahang itinayo upang tulungan ang kanyang mga kasapi para ipagbili ang kanilang mga produkto o mamili ng mga produktong kanilang kailangan.

Ayon sa Cooperative Code of the Philippines, bawat kooperatiba ay magpapatakbo ng kanyang gawain batay sa patakaran ng voluntary and open membership, democratic member control, economic participation, autonomy and independence, community concern, inter-cooperation among cooperatives, at education, training and information para sa mga kasapi nito.

Ang mga kooperatiba ay maaaring maging credit cooperative, consumer cooperative, producer’s cooperative, service cooperative, marketing cooperative, agrarian reform cooperative, electric cooperative, housing cooperative, workers’ cooperative, multi-purpose cooperative at iba pa.

Batay sa datos ng Cooperative Development Authority, mayroong 18,065 na operating cooperatives sa Pilipinas sa taong 2018.

Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa Region IV o Southern Tagalog Region, National Capital Region, at sa Region III.

Karamihan din sa kanila ay multi-purpose cooperative at iilan lamang sa kanila ang agrarian reform, housing, transport, at worker’s cooperative.

Sinasabing dito sa Pilipinas, ang unang kooperatiba ay binuo noon pang panahon ni Dr. Jose Rizal, noong siya ay naka-exile pa sa Dapitan.

Ngunit sa kabila ng ating kasaysayan, napag-iwanan ng ating mga karatig-bansa ang Pilipinas para sa pagsulong sa kooperatiba bilang isang paraaan upang paunlarin ang buhay ng mga kasapi nito.

Tulad halimbawa sa South Korea. Sa South Korea ay naroon ang National Agricultural Cooperative Federation (NACF). Pakay nito na mapataas ang kinikita ng mga magsasaka sa pamagitan ng pagpalawak sa marketing ng mga produktong kanilang ginagawa. Sa kanyang operasyon ay naging isa sa pinakamalaking financial institution sa bansang South Korea ang NACF.

Sa Thailand naman, mababanggit natin ang ACFT o ang Agricultural Cooperative Federation of Thailand. Kabilang sa mga kasapi nito ang mga specialized groups katulad halimbawa ng mga kooperatiba ng sugarcane growers, onion growers, swine raisers, at dairy cooperatives. Dahil sa kanila ay binuo ng Thailand ang Bank for Agriculture and Agriocultural Cooperative noong 1966.

Sa Malaysia naman, mababanggit natin ang National Farmers’ Association na naitayo pa noong 1972. Kasapi sa samahang ito ang mga agro-based cooperative at farmers’ association. Napakalaki rin at napakaunlad ng samahang ito sa kanilang bansa.

Malungkot isipin ngunit napag-iwanan na ang Pilipinas sa pagsisikap nitong palaguin at payabungin ang mga kooperatiba dito sa ating bansa.

Ano kaya ang dahilan mga kasama? Tanging ang taong bayan ang makakasagot nito.

Ginintuang butil

$
0
0

Ipinunla, tumubo, yumabong at umani. Ipagdiwang ang ika-35 taong anibersaryo ng pagkatatag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Nitong Hulyo 1985, nagsama-sama at nagbuklod ang mga magsasaka, manggagawang agrikultural, tagasuporta at kapanalig ng magbubukid sa Lungsod ng Quezon.

Ang agarang pagpapatupad ng Tunay na Reporma sa Lupa at Pambansang Industriyalisasyon sa bansa ng malakas at nagkakaisang panawagan ng magbubukid mula Luson, Bisayas at Mindanao. Mariin ang aming mga panawagan: lupa para sa magsasaka at nagbubungkal nito, wakasan ang monopolyo sa lupa ng panginoong maylupa at agri-korporasyong lokal at dayuhan. Labanan ang pyudal at malapyudal na pagsasamantala sa kanayunan.

Napagkaisahan sa kon-greso ang pagbubuo ang pangkalahatang programa ng pagkilos, mga resolusyon at nakapaghalal ng Pambansang Konseho at Komiteng Tagapag-paganap. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, mahigpit na nagkakaisa ang magbubukid at patuloy na isinusulong ang isyu at kagalingan ng sektor. laluna ang kampanya para sa tunay na reporma sa lupa, pagpapababa ng upa sa lupa, pagpawi sa usura, pagpapalakas ng kooperasyon sa hanay ng magbubukid, pagpapababa ng gastusin sa pagsasaka at pagpapataas sa presyo ng mga produktong agrikultural.

Gayon rin ang coco levy funds, ibalik na sa mga magsasaka sa niyugan. Ang paglalantad at pagtutol sa kontra magsasakang programa at patakaran ng pamahalaan sa agrikultura at ekonomiya, tulad ng liberalisasyon sa agrikultura at mapanlinlang na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Kampanyang magsasaka laban sa militarisasyon sa kanayunan, katarungan para sa biktima ng pampulitikang pamamaslang ng PNP, AFP at private army ng panginoong maylupa. Ang kagyat na pagpapalaya sa lahat ng bilanggong politikal sa bansa.

Mahigpit rin pinanghawakan ng KMP ang pakikipagkaisa sa uring manggagawa at multi-sektoral na pormasyon sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Ang sustinidong paglulunsad ng kampanya laban sa piyudalismo, burukrata kapitalista na mahigpit na nakakawing sa anti-imperyalistang pakikibaka. Sa mahigit tatlong dekada ng pag-iral ng organisasyon at paggigiit sa karapatan sa lupa, sumulong ang samahan at nakapagkamit ng mga tagumpay sa iba’t ibang larangan, kinilala sa loob at labas ng bansa bilang tunay na organisasyong nagtataguyod sa interes ng sektor at tunay na pagbabago.

‘Di masusukat ang halaga ng magsasaka at agrikultura sa araw-araw na pamumuhay ng bawat Pilipino, kami ang lumilikha ng pagkain ng taong bayan at mayorya na bumubuo sa populasyon. Ang uring maggagawa at magsasaka ang may napakahalagang papel sa industriya ng bansa at produksyong agrikultural, kung kaya dapat binibigyan ng mataas na pagpapahalaga ng pamahalaan at dapat tulungan, hindi pinapaslang at ikinukulong. “Ang gawaing pagsasaka ay hindi gawang terorismo, magsasaka kami, hindi terorista.” Pagpupugay sa mga kasamang nag-alay ng buhay para sa magbubukid at samabayanan.

Malakas na tinututulan ng magsasakang Pilipino at masang anakpawis ang Terror Bill ni Pangulong Duterte. Lalong titindi ang paglabag sa karapatang tao ng state forces, warrantless arrest, torture, pagpaslang at kawalan ng due process.

Marapat na ring palayain ang lahat ng bilanggong politikal, laluna ang mga maysakit at matatanda.

Malaking hamon sa magbubukid at sambayanang Pilipino sa kasalukuyan ang mahigpit na pagkakaisa at malakas na pagtutol sa Anti-Terror Law ng rehimeng Duterte. Ayuda at serbisyo, hindi pasismo. Labanan ang tiraniya! Ipaglaban ang karapatan at kalayaan! Ibayong magpursigi sa pagkilos para sa pagsulong at tagumpay.

Makibaka, Huwag Matakot!


Militarisasyon sa Cebu

$
0
0

Hindi natin alam kung anong silbi ng kagila-gilalas na aerial inspection ni Gen. Guillermo Eleazar, kumander ng Joint Task Force Covid Shield, sa Cebu. Pero ang malinaw, nainilarawan nito kung gaano kainutil, kapalpak at utak-pulbura ang tugon ng administrasyong Duterte sa pandemya ng coronavirus disease-2019 (Covid-19).

Noong Hunyo 16, ibinalik sa enhanced community quarantine ang Cebu City matapos magtala ng papataas na bilang ng positibong kaso ng Covid-19. Itinalaga ang dating heneral na si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu bilang tagapangasiwa ng pagtugon ng Cebu sa Covid-19.

Nagpadala ng bata-batalayong Special Action Forces, karagdagang sundalo, armored vehicles, at drones para sugpuin ang pagkalat ng sakit. Ipinagmalaki ni Eleazar na ito raw ang “tried and tested formula” sa pagpapatupad ng community quarantine gaya ng ginawa nila sa Metro Manila sa nakalipas na mga buwan. Gusto pa nga niyang magpatupad ng “total lockdown” sa ilang lugar sa lungsod.

Pero ang subok daw na militaristang tugon ng gobyerno sa pandemiya, pinasisinungalingan ng aktuwal na datos. Sa kabila ng pagpapatupad ng isa sa pinakamahaba at pinakamahigpit na lockdown sa mundo, umaabot na sa 36,000 ang naitalang kaso ng Covid-19 sa bansa at nadaragdagan pa ng hindi bababa sa halos 400 bagong kaso kada-araw.

Ayon sa World Health Organization, Pilipinas na ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Silangang Pasipiko na kinabibilangan din ang Tsina na mismong pinagmulan ng pandemya.

Simula pa lang ng pandemya sa bansa, marami nang nananawagan ng solusyong medikal hindi militar. Iginiit ng WHO at iba’t ibang eksperto sa siyensiya at medisina na ang kailangang gawi’y malawakang testing at pagpapalakas ng healthcare system ng bansa.

Pero sa nakalipas na apat na buwang pagpapatupad ng militaristang community quarantine sa bansa, hindi pa rin naabot ang target ng Department of Health na bilang ng mga naisasagawang test. Matindi pa rin ang kakulangan ng mga kagamitan ng mga ospital lalo na ng mga personal protective equipment ng mga manggagawang pangkalusugan. Mas marami pa ang nahuling “quarantine violators” kesa natest na mga indibiduwal. Sa kabila ito ng ibinigay nang emergency powers para kay Duterte at sa harap ng trilyong piso nang nautang ng gobyerno para sa pagtugon sa Covid-19.

Nakakabahala na walang natutunan sa pandaigdigang krisis pangkalusugan ang gobyernong Duterte. Nakakabahala na wala itong ni katiting na pagtugon sa mga lehitimong panawagan at inihahaing solusyon ng mga mamamayan. Basta para sa kaniya at kanyang mga heneral, pasaway kasi ang mga Pilipino kaya kailangang sindakin, parusahan, at patayin.

Pero iba ang mga Pilipino. Natuto na tayo sa tried and tested formula ng militaristang lockdown ni Duterte na nagdulot ng pagpatay sa mga gaya ni Winston Ragos, sa pagtortiyur at iba pang abuso at paglabag ng PNP at AFP sa karapatan ng mga binabansagan nilang “pasaway”. Natuto na tayo na huwag hayaang gamitin ni Duterte na sandata ang mga kuwarantina para supilin ang papalawak na galit at paniningil ng mga mamamayan sa kaniyang huli, palpak at utak-pulburang pagtugon sa krisis.

Di kailangan ng mga mamamayan ng Cebu at bansa ang pagpoposturang action star ni Eleazar.

Ang kailangan pa rin ay mass testing, mahusay at makamasang serbisyong pangkalusugan at nakabubuhay na ayuda. Uulitin natin, solusyong medikal hindi militar.

New Abnormal

$
0
0

Unti-unti nang lumuwag ang lockdown mula nang ipatupad ang General Community Quarantine at ang modified na bersiyon nito sa kalakhan ng mga rehiyon sa bansa noong unang linggo ng Hunyo. Binuksan na ito ng gobyerno sa kabila nang lagpas 20,000 na ang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) at naglalaro sa 300 ang arawang insidente ng mga kaso sa bansa.

Matapos ang tatlong buwan ng lockdown, tumampok ang naging kriminal na kapabayaan ng administrasyong Duterte. Sa kabila ng paggawad ng emergency powers kay Pangulong Duterte noong huling linggo ng Marso at kontrol sa P275 Bilyong pondo, palpak ang naging pagtugon nito sa pandemya – papalaki pa rin ang bilang ng may kaso ng Covid-19, hindi naabot ang 30,000 kada araw na testing at pinili at kulang ang ayuda sa kalakhan ng apektado ng pandemya at ang double-standard na pagpapatupad ng batas.

Ipinamamarali ngayon ng administrasyong Duterte ang “New Normal” bilang pag-angkop sa panahong wala pang lunas sa Coronavirus disease 2019. Ngunit perwisyo ang sumalubong sa mamamayan sa ilalim ng “New Normal” – lumaganap ang kawalan ng trabaho at kabuhayan, tumigil ang ayuda, nilimitahan ang transportasyon at inilusot ang phaseout ng mga tradisyunal na mga jeepney, ipinasa sa pribadong sektor at mamamayan ang testing, pagpapataw ng buwis maging sa online sellers at sa mga audio-video online streaming services at dagdag-bayarin sa pamamagitan ng pagrehistro ng mga bisikleta at marami pang iba.

Higit pa, ginamit ng administrasyon ang pandemya at “New Normal” upang higit na supilin ang mamamayan. Tusong inilusot, habang “nakakulong” ang mamamayan, ang Anti-Terror Bill ng kongreso sa noong unang linggo ng Hunyo, sa kalagitnaan ng pagharap ng mamamayan sa pandemya. Tila naghahanda si Duterte sa papalaking galit at diskuntento ng mamamayan sa kanyang kapalpakan sa pagharap sa pandemya.

Higit na tumindi at naging mas litaw ang kahirapan, kagutuman, kawalan ng hustisya – pawang mga pundamental na suliranin sa bansa – sa loob lamang ng ilang buwan na pagharap ng gobyerno sa pandemyang ito. Malinaw ang motibo sa pagpapatimo ng administrasyon sa bersyon nito ng “New Normal”: tanggapin ng mamamayan na normal lang ang mga nangyari dahil sa pandemya ng coronavirus, at walang anumang pananagutan ang gobyerno.

Karapatan ng manggagawa sa gitna ng pandemyang Covid-19

$
0
0

Ayon sa International Labor Organization (ILO), halos kalahati ng mga manggagawa sa buong mundo ang nangangambang mawawalan ng trabaho o hanapbuhay dahil sa lockdown na sanhi ng pandemyang Covid-19.

Dito sa Pilipinas, hindi natin maipagkaila na malaki rin ang naging epekto sa ating mga manggagawa ng pandemyang Covid-19 na ito.

Matatandaan na simula noong Marso 2020, nagdeklara ang pamahalaan ng community quarantine sa Metro Manila, na ilang araw lang ay ginawang buong Luzon na. Ang quarantine na ito’y pinalawig hanggang Mayo 30.

Ang epekto nito’y hindi nakapagtrabaho ang mga manggagawa dahil ang kanilang mga kompanya’y napilitang bawasan ang araw ng kanilang trabaho o di kaya ay pansamantalang nagsara sanhi sa dineklarang lock-down ng gobyerno.

Tanong: Kung sakaling napilitang gawin ang kompanya na apat (4) na araw na lang ang dating anim (6) na araw na trabaho ng kanyang mga manggagawa dahil sa enhanced community quarantine na ito, ano ang epekto nito sa suweldo o sahod ng mga manggagawa?

Ang sinusunod na alituntunin rito mga kasama, ayon sa batas ng Pilipinas , ay ang prinsipyo ng “no work-no pay .”

Ibig sabihin, karapatan ng kompanya na ibawas sa sahod ng mga manggagawa ang mga araw kung kailan sila ay hindi pinagtrabaho.

Maliban na lamang kung may collective bargaining agreement (CBA) o di kaya’y may patakaran ang kompanya na makatatanggap pa rin ng sahod ang mga manggagawa dahil hindi naman nila ginusto ang hindi pagtatrabaho.

Paano kung sakaling sa halip na bawasan ang araw ng trabaho ng kanyang mga manggagawa, nag-desisyon ang kompanya na pansamantalang itigil ang operasyon nito at itutuloy na lang pagkatapos ng enhanced community quarantine?

Ganun pa rin ang sagot. “No work, no pay” pa rin ang susundin.

Ibig sabihin, maaari lang sumuweldo ang mga manggagawa sa panahong sila’y nagtatrabaho na dahil regular na ang operasyon ng kompanya.

Pero tulad ng dati, ito’y kung walang CBA o company policy ang kompanya na nagsasabing may karapatang sumahod ang mga manggagawa kahit hindi sila nagtrabaho.

Maaari ring gamitin ng isang manggagawa ang anumang leave credit na mayroon siya sa panahong hindi siya makapagtrabaho.

Ayon sa DOLE Advisory No. 4, Series of 2020, ang sinumang manggagawa na pinauwi ng kanyang kompanya dahil sa quarantine order dulot ng Covid-19 ay maaaring gumamit ng kanyang vacation o sick leave benefits batay sa patakaran ng kompanya o alinsunod sa CBA. Kung sakaling nagamit na niya lahat ng kanyang leave credits na nabanggit, maaari siyang ituring ng kompanya na naka-”leave without pay.”

Paano ngayon kung nagpasya ang kompanya na magpatupad ng flexible work arrangement sa kanyang mga manggagawa?

Ayon ulit sa isang DOLE Advisory, ay maaring mamili ang kompanya sa mga sumusunod:

1. Compressed Workweek – Babawasan ang anim (6) na araw na trabaho sa kompanya ngunit mananatili pa rin ang 48 na oras ng pagtratrabaho sa isang linggo. Ibig sabihin nito, maaring pagtrabahuin ang isang manggagawa ng hanggang 12 oras bawat araw ngunit 4 na araw na lamang ang kanyang trabaho.

2. Reduction of workdays – Babawasan ng araw ng trabaho sa loob ng isang linggo basta’t hindi ito lalagpas sa anim (6) na buwan.

3. Rotation of workers – Ang schedule ng pagtatrabaho ng mga manggagawa ay maaring hindi pagsasabayin kundi paiikutin ng kompanya.

4. Forced leave – Ang mga empleyado ay sapilitang mag-leave ng kung ilang araw na gamit ang kanilang leave credits kung meron man.

5. Broken-time Schedule – Hindi tuloy-tuloy ang oras ng trabaho ng mga manggagawa ngunit sinu-nod pa rin ang legal na maximum working hours sa isang araw.

6. Flexi-holiday schedule – Pumapayag ang manggagawa na ibahin ang skedyul ng kanyang mga holidays basta’t wala siyang mawawalang benepisyo sa kanilang kasunduan ng kompanya.

Pansamantala lamang ang flexible work. Upang mapairal ito, kailangan munang magkaroon ng konsultasyon sa bawat panig at dapat katanggap-tanggap sa bawat-isa sa kanila ang kasunduan.

Kailangan din nilang ipaalam sa nakakasakop na Regional Office ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa lahat ng mga ito mga kasama, makikita natin na ang epekto ng community quarantine ng administrasyong Duterte ay ang paglaganap ng “flexibilization of labor.”

Nauuso na ngayon ang tinatawag nilang “new normal” bunga ng pandemic na ito.

Dahil sa Covid-19 pandemic, napipilitan ang mga kompanyang magsagawa ng mga pamamaraan para maging pleksible ang kanilang labor force at nang sa ganun, mapapanatili nila ang kanilang mga tubo.

Sa prosesong ito, hindi maiwasang maapakan at maisantabi ang batayang karapatan ng mga mang-gagawa.

Paano natin ito lalabanan, mga kasama?

Para mapanatili ang karapatan sa trabaho, karapatan sa tamang sahod, karapatan sa kalusugan, at karapatan laban sa Covid-19 virus, kailangan ng mga manggagawa ang ibayong pagkakaisa.

Ito ay makakamit lamang kung mas marami, mas malakas at mas matatag ang ating mga unyon.

Ano pa ang ating hinihintay? Paramihin, pala-kasin, at patatagin ang ating mga unyon!

Libreng mass testing pa rin

$
0
0

Halos apat na buwan nang nagtitiis ang maraming mamamayang Pilipino sa para sa kanila’y di-sapat na tugon ng rehimeng Duterte sa pandemyang coronavirus disease-2019 (Covid-19).

Tatlong bagay ang idinadaing nila. Una, ang kawalan ng sapat na tugon-medikal sa isang krisis-medikal tulad ng pandemya.

Gaano man kadalas itambol ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ng Department of Health, ng mga miyembro ng National Task Force on Covid-19 (NTF-Covid) at Inter- Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), na nagtatagumpay na raw ang bansa laban sa Covid-19, araw-araw itong napapabulaanan ng papataas na bilang ng nagkakasakit at nagiging positibo sa tests para sa Covid-19. Hindi nagtatagumpay ang rehimen, at ang bansang pinamumunuan nito, at bagkus ay lumalala pa ang sakit habang pilit na ibinabalik sa “(bagong) normal” ang pang-ekonomiyang buhay ng bansa.

Kasalungat nito ang ilang pahayag ni Pangulong Duterte at Roque mismo. Sinabi kamakailan ni Roque na nasa kamay na raw ng mga mamamayan ang responsabilidad para labanan ang pandemya. Ito’y dahil obligado na raw silang buksan ang ekonomiya ng bansa. Ibig sabihin, kung patuloy na tumataas ang bilang ng nagkakasakit, kasalanan ito ng mga mamamayan at hindi ng gobyerno. Ang tanging dahilan lang kung bakit patuloy ang pagkalat ng sakit ay dahil “pasaway” ang mga mamamayan — hindi sumusunod sa social distancing, hindi nagma-mask.

Pero malinaw na hindi ito totoo. Makikita sa kalsada, sa mga komunidad ng mga maralita, sa pampublikong transportasyon na bumalik na, sa bawat bahay, madalas pa ring nasusunod ang mga protokol sa pag-iwas sa pagkalat ng Covid-19.

Kung gayon, ano ang dahilan ng lalong pagbilis ng pagkalat? Malinaw, dahil ito sa pagbukas ng rehimeng Duterte sa ekonomiya nang hindi nagpapatupad ng libreng mass testing. Itinatanggi pa nga ni Roque na kailangan ng mass testing. Sabi pa niya, bahala na ang pribadong sektor na paigtingin ang testing, kasi ang gagawin lang ng gobyerno ay “expanded targeted testing.”

Pero ano nga ba ang sinasabi ng World Health Organization at halos lahat (maliban na lang sa mga tagasuporta ng rehimen tulad ni Dr. Edsel Salvana) ng eksperto? Kailangan ang testing sa lahat ng sintomatiko, bulnerable, frontliners, at may direktang kontak sa mga positibo (kahit walang sintomas). Kailangan ng agresibong contact-tracing. Malinaw sa datos mismo ng DOH na kulang na kulang pa ang naabot ng testing para malaman ang aktuwal na pagkalat ng Covid-19 sa bansa. Sa paraan lang na ito mas epektibo at siyentipikong makakapagbuo ng plano para mapigilan ang pagkalat pa.

Tama lang na nanawagan na ang ilang mamamayan, kabilang ang dating Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo (na tagapagsalita na ngayon ng Citizens’ Urgent Response to End Covid-19 o CURE Covid), sa Korte Suprema na makialam na at ideklarang may konstitusyonal na obligasyon ang rehimeng Duterte na magsagawa ng libreng mass testing.

Mala-Martial Law na patakaran laban sa pandemyang Covid-19

$
0
0

Mahirap maitatwa ito ng kasalukuyang administrasyon, ngunit lumalabas na huli ang Pilipinas sa pagpapatupad sa mga hakbangin upang labanan ang pandemyang Covid-19.

Matatandaan na noong katapusan ng Enero 2020, unang dumating sa atensiyon ng mga mamamayan ang tungkol sa panganib na bunga ng virus na ito nang iutos ni Pangulong Duterte ang pagkaroon ng travel ban sa mga nanggagaling sa Wuhan, China. Pagkaraan ng ilang araw, pinalawak ang travel ban na ito upang masakop ang buong China.

Ngunit hanggang dito lang ito at hindi pa sinimulan ng administrasyong Duterte ang kanyang ginagawa sa ngayon upang labanan ang paglaganap ng corona virus.

Sa madaling sabi, ang mass testing, physical distancing, at paggamit ng face masks ay hindi pa pinairal noon. Naiwanan tayo ng bansang Singapore, Taiwan, Vietnam at Hongkong sa bagay na ito.

Noong Pebrero 2020 ay nagawa pa ngang magsalita ng Pangulo na walang dapat katatakutan sa mga nangyayari.

Ngunit nang dumating ang Marso 9 ay dineklara ni Duterte ang isang State of Public Health Emergency dahil sa Covid-19. Sinabi ng World Health Organization (WHO) na kailangan ang mass production ng mga testing kits bilang panlaban sa pandemic na ito.

Ganumpaman, sinabi ng ating Department of Health (DOH) noong Marso 20 na hindi pa kailangan ang mass testing noong panahong iyon.

Noong Abril 14 lang nagsimulang mag-expanded targeted testing ang DOH. Dahil sa kakulangan ng mga gamit ay hindi nito naabot ang target na 8,000 bawat araw. Kailangan pang umabot ang Mayo para makamit ito.

Samantala, noong Marso 16 ay dineklara ng adminis-trasyon ang enhanced com-munity quarantine (ECQ) sa Metro Manila at sa buong Luzon naman noong Marso 17. Sa ECQ, pinatigil ang mga public transportation, sarado ang commercial establishments, mga eskuwelahan at mga pabrika, at mahigpit na pinanatili sa kanilang mga tahanan ang mga mamamayan.

Dahil sa pagtigil sa mga trabaho, bagsak ang ekonomiya ng bansa. Ang Gross Domestic Product natin noong unang quarter na lumaki ng 6.7 porsiyento ay maaring bumagsak na lamang sa 3.4 % sa mga darating na panahon. Tinatanyang hindi bababa sa 7 milyong Pilipino ang mawawalan ng kanilang mga trabaho ngayong taon.

Pero hindi lang ito ang dapat nating ikabahala.

Dapat rin natin pansinin na ang pinapairal na programa ng administrasyong Duterte laban sa Covid–19 ay isa sa pinakabrutal sa buong mundo.

Imbes na bigyan ng solusyon ang pandemya bilang isang suliraning pangkalusugan, solusyong-militar ang sagot rito ng pamahalaang Duterte .

Ang Task Force sa Covid-19 na binuo ni Duterte upang manguna sa pagbibigay solusyon sa problemang ito ay pinamumunuan ng mga dating opisyal ng militar kung saan ang kanilang oryentasyon ay bigyan ng kaparusahan ang mamamayan upang matugunan ang isang pampublikong problema sa kalusugan.

Libu-libong pulis at militar ang nagbantay sa mga checkpoint at nag-aaresto ng sinumang pinaghinalaang lumalabag sa mga regulasyon sa ECQ.

Dahil dito, ang United Nations mismo ang nagbigay ng babala sa Pilipinas tungkol sa paglabag nito sa karapatang pantao kaugnay ng pagpatigil sa Covid-19.

Binanggit ni UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet sa Geneva noong Abril 27 na ang kapulisan at iba pang security forces sa bansa ay gumagamit ng hindi kailangang puwersa upang mapasunod ang publiko mga patakaran sa lockdown at curfew.

Mukhang may batayan ang sinasabing ito ng United Nations.

Sa Old Balara, Quezon City, halimbawa, ay isang 13-taong bata ang paulit-ulit na pinalo ng baton sa kanyang likuran ng isang pulis dahil sa paglabag sa quarantine laws ng utusan ito ng kanyang ina na bumili ng suka sa tindahan.

Sa Sito San Roque sa Quezon City naman, 21 mamamayan ang inaresto dahil sa paglabag sa quarantine protocols at illegal assembly. Pero ayon sa mga saksi, napunta sa kalsada ang mga hinuli dahil sa balitang may mamimigay sa kanila ng pagkain.

Sa Parañaque naman, ang mga lumabag sa quarantine ay pinaupo ng kapulisan sa mga plastic na silya sa ilalim ng mainit na araw.

Mas masahol ang ginawa sa mga lumabag sa quarantine sa Sta. Cruz, Laguna. Ikinulong sila sa kulungan ng aso!

Ginagamit din nila ang Cybercrime Law para bawalan ang karapatang malayang magpahayag sa social media.

Halimbawa, noong Marso 27, inaresto si Juliet Espinosa, isang guro sa General Santos sa salang inciting to sedition kahit walang warrant dahil sa sinabi niya sa Facebook na dapat lang ireyd ng gutom na mga mamamayan ang isang gym kung saan nakalagay ang mga gamit pang-ayuda.

Noong Abril 6, nagpost ang editor ng campus paper ng University of the East tungkol sa mahinang reaksiyon ng pamahalaan tungkol sa Covid-19. Tinakot siyang sampaan ng online libel hanggang napilitan siyang humingi ng tawad sa barangay.

At paano natin makakalimutan ang kaso ni Ronnel Mas, isang guro sa Dagupan na hinuli ng NBI kahit walang warrant dahil sa nilagay niya sa kanyang post na di umano ay magbibigay siya ng P50-Milyong pabuya sa sinumang papatay kay Pangulong Duterte? Halatang nagbibiro siya pero hinuli siya ng NBI.

Kasunod din dito ang pag-aresto nang wala ring warrant sa isang construction worker sa Boracay dahil nagpaskil din na diumano’y dudoblehin niya ang pabuya sa sino mang makakapatay sa Pangulo.

Nasundan pa ito nang pag-aresto kahit walang warrant kay Reynaldo Orcullo, isang salesman sa Agusan del Norte, dahil sa pagtawag sa Pangulo na buang o baliw sa social media.

Maalaalang noong Abril 28 lamang ay sinabi ng Pangulo sa telebisyon na ang sinumang Pilipinong hindi kuntento sa kanyang trabaho ay may karapatang murahin siya dahil siya’y empleyado lamang ng gobyerno.

Ganumpaman, natuloy ang mga pang-aarestong nabanggit kahit ito’y walang kaukulang warrant of arrest galing sa isang hukom.

Ito’y paglabag sa karapatang pantao. Sinasabi sa ating Rules of Court na maaari lang arestuhin ang isang tao kung may warrant of arrest na inilabas ang hukuman.

Kapag wala pang warrant of arrest, hindi siya maaaring arestuhin maliban lang kung: (1) gumagawa siya ng kasalanan o nagtatangkang gumawa ng kasalanan sa harap ng taong umaresto sa kanya, (2) may isang kasalanan na ginawa at may sapat na batayan para sabihing siya ang gumawa nito, o (3) isa syang tumakas na bilanggo mula sa lugar kung saan siya naka-detine.

Sang-ayon ang mga human rights group tulad ng Free Legal Assistance Group (FLAG) at National Union of People’s Lawyers (NUPL) sa bagay na ito.

Ayon naman sa Philippine National Police (PNP), umabot na sa 41,000 katao ang naaresto at mahigit 120,000 na ang pinapagpaliwanag dahilan sa paglabag sa ECQ.

Malinaw na ang pandemyang Covid-19 ay ginawang dahilan ng administrasyong Duterte upang ipatupad ang panibagong paglabag nito sa karapatang pantao ng bawat Pilipino.

Magpapatuloy ito hangga’t hindi tayo nagsasalita, mga kasama.

Wang-wang Aswang

$
0
0

Sa “Aswang” (2019) ni Alyx Ayn Arumpac, may bahaging nawala sa dating tirahan si Jomari — ang batang kaibigan ni Kian delos Santos, anak ng mag-asawang nakulong dahil sa “gera sa droga,” at sinubaybayan ng dokumentaryo.

Sa paghahanap sa kanya ng direktor, maraming pinagtanungan. Nang makita ang bata, at kung nasaan siya, maiisip ng manonood na mali talaga ang mga naunang lugar na napagtanungan. Wala ang bata sa mga lugar na bagamat mahirap ay hindi sagad ang hirap. Nandoon siya sa barung-barong na manipis na kahoy ang sahig, kung saan nakasalampak ang nakatira, sa makikitid at siksik na eskinita.

Tila ganoon din ang pelikula. Kung tutuusin, walang bago sa mga ikinwento nito. Halos araw-araw na laman ng balita, lalo na noong bungad ng rehimen, ang mga pagpatay dahil sa “gera sa droga.” Pero dinala ng “Aswang” ang mga manonood sa isang bagong lugar, na noong una’y hindi natin inakala o matanggap na naroon nga.

Ang bago sa “Aswang” ay ang pagtutok sa mga kwento ng mga pinaslang, naapektuhan at saksi ng naturang gera — taliwas sa paspasang kumpas ng balita. Ipinaramdam nito ang mga buhay na sangkot, mga ugnayan nila at ang lugar nila — taliwas sa pagkamanhid na dulot ng ng estadistika. Sa ga nito, patunay ang “Aswang” sa bisa ng dokumentaryo at pelikula bilang mga pormang pansining at pangkultura.

At mapagmuni rin ito sa kalagayan ng mga pinaslang at dinahas — hindi ba may pagka-pasibo sa salitang “biktima”? — at kalagayan ng bansa. Paano ba tayo napunta rito?

Bago rin ang pagbabalangkas ng kwento. Ang bawat pagkukwento ay pag-unawa at pagteteorya sa reyalidad, sabi ng mga kritiko. Dinala ng “Aswang” ang mga manonood sa reyalidad kung saan…

May mga batang maralita na maagang namulat sa pagpatay, pandarahas, pag-aresto at waring pagsosona ng kapulisan. Gayundin sa paghahanap-buhay, kasama ang droga, na katulad ng plastik na lalagyan ng shabu ay pang-araw-araw na reyalidad. Ang kanilang mga kwentuhan (mga aswang) at laro (bugbugan) ay pawang nasa anino ng dahas. Ang mga paghinga at kaligayahan sa buhay ay nasa pagbili (bagong tsinelas, damit, pagkain) — bukod pa ang makasama ang mga mahal sa buhay.

May mga batang maralita na ang pangarap ay maging pulis. Sa kamusmusan ng kanilang kamalayan, hangad ng inaapi na maging isa sa mga nang-aapi, sabi ni Paulo Freire; hangad ng sinakop na Itim na maging isa sa mga mananakop na Puti, sabi ni Frantz Fanon. May lakas at dating, nakakapagbago ng buhay: marahil, pulis lang ang sumasayad sa kanilang buhay na ganyan.

May lakas at dating, nakakapagbago ng buhay: aswang. May matalas na nasasapul ang kababalaghan sa reyalidad na pinaghahalawan ng pangarap: nabubuhay ang aswang sa pagkain ng dugo at laman, sa pagpatay ng tao. Kung anumang inhustisyang dinanas nila sa naunang buhay, hindi na iyun mahalaga para sa mga nabubuhay; kailangan silang takasan, kontrahin, palayasin, kung hindi man patayin.

Nagaganap ang dahas na mabilisan at maramihan, walang ligal na proseso, hindi mapapaliwanagan o mapapakiusapan, at walang awa. Hindi lang sentral na pangako ni Duterte noong eleksyon ang “gera sa droga,” kundi sentral na mekanismo ng paghahari niya: dahas at pananakot. Ang mga kaanak ng mga pinaslang, mga saksi, mamamahayag at taong-simbahan, hanggang sa komisyon ng gobyerno sa karapatang pantao — lahat, alam na mali ang nangyayari, pero walang makapalag.

Sa ilalim ng gobyernong may “gera kontra droga,” pangunahin ang espada kaysa sa krus, ang bala kaysa fake news. Hindi dahil “matagumpay” ang “pagkondisyon” sa mga mamamayan na ang mga adik at tulak ay “kaaway.” Masyadong pinupuri ng ganyang paliwanag si Duterte at idinadamay pa ang mga mamamayan sa pananagutan. Hindi dahil kumbinsido ang mga tao, kundi dahil tiyak ang dahas, mayroong takot, at ginagawang madali ang pag-atras sa pagiging kunwari’y kumbinsido.

Ang dominante ay relihiyon ng ritwal (pagsisimba, pagdarasal, penitensya) at pananampalataya, hindi ng mga pangaral — kahit simpleng malasakit sa kapwa — at kalagayan ng buhay at lipunan. Sa isang sipi na laging ginagamit sa pag-aaral ng ideolohiya, sabi ng teologong si Blaise Pascal, “Lumuhod ka, magdasal, at maniniwala ka” — at napako na diyan ang lahat, na parang nariyan na ang kaligtasan.

May mga alagad ng simbahan na nagsisikap iugnay ang mga aral ng Kristiyanismo sa mga nagaganap sa buhay ng mga maralita at ng bansa — habang nananatiling malapit sa mahihirap, saksi sa mga pagdurusa nila at katuwang sa paglaban nila. Ang mga pagsisikap niya, ni Fr. Ciriaco Santiago III, mas nakikita pang umaabot sa mga taong-simbahan mismo (sa mga talakayan), sa mga progresibong organisasyon (sa mga protesta), at sa mga kaanak ng mga pinaslang — hindi pa sa malawak na hanay ng mananampalataya.

Ang sakal at sulasok ng espasyo ng mahihirap ay ibang-iba sa mobilidad sa sasakyan at relatibong maluwag na espasyo ng mga nasa panggitnang uri (sa kasong ito, ni Fr. Santiago), at sa malalaking tanaw sa buong lungsod ng kamera. Sa huli, hindi nakikita ang una, at sa huli nakakahinga ang mga nakakakita sa una.

Ang masisikip na espasyong pinaglalagian ng mahihirap ay pauna sa malapit nang kitid ng kabaong at nitso. Sa pamamagitan ng dahas at takot, ipinatanggap sa kanila ang kanilang lugar sa lipunan. Sa ganitong kalakaran, hindi aberya ang pagkidnap at iligal na pagpiit na ginawa ng kapulisan sa mahihirap sa bandang dulo ng dokumentaryo. Nasa iisang lohika ito ng pagkitil sa puwang, at sa hininga, ng mahihirap: lugar-iskwater, kulungang totoo at peke, kabaong at nitso.

Ang tanging saya para sa isang batang mahirap ay ang hindi pinatay ng kapulisan ang kanyang nanay, ang nakulong lang ito kumpara sa napatay, at ang nakalaya ito sa kulungan — para makasama sa araw-araw, pati sa paghahanap ng mapagkakakitaan sa basura. Sa malaking tanaw, walang pagkakaiba; pero sa tanaw niyang nasa espasyong iyun, ga-mundo ang laki ng pagkakaiba.

Nagbibigay ng pag-asa ang paglaban. Sa mga protesta, ang maluwag na espasyo ng lansangan ay nagiging siksik sa mga karaniwang tao, katulad ng mga espasyo ng mga maralita. Sa mga talakayan, nag-iisang diwa at katawan ang mga kalahok. Sa mga ito, nailalabas ang galit na iginugupo ng takot at dahas sa tahimik na pag-iyak, pagbulong, pagluluksa. Dito, tinutukoy at sinisingil ang pwersang nasa likod ng mga aswang.

Maaalala sa titulo ang alamat ni Edward Lansdale, opisyal ng Central Intelligence Agency o CIA ng US, sangkot sa kampanyang kontra-insurhensya sa mga Huk, o Hukbong Mapagpalaya ng Bayan, pagkatapos ng gera. “Sa mga lugar kung saan aktibo ang mga ‘Huk,’ isang iskwad ng militar para sa psychological warfare ang magpapalaganap ng kwento na may aswang (bampira) na nasa kabundukan.”

“Pagkatapos, magkakasa ang iskwad para sa psywar ng tambang, tahimik na susunggaban at papatayin ang huling tao sa patrulya, bubutasan nang dalawa ang leeg, at tutuyuin ang dugo ng bangkay bago ito ibalik sa daanan. Pagkatapos nito, aalis sa lugar ang mga mapamahiing Huk.” Katulad ngayon, ginamit ang aswang para pigilan ang pinakamalaking kasalanan para sa mga naghahari: ang manlaban.

Ipinalabas ang “Aswang” nang online streaming sa panahong lumalawak ang kamulatan at galit sa rehimeng Duterte dahil sa kriminal na pananagutan sa pagharap sa pandemya at lantarang panunupil. Matagal nang naririnig ng marami ang mga kwento sa “gera kontra droga,” pero mas bukas na ang mata, isip at puso nila ngayon.

Salamat sa “Aswang” sa pagdadala sa atin sa lugar na ito.

15 Hulyo 2020

Mga imahe mula sa FB at Twitter accounts ng ‘Aswang’

 

Paulit-ulit na panghahamak ng China

$
0
0

Paulit-ulit na lang. Paulit-ulit ang panghahamak sa mga mangingisdang Pilipino ng mga Tsinong nang-aangkin sa West Philippine Sea.

Ilang araw bago ang ikaapat na anibersaryo ng desisyon ng International Arbitration Court na nagsasabing pag-aari ng Pilipinas ang malaking bahagi ng WPS, isa na namang bangkang Pilipino ang binunggo ng barkong Tsino nito lang Hunyo 28. Labing-apat na mangingisda at pasaherong Pilipino ang lunan ng bangka. Nakarehistro man sa Hong Kong ang barko, mga Tsino ang tripulante nito. May hold departure order nang isinumite upang hindi makabalik ng China ang crew ng barko, at sinabing hindi umano nakikialam ang Tsina sa maaaring isampang kaso, nakita na natin noong nakaraan kung paano hindi nakamit ang hustisya sa ating mga mangingisda.

Noong nakaraang taon, sa gitna ng gabi at dagat noong Mayo 29, 2019, napabalita ang pagbangga ng isang Chinese fishing vessel sa isang pampalakayang bangka. Nagulat umano ang lahat na lulan ng Gimver 1, dahil pawang natutulog silang lahat nang nangyari ang insidente.

Salamat sa saklolo ng isang bangka ng Vietnam na malapit, at nasoklolohan ang mga mangingisda. Nakatatak na sa kasaysayan ang sambit ng mga Biyetnames sa sinaklolohang mga Pilipino: “Vietnam, Philippines, friends.”

Kaysaya sanang mapakinggan ng mga kataga, kasama na rin ng unang pagkondena ni Defense Sec. Delfin Lorenzana at ng Malakanyang sa insidente. Anila, “duwag na aksiyon” ang pag-abandona ng mga intsik sa mga Pilipinong mangingisda. Pero nangyari man ang imbestigasyon, naabsuwelto pa rin ang mga Tsino. Nawala ang matapang na tono ng mga Pilipinong opisyal, habang hindi na napakinggan ang mga mangingisdang Pinoy na nawawalan ng kita dahil sa limitadong galaw sa dagat.

Dalawang insidente lang ito ng paghahari ng mga Tsino sa West Philippine Sea at iba pang bahagi ng karagatang pag-aari dapat ang Pilipinas. Sa mga nakaraang mga taon, tuluy-tuloy ang pag-aangkin ng China sa karagatang ito ng Timog-Silangang Asya.

Kumpara sa tindig ng karating-bansa sa rehiyon, kakaiba ang tindig ng Pilipinas sa agresyon ng mga Tsino. Rehistrado ng mga bansa tulad ng Vietnam ang kanilang pagtutol sa pamamalagi ng mga bangkang Tsino sa kanilang bakuran, at nagawa pa ngang itaboy ang mga ito papalayo sa kanilang bahagi ng karagatan. Pero malayo ito sa larawan na iniwan ng insidente ng Gimver1. Tila yumuko ang Pilipinas sa lakas ng mga Intsik.

Ganun na lang ang lakas ng loob ng mga Tsino na banggain ang mga angkang pamalakaya ng Pilipinas. Habang nitong papasok ang pandemya dulot ng coronavirus disease-2019 (Covid-19), mismong si Pangulong Duterte ang nagsambit na ayaw niyang masaktan ang damdamin ng mga Tsino. Kung ayaw niyang masaktan ang damdamin ng China kahit pa sa usapin ng pagpasok ng sakit sa bansa, lalo pa kaya sa usapin ng maliliit lamang na tao, oo lalo na ng mangingisdang mga Pilipino.

Apat na taon na ang nakalilipas nang nakatanggap ng desisyon ang Pilipinas pabor sa claim nitong pag-aari ng bahagi ng dagat na inaangkin ng China. Apat na taon na rin ang pamumuno ni Duterte. Apat na taon rin ito ng patuloy na pamamayagpag ng mga Tsino sa WPS at iba pang bahagi ng dagat na teritoryo ng Pilipinas.

Apat na taong mistulang pagpapakatuta ng gobyernong Pilipino sa isang bagong-usbong na imperyalista sa mundo.


Krisis na pinasahol ni Duterte

$
0
0

May linya ang mga tagasuporta ng rehimeng Duterte kaugnay ng krisis sa ekonomiya sa panahon ng coronavirus disease-2019 (Covid-19): Wala tayong magagawa, pandaigdigan ang krisis. Lahat naman apektado. Tiis-tiis na lang.

Lahat nga ba? Kung pakikinggan ang mga balita hinggil sa paglaban ng ibang bansa sa Covid-19, makikita natin, iba-iba ang pagtugon ng iba-ibang bansa. Nariyan ang katulad ng Estados Unidos (US), sa pamumuno ng reality TV star na si Donald Trump, na itinangging matindi ang magiging epekto ng Covid-19 sa kanilang bansa. Ngayon, US na ang may pinakamalaking bilang ng kaso ng naturang sakit sa 3.8 milyon, pati na ang kaso ng namamatay sa sakit na ito sa 143,000. Patuloy pang dumarami ito, hindi bumabagal ang paglaki ng bilang.

Nariyan din ang mga katulad ng Brazil, na may maka-Kanang presidente, si Jair Bolsonaro, na kinukumpara kay Trump at sa Pangulo ng Pilipinas. Katulad ni Trump, mayabang ding sinabi ni Bolsonaro na hindi maaapektuhan ng Covid-19 ang kanyang bansa. Ayaw pa magsuot ng face mask si Bolsonaro, katulad ni Trump. Ngayon, mahigit 2.1 milyon ang kumpirmadong maysakit ng Covid-19 sa Brazil, habang halos 80,000 naman ang namatay.

Ganun din ang aktitud ni Duterte sa unang dalawang buwan ng Covid-19: binalewala, minaliit. Pinalusot ang mga turistang Tsino na galing sa pinagmulan ng sakit sa Wuhan, China. Noong nagkaroon na lang ng lokal na transmission, saka naalarma. Lockdown ang pangunahing porma ng pagtugon ng rehimeng Duterte sa pandemyang ito. Ngayon, Pilipinas na pangalawa sa may pinakamalaking bilang ng kasong Covid-19 sa Timog Silangang Asya, sa halos 70,000. Umabot na sa 1,835 katao ang Pilipinong namatay sa sakit na ito.

Samantala, nariyan ang mga bansang tulad ng Vietnam, South Korea, Taiwan, New Zealand, atbp. na mabilis na tumugon sa paraang dapat: malawakan at libreng testing, contact-tracing, isolation at treatment. Wala nang kaso ng Covid-19 ang Vietnam, habang inaapula na lang ang papakaunting kaso sa ibang nabanggit na bansa.

Ibig sabihin lang nito na hindi unibersal ang nararanasan ng Pilipinas. May mga halimbawa sa ibang bansa ng matagumpay na pagtugon sa krisis na ito.

Sa larangan ng ekonomiya, sa usapin ng kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino, masasabing hindi lang Covid-19 ang nagdulot ng pinakamatinding krisis sa kasaysayan ng bansa. Hindi lang pandemya ang dahilan ng pagkakaroong ng tantiya ng Ibon Foundation na 14 milyong walang trabaho ngayon (sa 45 milyong labor force).

Sino nga ba ang nagtakda ng pinakamahabang lockdown (o community quarantine) sa kasaysayan ng mundo? Paulit-ulit na inekstend ang lockdown, dahil ang batayang rekisito para buksan ang ekonomiya sa panahon ng Covid-19 — libreng mass testing — ay hindi ginagawa. Sino ba naman ang pangunahing umatupag sa panunupil at pasismo, sa pagpasa sa mala-batas militar na Anti-Terrorism Act of 2020, sa halip na magpatuloy magbigay-ayuda sa mga nawalan ng trabaho? Sino ba naman ang nanguntang ng halos P9- Trilyon sa ngalan daw ng Covid-19 pero hindi naman nagamit para sa pagsalo sa mga nawalan ng trabaho at maliliit na negosyong nagsarahan?

Kung gugustuhin ng rehimeng Duterte, kayang kaya nito magbigay ng bailout sa 14 milyong nawalan ng trabaho, sa middle class na bumaba ang suweldo at nagtrabaho-mula-sa-bahay, sa mga maralita sa informal sector na lalong wala nang makain. Sa halip, pag-bailout sa turismo, sa malalaking negosyo, at pagpapatuloy ng Build, Build, Build (na pinakikinabangan ng mga dayuhang negosyanteng nakakontrata) ang inatupag nito.

Pinayagan nito ang pagbukas ng ekonomiya at pagbalik-trabaho ng mga manggagawang may trabaho pa kahit na kumakalat pa ang Covid-19 sa bansa. Sinabi pa ni Harry Roque, tagapagsalita ni Duterte, na “pribadong sektor” na ang bahala sa Covid-19 testing ng mga manggagawa. Wala itong ginawa habang ginawang pagkakataon ng mga kapitalista ang pandemya para magbawas ng empleyo sa mga pagawaan nito, magbawas ng sahod at benepisyo, magsagawa ng rotational na pagtatrabaho, manupil ng mga unyon ng mga manggagawa — lahat nang bagay na lalong nagpapahirap sa mga manggagawa.

Resulta ng kapabayaan ng rehimen ang malalang krisis sa ekonomiya ng mga mamamayan. Lagi namang ito ang dahilan ng mga krisis sa ekonomiya — resulta ng kawalan ng pakialam ng isang Estado — bago pa mang ang pandemya. Pero dahil sa Covid-19, mas naging lantad ang katotohanang ito. Likha ng tao, o man-made, ang malawakang disimpleyo at kawalan ng kabuhayan ng mga Pilipino. Hindi na ito masisisi sa Covid-19. Isa lang ang maaaring ituro nating pangunahing salarin.

Pagtutol sa Anti-Terrorism Act: Saan ito patungo?

$
0
0

Noong nakaraaang Hulyo 18, 2020, ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, naging epektibo na sa ating bansa ang Republic Act 11479 o ang Anti- Terrorism Act.

Maala-ala na ilang araw pa lamang matapos itong lagdaan ng Pangulo noong Hulyo 3 ay ilang grupo na ng mga human rights advocates ang nagsampa ng kaso sa Korte Suprema upang hamunin ang legalidad ng batas na ito dahil sa paglabag sa ating Saligang Batas.

Kasama ang Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR), kabilang ang inyong lingkod sa mahigit walong grupo na nagsampa ng kaso sa Korte Suprema upang labanan ang batas na ito.

Inaasahang madadagdagan pa ang bilang ng mga grupong magsasampa ng kaso laban sa Anti-Terrorism Act.

Malungkot isipin ngunit ngayon pang gitna tayo ng pandemya ay saka pa naisipan ng Kongreso na maglabas ng mapanupil na batas na ito.

Kung titingnan natin kasi, maliwanag ang paglabag ng batas na ito sa 1987 Philippine Constitution.

Una ay ang karapatan ng bawat mamamayan upang maging pribado at huwag pakikialam ng Estado sa kanyang pakikipag-usap kaninuman maliban lamang kung may legal na batas tungkol dito.

Ayon kasi sa Sec.16 ng Anti-Terrorism Act, ang pakikipag-usap ng isang taong pinaghihinalaang terorista ay maaring lihim na pakinggan o i-record ng isang pulis o militar sang-ayon sa utos ng Court of Appeals batay sa ex-parte application tungkol dito ng nasabing pulis o militar na sinasang-ayunan ng Anti- Terrorism Council.

Pinaghihinalaan ka pa lamang at wala pang maliwanag na batayan na ikaw ay isang terrorista ngunit maari ng pakialaman ng mga ahente ng gobyerno ang iyong mga pribadong komunikasyon nang hindi mo nalalaman.

Ang lihim na pagmamanman at pagre-record ng iyong mga usapang ito ay ibibigay ng Court of Appeals sa pulis o sa militar sa pamagitan ng isang aplikasyong ex-parte na sinasang-ayunan ng Anti- Terrorism Council.

Ang ibig sabihin ng salitang ex-parte ay hindi na nila pakikinggan ang inyong panig at bibigyan na lang ng karapatang mag-surveilance ang pulis o militar sa inyong mga pribadong gawain nang hindi natin nalalaman.

Paano na lang ang ating right to privacy and communication na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas?

Isa pa rin sa probisyon ng Anti-Terrorism Law na ating tinututulan ay ang Sec. 25 ng nasabing batas, pati na ang Sec. 26 at 27 nito.

Ayon sa Sec. 25, maaring itakda ng Anti-Terrorism Council na terorista ang isang tao o isang samahan basta may nakikita ang Anti-Terrorism Council na “probable cause” sa bagay na ito.

Ang ibig sabihin nito ay hindi na kailangan ang buong proseso ng pagdinig at maaring itakda na isang terorista ng Anti-Terrorism Council. ang isang tao o samahan batay lamang sa deklarasyon ng pulis o militar at laban sa kanya.

Ang kanyang mga pag-aari naman tulad ng bank accounts at iba pa ay maaring pagbawalan siyang galawin.

Isipin natin na ang Anti- Terrorism Council ay hindi naman husgado kungdi binubuo ng mga executive department secretaries na itinalaga ng Pang. Duterte.

Sa Sec. 26 at 27 naman, ay sinasabi na maaring ang Court of Appeals ang magdeklara sa isang samahan o organisasyon bilang terorista dahil hinihingi ito ng Department of Justice, at may karapatan ang Court of Appeals na maglabas ng preliminary order of proscription sa loob ng 72 oras.

Ibig sabihin nito ay hindi pa man naririnig ang panig ng KMU, Bayan, Gabriela at iba pang progresibong samahan o asosasyon ay maari na silang pansamantalang ideklarang terorista habang dinidinig pa ang kaso laban sa kanila .

Paano naman ang kanilang freedom of association at right to due process ayun sa Bill of Rights ng ating Saligang Batas?

Ngunit hindi lamang yun, mga kasama.

Tinututulan din natin ang Sec. 29 ng nasabing batas na nagsasabing ang isang taong pinaghihinalaang terorista ay maaring hulihin at ikulong sa loob ng 14 hanggang 21 na araw na walang kaso ng pulis o militar ayon sa utos ng Anti- Terrorism Council.

Ngunit ayon sa ating Saligang Batas, tanging isang huwes lamang ang may karapatang magpakulong sa isang tao sa pamamagitan ng paglabas ng mandamiento de aresto o warrant of arrest. Ang Anti-Terrorism Council ay hindi huwes at walang karapatang maglabas ng warrant of arrest.

Isa pa, nakasaad din sa ating Saligang Batas ang karapatan ng isang akusado sa isang mabilis na paglilitis.

Nakapagtataka kung bakit binibigyan ng batas na ito ng 14 hanggang 21 araw pa ang pulis o militar bago sila magsampa ng kaukulang kaso sa taong pinaghihinalaang terorista.

Sa ating Saligang Batas, nakasaad na dapat sampaan ng kaso sa loob ng tatlong araw ang isang nakakulong kahit na suspendido ang pribilihiyo ng writ of habeas corpus, kung hindi man, siya ay dapat palayain.

Higit sa lahat, pinalawak ng Anti-Terrorism Act ang ibig sabihin ng terorismo.

Ayon sa Sec. 4 ng batas na ito ay nagkasala ng terorismo ang sinumang gumawa ng hakbang na maglalagay sa panganib sa buhay ng ibang tao upang makalikha ng public emergency.

Napakalawak ng depisyong ito kung kayat sinabi ng Human Rights Watch na ang pagsisimula ng away sa loob ng isang inuman ay maaring sakop sa depinisyong nabanggit.

Sinabi rin ng Commission on Human Rights na maaring gamitin ang batas na ito laban sa mga mamamayang gumagawa lamang ng kanilang batayang karapatan tulad ng karapatang mag-ingay laban sa mga pagkukulang ng ating gobyerno.

Sa ngayon, ang bola ay nasa kamay na ng Korte Suprema.

Bagamat ang karamihan sa mga Supreme Court Justices ay itinalaga ni Pang. Duterte, umaasa pa rin tayo na pakikinggan nila ang ating hinaing sa bagay na ito at mananaig ang kanilang pagtingin sa ating Saligang Batas.

Sa ngayon ay huwag tayong tumigil sa pagsigaw: Anti- Terrorism Law, ibasura!

Ang karapatang magpahayag at magtipon sa gitna ng pandemya

$
0
0

Tuwing ika-apat na Lunes ng Hulyo ay tradisyunal nang ginagawa ng Pangulo ang State of the Nation Address (SONA) o Talumpati sa Kalagayan ng Bansa, ayon sa ating Saligang Batas.

Kaya bawat taon, sa harap ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ay pinoproklama ng Pangulo ang kalagayan ng ating bansa, kasama na ang mga proyektong kanyang nagawa sa nakalipas at balak gagawin pa sa mga darating na taon.

Tuwing SONA ng Pangulo, tradisyunal na rin sa ating mga progresibong grupo ang magsagawa ng People’s SONA o ang paglalahad sa tunay na kalagayan ng bansa na maaring taliwas sa opisyal na pahayag ng administrasyon.

Ito ay matagal na rin nilang ginagawa at sang-ayon sa karapatan ng isang mamamayan na magpahayag ng kanyang sinasaloob na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas.

Ngunit sa ika-limang SONA ng Pangulong Duterte ay biglang pinagbawal ang pagtitipon ng mga progresibong grupo.

Ang dahilan ay ang pandemya ng Covid-19.

Matatandaan na ayon sa Resolution No. 57 ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), ay bawal ang mga mass gathering sa mga lugar na dineklarang may community quarantine dahil sa usaping pangkalusugan

Gamit ang resolusyong ito, noong Hulyo 23, 2020, ay naglabas ng advisory ang Department of Interior and Local Government sa ilalim ni Sec. Eduardo Ano na pinaaalahanan ang lahat ng local government units na pinagbabawal ang mga mass gathering dahil sa kasalukuyang pandemya at nagsasabing hindi dapat pahintulutan ang mga rali sa darating na SONA ng Pangulo.

Bago nangyari ito ay nakapagkita pa si Quezon City Mayor Joy Belmonte noong Hulyo 21 sa mga lider ng mga progresibong grupo upang pag-usapan ang mga health and safety protoculs sa gaganaping rali sa darating na SONA.

Napagkasunduan na gagawin ang rally sa harap ng Commission on Human Rights (CHR) sa Commonwealth Avenue.

Ngunit dahil sa memorandum ng DILG, napilitang umatras si Mayor Belmonte sa kanyang pangako.

Sa isang statement na nilabaas noong Hulyo 24 ay sinabi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na hindi ito maglalabas ng permit para sa mga grupong nagpaplano ng protest action sa darating na SONA.

Sinabi rin na ang mga permit na naibigay na ay ituturing na kanselado na.

Ang tanong ngayon ay ganito: Sa pamamagitan ba ng isang advisory ay maaring ipagbawal ng DILG ang mga rali sa SONA ng Pangulo?

Ang batas tungkol sa pagsagawa ng rali o demonstrasyon ay ang Public Assembly Act of 1985 o BP 880.

Sinasabi sa batas na ito na kailangan lamang ang permit kung ang isang rali o demonstrasyon ay gaganapin sa isang public place na hindi kinikilalang freedom park sa isang lokalidad.

Kapag ang rali ay gaganapin sa isang freedom park, hindi mo kailangan ang permit.

Hindi rin kailangan ang permit kapag ito ay gaganapin sa isang pribadong lugar na may pagsang-ayon ang may-ari o sa loob ng isang eskwelahan ng pamahalaaan sang-ayon sa regulasyon nito.

Hindi rin kasali sa batas na ito ang mga welga o pagkilos ng mga manggagawa laban sa kanilang kompanya.

Ayun sa BP 880, sa loob ng 2 araw ay kailangang aksyonan ng Mayor ang hinihinging permit.

Ang hindi niya pag-aksyon dito ay ituturing na pagpayag sa hinihiling na rali.

Maari lamang na tanggihan ito ng Meyor kung may malakas na ebidensya na ang isasagawang rali ay magiging sanhi ng maliwanag na panganib sa seguridad, kabutihan, kapakanan, o kalusugan ng publiko.

Pagdating sa usapin ng kalusugan, matatandaan na dati nang naka-pagsagawa ng rali ang mga grupong humihingi ng permit para magrali sa darating na SONA.

Sa mga raling ginawa nila nung nakaraan ay napatupad naman nila ang health and safety standards tulad ng social distancing at pagsusuot ng face masks na hinihiling ng Department of Health.

Isa pa, ang harap ng opisina ng CHR ay isa sa mga lugar na tinaguriang Freedom Parks ayon pa sa CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia.

Kaya maliwanag na ang pagbabawal na ito sa rali sa darating na SONA ay walang batayan.

Hindi nga batas ang nilabas ng DILG kungdi isang advisory lamang. 

Isipin natin ang nakasaad sa Bill of Rights ng ating Saligang Batas na nagsasabing hindi dapat magpatibay ng batas ang pamahalaan na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magtipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.

Hindi kailanman pasailalim ang ating Saligang Batas o ang BP 880 sa isang direktiba ng DILG tungkol sa karapatang magtipon-tipon ng mga mamamayan upang iparating sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing .

Maliwanag na ginagamit lamang ng administrasyong Duterte ang pandemya ng Covid-19 upang sagkaan ang batayang karapatan ng mga mamamayan.

Kaya ano pa ang ating hinihintay? Magkita-kita tayo sa People’s SONA, mga kasama!

Hagdanan, semento’t maleta ang kanlungan

$
0
0

Mas mabuti na kaysa sa kalsada.

Ganito tinignan ng gobyerno ang imahe ng libu-libong Pilipino na nagsiksikan sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila sa pag-asang makabalik na sa mga probinsya.

Sa balita, ang tawag sa kanila ay locally stranded individuals (LSI). Dumagsa sila sa sports complex para makasama sa programang Hatid Tulong ng gobyerno. Ginamit ng gobyerno ang lokasyong ito para sa rapid test na kailangang makuha ng mga LSI bago makabalik sa probinsiya.

Marami ang nababahala sa mga litrato ng mga LSI. Tabi-tabi ang istranded na mga Pilipino sa hagdanan, sa bleachers, ng sports complex. Marami ang nanlumo para sa kapwa Pilipinong ginagawang unan ang maleta at kama ang semento. May mga buntis, bata, nakatatanda. Umulan pa at nabasa ang bagahe ng ilan gabi ng Hulyo 26. Kinaumagahan, sa ilalim naman ng matinding sikat ng araw, daan-daan pa rin ang nakapila sa labas. May nahimatay na at may sanggol pang nilagnat matapos maambunan.

Ang mga nagtitiis na Pilipinong ito’y binansagan ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na matitigas ang ulo. Sabi niya, natatakot kasi itong mga pamilyang ito na hindi mapasama sa programa.

Sino ang hindi matatakot sa ilang araw o linggo na wala pa ring makain dahil wala nang trabaho? Sino ang hindi matatakot sa kawalan ng tirahan dahil tuloy ang renta kahit walang kinikita?

Dumadagdag lang ito sa mga pruweba ng pagbubulag-bulagan ng administrasyon. Sa ilang buwan ng lockdown, daan-daang establisimyento ang nagsara, libu-libong manggagawa ang nawalan ng trabaho. Hindi na naman lingid sa kaalaman ng marmai na libong Pilipino ang dumadagsa sa Metro Manila para maghanap ng ikabubuhay.

Hindi rin naman ito ang unang beses na natampok ang litrato ng mga Pilipinong natutulog sa kalsada dahil sa kawalan ng matutuluyan habang nagbabalak bumalik sa probinsya. Kalsada, kariton, ilalim ng expressway.

At upang isagad ang kabalintunaang ito, naisipan ng polisyang magdala ng orchestra upang haranahin umano ang mga nag-aabang ng sakay pauwi. Pero walang matamis na hele ang papawi sa kalam ng sikmura at kirot ng mga katawang walang maayos na matutuluyan.

Sarap ng buhay, ika nga ni Senador Bato dela Rosa.

Buhay muna bago lahat, sabi naman ni Pangulong Duterte sa kanyang ika-limang State of the Nation Address. Buhay nino? Siguradong hindi ang libong Pilipino na nagtitiis sa harap ng magarbong pamumuhay ng gobyernong naturingang lingkod bayan.

Taliwas sa naging pangako niya nang mahalal, ang administrasyong Duterte ay hindi kanlungan ng api at naghihirap.

Mass media sa administrasyong Duterte

$
0
0

Halos isang linggo na ang nakaraan mula nang matapos ang ikalimang SONA ni Pangulong Duterte ngunit hanggang ngayon, ay usap-usapan pa rin sa social media, sa dyaryo, radio, at TV ang mga nangyari dito.

Ang 2020 SONA niyang ito ay isa sa mga pinakamahaba nyang talumpati kompara sa dati niyang nagawa.

Sa loob ng SONAng ito ay binanggit ng Pangulo ang 21 priority bills na gusto niyang tapusin ng Kongreso sa nalalabing 2 taon ng kanyang panunungkulan pati na ang pagbabalik sa parusang kamatayan.

Binanggit din niya ang tungkol sa Covid 19 pandamic at ang ginawa niyang pakikipag-usap sa pangulo ng Tsina upang bigyan ng prayoridad ang Pilipinas kung sakaling makadiskubre na ng bakuna ang Tsina laban sa sakit na ito.

Ngunit ang unang limang minuto ng talumpati ni Duterte ay tungkol sa kanyang kritisismo kay Sen. Franklin Drilon, sa ABS-CBN at sa mga Lopez na may-ari nito.

Binanatan niya si Sen. Drilon dahil di-umano sa pagkampi nito sa mga Lopez dahil sinabi ng Senador na kahit mayaman ang mga Lopez ay hindi ito dapat tawagin na oligarkiya.

Nasabi ito ng Senador matapos tanggihan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang hinihingi na prankisa ng ABS-CBN upang makapagpatuloy sa kanilang operasyon.

Ayon kay Duterte, ang mass media raw ay isang makapangyarihang kasangkapan sa kamay ng mga oligarkiya, tulad ng mga Lopez.

Ito daw ay ginagamit nila sa politika katulad noong eleksyon ng 2016 kung saan siya ay kinalaban ng mga ito .

Kaya, lumalabas na mali ang ginawa ni Sen. Drilon sa bagay na ito.

Ngunit mas mali yata ang Pangulo tungkol dito, ayon sa kampo ni Vice-President Leni Robredo.

Nais umano ni Robredo na marinig sa SONA ang kompletong ulat ng Pangulo tungkol sa Covid-19 pandemic at kung paano ito bibigyan ng solusyon, kasama na ang plano ng administrasyon para pagalingin ang bumabagsak nating ekonomiya dahil dito .

Ngunit hindi niya narinig sa talumpati ng Pangulo ang mga bagay na ito.

Ganun din ang naging reaksyon ng batikang broadcast journalist na si Karen Davila.

Ang SONA ng Pangulo ay hindi dapat gamitin sa personal na paghihiganti, sabi ni Karen Davila.

Walang senador o pribadong kompanya ang dapat banggitin sa simula pa lang ng SONA. Ang mga mamamayan ay nagugutom at walang trabaho. Kailangan nila ang inspirasyon, dagdag pa ni Karen.

Ayon naman sa mga kritiko, ang hindi pagbibigay ng prankisa sa ABS- CBN ay bahagi ng patuloy na atake ng administrasyon sa karapatan sa malayang pamamahayag.

Ang pagsasara ng ABS-CBN ay ang pagkawala ng balita sa mga 75 milyong Pilipino na umaasa lamang sa Kapamilya network sa bagay na ito, lalo na ngayon at panahon ng pandemya.

Ito ay nangangahulugan din ng pagkawala ng trabaho sa mahigit kumulang 11,000 regular at kontraktwal na manggagawa na nagtatrabaho sa ABS-CBN.

Ayon sa datos, umabot na sa sa 8.9 milyon ang mga walang trabaho sa ating bansa nitong Abril 2020, pinakamataas na bilang mula 2005.

Nakapagbayad ang ABS-CBN ng P70.5-Bilyong buwis sa gobyerno mula 2003 hanggang 2019. Sa panahong ito na may hinaharap tayong krisis, malaking kawalan sa ekonomiya ang bagay na ito.

Pati ang inyong lingkod ay naapektuhan din dahil kulang-kulang 20 taon kong naging kliyente ang ABS-CBN Supervisors’ Union.

Kahit noong ako’y nakulong sa Mindoro dahil sa gawa-gawang kaso noong panahon ng administrasyong Arroyo, ang mga opisyal ng ABS-CBN Supervisors’ Union ay kasama sa mga nagsumikap na puntahan ako sa napakalayong kulungan na ito.

Pero dahil sa galit sa ABS-CBN ni Duterte, kasama na ang pakikipagsabwatan ng National Telecommunication Commission (NTC) at mga kaalyado niya sa House of Representatives, ay nawalan ng prangkisa at tuluyang naipasara ang ABS-CBN.

Ngunit hindi lamang ito, mga kasama.

Pati ang Pinoy Weekly ay nakaranas din ng panunupil mula sa pamahalaang Duterte.

Maala-ala na noong umaga ng Hulyo 26, 2020, ay kinumpiska ng mga pulis- Bulacan ang mga kopya ng Pinoy Weekly kahit wala silang search warrant sa opisina ng Kadamay sa Villa Lois Public Housing sa Pandi, Bulacan.

Ayon umano sa kapitan ng pulis na nanguna sa nasabing operasyon, ang Pinoy Weekly ay nagtuturo sa mga tao na labanan ang pamahalaan kung kaya’t ito ay iligal.

Ngunit nakapagtataka dahil sa tinagal- tagal na operasyon ng Pinoy Weekly, bilang isang non-profit media organization na aprubado ng Securities and Exchange Commission (SEC) simula pa noong 2000 ay wala pa ni isang kasong naisampa laban dito ang pamahalaan.

Sa katunayan, naging finalists pa ang mga manunulat ng Pinoy Weekly sa Jaime Ongpin Awards for Excellence in Journalism. Ang mismong dyaryo ay nakatanggap din ng pagkilala sa Center for Media Freedom and Responsibility.

Maliwanag na ang mga gawaing ito ng administrasyon ay paglabag sa batayang karapatan sa pananalita at pamamahayag ng taong- bayan.

Sa Seksyon 4, Artikulo 3 ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas ay ito ang sinasabi:

“Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.”

Sa kaso ng Chaves vs. Gonzales, G.R. No. 168338 na dinisisyunan ng Korte Suprema noong Pebrero 15, 2008, ay sinabi ng Mataas na Hukuman na ang karapatan sa pamamahayag ay kailangang malawak upang maging kasali ang pagsusulat ng mga paniniwalaang hindi pinaniwalaan ng karamihan.

Ibig sabihin, ang karapatan sa pamamahayag ay nangangailangan ng buo at ganap na talakayan sa pampublikong kapakanan.

Kailangan ito sa isang demokrasya kung saan maaaring magpalitan ng palagay ang bawat sektor ng lipunan na walang takot o pangamba na sila ay babalikan sa kanilang sinabi.

Ang pagtanggal sa karapatang ito ay magdudulot ng diktadura o awtoritaryanismo.

Ang karapatang ito ay nililimitahan lamang ng “clear and present danger rule” kung saan maaring ipagbawal lamang ang susulatin kung ang epekto nito ay sukdulang napakalala at agarang napipinto laban sa kabutihan ng lipunan.

Malinaw na ang karapatan sa malayang pamamahayag ay pinapatay ng administrasyong Duterte.

Huwag nating pabayaan ito, mga kasama.

Viewing all 532 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>