Quantcast
Channel: (Kolum) – Pinoy Weekly
Viewing all 532 articles
Browse latest View live

Sol, gising!*

$
0
0
Sol bilang lider-migrante sa Hong Kong

Sol bilang lider-migrante sa Hong Kong.

Soledad ang tawag ko sa kanya. Ay, asar na asar siya! “Soledad talaga ang pakilala mo sa akin?”, pakutya niyang tanong minsan, nang mag-emcee ako sa isang pagtitipon at di-sinasadyang hirangin ko siya sa ganoong ngalan. Pero ‘di naman nagtagal, tingin ko’y nabatid rin niyang lambing ko lang iyon. ‘Di nagtagal, kapag tinawag ko siyang “Soledad”, sasagot na siya ng, “Yes, Sarah Katrina?”, sa tonong tanging ang bedroom/alto/boombass voice niya lang ang makakagawa.

Setyembre 2. Maaga kami sa opisina. “Big day” kasi noon para sa amin, kina Tatay Cesar at Nanay Celia, sa mga abogado nila at iba pang kapamilya ng mga OFW na nasa death row sa ibang bansa. Makalipas kasi ang ilang buwan, naiskedyul na ang pagpapatuloy ng pagdinig sa Kongreso na nag-iimbestiga sa kapabayaan ng gobyerno sa kaso ni Mary Jane Veloso. Pagdating ko sa opisina, naghahanda na siya. Mataas na ang kilay at naka-lipstick na ng pula. At bilang si Sol, para na naman siyang mother hen/stage mother/mayordoma. Papano’y nagsisinghutan kaming lahat sa opisina. “Inuman niyo na iyan ng paracetamol, bago pa lumala. Malamig sa pupuntahan natin,” ika niya.

Hindi matatapos ang araw ring iyon, nagka-massive stroke si Soledad.

Maraming haka-haka at opinyon ang mga kaibigan at kasama kung “bakit” siya na-stroke. Noong Lunes pa raw masama ang pakiramdam niya. Papaano’y noong Linggo raw ay naparami ang labada. Sumama raw ang lagay ng katawan nang, dahil sa matinding trapik, nilakad niya pa-Pandacan mula Legarda. Ano raw ba ang nakain? Kasalanan daw ng inulam niyang baboy noong pananghalian at mineryendang pasta (may hipon kasi!). Baka raw na-high blood sa committee hearing dahil nasa “balikbayan box” na ang agenda. Ang sabi naman ng iba, ganoon daw talaga. Traydor daw ang stroke. Isang iglap lang, tapos, tapos na.

Nauunawaan ko sila. Sila, tulad ko rin, ay naghahanap ng sisisihin. Nag-iisip kung saan ibubunton ang bigat ng loob at poot sa nangyari sa kanya. Ang saya-saya pa namin noon sa committee hearing. May mga taktikal na tagumpay na nakamit, at may mga laban at kampanyang nabuksan pa. Kaya hindi talaga namin lahat lubos na inakala na ganoon katindi ang kahihinatnan niya.

Basta ang alam ko lang, inatake siya habang ginagampanan ang gawaing mahal na mahal niya. She fell down fighting, and what a fight it was, kumbaga sa gera.

Ilang araw bago siya ma-stroke, nagkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap nang masinsinan. Tungkol sa buhay-aktibista. Tungkol sa buhay-pamilya. Tungkol sa mga karanasan niya sa loob ng 25 taong pagiging domestic worker sa Hong Kong, bago siya magpasyang umuwi na at dito na kumilos nang buong-panahon. Sabi niya, hindi naman maikakailang marami siyang naging “hang-ups” bago siya umuwi. Na siya ang breadwinner. Na hindi niya “naihanda” ang pamilya niya sa pag-uwi niya. Na namamangha siya minsan kapag naiisip niyang 25 taon siya sa Hong Kong at wala man lang siyang napundar at naipon. Pagkatapos ay naisip niyang, sa lipunang ito, ganoon naman talaga ang kapalaran ng kalakhang migranteng Pilipino. Na tumuloy pa rin siyang umuwi dahil “panahon na rin naman, at dito naman talaga ang pakikibaka.” Na naiisip niyang magsimula ng “cupcake business” kaso wala silang refrigerator. Na problema niya talaga minsan na masyado siyang “passionate” at “matigas ang ulo”, lalo na kung tingin niya’y wasto ang mga paninindigan niya. Na gusto niya pang matuto, marami pa siyang gustong aralin, at handa pa siyang sumabak sa mga bago at mas mabibigat pang mga gawain.

Na kahit nandito na siya, gusto pa rin sana niyang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya niya.

Si Sol, kasama ang pamilyang Veloso, sa protesta kontra sa administrasyong Aquino sa Mendiola, Manila.

Si Sol, kasama ang pamilyang Veloso, sa protesta kontra sa administrasyong Aquino sa Mendiola, Manila.

Sa isang taong mahigit na lagi kaming magkasama sa trabaho, ito naman ang tiyak na tiyak ako kay Soledad. Lagi siyang handang magparaya. Mukha siyang mataray (dahil siguro sa kilay), pero iyakin siya at malambot ang puso. Lalo na para sa pamilya niya. Lalong higit pa para sa mga migranteng inaapi, pinagsasamantalahan at nangangailangan.

Kaya naman hindi na ako nagulat noong ilang oras pa lang siya sa ospital ay nagdagsaan na ang mga dating kasamahan niya mula sa Hong Kong. Hindi na nakakagulat na maski ang dating employer niya ay agad-agad na nagpadala ng tulong-pinansiyal para sa kanya. At hindi siya nawawalan ng bisita – mula sa kaanak, mga kaibigan at kasama, mga OFW na nakasalamuha niya – ngayong mahimbing pa ang tulog niya.

Ang isa pang alam ko, at sigurado ako, lumalaban si Soledad. “Tulog” ang katawan niya pero tiyak akong gising at lumalaban ang diwa niya. “Hindi ako ang tipong umaatras sa challenge o laban,” iyan ang sambit pa niya. Kahit gipit, hirap at may alinlangan, hindi niya tinalikuran ang paglilingkod sa sektor na kanyang kinamulatan, at sa bayan.

Samahan naman natin siya ngayon sa kanyang laban.

Soledad, kung matigas ang ulo mo, mas matigas ang ulo namin! Gising na, mahal naming Sec-Gen, kasama at kaibigan.


Si Sol at ang mga kasamahan niya sa Migrante International.

Si Sol at ang mga kasamahan niya sa Migrante International.

*Si Sol Pillas ay ang kasalukuyang Secretary-General ng Migrante International. Na-stroke siya noong Setyembre 2 habang nasa House of Representatives hearing ng Committee on Overseas Workers’ Affairs. Sumailalim siya sa major brain surgery para tanggalin ang namuong dugo sa kanyang utak, at kasalukuyang nakaratay sa UERM NeuroWard. Comatose pa siya sa ngayon, at kinakailangan ng matinding gamutan para maisalba ang kanyang buhay.
Sa mga nais magbigay ng tulong-pinansiyal, maaring magdeposit sa:
MIGRANTE INTERNATIONAL
BPI Kalayaan Branch
Savings Account #1993-0859-16
Dollar Savings Account #1994-0218-06
Swift Code BOPIPHMM 
O mag-donate online sa Sol Pillas Medical Fund.

Tula | Pulang Bulaklak Ng Mga Pangarap

$
0
0

PW-roger-ordonez-red-roses

pipitas lamang ako
ng ilang pulang bulaklak
sa ulilang hardin ng mga pangarap
buong ingat na sasamyuin
sa nakapapasong katanghalian
at paghimas ng dapithapon
at paghalik ng ulap
sa mukha ng nakatulalang buwan
buong ingat kong isisingit
mga petalya ng pulang bulaklak
sa mga pahina ng lumuluhang aklat
supling ako ng aking kasaysayan.

ilang pulang bulaklak lamang
ilan lamang ang kailangan
upang lumangoy ang dugo sa mga ugat
ilang pulang bulaklak lamang
upang sumikdo ang puso
upang diwa’y maglagablab
at ilulan sa pakpak ng hangin
himagsik ng inaaliping lahi
habang mga punglo’y umaangil
sa sinapupunan ng dusa’t hilahil.

oo, ilang pulang bulaklak lamang
aking pipitasin at hahalikan
sa ulilang hardin ng mga pangarap
upang di ko makalimutang
supling ako ng aking kasaysayan!


Red Flowers Of My Dreams

i will pluck just a few red flowers
in the desolate garden of my dreams
tenderly, so tenderly,
i will kiss every flower
beneath the glaring high noon sun
and when the dusk caresses
and the cloud smacks
the aghast moon’s face
carefully, so carefully,
i will insert the petals of red flowers
between the pages of a sobbing book
i am the offspring of my history.

just a few red flowers
just a few i need
for my blood to swim in my veins
just a few red flowers
for my heart to beat incessantly
for my mind to be aflame
and let the wind’s wings
carry the rebellious sentiments
of a race being oppressed
while hissing are the bullets
in the bosom of tears and grief.

yes, just a few red flowers
i will pluck and kiss
in the desolate garden of my dreams
for me not to forget
am the offspring of my history!

Winnie Monsod vs. Lumad

$
0
0
Winnie Monsod

Winnie Monsod

Sa kolum niyang “Who is exploiting the ‘lumad’?” sa Philippine Daily Inquirer nitong 19 Setyembre, ipinagtanggol ni Prop. Solita “Mareng Winnie” Monsod ang militar laban sa malaganap at patuloy pang lumalaganap na pagkondena rito dahil sa pagpatay, at pagmasaker pa nga, sa mga Lumad sa Mindanao.

Sa maraming taon, pinatatag ng midyang pag-aari ng malalaking kapitalista ang imahe ni Monsod, propesor ng ekonomiks at komentarista sa dyaryo at telebisyon, bilang tinig ng makatwirang opinyon. Malaking bagay ang estilo niya ng pagsusulat at pagsasalita – pang-araw-araw, direkta-sa-punto, para tuloy “makamasa” at “totoo.”

Pero sa kolum niyang ito tungkol sa maramihang pagpatay sa mga Lumad, malinaw na hindi katotohanan ang hangad niya, kundi ang pagbaluktot at pagtatago nito. Hindi ang pagtigil sa pagpatay sa mga Lumad, kundi ang pananaig sa publiko ng paliwanag ng militar sa naturang mga pagpatay.

Ang ugat: ang agad at awtomatikong pagpanig niya sa militar nang labag sa mga datos, historikal na karanasan, at kritikal na pagsusuri. Na nakaugat naman sa pagtatanggol niya sa mga namamayaning patakarang pang-ekonomiya sa bansa.

Talaingod Manobo ng Talaingod, Davao del Norte. <b>KR Guda</b>

Talaingod Manobo ng Talaingod, Davao del Norte. KR Guda

May dalawang tauhan sa isyu, aniya. Nasa isang banda ang grupong party-list na Bayan Muna, koalisyong elektoral na Makabayan, at Karapatan, grupong nagtatanggol sa karapatang pantao – na tinawag niyang “matigas na Kaliwa (hard Left)” at agad binansagang kakampi ng rebeldeng grupong New People’s Army o NPA at kaaway ng militar. Nasa kabilang banda ang Armed Forces of the Philippines o AFP.

Sa kamay ni Monsod, ang isyu ay naging usapin ng pagpanig: sa mga pahayag ng Kaliwa o sa mga pahayag ng AFP? Pinapalabas niyang ang militar ang siyang inaakusahang pumapatay sa mga Lumad dahil lang ang Kaliwa ang siyang nag-aakusa.

Ang ginawa niya, agad niyang idineklara ang kanyang pagpanig – “sa pagkakataong ito, ako ay malinaw na maka-militar” – at mula rito ay naglatag ng kanyang mga “argumento” at “datos.” Sa kolum na ito, malinaw na nagmumula sa pagpanig ang mga argumento at datos, at hindi ang kabaligtaran – gaya ng dapat asahan, pero bihirang makuha, sa isang akademiko at komentaristang tulad niya.

Ipinapaalala ng ganitong takbo ng isip ni Monsod ang takbo ng isip na terorista, pero nagpapakilalang “anti-terorista,” ni Pang. George W. Bush ng US: “Kakampi mo kami o kakampi mo ang kaaway.” Ang biktima o kaswalti rito, gaya sa bintang ni Bush na may Weapons of Mass Destruction ang Iraq, ay ang katotohanan, at ang mga mamamayan na itinuturing nang tagasuporta ng kaaway.

Hindi tatanggapin ni Monsod sa kanyang korte, kumbaga, ang ebidensyang galing sa Kaliwa. Pero may dalawang kagyat na mapagkukunan ng ebidensya na dapat niyang sinangguni kung totoong nagsasaliksik siya at hindi lang basta nagtatanggol sa militar. At iyan ay kahit tanggalin natin ang mahabang kasaysayan ng paglaban ng mga Lumad at ng panunupil ng militar.

Una, ang mga Lumad mismo. Higit sa pagtaghoy, nagsasalita sila at nagpoprotesta, itinuturo ang mga nasaksihan nilang pumatay sa kanilang mga kaanak at kaibigan – ang militar at ang mga alaga nitong paramilitar. Sa konteksto ng mga Lumad, hindi biglang pangyayari ang mga serye ng pagpatay o mga masaker; nauuna ang mga pananakot at iba pang porma ng pandarahas na natutukoy ang mga salarin.

At hindi paisa-isang “lider” ng mga Lumad ang nagsasalita, tulad sa kaso ng mga nagsasalita pabor sa militar, kundi buu-buong populasyon nila. Hindi kataka-taka, inaakusahan ni Monsod ang Kaliwa na nagpipilit na magsalita para sa mga Lumad, at ginagamit niya itong palusot para hindi sila pakinggan.

Ikalawa, ang militar at gobyerno mismo. Kung susuriin ang programang kontra-insurhensyang Oplan Bayanihan, madaling makita ang kongklusyon ni G. Renato Reyes, Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan: target talaga ng militar ang mga Lumad. Para saan ang pagsasabi ng militar na 74 porsyento ng mga NPA sa Silangang Mindanao ang mga Lumad? At 90 porsyento ng mga base ng NPA sa isla ang nasa mga komunidad ng mga Lumad?

At mahalagang pansining bahagi ng Oplan Bayanihan ang mga islogang ipinagmamalaki ni Monsod kaugnay ng militar: ang “mga lapit na people-centered at whole-of-nation sa mga usapin ng internal na kapayapaan at seguridad.”

Michelle Campos (kaliwa), anak ng pinaslang na lider-Lumad na si Dionel, noong martsa patungong Mendiola sa anibersaryo ng batas militar, Setyembre 21, 2015. <b>KR Guda</b>

Michelle Campos (kaliwa), anak ng pinaslang na lider-Lumad na si Dionel, noong martsa patungong Mendiola sa anibersaryo ng batas militar, Setyembre 21, 2015. KR Guda

Hindi kataka-taka, inangkin ni Monsod ang kalayaang balewalain ang katotohanan. May mga patutsada siyang hindi maipagtatanggol nang makatwiran: Ang mga Lumad daw ay nag-anak nang nag-anak na “parang mga kuneho,” bagay na nagpapasama sa imahe nila. Tubong Surigao del Sur si Hen. Hernando Iriberri, na para bang dahilan ito para hindi gumawa ang heneral ng masama sa mga Lumad.

Marami rin siyang absurdong kasinungalingan. Hindi man daw “mga santo” ang militar ay “ginagawa nila ang lahat ng makakaya” at may paraan para maghanap ng katarungan kung magkamali sila. Ang batayan daw ng Kaliwa sa pag-akusa sa militar: mahal ang mga baril na ginamit sa mga pagpatay sa mga Lumad. Parang sinigawan daw ng opinyong publiko para patahimikin si Iriberri sa mga pahayag nito.

Malaking kalokohan ang mga batayan ni Monsod sa pagpanig sa militar: Una, nagbitiw o nagretiro na raw ang mga labi sa militar ng Martial Law. Ikalawa, nahubog raw ang kasalukuyang militar sa “karapatang pantao, sa mga lapit na nakasentro-sa-mamamayan at pambuong-bansa sa mga usapin ng internal na kapayapaan at seguridad.”

Nakatali ang unang punto sa antas ng mga indibidwal na tauhan at opisyal o sa henerasyon ng mga ito. Pero kinaligtaan ito sa ikalawang punto: Hindi ba’t ang mga pwersang militar ngayon ay hinubog ng mga rehimen pagkatapos ni Marcos na pawang responsable rin sa malaganap na paglabag sa mga karapatang pantao?

Pero higit pa diyan, tinatalikuran ng ganitong pagsusuri ang mas malalaking usapin: ang oryentasyon ng instrumentong mapanupil na ito na napakahalaga sa Estado – sa pagtatanggol sa pribadong pag-aari at sa panunupil sa mga lumalaban sa sistemang panlipunan na nagpapayaman sa iilan at nagpapahirap sa nakararami – gayundin ang sistemang umiiral sa loob ng militar, at ang mahabang historikal na rekord nito ng paglabag sa mga karapatang pantao.

Ikatlo, at hindi nahiya si Monsod na aminin, may “mga multisektoral na grupong tagapayo” raw ang militar at miyembro raw siya nito simula 2010. Kaugnay marahil ito ng punto niyang may “Army Transformation Roadmap” ang militar na sineseryoso nito umano.

Interesante ang pag-amin na ito: siya na nagtanggol at sumipsip sa rehimen ni Arroyo hanggang dulo, ay nakahanap na rin pala ng pwesto sa rehimen ni Aquino. Kaya pala sa pangkalahatan ay pabor kay Aquino ang kanyang mga opinyon. Siya na nanahimik at hindi kumondena sa madugong rekord sa karapatang pantao ng rehimen ni Arroyo ay nagpapayo na ngayon sa militar, at nagtatanggol rito.

"Lumad and Amazon", dibuho ng rebolusyonaryong artista na si Parts Bagani.

“Lumad and Amazon”, dibuho ng rebolusyonaryong artista na si Parts Bagani

Matapos paniwalaan ang pagtanggi ng militar sa pagpatay sa mga Lumad, pinagsalita sila ni Monsod para magbigay-katwiran: “Kung pumatay man ang militar ng Lumad, iyan ay hindi dahil Lumad sila, kundi dahil NPA sila. Paano nalalaman ng militar kung ang Llumad ay NPA? Simple: kung may baril sila, NPA sila.” Lahat ng pahayag ng binansagan niyang “Kaliwa” ay kinwestyon niya, pero hindi ang pahayag na ito ng militar.

Hindi rin niya kinwestyon ang iba pang pahayag ng militar: Na galing ang impormasyon tungkol sa mga miyembro ng NPA na Lumad sa mga Lumad mismo na dating rebelde at sumuko na sa gobyerno. Na ang mga nagpapakilalang lumikas na Lumad ay hindi talaga lumikas. Na NPA, hindi militar, ang siyang pumapatay sa mga Lumad at umabot na nga raw sa 357 ang mga Lumad na pinatay ng NPA sa panahong 1998-2008.

Sa madaling salita, sinasang-ayunan at binibigyang-katwiran ni Monsod ang pagpatay sa mga Lumad. Bersyon lang ang pahayag niya ng aroganteng hacienderong pahayag ni Pang. Noynoy Aquino: “Walang kampanya na patayin ang kahit sino sa bansang ito. Ang mayroon ay kampanya na tugisin ang mga salarin sa mga krimen na ito maging sino man sila.” Sinusunod ni Monsod ang paliwanag ng militar sa mga namatay: mga NPA sila at dapat lang patayin dahil mga mamamatay-tao.

Tulad ng mga pahayag ni Aquino, mapanganib ang mga pahayag ni Monsod. Bukod sa hindi nila itinutulak ang pagtigil sa mga pagpaslang, binibigyang-katwiran nila ang pagpatay sa mga Lumad, sa batayang mga NPA ang mga ito. At hanggang diyan lang ang kayang sabihin ng militar; hindi sila lalampas diyan sa antas ng pahayag. Hindi nila sasabihing pumapatay sila ng mga sibilyan kahit sa ganoon ang aktwal nilang ginagawa.

Ang kailangan ay alamin at lutasin ang mga ugat ng paglaban ng mga Lumad, ng pandarahas ng mga militar, at ng armadong tunggalian sa bansa – sa pamamagitan ng usapang pangkapayapaan. Pero walang ganyang panawagan si Monsod, kahit pakitang-tao. Mas malamang, alam niya ang naturang mga ugat sa kalagayang sosyo-ekonomiko ng bansa, pero tutol siya sa pundamental na pagbago rito. Ang kailangan lang, para sa kanya, ay ang supilin ang mga lumalabang Lumad.

Mas kilala si Monsod na tagapagrekomenda at tagapagtanggol ng mga patakarang pang-ekonomiya ng gobyerno – na pawang neoliberal at mas pinapakinabangan ng mga malalaking dayuhan at lokal na kapitalista at mga haciendero. Sa kolum niya hinggil sa mga Lumad, ipinapakilala niya ang isa pang aspeto sa kanyang personalidad: tagapagrekomenda at tagapagtanggol rin ng mga patakarang mapanupil ng gobyerno.

Kailangan nga naman ng ekonomiyang nagpapayaman sa iilan mula sa pagpapawis ng nakakarami ang panunupil sa nakakarami – at ang panlilinlang sa nakararami gaya ng ginagawa ni Monsod sa kolum niya. At sa kanyang katauhan, magkasanib ang umano’y hindi-nakikitang kamay ng pamilihan at ang sumusuporta ritong itinatagong bakal na kamay ng Estado.

Dinala ni Monsod sa pagtatanggol sa militar ang estilo ng pag-iisip na tatak niya at ng mga katulad niyang ekonomistang neoliberal sa pagtatanggol sa mga patakarang pang-ekonomiya: mahigpit na paghawak sa dogma kahit pa taliwas ito sa reyalidad. Labag sa maraming ebidensyang kontra rito, tinatanganan niyang mabuti ang umano’y pagiging labas sa anumang pananagutan, kapwa ng pamilihan at ng militar.

Akusasyon niya sa Kaliwa na hindi ito nagbabago ng isip kahit nagbabago ang panahon. Sa kolum niya sa mga Lumad, umatras pa nga sa kasaysayan si Monsod. Dito, at marahil sa mga nauna pang kolum, idinedeklara niya sa daigdig ang muling pagkabuhay niya: hindi na lang ekonomistang neoliberal kundi mandirigmang anti-Kaliwa na rin ng Cold War.

21 Setyembre 2015

Lakas ng maralitang kababaihan (Unang Bahagi)

$
0
0
Piket ng kababaihang miyembro ng Gabriela-Valenzuela sa harap ng House of Representatives, sa panahon ng pagdinig ng panukalang badyet para sa mga ahensiya sa pabahay. Kuha ng #citjournPMC correspondent na si <b>Marina Bozar</b>

Piket ng kababaihang miyembro ng Gabriela-Valenzuela sa harap ng House of Representatives, sa panahon ng pagdinig ng panukalang badyet para sa mga ahensiya sa pabahay. Kuha ng #citjournPMC correspondent na si Marina Bozar

Nakatalamitamn natin kalian lang ang mga lider at kasapi ng lokal na mga tsapter ng Gabriela mula sa Caloocan, Valenzuela, Tondo at Quezon City.

Kitang-kita sa kanilang masayang pagbabahagi ang sigla ng kanilang organisasyon, gayundin ang kakayahang pumulot ng aral mula sa kanilang mga karanasan, na nagamit naman nila sa pagpapaunlad pa ng kanilang samahan.

Bandang 2005 nang malipat ang mga taga-Valenzuela, Caloocan at Tala sa relocation sites sa naturang mga lugar. Mga relocate sila mula sa iba’t ibang komunidad na tabing nila. Dapat malaman na walang sapat na kita sa mga lugar na iyun, at maraming pamilya ang nagkakaroon ng arrears sa pagbabayad.

Dito nagsisimula ang mga pahirap na singiling halos hindi na nila malagpasan: kada buwan, mayroon agad isang porsiyentong interes; bukod pa rito ang anim na porsiyentong interes sa kabuuan arrears kada taon.

Tila maliit kung titignan ang mga datos, pero sa isang pamilyang kalauna’y magbabasura o kontraktuwal na malayong mababa sa minimum ang kita, napakalaking halaga nito. Dagdag pa ang mga pasanin sa napakataas na presyo ng kuryente, tubig at pagkain.

Si Marina Bozar, isa sa mga lider ng Gabriela-Valenzuela, nakiisa sa panawagan ng paglaya ni Sharon Cabusao at iba pang bilanggong pulitikal.

Si Marina Bozar, isa sa mga lider ng Gabriela-Valenzuela, nakiisa sa panawagan ng paglaya ni Sharon Cabusao at iba pang bilanggong pulitikal.

Halimbawa, ayon sa lider nila na si Melinda, kung may arrears kang P11,000 at ipambabayad mo ang P5000 na Christmas bonus, may matitira ka pa ring P6000 na tiyak na dodoble naman bago matapos ang sumunod na taon.

Ang malupit, pwedeng ipasara ng National Housing Authority (NHA) ang yunit kapag may arrears, pero dahil sa maagap na pagtu-trooping ng kababaihan, kasama ang iba pang samahang lokal, wala pa naman aniyang natutuloy na padlocking sa kanilang lugar. Nagpasagawa rin sila ng mga pulong talakayan, at mga piket-diyalogo sa NHA at Housing and Urban Development Coordination Council (HUDCC).

Unang naitayo ang tsapter sa Valenzuela, na siya namang nag-oorganisa sa Caloocan. Itong dalawa naman ngayon ang nagtutulungan upang maitayo ang Tala na nahaharap naman sa laban sa pribitisasyon ng Tala Leprosarium, reblocking sa lugar at paghingi ng lagay ng mga pulis kapag nahuhuli sila sa kanilang pangangalakal.

Hindi nalalayo ang kalagayan ng kababaihan sa mga tsapter sa Tondo at Quezon City at matagal na silang nahaharap sa suliranin ng demolisyon, laluna ang Vitas na ninirahan sa mga naturingang “high-rise” pero halos tila malaking kahon lamang ang laki ng mga yunit. Nakaambala ngayon sa maturang lugar ang “temporaryong” pagpapaalils sa mga residente dahil umano sa rehabilitasyon ng mga gusali.

Kaya’t naghahanda sila sa laban, at pagbalik nila sa lugar ay nakatakda silang magpatawag ng pulong asembleya upang mapag-usapan ang isyu.


 

Radikal sa #AlDub

$
0
0

Sa panimulang antas, mainam sanang hayaan na lang ang mga personal at kahit padaskul-daskol na pagtingin sa “kalyeserye” na “AlDub.” Tutal naman, isa itong kalakal ng kulturang popular kung saan pwede, at hinihikayat pa nga, ang kanya-kanyang panlasa, gusto, o trip mula sa maraming pagpipilian.

Pero dahil sa grabeng kasikatan ng palabas sa hanay ng masa, mainam na bigyan ito ng seryosong pagsusuri, o mga pagsusuri, ng mga interesado sa buhay at kultura ng masa. Lalo na iyung mga interesado sa kalagayang pang-ekonomiya, pakikibaka at hinaharap nila. At ganito rin siguro sa iba pang kalakal ng kulturang popular na sikat sa masa.

Hindi na rin matatalikuran ang pangangailangan sa ganitong pagsusuri dahil ang mga tagahanga ng AlDub, lalo na iyung mula sa hanay ng mga aktibista, ay kumukwestyon sa mga paniniwala, palagay at pagpapahalaga na nasa likod ng pagsusuri ng mga hindi tagahanga, at kritiko pa nga, ng kalyeserye.

Pero anong klaseng seryosong pagsusuri? Kung hindi ubra ang “personal lang,” hindi rin ang “kasubuan na” o todong pagtatanggol sa isang tindig na napili na bago pa man ang pagsusuri. Dapat ay mahigpit na kaugnay ito ng pagpanig, punto-de-bista at pamamaraan ng progresibong kaisipan, na kolektibong pinagsasaluhan.

Ibig sabihin, hindi produktibo kung ang mga talakayan hinggil sa AlDub ay mauwi sa “anti-intelektwalismo” na may bahagi ng pag-iwas sa progresibong kaisipan – kapwa sa pagtanggi sa pagbuo ng seryosong pagsusuri rito o sa pagbansag na “pa-intelektwal lang” ang mga nasa kabilang panig ng debate.

Kung progresibong kaisipan ang pag-uusapan, kailangang kagyat na kilalanin na may mayamang tradisyon dito na kritikal sa kulturang popular. Maraming tuligsa sa huli: likha ng malalaking kapitalista, nag-uudyok ng walang kabusugang pagkonsumo, balon ng pantasyang naglilihis ng atensyon ng masa sa mga suliraning panlipunan at tunggalian ng mga uri, nagdudulot ng pagkabulag at pagkamanhid sa mga isyung panlipunan, at iba pa.

Alden Richards (kaliwa) at Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub

Alden Richards (kaliwa) at Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub

Sa ganitong konteksto mapapahalagahan ang lapit o approach ni Fredric Jameson, Marxistang Amerikano, at ng iba pang katulad niya, sa kulturang popular. Taliwas sa kampo ng progresibong kaisipan na purong negatibo ang pagtingin dito, kinilala niya na may positibo rin sa kulturang popular – at “positibo” mula sa perspektibang progresibo

Ayon kay Jameson, ang mga kalakal ng kulturang popular ay posibleng maglaman ng “Utopyanong paghahangad” – “ang paghahangad sa kolektibidad, proto-pulitikal na kapasyahang muling magtayo ng komunidad, muling mag-imbento ng porma ng buhay panlipunan at ng pamumuhay kung saan hindi sinasagkaan ang mga posibilidad ng mga tao, kung saan ang mga pagnanasa ng mga tao ay nabibigyang-kasiyahan sa kung anong paraang bago at labas sa alyenasyon (non-alienated).” Ng paghahangad, samakatwid, sa sosyalismo.

Diyalektikal ang turing at ambisyon ni Jameson sa kanyang lapit: pinanghahawakan pareho ang mga bahaging negatibo at mga bahaging positibo sa mga kalakal ng kulturang popular at sumusuri sa kanilang pag-uugnayan, tunggalian at pagkakaisa.

At ganito niya inilalarawan ang pag-uugnayan ng dalawa: sa kulturang popular, o “mass culture” sa katawagan niya, ang mga “mapanganib at proto-pulitikal na mga bugso ng damdamin (impulse)” ng masa ay kapwa ginigising para pagkatapos ay pahimbingin, pinapadaloy para pagkatapos ay sagkaan. May mga “kaligayahan”o “insentiba” na ibinibigay sa manonood para sa pananahimik.

Fredric Jameson. Larawan mula sa Wikimedia Commons/Tor Erik H. Mathiesen /Scanpix

Fredric Jameson. Larawan mula sa Wikimedia Commons/Tor Erik H. Mathiesen /Scanpix

Sa ganitong pagbubuo, bagamat kinikilala kapwa ang negatibo at positibo sa mga kalakal ng kulturang popular, malinaw na pangunahin pa rin ang negatibo, at dito naglilingkod ang positibo. Sa dulo, pinagtibay niya ang “hindi nababawasang kapangyarihan ng ideolohikal na pagbaluktot na naggugumiit kahit sa ibinalik na Utopyanong pakahulugan ng mga produktong pangkultura.” Ipinapaalala niya sa atin na “sa loob ng simbolikong kapangyarihan ng sining at kultura, nananatiling buo ang kapasyahang magdomina.”

Sa ganitong balangkas, walang problema kung kilalanin, at dapat ngang alamin, ang mga salik na positibo sa AlDub. Anu-ano kaya ito? Ang masaya at nakakakilig na pag-iibigan? Ang pagiging ispontanyo at hindi de-kahon ng kwento? Ang husay sa pag-arte ni Yaya Dub na pangunahin dito, ng ka-love team niya, at ng mga kasama nilang komedyante? Ang pyesta ng samu’t saring emosyon na inuudyukan ng palabas? Ang pagiging mura at “maskipaps” ng produksyon?

Nabanggit na rin lang ang komunidad, kasama rin ba ang komunidad at pagkakaisa sa social media at sosyedad sa kabuuan na binubuo ng mga tagahanga ng AlDub? Ang saya sa sinusubaybayang kwento, kahit pantasya pa nga? Ang kakayahan ng mga manonood, totoo man o hindi, na mag-impluwensya sa kwento?

Hindi rebolusyonaryo ang mga ito, pero pwedeng igiit na mas karugtong ng mga prinsipyo at layunin ng sosyalismo at mga sosyalista kaysa ng kapitalismo at mga kapitalista. Hindi ito mag-uudyok ng pag-aalsa ng masa, pero magagamit para maglinaw ng mga batayan, at pag-alabin ang mga batayan, ng naturang pag-aalsa. Maaaring tawaging “pilit” ang ganitong pagsusuri, o kumukudkod sa sahig ng kaldero kumbaga – naghahanap ng progresibo kung saan wala. Pero ito ang tinutumbok kapwa ng diyalektikal na pagsusuri at pagtitiwala sa masa.

At kahit kinilala ang positibo sa kalyeserye, kailangang iwasan ang pagmamalabis. Ang positibo ay ang pagmamahal na hindi nasasagkaan ng uring panlipunan, hindi ang pag-aasam sa karelasyong mas nakakaangat sa buhay. Ang positibo ay iyung nilalaman ng kalyeserye, hindi ang husay ng mga kapitalista sa likod ng programa. Hindi rin dapat pangaralan ang mga aktibista na manood dito para maunawaan ang masa, dahil marami sa kanila ang kasama ng masa bilang mga organisador sa mga sakahan, empresa, komunidad, at paaralan.

Pero sa dulo, mas kaligayahan at pagkakuntento sa kasalukuyang lipunan ang dulot ng AlDub. Ang ligayang hatid nito, katulad ng papremyo ng “Juan for All, All for Juan” na sinusundan nito: sa isang banda’y pantawid ng mga maralitang tumatanggap sa araw-araw na hirap ng buhay, sa kabilang banda’y pantawid din sa buhay ng sistemang panlipunan na nagpapanatili sa kanilang mahirap.

Hindi naman talaga nag-uudyok ang AlDub ng pagiging kritikal sa naghaharing bulok na sistemang panlipunan at sa pagkilos para baguhin ang huli. Na hindi dahilan para todong tuligsain ito, sa batayan man ng kung anong elitistang kultura o ng progresibong pulitika, sa harap ng pagiging popular nito sa masa. Pero kailangan ding balansehin ang mga pagkilala at papuri, at linawin ang direksyon ng huli.

Joey de Leon ng Eat! Bulaga, hawak ang dalawang pahayagang laman ng balita ang penomenong Aldub. Larawan mula sa Instagram account ni De Leon.

Joey de Leon ng Eat! Bulaga, hawak ang dalawang pahayagang laman ng balita ang penomenong Aldub. Larawan mula sa Instagram account ni De Leon.

Sa isang banda, karugtong ang lapit ni Jameson ng lapit ni Karl Marx mismo sa dominanteng pormang ideolohikal sa panahon niya, ang relihiyon. Kasabay ng notoryus na pahayag ni Marx na ito “ang opyo ng mga tao,” sinabi niyang “Ang relihiyosong pagdurusa ay, magkapanabayan, ang ekspresyon ng tunay na pagdurusa at isang protesta sa tunay na pagdurusa. Relihiyon… ang puso sa walang-pusong daigdig, ang kaluluwa ng walang-kaluluwang mga kalagayan.”

Inilatag ni Jameson ang kanyang lapit sa kulturang popular sa unang bahagi ng dekada ’80, panahong naging dominante at umaarangkada ang mga patakarang neoliberal sa mundo. At ano ang iba pang salik ng neoliberalismo maliban sa pangunahing pagbawi sa mga tagumpay na nakamit ng pakikibaka ng mga manggagawa at mamamayan ng daigdig, at pagpapatindi ng pagsasamantala at pandarambong, sa layuning palakihin ang tubo ng malalaking kapitalista sa panahon ng krisis ng labis na produksyon?

Marami, pero may dalawang mahalaga sa paksa ngayon. Una, ang paglaganap at panununuot pa nga ng kulturang popular na Amerikano sa buong mundo, sa tulong na rin ng mga abanteng teknolohiya, at sa kapinsalaan ng mga alternatibo at sumusulong (emergent) na kultura. Ikalawa, ang matinding pag-atake sa mga kilusang manggagawa at kilusang Kaliwa sa buong mundo, kasama na ang mga kulturang nililikha at pinapalaganap nila.

Sa ganitong kalagayan, sa pagtingin ko, kailangan ding lumangoy, marahil ay pana-panahon, sa kulturang popular ng Kaliwa para maiahon ang masa sa mas progresibong pulitika. Ito ang itinuturo ng mga talakayan hinggil sa AlDub, na dumudulo sa lapit ni Jameson. Sa pagharap sa kulturang popular, mahalaga ang paglangoy, pero mahalaga rin ang pag-ahon.

04 Oktubre 2015
Galing ang mga sipi kay Jameson sa libro niyang The Political Unconscious [1981] at sa “Marxist Hermeneutics,” panayam niya kay Ma. Luisa F. Torres, na nalathala sa Diliman Review [Nobyembre-Disyembre 1985].

Pagmumuni sa nasirang smartphone

$
0
0

EDSA_bus_stop_cubao_20151010000700685

Sa saliw ng awit ng Air Supply, binabagtas ng lulan kong bus ang highway ng Timog Katagalugan patungong Kabikulan. Tangan ang panulat at flashlight habang nasa aking binti ang notepad, pinilit kong magsulat. Baka kasi paglapag ko sa lungsod ng Naga ay makalimutan ko na ang iniisip kong isulat habang nasa biyahe.

Nitong Martes lang nasira ang smartphone ko. Nakaka-badtrip. Noong nakaraang Marso ko lang binili iyon galing sa inipon ko nang ilang buwan. Sa loob ng ilang buwan ng paggamit sa smartphone, ‘di ko namalayan na parang nakadepente na dito ang pang-araw-araw na gawain ko.

Sa teleponong iyon ako nakikipag-usap sa mga tao, nagbabasa ng e-book, nagche-check ng email at siyempre gumagamit ng social media.

Sa katunayan, hindi ko maisusulat ang kolum na ito kung maayos pa ang smartphone ko. Malamang abala ako sa pakikipag-usap o sa pagkutingting sa telepono dahil nakakabagot ang mahabang biyahe. May libreng Wi-Fi pa naman sa bus na sinakyan ko.

Ngayon lang din ako ulit nagsulat na gamit ang papel. Kadalasan kasi sa laptop o smartphone ko nilalagay ang mga isinusulat ko. Siguro isang magandang pagkakataon ito para maging Malaya mula sa mobile internet. Sa panahon kasi ngayon na ang mobile devices ay para na ring computer, napakadali nang kumonekta sa internet.

Napansin kong sa mga nakaraang buwang paggamit ko ng smartphone, kumonti at bumagal ako sa pagbabasa ng mga libro. Binibilang ko kasi ang mga librong nabasa ko bawat taon. Oktubre na pero siyam pa lang ang nababasa ko mula sa 20 na libro na target ko sa 2016. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang makatapos ng 11 libro sa loob ng kulang-kulang tatlong buwan.

Hindi ko naman sinisisi ang mga smartphone dito. Dumalas lang din ang pagbabasa ko ng mga artikulo sa internet dahil laging nasa palad ko ang telepono. Kumonti man ang librong nabasa ko, dumami naman ang nabasa ko online. Madalas balita ang binabasa at mga sulatin tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng agham sa likod ng Jurassic World at debt crisis ng Gresya hanggang sa pag-atake ng mga puwersa ng Estados Unidos sa Syria at AlDub phenomenon.

Sa katunayan, puno ng kaalaman ang cyberspace. Kailangan lamang maging mapanuri sa source ng  mga binabasa. Hindi naman kasi lahat ng nababasa natin sa internet ay reliable sources para sa impormasyon. Maraming naloloko sa mga lampoon o satirical news sites tulad ng The Onion, So, What’s News at Adobo Chronicles.

Tinaguriang digital age ang panahon natin ngayon at ang kabataan ay tinatawag na millennials, parang bawal na ang maging tanga. GMG o Google mo, gago dahil ilang pindot lang malalaman mo na ang maraming bagay. Ang hamon ngayon ay kailangan natin maging mapanuri sa ating mga nababasa at nakikita sa mga screen ng ating computer at smartphone.

Malaki ang impact ng internet at social media sa kabataan ngayon. Binago nito ang paraan ng pakikipagkomunikasyon at palitan ng kuro-kuro sa mas mura at mas mabilis na paraan. Bigla-bigla, lahat ay entitled nang maglabas ng opinyon na maaring makarating sa malaking audience ng cyberspace.

Naalala ko noon ang laging sinasabi na walang maling opinyon. Pero ngayon, ‘di na ko naniniwala dito. Naglipana ang mga opinyon at kuro na walang basehan, pananaliksik at pagsusuri. Kung ano lang ang maabot ng mata at tenga, iyon na. Wala ng malalimang pagmumuni.

Sabi nga sa Facebook post ng isa sa mga dati kong propesor noong kolehiyo na si Bb. Glorydee Magno, “Bakit riot ang social media: Kasi dati, ang opinion leaders – scholars, experts, real journalists, and social activists. Ngayon, anyone who has celebrity, selfie skills, masterful use of catchphrases, and half a brain becomes an opinion leader. Di ba, riot?”

Sa kabila nito, napakahalaga ang responsableng paggamit sa makabagong teknolohiya, lalo na ang internet at social media. Mahalaga ang pananaliksik at pagsusuri ng mga isyu. Mahalaga na maging palaisip ang mga mamamayan dahil ito ang humuhubog sa kanilang panlipunang kamalayan.

Sa mga manunulat na tulad ko na nakasanayan na ang proseso ng pagbabasa at pagsusuri ng maraming teksto sa pang-araw-araw na gawain. Kailangang mas maging matalino ang mga mamamayan, lalo na ang kabataan. Papalapit na naman kasi ang halalan. Kailangang maging matalino ang taumbayan sa kanilang pagboto at huwag basta-basta magpapaloko sa mga trapo. Kailangan nilang maging mapanuri sa mga kandidato. Kailangan nilang pumili ng wasto.

At nag-stop over ang bus sa kalagitnaan ng lalawigan ng Quezon.


 

Poem | To Hear No More / Ayoko Na!

$
0
0

To Hear No More

i wish to hear no more
the rhythmic melodies of words
in vague phrases and paragraphs
no more do i like to hear
the clanking of rhetorics
like galvanized sheets
molded on the roof of an old bus
that could hardly run on a stony road
no more, no more, do i like to hear
the marching cadence of lyricism
in many blindfolded lines
of crawling stanzas of poems
no more will my heart beat
through the touch and caress
of stunted syllables
my mind would just be tormented
by convoluted messages
shattered might be my eardrums
by the deafening cries of a lonely heart
swimming in the sea of despair
singing only the sadness
of two separated grieving souls
weaving in poems the litanies of grief
and the delusion of a mind
enslaved by the love-stricken moon.

on the paper’s face
i wish to see the sputum of words
the bloody arms of lines
the rebellious metaphors of sacred dreams
of the prostrate masses on clayish soil
the flaming lyrics of the people’s brain
yes, i wish to hear in every stanza
the hissing of bullets
the roaring of bombs
in the poetic struggle of the oppressed class
i wish to hear
in the encoded hymns on the masses breast
the cussing of the wind in the deep night
the dashing of lightning on the face of darkness
the earsplitting thunder in barren hills
the exploding protests in the city’s bosom
the reverberating shouts of a noble soul
cohabiting always
with the country he loves forevermore.

yes, i wish to see no more
the framed pictures of deluded love
or torrid kisses of lustful lips
am oftenly blindfolded by love’s illusions
you’ve painted on the curtain of my eyes
lurking in my mind’s room
are numerous revolting images
slaves of darkness tortured by the starless nights
when shall all these metamorphose?
scrawny arms
wrinkled faces
bended backs
emaciated bodies
twisted intestines
while feasting are the gods
on the abundant table of flesh and blood
of slaves with rumbling bellies
while they the demigods in gold palaces
savor the aged wines
the roasted pig
the sexy lass
when would they drop a speck of pity
on the palms of the downtrodden class
from whom they derived their awesome wealth?
when would they give the dispossessed
a scoop of rice
to satisfy the kid’s growling stomach
where only air so oftenly dwells?

no more, no more, i wish to hear
the melancholic elegy
the praying ode
the squeaking epic
the toothless words
the lame stanzas that don’t spit
on the greedy face of rapacious crooks
now, i wish to see on wrinkled papers
flaming letters in barren fields
burning words reducing to ashes
the oppressors of the poor
i wish to see razor-like stanzas
slashing the breast of fear and grief
i wish to see no more the lethargic words
so weak to invigorate the people’s consciousness
yes, i like to see words with violent waves
with surging storms smashing the shores
of exploitation and injustices
let glare the sun’s heat
let shout the thousand words
let the rain be sharp arrows
or angry onrushing bullets
piercing the black heart of the exploitative class
cracking the skulls of those who’ve bertrayed
the now and then of a nation slaughtered
by the insatiable ruling class
blazing letters
flaming words
stanzas invectives full
armed with guns and bombs
would murderously incinerate the shady palaces
of lords of corruption and greed!


 

Ayoko Na!

ayoko nang marinig
ritmo ng melodiya ng mga salita
sa parirala’t mahabang talata
ayoko nang marinig kalantog ng yero
pinukpok hinubog ng mga latero
inihulmang bubong ng lumang sasakyang
pupugak-pugak na sa mabatong daan
ayoko na, ayoko nang marinig
kadensa ng martsa ng mga lirika
sa tinahing piring ng mga taludtod
sa mga saknong na uugud-ugod
pusong binalsamo ay di na titibok
sa himas at hagod ng pantig na bansot
utak mawawakwak sa mensaheng bubot
bamban ng tainga ay baka madurog
sa nakabibinging daing at himutok
ng pusong lumangoy sa dagat ng lungkot
walang inaawit kundi tagulaylay
at nakababaliw na paghihiwalay
walang tinutula kundi panagimpan
ilusyon ng diwang alipin ng buwan.

sa mukha ng papel
nais kong makita’y dahak ng kataga
at madugong bisig sa mga talata
metaporang buhay sa mga adhika
ng masang kahalik maputik na lupa
lirikang maapoy sa utak ng madla
tayutay ng bala sesura ng bomba
sa bawat saknong ng pakikibaka
nais kong marinig sa himnong tinipa
sa dibdib ng masa
sagitsit ng punglo sa gabing malalim
tagupak ng lintik sa ;pisngi ng dilim
atungal ng kulog sa burol na baog
bombang pinasabog sa dibdib ng lungsod
lagunlong ng hiyaw ng diwang marangal
laging kaulayaw ng bayang minahal.

oo, ayokong makita
de kuwadrong larawan ng mga pagsinta
o paghahalikang di ko rin madama
ako’y nabulag na sa mga milagrong
iyong ipininta sa telon ng mata
nakahandusay sa silid ng isip
mga imaheng dulot ay himagsik
mga aliping katalik ng lagim
sa bartolina ng mga bituin
kailan mababago itong lahat-lahat?
brasong buto’t balat
pisnging nangulubot
likod na nahukot
katawang natuyot
bitukang nalagot
habang nagpipista mga panginoon
sa mesang sagana sa laman at dugo
ng mga utusang tiya’y kumukulo
silang mga diyos sa palasyong ginto
nguso’y nanghahaba sa sarap ng alak
at litsong nginasab dilag na nginabngab
kailan lilimusan katiting na habag
masang sambayanang siyang pinagmulan
ng yamang kinamkam?
kailan tatapunan ng kaning nagtutong
o natirang mumo
batang pumintog ang tiyan
sa hanging naglunoy sa kanyang katawan?

ayoko na, ayoko nang maulinig
elehiyang malungkot
odang nagdarasal
epikong matamlay
bingaw na kataga
pilay na talata
bulol na taludtod
saknong na kulubot
at mga katagang hindi dumudura
walang pagbabanta sa sakim na mukha
ng diyos ng sama
sa ngayo’y nais ko
nais kong tunghayan sa lukot na papel
letrang nag-aapoy sa lupang naluoy
tutupok sa moog ng uring bagulbol
nais ko’y talatang matalim
lalaslas sa dibdib ng dusa’t sagimsim
ayoko na,oo, ayoko na
sa mga katagang di dumaramba
di gumigising sa diwa ng masa
sana’y may dagundong ng along marahas
may alimpuyo ng bagyong malakas
upang galyos ng pambubusabos
hustisyang baluktot ganap na madurog
bayaang manlisik ang init ng araw
bayaang humiyaw ang sanlaksang titik
ulan mang naipon sa pisngi ng langit
gawing palasong ang taglay ay ngitngit
o mga punglo kayang bubutas-lalagos
sa pusong maitim ng mga balakyot
bibiyak sa bungo ng mga nagtraydor
sa noon at ngayon ng bansang binitay
ng diyus-diyosa’t mga panginoon
lagablab ng titik singasing ng lintik
siyang papatay naman sa mga limatik!


 

Twerk It Like LP (Liberal Partey! Partey!)

$
0
0
Meme mula sa Pixel Offensive (Facebok.com/pixeloffensive)

Meme mula sa Pixel Offensive (Facebok.com/pixeloffensive)

Kamakailan ay kumalat sa Facebook ang mga video ng sexy dance group na Playgirls bilang guest sa isang pagtitipon ng Liberal Party (LP) at pagdiriwang ng kaarawan ni Kagalang-galang Benjie Agarao sa Laguna. Nilalaman ng video ang pagsasayaw ng twerk sa ilang pulitiko kasama si Agarao. “Surprise gift” daw ito ni MMDA Chairman Francis Tolentino sabi ng emcee sa nasabing programa. Marami ang nagalit sa kanilang lantad na pambabalahura. Tila nagdagdag pa ang LP ng mga batong ipupukpok sa kanilang ulo sa kabila ng samu’t saring eskandalong kinaharap ng kanilang liderato tulad ng maanomalyang Disbursement Acceleration Program (DAP), trahedya ng Mamasapano, at pagpapabaya sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Inilalarawan lang nito ang mahabang kasaysayan ng Liberal Party, kung paano nila ipinagagahasa ang bayan sa imperyalistang Estados Unidos. Matatandaang noong Marso 11, 1947 ay niratipikahan ni Pres. Manuel Roxas, nagtatag at unang pangulo ng Partido Liberal ng Pilipinas ang Bell Trade Act of 1946 o Parity Rights na nagbubukas sa Estados Unidos na gamitin ang mga likas na yaman ng bansa upang hindi na pagbayarin ang Pilipinas sa mga ginastos ng US noong World War II. Mariin itong tinutulan ni Senador Ramon Diokno at sinabing nilabag ni Roxas ang konstitusyon. Upang lalong maging sure win ang pagraratipika ng Parity Rights, binibigyan ng suspensyon ang sinumang hindi miyembro ng Liberal Party sa mga diumano’y unethical conduct mapa-senador o mababang kapulungan. Pinagtangkaan pa siyang patayin ng isang barberong nagngangalang Julio Guillen sa Plaza Miranda noong Marso 10, 1947 dahil sa kanyang kataksilan sa bayan.

Hindi ito nalalayo sa kasalukuyang panahon. Nagpapatuloy ang Bell Trade Act sa pamamagitan ng Enhanced Defense Treaty Agreement (EDCA), Oil Deregulation Law, Public-Private Partnership o PPP, K-12 system, mga maanomalyang kontrata ng MRT-LRT at pagkakaloob ng sovereign guarantee sa mga malalaking dayuhang kompanya, na pawang ang padron ay liderato ng Liberal Party upang tumugon sa mga neoliberal na polisiya na pinangungunahan ng imperyalistang US. Patuloy nilang hinihikayat na mamuhunan ang mga malalaking dayuhang korporasyon sa bansa gayung palaging talo ang manggagawang Pilipino sa sahod at tax holiday na ibinibigay nila sa mga ito.

Wala na tayong maaasahan sa ganitong klase ng pamahalaang mahilig mag-twerk sa mga imperyalista sa saliw ng mga patakarang neoliberal at “globalisasyon”, habang ang mga mamamayan ay patuloy na namumuhay sa sirko ng matinding kahirapan. Mapapatawad pa ba natin itong patuloy na pagtuwad ng daang matuwid?



Miriam at Bise

$
0
0
Sen. Miriam Defensor-Santiago. Larawan mula sa kanyang Facebook page

Sen. Miriam Defensor-Santiago. Larawan mula sa kanyang Facebook page

Nang makita ko ang kamao sa icon ng kandidatura sa Senado ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, naalala ko ang kamao sa logo ng People’s Reform Party. Ang PRP, syempre pa, ang partido ni Miriam Defensor-Santiago noong tumakbo siyang pangulo noong eleksyong 1992. Ang una, malapit sa puso ko ngayon; ang ikalawa, malapit sa puso ko noon.

Hindi pa ako botante noon, pero katulad ng maraming estudyante sa panahong iyun, humanga at sumuporta ako kay Miriam. Matapang, matalino, kontra-korupsyon, Numero Uno sa mga sarbey, sino ang hindi susuporta sa kanya? Nalungkot ako noong natalo siya at hanggang ngayon, naniwala akong dinaya siya. Bukod pa sa marumi silang maglaro at sinamantala nila ang talino niya para palabasing “sumobra” ito, bagay na may kakaibang kahulugan sa ating kultura.

Pero nagalit ako sa kanya noong 2001. Hindi lang siguro dahil sumuporta siya kay dating Pang. Joseph Estrada, kundi dahil nagtapang-tapangan siya sa pagsuporta rito – nagsabing tatalon sa eroplano kung mapapatalsik ito – para basta na lang kutyain ang pangako, o banta, sa dalawang salita at malutong na halakhak pagkatapos: “I lied.” Hindi lang siguro dahil nagsalita siya sa Edsa 3 noong nasa Edsa Shrine pa ito, kundi dahil nag-udyok siya ng “Sugod! Sugod!” patungong Malakanyang. Maraming masa ang namatay at nasaktan.

Matapos ang umano’y “pagbabagong-loob” bunsod ng pagkamatay ng anak niya, sinuportahan niya ang buong pagkapangulo ni Gloria Macapagal-Arroyo, kahit paminsan-minsang tumutuligsa rito dahil sa iba’t ibang isyu. Tuluyan na akong nawalan ng amor sa kanya.

Pero noong makalawa, humatak ng saya at kilig ang pag-anunsyo niya na tatakbo siyang pangulo. Sa muling mainit na pagyakap sa kanya ng maraming kabataan sa social media, parang naiwan na niya ang mga multo ng nakaraan. At kahit akong dating tagahanga ay namangha – sa husay niyang magbagong-anyo at umangkop sa bagong panahon bilang pulitiko, at sa kakatwang takbo ng pulitika sa Pilipinas.

Ang sabi ng iba, maganda siyang pangulo, dahil kahit paano’y may aliw, entertainment value. Hanggang inanunsyo niya kung sino ang bise-presidente niya kahapon at gumawa ng masamang biro sa sambayanan.

Ang sabi ng iba, maganda siyang pangulo, dahil matalino. Hanggang kahapon, na siyang nagpakete sa sarili bilang isa sa pinakamatalino ay gumawa ng hakbangin na sa pamantayan ng maraming tagahanga ng talino ay pinakabobo.

May kwento – sa librong Days of Disquiet, Nights of Rage ni Jose F. Lacaba ba iyun? – tungkol sa pagpabor ni Hukom Miriam sa mga aktibistang ikinulong at kinasuhan ng kapulisan sa bisperas ng deklarasyon ng Batas Militar. Mahilig lang ba siyang kumontra sa popular na opinyon kaya kinuha niya ngayong bise ang anak ng nagpataw ng Batas Militar, sa panahong marami ang kumokondena rito?

O mas matindi ang pagkakamali? Dahil sa naging takbo ng pulitika, wala na siyang pakialam sa kaibahan ng inaapi at nang-aapi? At, syempre, ng tama at mali?

16 Oktubre 2015

Alang sa katarong ug kalinaw (Para sa katarungan at kapayapaan)

$
0
0
Tinuro ng isang katutubong guro sa alternative school sa Talaingod, Davao del Sur ang sinulat ng mga militar sa kanilang paaralan na nag-aakusa sa mga guro na miyembro raw ng NPA. Tulad ng naganap sa mga paaralan ng Alcadev noong 2009 at sumunod na mga taon, kinampuhan din ng militar ang alternative schools sa Talaingod nitong Mayo 2014. KR Guda

Tinuro ng isang katutubong guro sa alternative school sa Talaingod, Davao del Norte ang sinulat ng mga militar sa kanilang paaralan na nag-aakusa sa mga guro na miyembro raw ng NPA. Tulad ng naganap sa mga paaralan ng Alcadev noong 2009 at sumunod na mga taon, kinampuhan din ng militar ang alternative schools sa Talaingod nitong Mayo 2014. KR Guda

Sa panahong abala ang mga mag-aaral sa mga academic work at extracurricular, madalas na hindi na naiisip ng mga mag-aaral ang mga nangyayari sa labas ng kanilang mga paaralan. Sa bigat ng mga gawain sa kolehiyo, halos umiikot na ang mundo sa pag-aaral at barkada.

Ngunit sa katotohanan, mas marami pang kailangang isipin ang kabataan.

Naalala ko ang sinabi ng isang senior sa freshmen orientation naming sa Lyceum of the Philippines University noon, “We will be bombarded by activities once classes in the university start.” Pero sa mga batang Lumad, hindi acads ang bumo-bombard sa kanila, literal na mga baril at bomba ang nakatutok sa kanilang mga paaralan at komunidad.

Una kong nalaman ang mga pag-atake ng militar at paramilitar sa mga paaralang Lumad sa Mindanao nang nakasama ako sa pulong ng Save Our Schools (SOS) Network habang ako’y nasa Lungsod ng Davao noong nakaraang taon.

Kinakampuhan ng Philippine Army ang mga paaralan, inaakusahan ang mga guro at lider-katutubo na kasapi raw ng New People’s Army (NPA), pinagbabantaan ang mga komunidad ng mga Lumad na diumano’y kumakanlong sa mga NPA at ang mga paaralan sa sinasabi nilang nagtuturo sa mga batang Lumad ng paggamit ng armalite at paggawa ng mga pampasabog.

Higit kong nauwaan ang nangyayari sa mga Lumad nang magbakwit ang mga Manobo mula sa Talaingod, Davao del Norte sa compound ng United Church of Christ in Philippines (UCCP) Haran Center sa Lungsod ng Davao noong Abril 2014.

Sa Haran ko nakilala ang mga Lumad. Sa pakikipagsalamuha sa mga bata at pakikipagkuwentuhan sa mga nakatatanda, nalaman ng isang taga-Maynila tulad ko ang mga ginagwa ng militar sa kanilang mga komunidad.

Sa tuwing dumadaan ang mga tropa ng Philippine Army sa kanilang mga tirahan, lagi silang pinepuwersa na ilabas ang mga NPA. Nambubugbog ng mga datu at lider-katutubo at nagbabantang papatayin ang mga Luamd kung hindi nila ilalabas at ituturo sa kanila ang mga NPA. Sa katunayan, walang alam ang mga Lumad kung saan sa malawak na kabundukan ng Mindanao naglalagi ang mga NPA.

May isang insidente pa na ginamit ng mga sundalo ang isang nakatatandang babaeng Lumad para ituro ang kinalalagyan ng mga NPA. Malinaw na paglabag sa International Humanitarian Law at Geneva Conventions ang paggamit sa mga sibilyan na hindi kalahok sa armadong labanan para sa mga operasyong militar.

Bukod pa rito, matindi ang epekto sa mga bata ang ginagawang pandarahas ng militar. Nagdudulot ito ng takot at trauma sa kanila. Naikuwento ng mga mag-aaral ng Salugponga Ta ‘Tanu Igkanugon Community Learning Center Inc. (STICLCI) ang ginawang pambobomba ng militar sa kanilang paaralan sa mismong graduation day nila.

Inilalapit ng mga paaralang Lumad tulad ng STICLCI, Mindanao Interfaith Services Foundation Inc. Academy (MISFI Academy), Alternative Learning Center for Agriculture and Development (Alcadev), Tribal Filipino Program of Surigao del Sur (Trifpss) at Fr. Pops Tentorio Memorial School ang edukasyon sa mga katutubo sa Mindanao na hindi naaabot ng mga serbisyo ng gobyerno.

Sa pagtutulungan ng mga komunidad ng Lumad, non-government organizations (NGOs) at relihiyosong mga grupo, naitayo ang mga paaralang ito na nagtuturo hindi lamang ng Science, English, Mathematics, Filipino, Araling Panlipunan kundi pati Agriculture at Health para sa bumatay sa kabuhayan at pangangailangan ng mga Lumad na hindi nararating ng serbisyon pangkalusugan at edukasyon.

Sa sunud-sunod na pandarahas at pamamaslang ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga Lumad sa mga nagdaang buwan, tumindi at lumakas ang panawagan ng mga mamamayan ng Mindanao na palayasin sa mga komunidad ng Lumad ang mga sundalo at grupong paramilitar na naghahasik na takot at panganib sa buhay. At laging nagiging puntirya ng mga pag-atake ang mga paaralang Lumad.

Sa isang porum ng mga Lumad sa University of the Philippines (UP) Diliman noong nakaraang Setyembre, nagtanong ang isang mag-aaral ng UP sa mag-aaral ng Alcadev na si Michael John Pagalan kung gusto niyang makapag-aral sa UP. Nakakadurog ng puso ang tugon ng bata, “Mahirap lang po kami. Hindi namin kakayanin.” Naging emosyonal ang mga dumalo sa porum at nangako ang mga iskolar ng bayan na ipagpapauloy nila ang laban para sa libreng edukasyon para makapag-aral ang mga tulad ni Michael sa UP.

Karapatan ng lahat ng mga mamamayang Pilipino ang edukasyon. Kung iisipin natin, habang kumportable tayo sa air-conditioned na mga silid-aralan sa kalunsuran, walang katiyakan ang mga batang Lumad kung makakapagpatuloy pa ba sila sa kanilang pag-aaral dahil sa tumitinding atake ng mga puwersa ng militar at pamahalaan sa kanilang mga pamayanan at eskuwelahan.

Ang laban ng kabataang Lumad para sa edukasyon ay laban din nating kabataan sa kalunsuran. Iisa an gating mithiin na magkaroon ng edukasyon ang bawat Pilipino para makapag-ambag sa pagpapaunlad ng ating bansa. Buong init nating salubungin at suportahan ang Manilakbayan ng mga Lumad sa kanilang pagdating sa Maynila para ipanawagan sa pamahalaan ang pagpapaalis sa ga sundalo sa kanilang mga komunidad.

Lakas ng maralitang kababaihan (Pangalawang bahagi)

$
0
0

(Basahin ang unang bahagi)

Sa pagbabahagi ng mga lider at kasapi sa mahahalaw ang ilang mga salik sa kanilang mabungang pag-oorganisa ng mga organisasyon ng maralitang kababaihan.

Una ang mahigpit na pag-ugnay sa masa at mahusay na pagdadala ng kanilang mga kagyat na isyu.

Nagiging mahusay na paraan ito upang pagbigkasin sila. Nagiging sanayan din ang lokal na mga kampanya para sa organisadong pagkilos at pagpapataas ng kakayanan nilang isatinig ang kanilang mga karaingan.

Ikalawa ang mahusay na pakikiisa sa mga lokal na lider at tradisyunal na organisasyon upang mapabilis na mapalapad ang pagkakaisa ng pamayanan. Sa ilang pagkakataon, magiging mainam din itong daan para sa pagsulpot ng mga lider masang respectado ng komunidad at mahusay na nakakapamuno sa mga laban.

Tarpaulin ng Gabriela, sa isang aktibidad ng kababaihan sa Valenzuela. Kuha ni <b>Marina Bozar</b>

Tarpaulin ng Gabriela, sa isang aktibidad ng kababaihan sa Valenzuela. Kuha ni Marina Bozar

Ikatlo, ang sustento at nagsasalubungang ugnayan sa pagitan ng pambansang sentro at mga lokal na tsapter. Nangyayari ito sa iba’t ibang paraan. Kabilang dito ang regular na pulong ng mga lider ng tsapter kung saan nabubuo ang mga pangkalahatang planong gagabay sa mga lokal na pagpaplano. Dito rin kolektibong natatalakay ang mga suliranin ng mga tsapter at nakakapagpatunay ng ilang mga hakbangin para sa paglutas ng mga ito.

Sa kabilang dulo naman ang mahusay na “paglubog” ng mga organisador mula sa nasyonal sa mga lokal na tsapter na kanyang saklaw.

Dahil sa mga naturang ugnayan, napapataas ang kumpyansa ng lokal na lider sa pamumuno sa tsapter dahil dala-dala niya ang mga pagsusuri at rekomendasyon ng iba pang lider at ng pambansang sentro sa pagharap niya sa kanyang tungkulin sa lokal.

Ikaapat, at marahil pinakamahalaga, ang tuloy-tuloy na pagsisikap na itaas ang kamalayang pampulitika ng mga kasapi ng organisasyon sa pamamagitan ng pag-aaral.

Singhalaga rin ang matalinong pagresolba sa mga araw-araw nga suliranin at di pagkakasundo, na laging ipinangingibabaw ang mga prinsipyo ng organisasyon sa mga maliliit na kontradiksiyon.

Sa pamamagitan ng mga ito, natitiyak na nananatili ang pagkakaisa sa hanay ng kasapian at patuloy na nakakasulong ang organinsasyon.

Dahil sa huli, walang singhalaga ang pagkakaisa. Ayon sa isang lider ng tsapter sa Tala, Caloocan, “…ang mga mahihirap, nananatiling lugmok. Kahit anong gawing pagsiskap, walang magagawa. Kaya, talagang mahalaga sa amin ang organinsasyon.”

Dagdag pa rito, kapag malakas ang organisasyon dahil nakagat ito at dinadala ang interes ng masang kababaihan, umaani ito ng respeto ng pamayanan, at sa ganitong paraan naisusulong din ang interes ng kababaihan sa pangkalahatan.

Masaya kaming nagpapaalam dala ang mga natutunan naming sa isa’t isa at armado ng mga positibong ideyang magagamit sa pagsusulong ng mga Gawain sa kani-kanyang saklaw.


Tula | Dati Pa Silang Nakangingiti

$
0
0
Mga lider Lumad na gumawa ng ritwal sa Mendiola kamakailan. <b>Twinkle Imperial Mangi</b>

Mga lider Lumad na gumawa ng ritwal sa Mendiola kamakailan. Twinkle Imperial Mangi

(Tula — alay sa Lumad nating mga kapatid)

dati pa silang nakangingiti
sa bawat pagbulaga ng araw
kung umagang inaantok pa ang papawirin
at humahalik ang hamog
sa nauuhaw na mga bulaklak sa damuhan
umaawit pa sila dati
tulad ng mga ibong
naglalaro sa kakahuyan
nagsasayaw pa sila dati
gaya ng mga palakang
naglulundagan sa kasukalan
o ng mga isdang pumupusag
sa mabining agos ng ilog
humahabi pa sila dati
ng mumunting mga pangarap
habang payapang nakamasid
puting ulap sa katutubong lupaing
dibdib nila’t tiyan
at kadluan ng masiglang halakhak
ng makukulay na mga alaala.

ngunit ngayon, oo ngayon,
tumakas ang ngiti sa kanilang mga labi
bumukal sa kanilang mga mata
mga talulot ng lungkot at dusa
namaos na mga tinig nila
di dahil sa halakhak ng pagsinta
kundi sa protesta laban sa inhustisya
laban sa kalupitang nanibasib
sa mga katribo sa lianga
na ngayo’y namamaluktot
nakatulala sa tandag
maulap ang mga mata
maputla ang mga labi
tuliro ang diwa
at kaluluwa’y nag-aapuhap
ng kalinga’t pagmamahal.

itinaboy sila ng mga putok ng baril
ng mala-militar na mahat bagani
niligis ng takot
mga pusong lubos na nagmamahal
sa lupain nilang katutubong
himlayan ng sagrado nilang panata
kadluan ng kanilang ligaya’t pag-asa
at di magtatagal
sasalakayin ang kanilang lupain
ng dambuhalang mga makinarya
lalaplapin ang mayamang dibdib
hahalukayin ang ubod ng sikmura
gugutayin ang pinakabituka
dahil gahaman ang mga diyus-diyosan
sa gintong nasa sinapupunan
ng katutubo mong lupaing pinakasasamba…

ngunit hindi iidlip ang habagat
hindi hahalik sa lupa ang mga punongkahoy
hindi mananangis na lamang ang mga damo
o basta na lamang maluluoy ang mga bulaklak
hindi mahihimbing ang mga ilog
at sa saliw ng tagupak ng lintik
at singasing ng kidlat
at tungayaw ng kulog
magkukulay-dugo ang mga ulap
at sisilay na muli ang iyong mga ngiti
buong giliw na pakikinggan ng mga ibon
taginting ng iyong halakhak
mga kapatid naming lumad!


 

‘Untouchable’ Aquino friends behind Yolanda, #TanimBala & Luisita mess

$
0
0
By Gi Estrada / Ugnayan ng mga Manggagawa sa Agrikultura

It pays to be loyal buddies with the President.

BS Aquino’s kababata (townmates) now appear “untouchable” despite being drawn in scandal and criminal negligence surrounding Yolanda relief and rehabilitation, the “Tanim Bala” scam and fake land distribution in his own backyard, Hacienda Luisita, according to the Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA).

PW-commentaryTwo years after supertyphoon Yolanda ravaged Eastern Visayas, UMA Secretary General Ranmil Echanis scored Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Corazon “Dinky” Soliman and echoed the statement of Yolanda survivors that “the patronage system of politics rear(s) ugly head even in the most distressing situation.”

Yolanda survivors lament that after two years without adequate assistance to complement their own rebuilding efforts, the Aquino government adds insult to injury with condolences of delayed, divisive, conditional and corruption-riddled assistance.  Members of People Surge described Soliman and Aquino as members of the ‘Gang of 5 despicable figures of ineptness’ which also includes Panfilo Lacson, Jericho Petilla and Liberal Party presidential bet Mar Roxas.

Soliman was born in San Miguel, Tarlac Tarlac City near Hacienda Luisita and  her father, Leonilo Juliano, reportedly served Dinky’s namesake, Corazon Aquino and the rest of the Cojuangco-Aquino landlords as a loyal “kapatas” or lead man who gathered cane cutters to work for Hacienda Luisita.

People Surge enumerated Dinky’s criminal negligence, ineptness and corruption with the following:

  1. P580 million worth of rice supplies left to rot at the Subic Free Port
  2. Dinky’s claim of having provided more than five (5) million food packs for a maximum of 10 rounds is still highly inadequate when spread over more than 100 days after Yolanda. Most survivors in fact received food packs only once.
  3. The more than 16,000 individuals alleged to have been accommodated by the “cash-for-work” program is an insignificant minority out of more than one (1) million Yolanda survivors. These beneficiaries in fact worked for only 10 days for P250/day instead of the promised P500.
  4. The 2,052 families who transferred to bunkhouses in fact only represent 0.17% of homeless survivors.”

honradoMeanwhile, Jose Angel Honrado, also a close Aquino buddy from Hacienda Luisita, remains at the helm of the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) despite the firestorm of criticism, and national humiliation and ridicule brought about by the “Tanim Bala” scam.

Several groups, including overseas Filipino workers or OFW organization Migrante and some legislators are already calling for Honrado’s resignation as NAIA general manager but BS Aquino and his spokespersons have brushed aside the clamor and downplayed the situation.

“With his brand of inaction on this shocking extortion scam, Aquino has effectively contributed another solid reason to call the NAIA one of the worst airports in the world.”

Honrado was born in Concepcion, Tarlac, a town also within the bounds of the controversial sugar estate. His father was reportedly the former chief security officer of Hacienda Luisita.

The President is well known for clinging to his kabarilan (shooting buddies), kaklase(classmates) and kaibigan (friends). A few months ago, another kabarilan, Virgie Torres, was embroiled in a sugar smuggling scandal, where she allegedly used Aquino’s name to bring in around 60 shipping containers of sugar from Thailand.

virgie-torresEfforts to cover-up the controversy inadvertently led to Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap’s expose of Torres and Aquino’s unholy leaseback partnership in Hacienda Luisita. The “aryendo” aims to reconcentrate land reform areas back to the control of the Cojuangco-Aquinos. Torres was quoted to have said “I lease the land and we (Torres and Aquino) grow sugarcane together.”

“Where are the charges against Virgie Torres now?”

“BS Aquino has assembled such a corrupt band of characters within his cabinet, choice agencies and even the top brass of the military and police. Let’s not forgot ex-PNP chief Gen. Purisima of the Mamasapano fiasco, and ex-AFP Chief Gen. Catapang, a ground commander of the Hacienda Luisita massacre in 2004,” said Echanis.

Farmworkers will commemorate the 11th anniversary of the Hacienda Luisita massacre on November 16. Justice remains elusive to the victims.


 

Karsel

$
0
0

“Mental ghettos are not mirages; they actually exist in palpable reality: being ‘open’ inside one’s mental or intellectual ghetto does not open its door but simply allows one to harbour the illusion that there is no ghetto and no door. The most dangerous prisons are those with invisible bars.”
– Tariq Ramadan

*    *    *

Sa Nobyembre 15 ang obserbasyon ng ika-34 Day of the Imprisoned Writer sa buong mundo. Pinasimulan ng Writers in Prison Committee ng PEN International ang okasyon para suportahan ang mga manunulat sa buong mundo na tumitindig laban sa mga atake sa karapatang magpahayag ng saloobin at hinaing, kasama na ang pagharang sa pagpapakalat ng impormasyon.

*    *    *

Kasama si Ericson Acosta sa listahan ng mga manunulat na nakabilanggo na ikinampanya ng PEN noong 2013. Nakapag-blog pa siya habang nakakulong. Pinakawalan siya matapos ang isang taon dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya.

*    *    *

“Naririnig na ba ninyo, kaluskos ng mga hayok
na nais kitang tugisin, sa tangis mandi’y lusawin?”

Unang Sundang: Huling Kaingin, unang tula sa aklat na “Mula Tarima Hanggang” ni Ericson Acosta

*    *    *

Ericson Acosta, matapos makalaya.

Ericson Acosta, matapos makalaya.

Setyembre 2013, nasa Iowa ako para sa International Writing Program nang mabalitaan kong nakulong ulit si Ericson, kasama ng kanyang asawang si Kerima Tariman at iba pa. Text niya sa grupong Free Ericson Acosta Campaign:

“We were charged with malicious mischief, illegal assembly, direct assault, and trespassing. I lost my slippers during the violent arrest and we were only read the Miranda rights at the police headquarters where we are currently detained.

“With me arrested are Anakpawis Representative Fernando Hicap, Danilo Ramos of Anakpawis party-list, Florida Sibayan, acting chairperson of Alyansa ng Magbubukid sa Asyenda Luisita (AMBALA), Sister Patricia Fox of the Zion Sisters, Kerima Tariman, Rene Blazan, Karl Mae San Juan of Anakpawis, Ronald Matthew Gustillo, Luz Versola, Pong Sibayan of Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA).

“Walking back to Balete, where the picket line of the farm-workers is located, we were violently arrested upon the order Supt. Razalan. The arresting police force consisted of seven armed men in plain clothing and armed supervisors of Cojuanco-owned Tarlac Development Corporation.

“Four women were injured during the arrest including AMBALA acting chair Florida Sibayan, who passed out and incurred a head contusion.

“We were practically arrested by the Cojuanco-Aquino family to hide the anomalous and violent implementation of a flawed land distribution scheme.”

*    *    *

Pinakawalan din ang tinaguriang Hacienda Luisita 11 matapos ang dalawang araw.

*    *    *

Adelberto Silva, nagpapatuloy sa laban ni Ka Amado Hernandez. KR Guda

Adelberto Silva

Ngayong taon, umabot sa 12 manggagawang pangkultura, mula sa 357 detenidong pulitikal sa bansa, ang nasa listahang “writers in prison” ng PEN Philippines. Kabilang dito sina Alan Jazmines (poetry at visual arts), Sharon Cabusao (poetry, fiction, at journalism), Ruben Rupido (poetry, music, visual arts, at fiction), Juan Pablo Verzosa (photography at visual arts), Eduardo Sarmiento (visual arts at children’s stories), Adelberto Silva (poetry at theater), Maricon Montajes (photography and film), Randy Vegas (poetry), Voltaire Guray (theater, visual arts, at music), Osias Abad (visual arts), Tirso Alcantara (poetry, visual arts, at music), at Wilma Austria-Tiamzon (poetry at music).

Ito na ang pinakamahabang listahang isusumite ng bansa sa taunang International PEN convention.

*    *    *

Kailangan ding ma-update ang listahan dahil makata rin si Maricon. Hindi rin naisama sa listahan ang mga nakakulong na makatang sina Guiller Cadano at Eduardo Serrano, maging ang visual artist na si Geary Salonga.

*    *    *

“Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.”

Isang Dipang Langit, Amado V. Hernandez

*    *    *

Sapat nang katibayan ang mahabang listahan ng PEN Philippines para makitang walang tunay na kalayaan sa bansa. Sabihin pang gumagastos ng milyon-milyon ang rehimeng Aquino sa PR operations para linlangin ang publiko. Pansinin pang ginagamit maging ang FB page na ‘Official Gazette of the Republic of the Philippines’ para sa pangangampanya ng mga kandidato ng Daang Patuwad.

*    *    *

Hindi ko alam kung ano ang programa ng PEN Philippines sa Nobyembre 15. Pero bilang pakikiisa sa Day of the Imprisoned Writer, tinatawagan ang lahat na mag-post sa FB at Twitter, mag-blog, at magsulat ng open letter, tula, o artikulo bilang suporta sa mga nakakulong na manggagawang pangkultura.


Featured Photo: Jo A. Santos

Mensahe ni Luis Antonio Cardinal Tagle sa #Manilakbayan2015

$
0
0
FB_IMG_1447198159335

Cardinal Tagle, kasama si Aida Seisa, biktima ng tangkang pamamaslang sa kanyang buhay sa Paquibato, Davao City na ikinamatay ng tatling katao. Kathy Yamzon

 Mensaheng binasa si Cardinal Tagle sa mabilisang presscon sa kampuhan ng mga Lumad at mga Mindanaoan nitong Nob. 11, 2015

Nakakalungkot at nakakabagabag ang mga nangyayari sa ating mga kapatid na katutubo sa Mindanao. May ilan na sa kanila ang namatay at pinaslang. Marami na ang napilitang lumikas at iwanan ang kanilang mga tahanan at lupain ng kanilang mga ninuno. Nawala ang kanilang kabuhayan. Natigil ang pag-aaral ng mga bata. Higit na nahirapan ang mga matatanda, mga may karamdaman, mga bata at kababaihan. Sinira ang kalikasan. Umiral ang kaguluhan, ang karahasan, ang kawalang katarungan sa kanilang pamayanan.

Winika ni Hesus na ang gawin o hindi natin gawin para sa “pinakahamak nating mga kapatid” ay ginagawa o hindi ginagawa para sa kanya (cf. Mt 25: 40, 45). Kaya nga, sa nangyayari sa ating mga kapatid na lumad sa Mindanao, kinakailangan tayong tumugon at kumilos.

Nananawagan kami, unang-una, sa ating mga pinuno sa pamahalaan. Pairalin sana nila ang kapayapaan. Nangangahulugan ito ng paglisan ng hukbong militar sa lugar ng ating mga kapatid na katutubo, at gayundin sa pagbuwag at pag-alis ng armas ng mga grupong paramilitar. Nananawagan kami kapwa sa militar at sa NDF, na gawing “peace zones” ang lugar ng ating mga kapatid na katutubo. Ikalawa, humihingi kami ng tulong para sa kapatid nating mga lumad na napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan, at ngayo’y nasa mga “evacuation areas”. Nangangailangan sila, higit sa lahay, ng pagkain, gamot, malasakit at pag-unawa. Tulungan natin sila. Gawin rin sana natin anglahat ng magagawa para makabalik sila sa kanilang tahanan at lupain, at mabuhay doon nang ligtas at matiwasay. Ikatlo, umiral sana ang kaarungan at mapanagot ng mga kinauukulan ang mga nagkasala at pumatay sa mga pinuno ng ating mga kapatid na katutubo.

Kinakailangan nating lahat na umupo, mag-usap, at magtulungan upang tunay nating mabigyang-lunas ang kalagayan ng ating mga kapatid na katutubo sa Mindanao. Mayroon tayong lahat na naging pagkukulang at kasalanan sa nangyari sa ating mga kapatid na lumad. Ngunit katulad nga ng ipinagpaalala sa atin ni Papa Francisco, sa kanyang pagtalaga sa darating na taon bilang taon ng “habag at awa”, binibigyan tayo ng pagkakataon na magsisi at magbago. Sa tulong at awa ng Diyos, na siyang tunay na nagpapanibago sa lahat, pagsumikapan sana natin na ituwid ang pagkakamali, isaayos ang lahat, at pairalin ang kapayapaan.

 

+Luis Antonio G. Cardinal Tagle
Arsobispo ng Maynila
Ika-10 ng Nobyembre 2015


 


Protesta ng #APECtado

$
0
0
Dibuho ni Tarik Garcia

Dibuho ni Tarik Garcia

Kung alam na ng marami ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC)–ito’y dahil sa idineklara ni Pangulong Aquino na walang pasok sa Metro Manila sa Nobyembre 17 hanggang 20. Ito’y dahil lalong tumindi pa ang matindi nang trapik sa EDSA at iba pang kalsada dahil sa “APEC lanes” at road closures na itinakda ng gobyerno para mapadali ang biyahe ng mga delegado ng APEC–sa kapahamakan ng ordinaryong mga komyuter.

Apat na araw na namang walang sasahurin ang mga arawang manggagawa at kontraktuwal. Problema na naman ng mga magulang na walang pasok ang mga anak. Pinalayas na naman ang mga maralita, tindero at pulubi para linisin ang mga kalsada at bangketa. Daan-daang flights ang kinansela sa Ninoy Aquino International Airport at ang laksang overseas Filipino workers (OFW) na umuuwi sa panahong ito ay pinabababa sa Clark International Airport. Higit pa, P10-Bilyon ang gagastusin mula sa kaban ng bayan para sa okasyong ito — pondong kailangan para maibangon sana ang mga sinalanta ng delubyo tulad ng Lando at Yolanda.

Masahol pa, higit dalawang dekada nang pinapahina, nilulumpo at pinapatay ng APEC ang ekonomiya ng Pilipinas.

May 20 taon na nang unang idinaos ang APEC sa Pilipinas. Panahon ng rehimeng Ramos nang ibandila ng APEC ang patakarang “globalisasyon”. Ang ibig lang pa lang sabihi’y tanggalin ng mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas ang lahat ng sagka o balakid para malayang makapasok ang dayuhang puhunan at kalakal sa bansa. Sumunod sa timetable ang Pilipinas para lubusang maipatupad ang mga patakarang liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon.

Walang nakaligtas sa pagdistrungka ng ekonomiya tulad ng pagpako ng sahod, pagtaas ng buwis, presyo ng mga bilihin at serbisyo, pagpapalaki ng disempleyo, ibayong pagluluwas ng lakas paggawa, pribelihyo para sa dayuhang namumuhunan habang ginigipit ang negosyong Pilipino, pandarambong, pangangamkam, at iba pa.

One of two covers of PW special issue on APEC and Northern Luzon.

One of two covers of PW special issue on APEC and Northern Luzon.

Mula noon hanggang sa rehimeng Aquino, dinanas ng sambayanan ang hagupit ng pagpapakatuta ng gobyernong Pilipino. Hindi “pag-unlad ng lahat” (inclusive growth) ang naganap kundi ang pag-unlad ng mas marami pang bilyonaryo sa bansa.

Bagaman isang forum ang APEC, at hindi obligasyon ng 21 miyembrong bansa na sumunod sa anumang kasunduan, dito inilalako at hinuhulma ang pagsunod ng mga tutang rehimen sa mga imperyalistang pakana. Lubhang pinapahalagahan ang APEC kung kaya’t sa dulong pulong nito, sa tawag na economic leaders’ meeting, ay dumadalo ang mga kinatawan ng mga punong imperyalista sa mundo tulad nina Barack Obama ng US, Shinzo Abe ng Japan at Xi Jinping ng China.

Gayumpaman, tinitiyak ng US na ito pa rin ang maghahari sa Asya Pasipiko — sa ekonomiya, pulitika at militar — at sinasawata ang paglakas noon ng Japan, at ngayon naman ng China at Russia.

Tuluy-tuloy ang pagwasak sa mahihinang ekonomiya sa APEC 2015. Nasa adyenda ang paglimita sa mga bansang tulad ng Pilipinas sa “knowledge-based industries” tulad ng call centers at pag-engganyo, gayong bumabagsak ang pandaigdigang palengke, sa maliliit na industriya na mag-export. Lalong inilalayo ang Pilipinas sa landas ng industriyalisasyon habang ibinubukas ang anumang natitira sa ekonomiya sa pandarambong ng mga imperyalista.

Kaya hindi puwedeng palampasin ang APEC nang hindi pinauulanan ng protesta ng mga mamamayan sa iba’t ibang dako ng kapuluan, at maging sa ibang bansa. Naghahanda para rito ang International League of Peoples’ Struggle, isang anti-imperyalistang alyansa na nagdaos ng ikalimang asembleya sa Pilipinas bago ang APEC.

Nariyan din ang may 800 Lumad na naglakbay mula Mindanao para tutulan ang mga dayuhang minahan at plantasyon na siyang tunay na dahilan kung bakit sila pinapatay, sinusupil, at pinapalayas sa komunidad. May ilan daan ding katutubo mula sa Hilagang Luzon na lumahok sa protesta sa ganito ring dahilan. Nariyan din ang mga katutubo, magsasaka at manggagawa ng Gitnang Luzon at Timog Katagalugan na nasa Kamaynilaan para makilahok sa protesta.

Hindi pa, kabilang rito ang iba’t ibang sektor ng lipunan — mga manggagawa’t magsasaka, propesyunal at kawani, kabataan, kababaihan, maralitang lunsod, at iba pa — na naghirap at nagdusa sa mga patakarang imperyalista. Hindi rin pahuhuli ang mga migranteng Pilipino na dobleng inaapi ng mga patakaran ng sariling gobyerno at ng mga gobyerno ng ibang bansa.

Sa ilalim ng People’s Campaign Against APEC and Imperialist Globalization, sinasalubong ng malakas na kilusang masa ang APEC. Sa kalagayan pang may isanlibong foreign media ngayon para ikober ang APEC, maipapamalas ng lahat ng APECtado sa buong mundo na matibay ang kapasyahan ng mga Pilipino na ipagtanggol at ipaglaban ang kapakanan ng bayan laban sa pagsasamantala ng dayuhan.


 

Ampatuan massacre, a grim symbol of reigning impunity under Aquino

$
0
0

ampatuan-massacre-ffm-13

 

It is Pres. Benigno Aquino III’s last year in office but justice remains elusive for the victims of Ampatuan massacre. No perpetrator has been convicted, the victims still cry for justice. Aquino’s vow six years ago to immediately resolve the gruesome massacre has become a hollow promise: the culture of impunity and sheer lack of accountability continues to reign under his administration.

The Ampatuan massacre, considered as the single most violent incident in the history of Philippine media, claimed the lives of 58 people including 32 journalists on November 23, 2009. The case against the alleged masterminds, the Ampatuan warlord clan, moves painfully slow.

The court case, after six years, is still at its preliminary stage at gathering evidence and bail proceedings. One of the primary suspects, Ampatuan patriarch, former governor Andal Ampatuan Sr. died early this year of liver cancer, extinguishing his criminal liability in the massacre case. Another suspect, Sajid Ampatuan, was released and is free to run in the 2016 polls. Majority of the suspects including members of the clan’s private army and several police officers are still at large or were granted bail.

The gross failure of government to swiftly bring justice to the victims and end impunity continues to cultivate a dangerous atmosphere for Filipinos, media worker or not. After the Ampatuan massacre, the killing of journalists persists under Aquino’s term. The recent killing of DWIZ correspondent Jose Bernardo brings the total number of murdered journalists to 30 under the Aquino administration and 150 since 1986.

Extrajudicial killings of political activists, human rights defenders, indigenous people, and community leaders continue. Threats and harassment on state critics are intensifying. All these are a bleak reminder of the escalating impunity in the country and the ineptness of government that breeds it.

Six years is enough. The Ampatuan massacre is a pivotal issue in the people’s struggle against growing impunity. Another day of delay in bringing justice to the 58 victims is another license for greater human rights violations and unaccountability in the country. The Aquino government should heed the people’s demand for justice and resolve the Ampatuan massacre now, together with all the cases of extrajudicial killing and human rights violations.

Accountability for these murders, for political repression, the absence of justice, and the persisting culture of impunity are all the responsibility of the President and the State.


The piece is a pooled editorial of Altermidya, a network of alternative media groups and practitioners in the Philippines.

 

Tula | Ave, Ave Pater Patrum

$
0
0

giovanni battista montini
servus servorum dei
nang iluwa ka ng alitalia
mga magnanakaw naghaleluya
viva! viva! viva il papa!
hosanna in excelsis
benedictus qui venit
in nomine domini
diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa
patawarin ang anak mong nagkasala
mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa
nang sa kanto’y magdaan ang santo papa
ako po’y nasa kubeta
nagbebendita’t nagdaraos ng sariling misa
ave, ave, pater patrum
inodoro’y nagkumunyon
nangumpisal pa sa poon.

ave, ave, birheng maria
ipanalangin ang anak mong nagkasala
mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa
ni hindi ko man lang nakita
ang tiara ng santo papa
nang magpunta siya sa luneta at magmisa
ako po’y umiinom ng hinebra
sa restawran ni san da wong sa ermita
diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa
ako po’y huwag bulagin ng mga kalmen at estampita
habang ang kandila’y bangkay
na naagnas sa bawat kandelabra
kahit ako po’y di lumuhod sa santo papa
nakita ko naman ang kanyang anghel de la guardia
sa bote ng la tondena
michaelem archangelum
nakaamba kumikislap na espada
sa plato ng espagheting piccolinong
may bendita ng ketsap papa.

ave, ave, pater patrum
ako po’y nagugutom
sitsiritsit alibangbang
salaginto’t salagubang
bawat oras, bawat araw
kampana’y kumakalembang
sit laus plena, sit sonora
sit jucunda, sit decora
mag-antanda at magdasal
ave, ave, ave maria!
ang pari’y nagbibilang ng pilak sa sakristiya
diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa!
ipinalangin kaluluwa ng anak mong nagkasala
mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa
krusipiho at rosaryo’y ipinanguya ko sa basura.

santo papa, santo papa
puto seko’t puto maya
inuuod ang kumbento’t mga mongha
bawat santo’y nakanganga sa isusubong ostia
ave, ave, pater patrum
kalyehon ko’y inaagiw
barungbarong at estero’y nakatanghod
sa kopita’t kandelabra
araro ko’y nakapangaw sa tumana
armalite ay umaawit sa candaba
ave, ave, ave maria!
quod in carnem transit panis
et vinum in sanguinem
quod non capis
quod non vides
animosa firmat fides
diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa
kagabi, santo papa
ang utak ko’y talahib na naglagablab
at nagsayaw ang mga alitaptap!


May pakinabang ba sa OWWA?

$
0
0
oopDear Kuya Garry,
Magandang araw po sa inyo. Nawa’y mabasa niyo po ang sulat kong ito nang nasa maayos kayong kalusugan at kalagayan.
Ako po ay matagal nang OFW (overseas Filipino worker) sa Middle East. Mahigit 15 taon na po akong nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi po ako kahit kailan pumalya o lumiban sa pagbabayad ng US$25 kontribusyon sa OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) sa tuwing umuuwi ako sa Pilipinas, dahil na rin po rekisito ito sa Balik Manggagawa ng programa ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Tanong ko lang po, bilang member ng OWWA nang 15 taon, may benepisyo po ba akong matatanggap or makukuha man lamang sa laki po ng akin naibigay sa kanila? Saan po ba napupunta ang aking kontribusyon?
Maraming salamat po sa inyong tugon.
Patricia

Dear Patricia,

Maraming salamat sa iyong sulat at sa pagtitiwala sa Migrante. Katulad mo ang marami nating kababayan sa ibang bansa na umaasang may mga benepisyo silang matatanggap mula sa OWWA. Tinatayang nasa mahigit P25 Bilyon na ang pondo ng OWWA, kabilang ang assets at investments, mula sa mga sinisingil na kontribusyon mula sa mga OFW. Patuloy itong lumalaki kada taon.

Ang OWWA ay ang pangunahing ahensiya sa ilalim ng Department of Labor and Employment na may mandatong pangalagaan ang interes at isulong ng kagalingan ng mga OFW. May tungkulin itong maghatid ng nararapat na serbisyo at benepisyo sa mga OFW at pangalagaan at palaguin ang pondo nito, anuman ang status.

Pero sa ilalim ng OWWA Board Resolution No. 138 o ang OWWA Omnibus Polices (OOP) na ipinatupad noong Setyembre 19, 2003, natransporma ang OWWA bilang membership welfare institution na lamang (para na lang sa mga “aktibong” miyembro) at tinanggal ang mga benepisyo at serbisyong dati-rati’y ibinibigay sa mga OFW. Ilan sa mga tinanggal na serbisyo ay ang medical assistance mula sa Medicare (inilipat sa Philhealth na binabayaran din ng mga OFW), general financial assistance, legal assistance program at repatriation program.

Malaon nang idineklarang kontra-migrante ang OOP. Para sa migrante, isa na lamang itong iskema para na naman pagkakitaan ang mga OFW gayong wala namang serbisyo at proteksyong ibinibigay sa kanila. Labag ito sa konstitusyonal na mandato ng OWWA at matagal na nating ipinababasura.

Ayon sa batas, dapat na magbigay ng total coverage ang OWWA sa LAHAT ng migranteng Pilipino. Kaya naman iginigiit ang Migrante na tanggalin at ipawalambisa ang kautusan sa loob ng OOP na naglilimita sa mga benepisyo sa mga “aktibong” miyembro lang, o yaong mga nakapaghulog lamang kada kontrata. Para sa Migrante, basta’t nakapaghulog na ng isang beses sa OWWA, dapat ay lifetime membership na ito. Gayundin, patuloy ang panawagan nating ibalik ang mga tinanggal na benepisyo at serbisyo sa bisa ng OOP.

Gayumpaman, sa kasalukuyan, hinihikayat pa rin ng Migrante ang lahat ng mga OFW na igiit ang kanilang mga karapatan at benepisyo mula sa OWWA. Ito ay dahil para sa atin ito. Marapat lang na mapakinabangan natin ang mga benepisyo at serbisyong para talaga sa atin.

Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: social benefits, education and training benefits, workers’ welfare assistance program, repatriation program at reintegration program (Balik Pinas). Iisa-isahin pa natin ang mga benepisyong ito at kung anu-ano ang dapat igiit ng ating mga OFW sa mga susunod na labas ng ating kolum. Maaari ring kontakin ang aming hotline, 0921-2709079, kung mayroong mga katanungan o paglilinaw.

Nanatili ang paninindigan ng Migrante na habang wasto lang na hilingin natin ang mga benepisyo at serbisyo na iniaalok ng OWWA sa kasalukuyan, kailangang mulat nating itulak ang pagpapabasura sa OOP tungo sa komprehensibo at epektibong mga serbisyo’t benepisyo. Kailangang suriin natin kung ano ang mga mali, diskriminatibo at di-epektibong mga programa nito at maghapag ng mga alternatibong programa na sa ating pananaw ay nakasasapat at epektibo. Kailangang malakas nating maipanawagan ang pagpapabasura sa kontra-migranteng OOP.

Kuya Garry


Dear Migrante ang bagong kolum ng Migrante International, sa pangunguna ni Garry Martinez, na nagbibigay ng payo sa samu’t saring problemang kinakaharap ngayon ng mga migranteng Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo. 

 

Ang Kalaban ng Bayan sa 2016

$
0
0

Noong eleksyong 2010, sinikap ng Kaliwa, sa abot ng makakaya nito, na ang kampanya sa eleksyon ay maging tungkol sa pagpapatalsik sa kinasusuklamang pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo. Ibig sabihin, pagkondena sa kanyang matitinding krimen sa sambayanan at mga patakarang kontra-maralita, at paghadlang sa pagtatangka niyang magpatuloy sa kapangyarihan sa pamamagitan man ng Charter Change o pagluklok sa inendorso niyang si Gilbert Teodoro.

Mahalaga ang pariralang “sa abot ng makakaya” sa itaas, dahil hawak naman talaga ang eleksyon ng malalaking kapitalista at haciendero na sunud-sunuran sa US, at sekundaryang larangan lang ito ng pakikibaka para sa Kaliwa. Alam natin ang aktwal na nangyari: biglang namatay si dating Pang. Cory Aquino at ang pagluluksa sa pagkamatay niya ay naging pagsasakdal-protesta laban kay Arroyo. Sa ganitong kalagayan nagdeklarang tatakbo sa pagkapangulo ang anak niyang si Noynoy. Nagkaisa ang pinakamalalaking kapitalista at haciendero sa pagsuporta sa kanya at, gamit ang kanilang midya, inilarawan siya na tunay na kalaban ni Arroyo.

Sinikap ng Kaliwa na makipag-ugnayan sa batang Aquino para sa posibleng pakikipagtulungan, pero todong tumanggi ito. Sinisikap pa noon ng kampo niya na baligtarin, at palabasing ang Kaliwa ang galit at ayaw makipag-usap sa kanya. Pero limang taon pagkatapos, ngayon, malinaw na kung sino ang malalim ang galit kanino. Malinaw kung sino ang tumangging makipag-usap kanino at sumabotahe pa nga kahit sa matagal nang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at ng gobyerno.

Sa ganitong kalagayan, sinuportahan ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan o Makabayan ang isa sa mga nangungunang kandidato noon sa pagkapangulo, si Manny Villar. Ang lantad na batayan: pagkakaisa sa plataporma. Pero malinaw na para sa Makabayan, nasa balangkas ito ng pagtapos sa paghahari ni Arroyo at pagpreno man lang sa mga patakaran niya, na pawang mapaminsala sa nakakarami.

Anu’t anuman, dahil si Villar ang nangungunang kalaban noon, pinuntirya siya ng makapangyarihang makinaryang pampropaganda ni Aquino, at pinalabas na siya ang lihim na kandidato ni Arroyo – kaya “Villarroyo.” Kaakibat nito, kinutya ang Makabayan, at ang buong Kaliwa, ng mga propagandista ni Aquino na napasubo sa pagsuporta sa kandidato ni Arroyo, kundi man, hindi na kinilabutan, aktwal na kasabwat ng huli.

Nakatala sa kasaysayan ang pagsisikap ng Makabayan at Kaliwa na hikayatin-itulak si Villar na magsalita laban kay Arroyo, para pasinungalingan ang akusasyon, pero masyado nang huli at masyadong mahina ang ginawa niyang pagtuligsa. Sa dulo, hindi man naniwala ang Kaliwa na si Villar ang lihim na kandidato ni Arroyo, ito mismo ang nagsabing isa iyan sa mga dahilan kung bakit siya natalo – ang pagtanggi niyang tuligsain si Arroyo.

Nagawang angkinin ni Aquino, na huli at bahagya lang lumaban kay Arroyo, ang pakikibaka laban dito. Mula sa ganitong pag-angkin, inatake niya ang kandidato sa pagkapangulo na inendorso ng Makabayan, at ang Kaliwa mismo. Sa kabila iyan ng katotohanan na ang Kaliwa ang pinakamaaga at pinakapursigidong lumaban kay Arroyo, magiting na humarap sa pinakamarurumi at pinakamatitinding atake nito tulad ng ekstrahudisyal na pagpaslang, militarisasyon at mga paglabag sa karapatang pantao. Sa paglaban sa rehimeng Arroyo, hindi lang matatalim na salita kundi puspusang pakikibaka ang ginawa ng Kaliwa, buhay man ay ialay.

"Koalisyong

Koalisyong Makabayan at si Neri Colmenares: patuloy na kumakatawan sa alternatibong pulitika sa bansa. PW FIle Photo/Pher Pasion

Mahalagang magbalik-tanaw sa eleksyong 2010 para linawin ang isa sa mga pangunahing motibo ng Makabayan sa pag-endorso ng kandidato sa pagkapangulo noon – ang mag-ambag sa paglalantad at paglaban sa nakaupong pangulo, paghadlang sa patuloy niyang pananatili sa pwesto, at pagpreno man lang sa pagpapatupad sa kanyang mga patakaran. Natabunan ang motibong ito ng naging takbo ng mga pangyayari sa eleksyong iyun, ngunit mahalagang muling ipakita sa harap ng eleksyong 2016.

Matindi ang labanan ng mga paksyon ng naghaharing uri ngayong eleksyong 2016, dahilan para marami sa kanila, kung hindi man lahat sila, ang manligaw sa suporta ng Makabayan. Maaaring may gampanang malaking papel ang Kaliwa sa halalang ito, at dapat gamitin ng Kaliwa ang naturang papel nang makabuluhan – kahit pa sekundaryang larangan lang ang eleksyon para rito at wala itong ilusyong napakabuti sa maralita at mamamayan ang magiging resulta.

Sa eleksyong 2016, malinaw na ang nakaupong pangulo, at ang inendorso nitong isa sa mga nangungunang kandidato sa pagkapangulo, ang kalaban ng sambayanan at sa gayon ay ng Kaliwa. Wala silang idudulot kundi ang pagpapatindi ng nagaganap na gera kontra-maralita sa ekonomiya at pulitika ng kasalukuyang gobyerno. Isang mayor na hamon at tungkulin sa sambayanan at sa Kaliwa ang iwaksi ang pangulo at ang inendorso niya. Mahalagang idagdag na may potensyal na magtagumpay sa layuning ito ang sambayanan at ang Kaliwa.

Presidential frontrunner, Sen. Grace Poe: Kasangga ng Makabayan sa maraming paninindigan. <b>Jaze Muring Marco</b>

Sen. Grace Poe: Kasangga ng Makabayan sa maraming paninindigan. Jaze Muring Marco

Para sa eleksyong 2016, inendorso na ng Makabayan si Sen. Grace Poe. Na hindi nangangahulugang naging Kaliwa na siya, syempre pa, at ipinapakita iyan ng ilan niyang pahayag. Pero ang batayan, ayon mismo sa Makabayan: “Komitment sa platapormang nagtataguyod ng makabuluhang repormang sosyo-ekonomiko at pulitikal; mabuting rekord bilang lingkod-bayan; at pagiging bukas sa pakikipagtulungan sa mga progresibong pwersa.”

Nakatulong syempre na sa kabila ng nangunguna niyang pwesto sa mga sarbey, malakas na makinarya, at hatak sa iba’t ibang pwersang pampulitika, maagap, bukas at tuluy-tuloy niyang kinausap ang Makabayan para sa iba’t ibang porma ng pagtutulungan. At isa na nga diyan ang pagtakbo ni Neri Colmenares, kandidato sa pagka-senador ng koalisyon, sa kanyang tiket.

Kung matatandaan, niligawan nang todo at napakapubliko ni Aquino si Poe para tumakbong bise-presidente ni Mar Roxas, na siyang inendorso ng pangulo. Pero malinaw at napakapubliko rin, syempre pa, ng naging pagtanggi ni Poe sa alok. Sa kabila iyan ng “guns, goons, gold,” mga sarbey, midya, at iskema ng pandaraya na maaaring maitulong ni Aquino sa kanyang kandidatura. Malinaw na indikasyon ang pagtanggi niya na ang hangad niya ay pagkapangulo, hindi alinmang posisyong mas mababa.

Sa aktwal at potensyal na pakikipagtulungan sa Makabayan, at sa pagbubuo ng platapormang pinagsasaluhan dito, pinag-iba na ni Poe ang sarili kina Aquino at Roxas. Kung itutulak ang lohika ng plataporma, masasabing handa si Poe na pigilan ang ilang mayor na patakaran nina Aquino at Roxas at banggain pa nga ang mga ito: pagbarat sa sahod, pagpiga ng malaking buwis, pagkaltas sa badyet ng mga serbisyong panlipunan, todo-gera sa mga rebeldeng grupo.

Bukod pa diyan, si Prop. Jose Maria Sison ng Kaliwa na rin ang pumansin: “napatunayan na ni Poe ang kanyang katatagan sa Senado sa mga mayor na isyu gaya ng Mamasapano, [PNP chief Alan] Purisima, at ang kapalpakan sa MRT” – na pawang nakaturol kina Aquino at Roxas. Ito aniya ang dahilan kung bakit naging Numero Uno siya sa mga sarbey.

Sa pagdedesisyon ng Second Divison ng Commission on Elections nitong Disyembre 1 na hadlangan si Poe sa pagtakbong pangulo, lalong lumaki ang pagkakahati niya sa pangkatin nina Aquino at Roxas. Hindi naman kailangang maging henyo, bukod pa sa aktwal na ebidensya, para matukoy na ang naturang pangkatin ang nasa likod ng mga kaso ng diskwalipikasyon laban kay Poe. Nagsalita na rin sina Aquino at Roxas na ipinagtatanggol ang desisyon ng Second Division ng Comelec.

Kaya maaasahang lalo pang lalaki ang pagkakahati. Buhong na buhong na si Roxas na matupad ang buong-buhay na pangarap niya na maging pangalawang kapamilya na nailuklok sa Malakanyang. Sa harap ng tuluy-tuloy na mababang ranggo sa mga sarbey at lantad na kawalan ng kahit anong dating sa masa, tiyak na gagawa siya ng maruruming pakana laban sa pangunahin niyang katunggali.

Ang suma-tutal, itinutulak ng mga pangyayari ang pagtampok ng motibo ng Makabayan sa pag-endorso ng kandidato sa pagkapangulo, o kay Poe sa partikular: ang lalong ilantad ang mga patakaran ni Aquino, tapusin ang paghahari niya na tiyak na todo-todong ipapagpatuloy ni Roxas, at ipatigil man lang ang mga patakaran niya na pawang kontra-maralita, kung hindi pa man ibasura ang ilan dito. Walang ilusyon ng malawakang pagbabago o pagtatagumpay ng pakikibaka, kundi tanaw na magkaroon ng ginhawa, kahit pansamantala, para sa sambayanan, at magkamit ng maliit na hakbang pasulong sa pakikibaka.

Sen. Grace Poe: Paglaban para sa foundlings o natagpuang sanggol na walang magulang. <b>Jaze Muring Marco</b>

Sen. Grace Poe: Paglaban para sa foundlings o natagpuang sanggol na walang magulang. Jaze Muring Marco

Kaugnay ng katayuang ligal ng mga kaso laban kay Poe, magandang basahin ang malinaw na tindig ni dating Chief Justice Artemio Panganiban sa dalawa niyang kolum. Aniya, “nagmumula ang natural-born citizenship o pagkamamamayan ni Sen. Poe hindi sa pagkakaampon sa kanya kundi sa katanggap-tanggap sa pangkalahatan na mga prinsipyo ng pandaigdigang batas hinggil sa ipinagpapalagay na pagkamamamayan ng mga foundling o batang napulot.” Sabi pa niya, “naniniwala akong malalampasan ni Sen. Poe ang rekisitong 10-taong paninirahan pagdating ng Araw ng Eleksyon, Mayo 9, 2016.”

Pero, gaya ng maraming bagay sa ating bayan, hindi ang wastong interpretasyon ng batas ang mananaig sa mga kasong diskwalipikasyon laban kay Poe, kundi ang pulitikal na kagustuhan ng mga may hawak ng batas. Kung talagang desperado sina Aquino at Roxas, hahanap at hahanap ang kanilang kampo ng butas para idiskwalipika si Poe nang tuluyan. At talagang desperado na sila.

Ibig sabihin, pulitikal at hindi ligal ang isyung ito. Mas mahalaga ang pampublikong opinyon at pampulitikang presyur kaysa matalas na pagbasa sa batas. Ibig sabihin, ayaw man ni Poe na palakasin ang paglaban kina Roxas at Aquino, ang dalawa na mismo ang nagtutulak sa kanya para gawin iyan mismo.

Mayor Duterte, dinumog ng midya matapos ang pag-anunsiyo ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo. <b>Boy Bagwis</b>

Mayor Duterte, dinumog ng midya matapos ang pag-anunsiyo ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo. Boy Bagwis

Paano naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte? Totoo at walang duda, may mahaba, mahusay at hindi matatawaran siyang rekord ng pakikipagtulungan sa Kaliwa.

Pero hindi nakatulong na huli siyang nagpasya kumpara sa pagpapasya ng Makabayan. Malayo na ang inabot ng pakikipag-usap kay Poe, at sa katunaya’y naideklara na ng Makabayan ang suporta kay Poe, bago siya nagdeklara. Kailangan ding ilinaw na bagamat may mga tindig siya na pareho sa tindig ng Kaliwa, makikita sa mga pahayag niya na hindi purong plataporma ng Kaliwa ang dala niya para tumanggap ng awtomatikong suporta mula rito.

Balita ngayong umaga ang pangunguna niya sa pinakahuling sarbey ng Social Weather Stations na ginawa lima hanggang anim na araw matapos niyang magdeklara ng pagtakbo. Lumalabas na nakatulong sa kanya ang huling pagdedeklara ng kandidatura, at ang walang patid na pagsubaybay rito ng midya. Maaaring mas marami ang nahatak niya kumpara sa mga nanlamig ang suporta bunsod ng pag-uurong-sulong niya sa pagtakbo at huling pagdeklara.

Hindi pa saklaw ng sarbey ang panahong nagpakawala siya ng maraming kontrobersyal na pahayag: tungkol sa pagsugpo sa kriminalidad, pambababae, Simbahang Katoliko at iba pa. Ngayon, malinaw na binawasan na niya ang ganyang mga pahayag. Maaaring nagmumula ito sa pagkilala na ang naturang mga pahayag ay maaaring aliw kapag sinasabi ng isang lokal na pulitiko, pero asiwa para sa marami kapag sinasabi ng isang kandidato sa pagkapangulo.

Sa pangunguna niya sa sarbey, tiyak na papatindihin ang pag-atake sa kanya ng ibang kandidato sa pagkapangulo, pangunahin ang kampo ni Roxas. Tiyak na mauungkat ang samu’t saring isyu laban sa kanya, at dapat niyang labanan nang malakas ang mga ito.

Anu’t anuman, may batayan pa ring maniwala sa pagsusuri ng komentaristang si Inday Espina-Varona, na taliwas sa pahayag ng kampo ni Duterte, wala siyang malaking kakayahang pampinansya. Isang malinaw na ebidensya ang kawalan niya ng tiket ng mga kandidatong senador. Tiyak na may epekto ito sa kakayahan niyang maglunsad ng isang pambansang kampanya.

Gaya ng paulit-ulit na ipinakita ng eleksyon sa Pilipinas, mas mahalaga kumpara sa popularidad sa sarbey sa maagang bahagi ng kampanya ang pagkakaroon ng malakas na kakayahan para sa isang pambansang kampanya. Maaaring ang kawalan niya ng naturang kakayahan ay napagtatakpan ng ingay ng kampanya niya ngayon, pero tiyak na lalabas din paglaon. Posibleng kapusin ng hangin ang kanyang kampanya habang lumalapit ang araw ng eleksyon.

Sa dulo: Tama na si Aquino! Sobra na kung may Roxas pa! Palitan na!

05 Disyembre 2015


 

Viewing all 532 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>